Chapter 2

1124 Words
Knight POV *click* *click* click* Tunog ng camera habang kinukuhanan ako ng picture na suot ang mga bagong designs na ilalaunch ng kompanya namin this season. "Good take Mr. Venoché such a beautiful captured photos siguradong papatok na naman itong mga bagong designs na ilalabas ng kompanya nyo lalo na dahil kayo ang model" papuri saakin ng photographer pagkatapos niya akong mapicturan. "I know right. I am confident naman na papatok ito sa madla kaya nga I'm proud that I am the one who models it" taas noo at confident kong saad rin sa kanya. Ngumiti na lamang ito at tumungo naman ako sa dressing room ko habang nakasunod saakin ang assistant ko. "May mga nakascheduled meetings ba ako ngayon?" tanong ko sa assistant ko habang naglalakad kami patungong dressing room. "Yes sir you have 3 meetings. This lunch time po ay may meeting kayo ni Mr. Yurihamuto about sa mga fabrics and silks na idedeliver sa atin and sa afternoon po ay may business meeting kayo sa Fujitso company and sa Toshiba company" saad ng assistant ko saakin. "Okay I will meet them all" simpleng saad ko at nang makarating na kami sa loob ng dressing room ko ay kaagad na ibinigay saakin ng assistant ko ang coat na pamalit ko well the name of my assistant is Lee and yes he's a boy. Pumunta na ako sa banyo para magpalit well first of all I am the great of all the great, I am the famous of the famous. I am Arthuro Knight Venoché, I am 22 years old and I have a company the VenochStarline Company. In my 5 years of handling my business ay masasabi kong mas lalo ko itong napalago and I'm proud of where I am now. Aaminin ko I am an eccentric person because in my own perception in life ay wala nang mas hahalaga pa kundi ang sarili ko. I don't even know how to love and how to give importance to others because even me I didn't experience how to be important. Pagkatapos kong magbihis ay kaagad akong pumunta sa parking lot at nakasunod lang Magi saakin ang assistant ko pagkarating namin sa parking lot ay kaagad akong pinagbuksan ng pinto ng assistant ko. Well Lee works for me for almost 3 years and I can say that he has the sense of responsibility and initiative. "Ahmm sir tumawag pala po saakin si Sir Matt ay uuwi na daw po siya next week and he want na kasama daw po kayo sa susundo sakanya" saad ni Lee saakin habang nagmamaneho siya. "Tsk that motherfucker. Hindi niya ba alam na busy ako sa trabaho " saad ko naman with a sarcastic tone. Well, I know your wondering if who is Matt. He's my friend since college days and hanggang ngayon din. He's also a model and kakatapos lang ng kontrata niya doon sa States and he decided na dito na lamang ituloy ang career and he's reason is sawa na daw siya sa mga kana. Fuck him Hindi parin nagbabago. Such a dumbass motherfucker. Hindi na lamang ako sumagot well wala naman akong magagawa. Tumuloy na ako sa meeting place namin ni Mr. Yurihamuto. Blennise POV Hayyyyssss "manila here I am" saad ko nang makatungtong na ako sa kalasada ng maynila masyado parin akong namamangha sa maynila pang ilang beses ko palang kasi nakakapunta dito and I know mahaba habang adjustment ang gagawin ko dito. Kaagad kong binitbit ang mga bagahe ko at nag abang ng taxi. Nang may dumaang taxi ay pinara ko ito at sinabi kong saan ako ihahatid. Lumipas ang mga 20 minutos ay nakarating na kami sa apartment na nakita ko sa internet. Nagbayad na ako kay manong at kumatok sa pinto at kaagad naman itong nagbukas at bumungad saakin ang babaeng nasa mid40's na ang tanda. "Ikaw ba si Blennise?" Tanong nito saakin. "Opo ako nga po. Ako po yung nagpareserve nitong apartment at magrerenta po" saad ko naman at tiningnan naman ako nito ng maigi. "Hali kana muna sa loob kasi mainit sa labas " saad naman nito at tinulungan niya akong magbuhat ng mga bagahe ko. Nang makaupo na kami sa sofa ay nagsalita ulit ito. "Ako nga pala si Nelia, Aling Nelia na lamang ang itawag mo saakin alam mo na naman siguro kong ilan ang renta dito ano?" tanong nito saakin at tumango naman ako "opo heto po ang advance at paunang bayad para sa dalawang buwan" abot ko sa kanya ng pera na ilang taon kong pinag ipunan. "Okay basta buwan buwan ang hulog ng renta. Dyan lang ako nakatira dalawang kanto mula rito" saad niya saakin at tumayo na "oh sya aalis na ako tumawag ka na lamang kong may problema ka dito ha " tumango na lamang ako at tiningnan itong lumabas sa pinto. Kaagad kong inilibot ang tingin sa buong apartment. Tama lang ang laki niya nakaayos ang sala may sofa at center table at may TV pa. Pumunta naman ako sa kusina maayos na nakasalansan ang mga kagamitan buo ang mga gamit na nandito. Tumungo ako sa kwarto ko at nakita kong bagong pintura ito. Kulay puti ang pintura nito at may isang kama at bedsheet. Kaagad kong iniligpit sa kabinet ang mga damit ko ay iniayos ang mga kagamitan ko sa kwarto. Nang matapos akong magligpit ay naglinis muna ako ng mga kalat ko hindi ko na kaylangang linisin ang buong bahay dahil bagong linis pa lamang ito. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Rogue ang tumatawag. Kaagad akong napangiti dahil hindi parin nawawala ang tampo nito saakin batang isip talaga ang lalaking iyon. "Oh bakit?" walang gana kong tanong sa kanya. "Ano ba yan wala man lang hi o hello kamusta ka jan?" tanong nito saakin. "Okay naman po heto at nag aayos ng mga gamit. Kayo ba dyan? si Lola Pasing?" tanong ko rin sa kanya. "Ayos naman si Lola pero ako hindi. Hindi na kita makikita araw araw eh" may bahid na lungkot sa boses niya. "Ano ka ba naman kolokoy ka kala mo naman di ako bibisita dyan. Bibisita bisita naman ako pag Christmas and New Year dyan no" saad ko pa sa kanya kala mo naman kasi nangibang bansa ako sa ka-oahan. "Sige na muna ha maliligo muna ako. Kakatapos ko palang kasing magligpit ng mga gamit ko" saad ko sa kanya kasi nanlalagkit na rin ako. "Okay sige ingat ka lagi dyan" saad pa nito at napangiti naman lamang ako ang sweet lang ng kolokoy "opo kayo din dyan" tugon ko sa kanya at binaba na ang tawag. Kinuha ko na ang towel ko at nagpuntang banyo. Tomorrow is my first day in work and I hope maging mabait saakin ang kapalaran..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD