“s**t, Cala…” ungol ni Primo.
The next thing I knew, he was untangling my bun that I struggled to put up this morning.
Tinampal ko kaagad ang kaniyang kamay at inilagay ito sa aking dibdib. With a much louder groan, his hands groped me like an overeager octopus. Hinawakan ko ang kaniyang kwelyo habang naghahalikan kami.
“Babe. Cala…”
Sinubukan kong hindi pakinggan ang mga sigaw ni Conan sa labas. Nagpapaturo na naman siguro ng basketball sa mga higher batch kahit na lagi naman siyang binabangko kung hindi taga-pulot ng bola.
Bumaba ang mga kamay ni Primo sa harapan ng aking blouse. Ang kaniyang bibig naman ay lumipat sa aking leeg. Overall, my neck felt like it was being sucked by a teething baby.
“Ouch! Primo!” Tinulak ko ang mukha niya.
Gulo-gulo ang kanyang buhok at pulang-pula ang mga tainga. Ang mga labi naman ay kulay pink na dahil nahaluan ng shade ng aking lip gloss.
“S-Sorry!” Itinaas ni Primo ang dalawang kamay.
He then dove his head once more. Sa sobrang bagal ng halik namin ay para bang nakikipaghalikan ako sa patay. Bukas na bukas ang mga mata ko at inuusisa ang mga nangyayari sa labas.
Mali ba na sinagot ko si Primo? Dapat ba ay ang higher batch na si Roman?
Balita ko ngayon sa kaniya ay may bago na raw nililigawan sa lower batch. I should have listened to Amaranth that older boys were much greater kissers.
Para bang narinig ng langit ang mga dalangin ko dahil biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang Beatus na kalas ang mga butones ng polo. Nakalitaw tuloy iyong puting shirt niya na ang dumi-dumi.
“Cala! Someone is looking for you!” he announced unabashedly.
“D-Dude! What the f**k is your problem?!” Kumalas kaagad si Primo at mabilis na kinuha ang aking bag… na siyang itinapal sa kaniyang tumatayong slacks!
“Hoy! That’s Birkin!” sigaw ko at mabilis na hinablot ang aking kawawang bag.
Pulang-pula ang mukha ni Primo nang tumayo, wala man lang paalam.
“Sorry for the inconvenience!” ani Bee sabay baling sa akin. “Someone is looking for you, Cala.”
Inalis ko ang tingin sa pinto kung saan nagmamadaling naglaho si Primo. Umikot ang aking mga mata.
Great! There goes my second boyfriend of the month!
Mas lalo lang umigting ang paniniwala ko na sana nga ay si Roman na lang ang sinagot ko noong sabay silang nanligaw. Mas matanda ito at mas maganda ang hubog ng katawan. Kaya baka mas magaling humalik!
Outside, Conan was still waiting for the senior varsity team to at least let him hold the ball. Nagmumukha na siyang tanga sa bangkuan. Sa kabilang banda naman, si Roman na kahit pawis na pawis ay mukhang presko pa rin.
Naghiyawan ang aking mga classmate sa gilid. Girls swooned over Roman, the cold and mysterious senior, na siyang captain ball ng basketball team.
“Who is it? Nakita mo na ngang busy ako, hindi ba?!” Inikutan ko ng mga mata si Bee.
Sinimulan ko na ang pag-aayos sa sarili. Masyadong galawgaw si Primo kanina at pati ang skirt ko tuloy ay halos tanggal na!
Ang balitang siya raw ang pinakamagaling na humalik sa batch namin ang siyang bumigo sa akin. I gave him the benefit of the doubt and here I was, disappointed and horny as hell.
“Don’t know,” bored na kibit-balikat ni Bee.
Umirap ako ulit at inayos naman ngayon ang aking bag. Pinagpag ko ang harapan dahil kung saan-saan pa sinayad ng walang hiyang si Primo.
“Let’s go!” tawag ko kay Bee nang makitang tulala ito sa bintana.
Nakita kong tinanggal niya ang tingin sa natatanging babaeng hindi nakikisigaw sa court. The rest was like screaming banshees. Kung gusto man nilang mawasak ang mga voice box nila ay tawagin lang nila si Primo dahil hihigupin niyang lahat iyon.
Limang minuto makalipas ay naglalakad na kami ni Bee sa hallway. Kung hindi lumilihis ang mga schoolmate ko ay iniipit na lamang ang mga sarili sa pader. Girls looked at me distastefully but no one had the courage to throw even a single whisper. Taas-noo akong naglakad, hindi alintana na bukas ang nauunang dalawang butones ng blouse.
“C-Cala, ito na nga pala ang article mo. Na-proofread ko na…” Lumapit ang isang nanginginig na estudyante.
Kung hindi pa niya inabot sa akin ang aking isinulat na artikulo ay baka hindi ko natandaang isa nga pala ito sa mga miyembro ng aming newspaper club.
I raised my brow at the nerd.
“S-Sabi ni Orion ay kailangan mo pa raw ng isa-”
“Ano? Isn’t this enough?”
“K-Kasi-”
“Out! Out of my sight!” My hand stretched as my perfectly manicured forefinger pointed to the exit.
Nagtatakbo ang kawawang kasapi ng club. Hinilot ko ang sentido.
Si Bee ay napanguso lamang. Ilang gabi ko pa namang pinagtuunan ng pansin ang article ko pagkatapos ay kailangan ng isa pa?
Ang ibig sabihin lang noon ay hindi pa ito sapat para kay Orion, our editor-in-chief and my cousin. Siya lang kasi ang may lakas ng loob na ibalik ang mga article ko dahil kadugo. Kung hindi ay baka nakatikim na rin sa akin.
“Lihis!” iritado kong sigaw sa padaan-daang mga classmate sa hallway.
Malamig ang simoy ng hangin sa labas. Unang tapak pa lang ay natatanaw na kaagad ang maliit na chapel ng campus at ang mga naglalakad na estudyante patungo rito. In front of the Senior High Building was the fields where no one bothered to play or train because of the blistering sun.
“There!” duro ni Bee sa nakaparada naming sasakyan. “Hi, mister!”
The car that was supposed to be waiting for me in the parking lot was already there. Hindi lamang ito nagbago ng pwesto ngunit trenta minutos pang dumating nang mas maaga.
Iritado na nga ako pero nadagdagan pa lalo.
“Where’s Pako? Pako!” tawag ko sa ere.
Kumaway ulit si Bee sa naghihintay na lalaki.
Sa gilid ay masama ang tingin ng iba pang naming schoolmates. Nagalit lang sila lalo sa akin nang pumutok ang balitang sinagot ko na si Primo noong isang linggo. Obviously, they were rooting for Roman kahit na galit sa akin. Kaya ngayong hindi na kami nag-uusap ay tuwang-tuwa naman sila.
Sa tabi ng aming sasakyan ay humalukipkip ang hindi kilalang lalaki. Preskong-presko ang tayo nito at hindi itinatago ang tingin sa mga kaibigan ni Roman.
Ako naman ang humalukipkip nang makarating sa pwesto nito.
“Nasaan si Pako?” tanong ko kaagad.
Inunat nito ang mga braso mula sa pagkahalukipkip at mas pormal na tumayo. He was definitely tall. No. He was huge.
Nakapanliliit naman ang tangkad ng isang ito! Tumikhim ako at inayos din ang pagtayo.
“Ipinadala ng Daddy mo si Mang Berting at Pako sa Nasugbu. Marami raw kailangan ayusin na mga bagahe sa pabor,” aniya. “Ako ang bagong driver mo.”
Naningkit ang aking mga mata.
“Wala na ba kayong ibang maisip na modus? Can’t you people think of another one? Hello! Kung dadakpin ninyo ako ay galing-galingan ninyo naman!” bulyaw ko.
Hindi naman kasi siya mukhang driver. More like a GQ model, he was. And I wasn’t complimenting him, just saying the truth! He’s handsome but I’ve seen better.
Nagtatakbo si Bee patungo sa isa pang paparating na sasakyan. Naiwan tuloy ako sa harapan ng aming kotse kasama ang nagpapanggap kong driver.
Sinipat ng impostor si Bee sabay baling ng tingin sa akin. Kusang kumunot ang noo nito na para bang iritang-irita na.
“Hindi kita dadakpin. Wala akong mapapala sa isang katulad mo,” he spat.
Napaawang ang aking bibig. “E-Excuse me?!”
This impostor! Kapal!
“Umuwi na tayo. Hinihintay ka na ng Daddy mo.” Umiwas ito ng tingin, ibinubunton ang kung anong mga bulong sa tabi.
