bc

Calanthe

book_age16+
300
FOLLOW
1.2K
READ
revenge
forbidden
possessive
arrogant
dominant
badgirl
drama
tragedy
bxg
school
like
intro-logo
Blurb

Calanthe Montemayor is the one true queen of Sorsogon. Naghihintay na lamang ang kanilang yamang walang hanggan at ang kaniyang kahariang pamumunuan. Nobody could stop her.

Well, that was until her driver came into her life. Ang mayabang at istrikto niyang driver na walang ibang ginawa kung hindi guluhin ang kaniyang schedule. Pero hindi na rin masama dahil kung sinuswerte nga naman, ang bastardo pa ni Ricardo Delgado ang nagtrabaho para sa kaniya.

A Delgado under a Montemayor’s command? Now that has a nice ring to it.

Though there was one thing that Cala forgot: the heavens itself conspired that a Delgado and a Montemayor put together meant only chaos. Even before, that was how it already was. Kung sana ay mas pinagana lamang niya ang utak, maaari pa sana niyang naisalba ang kaniyang buong puso, pagkatao at buhay.

But… she couldn’t help it, could she? After all, we desire the things we just couldn’t have.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Halu-halo ang usok ng mga bagong dating at paalis pa lang na mga sasakyan sa terminal. Kung hindi ang maiingay na mga motor ang humihinto ay ang mga lumang van naman. Niyakap ko ang sarili. Kahit pawis na pawis ay hindi ko inalis ang suot na hoodie. Pagala-gala ang tingin ko sa dagat ng mga tao. “Aliaga! Aliaga! Aalis na!” Napalingon ako sa kundoktor na nakasabit sa pinto ng isang bus. Puputok na yata ang litid nito sa leeg kasisigaw kahit na nakasulat naman sa malaking karatula ang magiging destinasyon nito. “Aliaga! Aalis na!” His booming voice was loud enough to make me flinch, doubling the trembling in my chest. Binunot ko na lamang ang aking cellphone ngunit kahit isang tawag o text man lang ay wala. Kahapon pa iyon ganoon. But I couldn’t lose hope. Ayoko. Hindi pwede. At alam kong pinanghihinaan man ako ng loob ay hindi ako susuko. Hindi niya ako sinukuan, hindi siya napagod. Sino ako para talikuran ang mga responsibilidad na pareho naming sinumpaan? I knew he wouldn’t. I wouldn’t even dare question his love for me because it was the first thing ever that I had in this world without beating myself for it. I loved him because he loved me first. Hindi niya sisirain ang mga pangako niya sa akin. Kasi hindi siya ganoon. Ilang minuto pa akong naghintay, hindi alintana ang usok at init. Lagi kong binubunot ang cellphone kahit masama na ang tingin sa akin ng aking katabi. Growing restless, I could only hold on to my tummy and give it soothing touches. Nang makaramdam ng uhaw ay kinuha ko ang dalang mineral water. Hindi sinasadyang bumaba ang tingin ko sa sariling pulso. The cheap rosary bracelet he gave to me was hugging my wrist loosely. Sa lahat ng mga araw na suot ko iyon, ngayon ito pinakamabigat. Ang mga minuto ay naging mga oras hanggang sa napansin kong malapit nang magretiro ang araw. Iilan na lang ang natira sa dagsa ng mga tao kanina at isang bus na lamang ang nakapila. Hindi tulad kanina na walang tigil sa pagsigaw ay naninigarilyo na lamang ang kundoktor sa tabi. It was already eight o’clock in the evening yet he still hadn’t come. No texts, no calls. Hinawakan kong muli ang aking tiyan. He wouldn’t fail me. He hadn’t failed me. Not yet. And I knew for certain that he wouldn’t now that we needed him the most. Mas lalong lumalim ang gabi. Unti-unti nang nawala ang mga natirang pasahero kanina. Halos makatulog na ako sa inuupuang bench habang hawak ang aking tiyan. Suddenly, I heard tires loudly screeching to a halt. Tatlong sasakyan kaagad ang pumarada sa terminal na siyang gumising sa buong diwa ko. The first thing I clutched was my tummy. Ang kundoktor na kanina pa naninigarilyo ay napatingin din sa harapan kung saan isa-isang sinisipat ng aming mga tauhan ang mga pasahero’t pahinanteng naghihintay. Napapikit ako nang biglang may tumutok na liwanag sa aking mga mata. “Si Miss Cala iyon! Nakaupo sa