Teaser
"Painted as scheming and selfish ex-wife, Elaine Martinez will do everything to get her second chance with her rich ex-husband."
EXCERPT FROM CHAPTER 26
Bago pa lumakad papasok sa loob ng private room si Elaine, titig na titig na si Tan sa babae. Pinigil niya pero kusang sumusunod ang tingin niya sa bawat hakbang nito palapit sa kanya.
Gusto niyang kumilos, salubungin ito, abutin ito. Pero alam niyang imposible at hindi na puwede kaya wala siyang magawa kundi manatili sa pagkakaupo pasandal sa headboard ng kama at hintaying tuluyan itong makalapit sa kanya.
His eyes were fixed on her. Ni hindi na niya napansin kung kailan umahon si Janine sa kinauupuan.. O kung nagpaalam man lang ba ito bago lumabas para tuluyan silang iwan.
Elaine was staring back at him. Nang tumigil ito sa gitna ng kuwarto - isang dipa ang layo sa kanya, sinuyod siya nito nang mabilis na tingin. Bumaba ang tingin nito sa mga paa niyang nababalutan pa ng cast.
Hindi ito nagulat sa nakita. Tiyak niyang nabalitaan na nito ang tungkol sa bone fracture niya. Mas may rason na ngayon ang babaeng pinakamamahal na iwan siya..
Tan flinched. Helplessly and hopelessly praying na totoo ang pag aalala, guilt at simpatyang saglit na dumaan sa mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya.
"I'm glad okay ka." anito. Sa boses na kagaya noon, walang ka-emo-emosyon.
Ang gahiblang pag asang kumakapit pa kahit papaano sa puso ni Tan, bumitaw nang tuluyan nang ilapag ng asawa ang isang envelope sa tabi niya. Nagtiim ang mga bagang ni Tan.
Annulment papers ang laman niyon, alam niya. Ang abogado niya ang nagpadala niyon mismo sa address ni Mang Chito noong isang araw. Hiniling ni Elaine iyon sa kanya sa nakalipas na mga buwan. Ngayon wala na siyang choice kundi i-give up ang isang taong handa sana siyang gawin ang lahat huwag lang mawala sa kanya.
"I signed it already." anito. Deretsong nakatitig sa kanya. And all Tan could do was to stare back.
"Huwag kang mag expect na mag stay ako sa tabi mo lalo ngayong hindi ka na nakakalakad. You don't expect me to take care of you, do you? Ayokong mag alaga ng asawang imbalido. May sarili akong buhay at ayokong masayang iyon sa kakahintay na maging okay ka ulit." naalala niyang deretsong ani Elaine sa telepono noong isang araw.
"How much do you need?" Tan asked, using a business like tone with her for the first time.
Nakita ni Tan, kumurap si Elaine. Na parang hindi nito inaasahan ang cold treatment galing sa kanya.
Tan can not force Elaine to stay beside him no matter how much he wants her to. Nagdesisyon siyang bumitaw hindi dahil iyon ang gusto nito.. Kundi dahil wala na siyang natitirang pagpipilian kung hindi pakawalan ito.
Masyado nang mabigat ang dala dala niya. Napupuno na ng disappointments unti unti ang puso niya. It was very tiring and painful for him already.. Mas tumatagal, mas sumasakit. And he does not want to prolong the agony anymore. Gustuhin niya man o hindi, doon din sila patungo.
Na-realize ni Tan, kahit gaano mo pala kagustong kumapit at huwag sukuan ang isang tao, darating at darating pala ang isang araw na mapapagod ang puso.
Sobra sobra ang pagmamahal na gusto niyang ibigay. Habang ang asawa, nanatiling walang pakialam.
Elaine talked about getting compensatory damages from him the last time he called her. Kung kailan nito kukunin ang pera ay binanggit sa kanya ng babae. Ang hindi lang nito sinabi ay kung magkano ang gusto nito at kung saan nito iyon gagamitin.
"Hindi ko kabisado ang mga batas. Pero alam kong bilang asawa mo, ang pag aari mo ay pag aari ko rin. Pero huwag kang mag alala, hindi ganon kalaki ang gusto kong hingin."
Tan's throat tightened. Nagawa nito iyong sabihin nang hindi muna nagbabawi ng tingin.
"Money is not a problem. Kung puwede ko lang bilhin ang pagmamahal at pananatili mo sa tabi ko, willing akong ialok ang lahat ng pag aari ko." Tan quielty replied. Looking back at her straight in the eyes.
Pagkatapos ng araw na ito, mahihirapan na siyang makita si Elaine. This might be the last time he'll ever see her. He's been concealing it but it was scaring the hell out of him.
It was her whom he ever needed. Hindi niya alam kung paano ulit babangon kung wala ito sa kanyang tabi..
Pero sa halip na magsalita nanatiling tikom ang kanyang bibig. Natatakot siyang mabasag ang boses niya. Natatakot siyang sa pagbuka niyon, walang ibang lumabas kundi ang mga salitang gustong bigkasin ng kanyang puso.
'Please stay. I can't live without you.'
Itinaas ni Elaine ang mukha matapos ang ilang sandaling katahimikan.
"I told you about the man I like.. He's waiting at me outside..'
Tan remained quiet. His heart was too tired for words. How could she be so honest about having an affair? At bakit kahit ipinipilit nito ang bagay na iyon sa kanya, 'yong puso niya ayaw makinig?
Sa nakalipas na mga buwan wala silang marital issue na naresolba gaano niya man kagustong ayusin ang gusot nila. Now it felt like he's been waiting for something that's never going to happen. Paiba iba na ang rason ni Elaine. Habang tumatagal mas dumadami.
Elaine wanted a multi millionaire husband. An heir to the famous and successful De Marco Textile. Iyon ang sinabi nito sa kanya noong una kaya pinupuwersa siya nito na pamahalaan ang kumpanya kagaya ng pakiusap sa kanya ng mga magulang.
Few weeks later, she was brutally telling him she hates children and she doesn't want to get pregnant. That she hates his job. At nitong huli ay umaming may ibang lalaki nang mahal.
Tan was having a hard time believing her pero ngayon na kaharap niya na si Elaine at nakikita niya ang kawalan ng simpatya sa blangko nitong tingin, nakumpirma na ni Tan ang ang ilang buwan niya ding i-dine deny sa sarili.
Elaine already had a change of heart.
Sa ganoon kaiksing panahon lang. Aalis ito at iiwan siya sa panahong alam nitong kailangang kailangan niya ang suporta moral nito..
Mabigat ang dibdib na inabot ni Tan ang check book na nasa ilalim ng unan. Tan knew one day, Elaine would come para i-claim ang perang hinihingi.
Pinirmahan niya ang cheke. Saka ipinatong sa sidetable ang pinilas na kapirasong papel. Parang sinusuntok ang dibdib niya kung siya pa ang mag aabot niyon sa asawa.
"That's a signed blank check. Write whatever amount you like.." aniya sa business-like pa rin na tono.
Lumakad palapit sa kanya si Elaine. Her natural scent that was very familiar to him assaulted Tan's senses. Kinailangan niyang pigilan ang hininga sandali nang tuluyan itong makalapit sa gilid ng hospital bed.
Tan swallowed the imaginary lump in his throat. Bumaba ang titig niya mula sa mukha ni Elaine papunta sa suot nitong singsing. All he ever wanted was a life with her. Wala siyang ibang hiniling sa Diyos. Pero bakit parang kahit iyon na lang napakahirap pang abutin?
How could he live without her?
Ikiniling niya ang ulo sa kabilang bahagi ng silid para pigilin ang sariling hapitin ang makipot nitong baywang at yakapin ito nang mahigpit.. And for the nth time beg her to stay.
Inabot ni Elaine ang tseke. Akmang aatras ito para magbigay uli ng distansya sa pagitan nila nang masulyapan niya ang pagkislap ng singsing sa daliri nito. Maagap niyang hinuli ang kamay nito.
Nakita niya, suminghap si Elaine. Natigilan bago pumiksi sa hawak niya na tila napaso sa dantay ng palad niya sa balat nito.
Tumiim ang bagang niya.
"I want it back." pormal na aniya. Nakatitig sa wedding ring na nakasuksok pa sa palasingsingan nito.
Napatitig sa kanya si Elaine. By the look on her face, Tan could tell na gusto nitong magprotesta. Pero ano pa ang magiging silbi ng wedding ring sa mga daliri nito kung ito na mismo ang pumutol sa ugnayan nila?
Bagaman halatang napipilitan, hinubad ni Elaine ang singsing at ipinatong iyon sa sidetable.
"Idadagdag ko ang halaga ng singsing sa presyong isusulat ko sa tseke." anito. Huminga ito nang malalim. "Sorry. And thank you for everything.."
Walang reaksyon kay Tan. Iniiwas niya ang tingin nang ilapag na nang tuluyan ni Elaine sa ibabaw ng sidetable ang singsing.
Sa sulok ng mga mata niya nakita niya ang pagtalima ni Elaine patungo sa pinto. Nang marinig niya ang ipininid na pinto, katibayang lumabas na si Elaine doon, ikinurap kurap niya ang mga mata para pigilin ang nagbabantang pagtutubig niyon.
This is the hardest part for him. When someone he loves so dearly leaves and he needs to act like he does not at all care.
Tan's heart felt heavy with emotions. Pain and agony and despair.. It was overwhelming na nahihirapan siyang pigilin ang pag ahon ng lahat ng iyon sa kanyang dibdib.
Tears burned Tan's eyes. His eyes transferred to Elaine's customized wedding ring na iniwan nito sa sidetable. Siya ang personal na nagdesign niyon. He even asked the jeweler to engraved his name on it at nagrequest na magdagdag ng ilan pang maliliit na diyamante sa paligid.
Akmang kukunin niya ang singsing sa sidetable nang pabalibag na bumukas muli ang pinto. Natigilan si Tan nang makita si Elaine. Ang mga mata nito, sa singsing na iniwan nito agad lumanding.
Elaine stormed into the room. Inunahan siyang damputin ang singsing sa sidetable. Mahigpit nitong ikinuyom ang palad na may hawak sa singsing bago lumipad sa mukha niya ang tingin.
Tan's eyes were teary na hindi niya nakita ang bahagyang pagtutubig ng mga mata ni Elaine..
"Bawiin mo sa akin sakaling magkita tayo ulit.." iyon lang at mabilis na itong tumalikod.. Tangay ang singsing na siyang matitira na lang sanang alaala niya dito.