Para akong sasabog sa inis. May driver bang ganiyan?
“I need an identification card. You look like a kidnapper more than a driver.”
“Kidnapper…” pag-uulit nito at napapangisi pa.
Ngumisi rin ako kahit na wala naman talagang nakakatawa. It’s better to say that he’s a kidnapper. Mayabang na nga ang lalaking ito ay baka lumaki pa lalo ang ulo kapag sinabi kong gwapo.
Kahit halatang naiinis ay binunot niya ang wallet sa back pocket ng kaniyang jeans. His jugular vein became evident as he looked up at the sky. Tumaas ang kilay ko sa kaniyang malapad na dibdib.
Habang abala itong bumubunot ng ID ay sinipat ko ang mga estudyante sa pavilion at benches. Nagbubulungan pa ang mga hangal. Mga hindi pa rin talaga maka-move on kay Roman!
“Madam.”
I turned to the impostor and showed him my bored face. Looking down at his stretched arm, I noticed his large biceps that were being hugged by the sleeve of his plain black shirt. Veins were evident in his forearms as well while the light dusting of hair disappeared on his elbows.
Ako naman ang tumikhim nang kinuha ang kaniyang inabot na ID.
“Sinclair Delgado…”malakas kong bigkas.
Nanlaki ang aking mga mata. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanyang ID at sa kanyang pagmumukha.
Sinclair Delgado?
The Sinclair Delgado?
“Y-You impostor!” Tinapon ko kaagad ang ID.
Sumama ang tingin nito sa akin, sinisipat ang parisukat at manipis na bagay. Tumilapon ang kawawang ID sa sahig kung saan muntik nang nalusot sa mga silat.
I fought the urge to flinch because of his icy glare.
“That’s not Sinclair Delgado! And you’re not him! Kidnapper ka talaga, ano?!” sabi ko pa.
Hindi ako makapaniwalang ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay nagpapakilalang bastardo ni Ricardo Delgado, ang panganay na anak ni Don Apollo Delgado na siyang namuo rito sa mahabang panahon. Like what my father always told me, his dynasty made kings and queens. Kahit nga sa aking henerasyon ay pinag-uusapan pa rin ang malupit niyang legasiya.
Madalang lamang magpakita si Ricardo at ang kaniyang asawa rito sa rehiyon kaya naman hindi kapani-paniwalang ang bastardo niya ang nasa harapan ko ngayon!
Tiim-bagang nitong pinulot ang ID sa aking paanan. He then rose to his full height, dominating me in every and any aspect. Sa sobrang panliliit ko ay para bang sinasabi niya sa aking walang kompetisyon sa kung sino sa amin ang mananalo.
“Masyadong mahaba ang Sinclair…” aniya. “Carlo na lang ang itawag mo sa akin, madam.”
“Carlo?!”
“Bakit? May problema ba?” His eyes hardened.
Napalunok ako. Iginala ni Carlo ang tingin sa paligid bago muling ibinalik ang mga mata sa akin.
Napalunok akong muli. It was like seeing Don Apollo himself, standing in front of me and demanding I should accept him as my driver!
“Uuwi na tayo, madam,” aniya.
“Ayoko! Hindi ako sasama sa’yo! You impostor!”
Carlo released a heavy breath. The way he licked his bottom lip looked so obscene but at the same time brutal. Para bang gusto na ako nitong sakalin.
“Sasama ka hindi dahil sinabi ko pero dahil iyon ang utos ng Daddy mo. Kaya… uuwi tayo sa ayaw at sa gusto mo.” Mariin ang pinalidad sa kaniyang pananalita.
I flinched. Ngayon ay talagang hindi ko na alam ang aking paniniwalaan.
Paano kung kidnapper pala talaga ang isang ito? Baka kasi ay coincidence lang na minana niya ang itsura at postura ng isang Delgado.
Posible ba iyon?
“Hey! You!” duro ko rito. “Stay here while I talk to my Daddy.”
Carlo snorted.
Tumungo ako sa tabi at binunot ang cellphone. Sinipat ko si Carlo na prenteng sumandal sa hood ng aming kotse. Kung makatingin ito sa paligid ay para bang siya pa ang may-ari.