dulo! Miss Cala!” Then I realized it - they spotted me. Sa isang iglap lamang ay kumalat ang mga armadong lalaki sa paligid. Lahat sila ay may dalang mga flashlight na mas lalong nakapagpahilo sa akin. Tumayo ako at dahan-dahang umatras. “Miss Cala!” sigaw ni Banjo. Iniwas ko kaagad ang tingin. Kahit na inaatake ng hilo ay mas pinili kong suriin ang terminal. Kung sino-sino nang santo at santa ang tinawag ko sa mga oras na iyon, nagbabaka sakaling may nakikinig at lilitaw siya sa isang segundo lamang. When the heavens itself failed me, only then did I feel the dread. Slowly, the faith I had in him drifted away. Alas-tres… Iyon ang oras ng pagtunog ng kampana sa chapel ng aming school. Iyon din ang oras na natalo ako sa aming Math Quiz kaya sinundo niya ako at nilibre ng fast-food. That day, he spent all his salary on me because I was terribly sulking. Alas-tres… Iyon ang oras ng pagdating ng bus na dadalhin kami patungo sa Aliaga, ang pinakamalayong bayan mula rito. Ang oras ng alas-tres ang sinabi niyang kami ay magkikita pero nasaan na siya ngayon? Bakit ako lang ang sumipot? Ang pangako niya sa akin ay ilalayo niya ako rito. Para sa akin at para sa anak namin. Bubuhayin niya ang maliit naming pamilya kahit na ano pa ang trabahong papasukin. Ang sabi niya sa akin, hinding-hindi raw niya ako iiwan sa kabila ng mga pangyayaring hindi namin inasahan. Ang sabi niya ay hindi na ako muling mag-iisa. That he would always be there, loving me as a man and loving our child as its father. He promised that he would always be by my side. That he and his love would stay. Pero nasaan na siya at ang kanyang mga pangako? Ano ang nangyari sa lahat ng iyon? “Calanthe!” dumadagundong na sigaw ng isang pamilyar na boses. I looked up to my father whose face was etched with rage as he marched with his men behind. Lalo akong napaatras. Ayokong umiyak at panghinaan ng loob pero parang hirap ngayong wala siya sa tabi ko. He didn’t come… And I didn’t know where he went! Sa lahat ng mga pangako niya sa akin noon, sa lahat ng kanyang mga isinumpa ay wala siyang pinalampas. All those times, he stayed pure and true to his words. Our love was the living proof of it. Yet as I waited for him that night, I would rather choose him to have his shortcomings and failures. Siguro nga ay iyon ang dahilan kung bakit siya hindi tumupad ngayon. Dahil ang lahat ng kaniyang mga katotohanan ay babawiin din pala ng isang pag-iwan. “Let’s go home, Cala! I have had enough!” kumukulog na bulyaw ni Daddy. Umiling ako kaya naman tumulo na ang aking mga luha. Hindi ako sumuko kahit iyon ang sinasabi ng aking katawan. Hanggang sa huling sandali, ang kaniyang pagdating pa rin ang aking inasahan. Because… Why wouldn’t he? “Lalayas na ako! Pabayaan mo ako!” sigaw ko sa aking sariling ama. Lalong lamang namuo ang galit sa mga mata nito. He grabbed my wrists and dragged me away with all his strength. Panay ang sigaw ko habang humahagulgol sa sakit at pagpupumilit. Kahit si Banjo ay walang nagawa. Gathering all my remaining strength, I managed to pull away. Wala na akong pakialam sa mga nanonood dahil hanggang sa huli ay hinanap ko pa rin siya. Sa pagod, sa dilim. Sa sakit at sa kawalan ng pag-asa. “Daddy, please! I don’t want to go home with you! I want him! Aalis kaming dalawa!” “Him?! Then… where is he now?! Nasaan na ang lalaking pinagmamalaki mo, Cala? Iniwan ka na! Niloko ka!” “Stop it! He’s out there! I know! Mahal niya ako!” I shouted even louder. “Binibilog ka lang ng lalaking iyon! Nagpaloko ka naman! Pare-pareho silang lahat! Sila ang nanloko sa atin, Cala!” Sigaw ako nang sigaw nang mahila niya akong muli. Wala na akong nagawa nang pilit akong isinakay sa kotse. That night, my young heart was shattered into pieces. It was torn and burned by the promises of the man who loved me with all his heart only to fail me when I needed him the most. Dahil sa walang humpay kong pagtakas ay ikinulong ako sa aking kwarto. Parang mababaliw na ako. Not only I was all alone and in pain but I was facing the fact that he left. That he’s not so different after all. Wala akong nagawa kung hindi ang gisingin ang aking sarili sa katotohanang maaaring tama nga ang mga sinabi ni Daddy. Iniwan na nga niya ako. It was the most painful battle of my life yet it was replaced by something even greater when Beatus called me. “Where are you, Cala?! Did you hear the news?!” Tumindig ang aking mga balahibo sa tono pa lamang ng kaniyang pananalita. Tumayo ako at mahigpit na hinawakan ang telepono. “W-What is it, Bee? Nasa bahay ako. What happened?” Nang muli itong magsalita ay halos mapaluhod ako. “He’s gone, Cala. He’s gone! He’s with Tito Rico and Tita Carlotta when their car exploded. They’re all gone, Cala…” “You’re lying! Stop lying to me! Why are you all lying to me?!” I screamed like a madman. “I wish I were, Cala. But it is all over the news. The car exploded! Carlo’s the driver!” Akala ko noon ay ang kanyang pag-iwan sa akin ang tunay na sisira sa aking mundo. Hindi pa pala. Nagkamali ako sa pag-iisip na iniwan niya ako kasama ng kaniyang mga pangako. Dahil hindi lang pala ako ang kaniyang iniwan ngunit pati na rin ang buong mundo. Ang lahat ng mga taong naghihintay sa kaniyang pagdating. Ang mga umaasa. At ang aming mundong binubuo at bubuuin pa lang. Iniwan niya kaming lahat. Iyon ang nangyari sa araw ng aming dapat na pagkikita. Bago niya ako sunduin at sumakay ng bus papuntang Aliaga. Bago kami dapat umalis at mabuhay nang mapayapa. In the television, a recorded clip showed how their white SUV turned upside-down while flames engulfed it whole. It then fell off a cliff down to the ocean. It was the day of the Delgados’ assassination. Walang katapusan ang aking pag-iyak sa mga sumunod na araw. Para na rin akong masisiraan ng bait. With every drop of tear, I was saying sorry to the only reason I wasn’t ending my own life yet. It was the only thing he left me and reminded me of the love we had. Our child. Isang araw ay hindi ko na napigilang tumakas. I was once again defying my father’s orders, but I just couldn’t let myself weep in my room while they buried the man I loved the most. I needed to be there. Sarado man mula sa labas ang aking kwarto ay sa balkonahe ako bumaba. “Cala! Here! Tara!” kaway kaagad ni Beatus na nakakapit sa matataas naming mga rehas. “Miss Cala!” Dumating bigla si Banjo kasama ang bodyguards namin. “Bawal kang lumabas! Mahigpit na ipinag-uutos ng Daddy mo!” Kusang tumulo ang aking mga luha. Pinagdaop ko ang mga palad sa kanilang harapan. “I love him so much, Banjo. Please let me see him one last time...” I cried to the people that raised me in our household. I knew that they took care of me and watched me grow up more than my own father and mother did. Banjo’s silent eyes wanted to heed Daddy’s orders but his heart resided with mine. Pinigilan nito ang mga tauhan namin hanggang sa tuluyan na akong nakalabas. The sky was pale that day at the Delgados’ private mausoleum. Kahit ang himpapawid ay para bang nakikiramay sa mundong iniwan ng pamilya. All eyes turned to me as I approached the three caskets entering the tomb. Nasa unahan sina Allistaire at Sol, pinalilibutan ng aming mga classmate. Si Conan ang nag-aabot ng mga inumin habang sina Orion at Esperanza naman ang nakikipag-usap. Dumalo rin si Beatus sa kanila. “Ate Cala…” Tumakbo kaagad si Sol patungo sa akin. Sinapo ko ang kaniyang nanginginig na katawan habang pinagmamasdan ang mga taong dumalo. Walang nagsalita at lumapit. Kahit ang kapatid niyang si Allistaire ay nakatingin lamang sa akin gamit ang mga matang pulang-pula. “Kuya is gone, Ate Cala. Papa and Mama too! They’re all gone...” Sol cried. That day, he broke his thousand promises to me. He left his child and me in this mad, cruel world. The only thing he left behind was the eternal suffering that was waiting on my doorstep. My once happiness… now my sorrow and forever true love… was gone. He was gone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook