Kabanata 4 (II)

2060 Words
Napagtanto kong may mas maaga pa pala sa pagsundo niya sa akin tuwing alas-singko. With only less than twenty minutes, Carlo already texted me that he was indeed here. Sa labas ng bathroom ay nakaabang kaagad si Primo, tamad na nakasandal sa pader at nakapamulsa ang dalawang kamay. My eyes evaded him because I was already watching Carlo walk inside our building, looking at all the classrooms’ respective names hoping to find mine. Isang liko pa ay tumigil ito sa gitna ng hallway, bahagyang hinihingal. About a few meters of the spotless floor stood between us along with the empty background noise. Napako ako sa kinatatayuan nang magtama ang tingin namin. Si Carlo ay papalapit nang papalapit, naglalakad na pala patungo sa akin. What is this... Why is everything suddenly moving so slow... Carlo was then pulling me outside. Natauhan na lang ako sa sigaw ni Primo. “Cala, wait up! Cala!” Mabagal ako nitong hinabol, parang wala naman talagang planong bawiin ako. Mara stayed inside the building too, her quiet eyes watching me go. "Kaya kong maglakad," malamig kong saad dahil hawak pa rin pala ako sa braso ni Carlo. He let me go fully and led the way like a defense guard. I walked with my head held high until I was seated inside our car. Carlo slammed it shut, making sure that the windows were rolled up before rounding to the trunk. May kung ano itong kinuha roon bago ulit binuksan ang pinto. “Ito muna ang ipatong mo para hindi ka lamigin.” Inabot niya sa akin ang isang itim na sweatshirt. I gritted my teeth in silent aggression. Tumigas ang panga ni Carlo ngunit pinatong pa rin ang damit sa aking mga hita. It smelled of him. Clean. Like cold water. Pagkatapos ay umikot ito sa driver’s seat at pinasibad na ang sasakyan. Even as we sped away, I could see some of my schoolmates huddling on the third floor windows. Kung hindi nagtatawanan ay hawak ang kani-kanilang mga cellphone. Niyukom ko ang kamao. I suddenly had the urge to scream as loudly and as violently as I could. Nawala na ang shock sa akin at ang gusto ko na lamang gawin ay ang maghiganti! “Ano'ng nangyari, Cala?” matigas na tanong ni Carlo pagkaraan ng ilang minutong katahimikan. Hindi ako sumagot. Nagngingitngit na ako. Ang lagkit ng uniporme at buhok ko pero ang lamig ng balat ko. The overall feel of it was irritating as hell. Napamura si Carlo at mabilis na minanipula ang temperatura. Pero kahit na. Naiinis pa rin ako sa nangyari at hindi naman ako basta-bastang matutuyo! “Sabihin mo sa'kin kung ano'ng nangyari…” Carlo's voice was much lower but gentler. It reminded me of his father, but again, I remained silent. He did not have the authority to question me. Tumingin na lang ako sa bintana habang wala sa sariling hinahawakan ang kaniyang sweatshirt. Sa tahimik na byahe ay paulit-ulit sa utak ko ang nangyaring pamamahiya sa akin kanina. Ano ba ang ginawa kong mali? Wala naman, 'di ba? And who was that boy anyway? Hindi ko namukhaan dahil sa gulat but hopefully, my best friend caught him already. Ang tanging nakapagpaibsan lang ng inis ko ay ang palaisipang maaaring naghihirap na ang kung sino mang nagsaboy ng juice sa akin. Though his motive of doing just that bothered me, making my blood boil once again. Alam ko namang maraming may ayaw sa akin at wala akong pakialam doon pero ito ang unang beses na may nagalit at namahiya nang pisikal. So, no... I wouldn't let this go easily. Suddenly, the shrill ringing of Carlo's phone blasted through the car. Bumalik ako sa realidad, napapatingin sa dashboard kung saan niya sinagot ang tawag. “Carlo? Nagpunta ka raw sa school ni Calanthe," pasok ng diskumpyadong boses ni Daddy. "Now, what did that child do this time? Wala talagang silbi!” Halos sabay kaming nagkatinginan ni Carlo sa rear-view. My anger died down but just a bit, replaced with anxiousness. “Nagpadala lang po ng