Ang kaniyang pinong galaw ay nakakagawa ng kung ano sa aking tiyan. Something told me that his male prowess wasn’t the only good thing he possessed but also what’s underneath. The prestige he carried on his shoulders, the superiority in his eyes. It was all triggering the bloodline he was supposed to come from.
Napailing ako at kinastigo ang sarili. Paano kung siya nga talaga?
Ibig sabihin ba noon ay… sinigawan ko ang isang Delgado? And why was he even my driver, for Pete’s sake?
Tapping a foot on the ground, my black flats created a tick-tack sound.
“Miss Cala, your father is on a meeting.” Ang sekretarya ni Daddy ang sumagot. “May ipasasabi ka ba?”
Inis kong sinipa ang nalaglag na mga dahon ng mangga.
“Fine! Tell him I don’t like my new driver,” utos ko bago pinatay ang tawag.
Ang aking sumunod na tinawagan ay si Banjo. Nilingon ko ulit si Carlo. Naroon pa rin naman ito sa dating pwesto ngunit masama na ang tingin sa akin. Mukhang narinig yata ako. E pakialam niya ba?
Nang maipaliwanag sa akin ni Banjo na ang lalaking ito nga ang aking bagong driver ay nakaramdam ako ng pinaghalong inis at gulat.
Because… a Delgado? Now under my command?
Halata nga namang may dugong maharlika ang isang ito sa galaw pa lang pero hanggang doon na lang ang kaya niyang makuha. Hindi ko alam kung nasaan ang ina ng bastardong ito pero bali-balita raw na blacklisted kahit sa maliliit na mga establisyemento. Ang pangalan at dugo lamang ang nakuha ni Sinclair Delgado pero hindi ang yaman ng pamilya na sigurado akong hindi pa rin nauubos hanggang ngayon.
Bumalik akong muli sa kanyang harapan. Sakto naman ang pagdating ni Bee.
“Got to go, Cala! Orion is already waiting for me!” Humalik ito sa pisngi ko bago nagtatakbong kumaway.
“Tell him to send me a copy of his article!” sigaw ko.
“Okay! Bye!”
Nang muling naiwan kay Carlo ay nakita ko ang pag-irap nito. My jaw almost dropped at my arrogant driver. Kaya naman pala ang tapang tumingin dahil Delgado e! Pero mas matapang pa rin ako dahil Montemayor!
Hindi na ito nag-aksaya pa ng oras at binuksan na ang backseat ng aming SUV.
“Pasok, madam,” matigas niyang utas.
I made a face at him. “But it’s too early to go home yet! Kakain pa ako sa labas kasama ng mga kaibigan ko!”
Umiling si Carlo. “Uwian mo na kaya uuwi na tayong dalawa. Pasok sa kotse.”
I gritted my teeth. At ako pa talaga ang inuutusan niya?
Yabang! Totoo nga ang balitang napakayayabang ng mga Delgado!
Nakipagsukatan ako ng tingin pero ayaw rin naman niyang magpalugit. Parang nauubos na talaga ang kaniyang pasensya nang bahagyang gumalaw ang panga. Bukas na bukas pa rin ang kotse, ang lamig at ang pamilyar na air freshener ay bumubuga sa aking hanggang baywang na buhok.
“Pasok sa kotse…” he commanded once more, slowly this time.
I groaned aloud.
“Fine! Ito na nga! Uuwi na!” I shouted, feeling so small and so feeble.
Nakakainis talaga ang isang ito! Napakayabang na nga tapos ay utusero pa! Ayaw talagang bumigay sa mga titig ko kaya ako naman ang bumigay. Kainis!
Suminghal pa ito bago ako tuluyang makapasok. Binato ko ang bag sa tabi. Sobrang sama tuloy ng tingin ko sa kaniya habang iniikutan ang driver’s seat.
Once inside, he placed his one hand on the steering while the other went around the headrest of the adjacent seat. Lumantad ang kaniyang malalaking braso sa aking harapan. Napalingon ito sa akin nang sipatin ang gilid ng sasakyan.
Hindi ko alam kung para sa akin ba ang kaniyang mga kunot-noo o para sa konsentrasyon sa pagmamaneobra. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagtagumpay ito kaya naman bumiyahe na kami. Panay ang irap ko sa rear-view mirror.
“Madam…” tikhim ni Carlo.
“What?!”
“Isarado mo ang mga butones ng uniporme mo. Nakikita ang bra. Kanina pa nakabukas,” iling niya, napapamura.