Beware of the typos and grammatically errors. This chapter is not yet edited so bare with me.
Enjoy reading??
*********
Blennise POV
Magandang buhay sainyo my dear readers ako nga pala si Blennise Marky Roda, dalawampung taong gulang, isa akong bakla pero masasabi kong nasa tama akong landas, may pangarap ako at adhikain sa buhay at wala rin sa isip ko na magkaroon muna ng relasyon. Ulilang lubos na ako nang kinse anyos pa lamang ako dahil namatay ang parents ko dahil sa car accident.
Yes tama ang iniisip nyo mayaman kami dati ngunit nawala na lamang lahat ng yaman namin sabay ng pagkawala ng mga magulang ko pagkatapos nun ay napunta ako dito sa isang barrio kong saan ko sinimulan ulit ang bagong buhay. Walang wala ako nang una pero dahil sa adhikain ko na mabuhay at magkaroon ng magandang buhay ay unti unti akong nakabangon mula sa malabangungot kong buhay at ngayon ay nakapagtapos na ako ng pag aaral sa edad na bente anyos.
"Oh apo mag iingat ka don ha" saad sa akin ni nay Pasing habang nagpapaalam ako sa sa kanya dahil ngayong araw ako luluwas ng maynila para pumasok sa inapplyan kong trabaho through online at sa awa ng diyos ay nakuha ako sa trabaho and I'm lucky kasi ang kompanyang napasukan ko ay ang pinakamalaki at pinakatanyag na kompanya sa buong mundo...natanggap ako sa financing department ng kompanya.
"Oo naman po nay, kayo rin po ingat rin po kayo ha teka po asan po ba si Rogue?" saad ko rin sa kanya sabay tanong kasi hindi ko nakita rito sa karinderya nila ang ulupong na iyon si Rogue Romualdez ang apo ni Lola pasing at siya rin ang kaibigan ko magmula pa lamang ng napunta ako dito sa barrio namin.
Gwapo, matangkad, may mapupungay na nga mata at mapupulang labi...maraming mga kababaihan ang nagkakainteres sa kanya pero ni isa ay wala man lang itong pinansin dito naging kaibigan ko siya ng mamasukan ako sa karinderya nila.
Napatawa naman ng bahagya ang matanda bago nagsalita "hahahaha nandoon sa loob ng kwarto niya nagmumukmok dahil daw aalis kana at iiwan mo na siya" natatawa paring saad ni lola.
Ang isip bata talaga ng lalaking iyon nagpaalam muna ako kay Lola pasing para puntahan ito sa loob ng kwarto niya.
Maganda ang bahay nila Lola may kalakihan ito dahil naipundar daw ito ng namatay na asawa ni Lola Pasing ng makarating na ako sa tapat ng kwarto niya ay kumatok ako pero walang sumasagot talagang nagtatampo ang isip batang ito.
Nang pihitin ko ang siradura ay nakabukas ito napangiti ako doon sinadya talagang iwang bukas ang siradora nito dahil magpapasuyo ito at magpapalambing.
Nang makapasok ako sa loob ng kwarto niya ay nakita kong nakadapa ito ng pagkakahiga.
Bumuntong hininga muna ako bago umupo sa gilid ng kama niya saka ko siya tinawag "Rogue? hoy Rogue!" tawag ko sa kanya habang tinatapik tapik ko ang balikat niya pero wala parin itong tugon. Pero alam kong gising ito dahil gumagalaw galaw ang mga daliri nito sa paa.
"Rogue galit ka ba?" tanong ko ulit pero wala parin itong tugon kaya nag akto akong aalis "sige aalis na lang ako" pakunwaring malungkot na saad ko pero di pa man ako nakakatalikod ay may isang kamay nang nakahawak sa wrist ko at nagtagumpay nga ako dahil nakabangon ito ngayon at mataman akong tinitigan.
"Yes I'm mad at you kasi you will leave me kong bakit kasi don ka pa magtatrabaho kong saan malayo at sa syudad pa, eh marami ka namang trabahong makukuha dito" patampong saad ni Rogue close na close kami ng lalaking ito at kahit isip bata siya ay kaibigan ko iyan.
"Haisst ano ka ba uuwi uwi naman ako dito every day off ko no para kang timang jan. Tsaka wag ka ngang isip bata hoy! baluga ka anlaki mong tao napaka isip bata mo" panenermon ko rito at napangiwi lamang ito sa pinagsasasabi ko pero muling sumeryoso ang tingin nito sa akin kaya medyo nakaramdam ako ng ilang.
"Baka kasi makahanap ka ng tisoy doon eh pano na ako" kahit medyo natatawa ako sa tinuran niya ay di ko makuha ang ibig niyang sabihin na paano na siya.
"Ano ka ba naman trabaho ang pupuntahan ko don tsaka na ang mga lalaki na iyan. Ang gusto ko lang ay magkatrabaho at makaipon ng malaki okay" paliwanag ko pa sa kanya.
At hanggang sa maghapon na ay umalis na ako sa kanila para bumyahe na, ang kulit ng mokong na yon. Hindi ko na pinasama sa terminal ng bus ang mokong kasi mag iisip bata na naman iyon don.
Nang makarating ako sa terminal ay kaagad akong sumakay ng bus pamaynila. Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula nang umandar ang bus napabuntong hininga na lamang ako dahil sa kaba hindi lamang sa trabaho kundi dahil luluwas ako ng maynila, isang syudad na malaki at punong puno ng ibat ibang mga tao.
Saktong alas sais ng gabi ay nakarating na ako sa apartment na nakita ko sa internet online tinawagan ko ang numerong nakadikit sa may pintuan at kaagad namang may sumagot rito "hello po ako nga po pala si Blennise ang uupa po sa apartment ninyo" saad ko sa kabilang linya at sinabi naman nito na papunta na daw ito.
Hindi naman nagtagal ang may ari at kaagad kaming nag usap tungkol sa upa at iba pang bayarin. Nagcash advance ako sa kanya ng 3000 para sa loob ng dalawang buwan naipon ko iyon sa pagpapart time habang nag aaral ako.
Kaagad ding umalis ang may ari at ibinigay sa akin ang susi. Pumasok ako sa loob ng apartment at kompleto naman ito sa gamit may maliit na cr at may isang kwarto. Tsaka meron ding kusina at sala kaya kaagad akong pumunta sa loob ng kwarto ko para magligpit ng mga damit ko at mga gamit.
Nang matapos kong ligpitin ang mga gamit ko ay natapos ako ng bandang alas otso nang gabi at napagpasyahang matulog na dahil kumain na ako kanina ng tanghalian humiga na ako at nagisip isip.
Bukas ay sisimulan ko na ang pakikibaka sa buhay, ang buhay may trabaho at sana magtagal ako sa trabaho ko.
At don na ako dinalaw ng antok.