nalimutang gamit ang anak ninyo, Sir,” tiim-bagang na sagot, napapasulyap pa rin sa akin. “That child! Inabala ka pa sa siesta mo!” I was sure that I would scream at that moment pero sa tuwing binabalik ni Carlo sa akin ang tingin ay tinitikom ko ang bibig. "Ayos lang po. Wala naman akong ginagawang iba." "Kahit na. Kasimple-simpleng bagay pero hindi pa magawa nang tama..." Carlo then bid his goodbyes, dropping the call smoothly. Saktong bumagal ang daloy ng trapiko kaya mas tumagal ang paninitig niya sa akin sa salamin. Napalunok ako. I so wanted to look away. After all, I was the one staring at him straight the whole time since he's busy driving. But now that he's the one doing it, it was different... Pakiramdam ko ay hindi lamang paninitig iyon. No. He's drinking everything my eyes had to offer, taking it all in through the tiny rectangular mirror, my suppressed anguish, and my rage. Sa lahat-lahat ng bagay. Kung normal na araw lang ito ay pangungunahan ako ng takot dahil hindi ko talaga siya maintindihan. But I was just so damn angry. Kulang pa bang napahiya ako kanina sa school at ngayon naman ay kay Carlo rin? Somehow, all those mixed up feelings made me realize, at that moment, my fear was my curiosity misplaced. I wanted to figure him out, not run away every time I got nearer. So, I finally gave in. I looked at him for the longest time while I was feeling everything in my chest. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yon," I said, surprisingly calm. "You shouldn't have lied to your big boss. I'm not your responsibility." "You're my responsibility," aniya at unti-unti nang bumilis ang sasakyan. "Well, you're just my driver." "You're still my responsibility." Tumaas ang kilay ko. Inilipat ko ulit ang tingin sa bintana. "Bahala ka. But just so you remember, kindness gets you nowhere... I will get you fired if you'll keep on covering up for me." Hindi na nagsalita pa si Carlo. By now, I should have been used to it, right? My father scolding me in front of him, in front of other people. Unang araw pa nga lang ni Carlo bilang driver ko ay ganoon na kaagad ang nangyari. At dahil nagdamdam talaga si Daddy tungkol sa college application kong palyado, halos araw-araw akong napagalitan nitong nagdaang linggo. Kaya bakit na naman ako nakakaramdam ng hiya ngayon? Kung sa mga trabahante naman namin ay sanay na ako? Why do I feel like s**t? Pathetic... Sinandal ko ang noo sa bintana at bumuntong-hininga. I literally looked like s**t right now. Walang nakakatuwa pero umusbong ang maliit na ngiti sa mga labi ko. Bigla ay napalakas ang preno ni Carlo. He was an reckless driver but I never knew I would use that as an excuse for my tears to finally fall. Isang linggong pagkikimkim at iyon ang naging gatilyo na pilit kong sinasabing aksidente lang. God, this is f*****g stupid. Nakarinig ako ng ilang mahihinang mura bago naramdaman ang pagtigil ng kotse. "W-Why are you stopping?" Inangat ko ang mukha. I flinched when Carlo's hardened gaze met mine through the rear-view. "Where are you going?! Hey!" sigaw ko nang bigla itong bumaba! Bababa na rin sana ako pero nanatiling nakatayo si Carlo sa tabi ng kotse, ang likod ay nakaharap sa akin. Napalunok ako. He wasn't going anywhere, was he? Mukhang hindi nga. He just looked like a statue there, guarding our SUV in perpetuity. Kinagat ko ang pang-ibabang labi, nararamdaman na ang paglusob ng katahimikan. Carlo wouldn't go anywhere so I let it linger in peace. I never even knew I was longing for it - the silence. I still looked and felt like s**t but at least nobody's looking. No stupid schoolmates, no Carlo, no Alvar Montemayor. Nothing. Ako lang at kahit magmukha akong tanga ay ayos lang. The peace lasted for about a full minute until I was screaming my head off. Nakayukom ang kamao, tumutulo ang mga luha sa inis at pinakakawalan ang mabigat na dala. I screamed until my throat was sore, until I felt s**t but felt good about it. Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiiyak sa sasakyan na nasa gilid lamang ng kalsada. It was so dramatic yet so f*****g fulfilling. Like an instinct when you need to hurt somebody to satisfy your hate. And Carlo, he let me cry privately as if reading my mind that I didn’t want anyone looking at me or consoling me while I do so. Nanatili ito sa labas, ang puting polo shirt at itaas ng buhok ay bahagyang hinahangin dahil sa mga humahagibis na sasakyan. Sa kabilang gilid naman ay ang dagat. When I felt that my throat was about to bleed, only did I stop. Binaba ko ang bintana dahil nawawala na si Carlo! Napakurap-kurap ako nang makita itong paparating, bitbit ang isang bottled water na hindi ko alam kung saang lupalop niya binili. Walang pagdadalawang-isip niyang ipinasok ang isang kamay sa bintana at inabot iyon sa akin. “Tubig, madam.” Kumibot ang ilong ko nang marinig ang panghuli niyang sinabi. “Don’t call me that.” I had the courage to tell him that while accepting the cheap water. Lagi kong sinasabi sa kaniyang ‘Miss Cala’ o kahit ‘Cala’ na lang dahil mas matitiis ko pa iyon kaysa sa kaniyang matitigas na mga ‘madam’ niya. Wala itong sinabi at pinanood akong kalahatiin ang bote ng tubig. That felt heavenly for my throat. “Tapos ka na?” Tumaas ang kaniyang kilay nang ibaba ko ang bote. His eyes scanned my tearstained face. Kumunot ang noo ko. "Sa pag-inom. Tapos ka na ba sa pag-inom..." Was he mocking me? Inirapan ko ito at umayos ng upo sa kotse. "Tara na. Magpapalit pa ako," malamig kong sabi. If he honestly thought na friends na kami dahil sa ginawa niya, nagkakamali siya. I was just at my lowest earlier which happens occasionally. Maliit na bagay lang. Narinig ko ang buntong-hininga ni Carlo bago kinuha ang bote ng mineral water sa aking mga kamay. Nagulat tuloy ako! His warm fingertips slightly touched mine and his sweatshirt too na hindi ko pa rin pala nabibitawan. Pilit kong kinunot ang noo. “Suotin mo muna iyan para hindi ka malamigan ng aircon. Baka magkasakit ka, Cala." Dinuro ni Carlo ang sweatshirt. Umirap lang ako biglang sagot. I was not a child. My lungs were already fully grown and could take care of themselves. "Masama ang natutuyuan ng damit sa katawan. Bubuksan ko na ang aircon dahil pinapawisan ka na," he insisted. As if on cue, I felt a bead of sweat roll down my neck and down to my chest. Pumula ang mga pisngi ko at sinipat kaagad si Carlo. Was he checking me out?! Umayos ito ng tayo at mas lalong lang kumunot ang noo habang tinatanaw ako sa bukas na bintana ng kotse. Now, I was flustered cuz I remembered I looked like a swollen potato. He's not checking me out. He's just probably judging me! Kahit pangit ka ay ang yabang mo pa rin, Cala! Iyan tuloy napapala mo! "Isuot mo na." “Hindi ako nagsusuot ng hindi ko damit. It makes my face itchy.” I pursed my lips. “Bagong laba 'yan, Cala. Hindi ko naman ipasusuot sa'yo kung marumi," iling ni Carlo, napapangisi. "Huwag ka nang maarte.” Nalaglag ang panga ko. Did he just call me that? "Ano'ng sabi mo?" hamon ko. “Isuot mo na…” Humalukipkip ito, ayaw umalis sa harapan ko hanggang hindi nasusunod ang gusto. "Fine." Para matapos na, I took the damn thing and slid my arms in its sleeves. His sweatshirt was so big that even only with my arms covered, parang suot ko na rin nang buo. Naipon ang malambot at mabangong tela sa aking hita at tiyan. Siyang-siya ang amoy kaya bahagya kong iniwas ang tingin. “There. Happy?” sarkastiko kong tanong. “Seat belt.” With my nose flaring, I fixed its lock before turning to him with a murderous look. “Oh! Iyan na! Ano pa'ng kulang?!” Nang pumasa na siguro ang lahat sa kaniya ay umikot na ito sa harapan sa wakas. He closed my window before finally driving away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD