NAGPAHATID sa bus station si Mayumi. Sumasakay lang siya sa bus kapag pumupunta siya sa kaibigan niya para malaya siyang namnamin at pagmasdan ang mga madadaanan niyang tanawin. Gusto niyang magrelaks. Minsan lang siya nagmamaneho ng kotse niya kapag trip niya at mas gusto niyang mag bus para hindi siya mapagod sa biyahe. Mahigit tatlong oras ang biyahe na guguluhin niya bago makarating sa Isla kung saan ang kaibigan niya ay nakatira.
Minsan nang magbakasyon siya sa Isla ay nakilala niya ito. Mga sampung taon na rin silang magbest- friend. Palagi silang magkasama noon pero simula ng mag-artista si Mayumi ay bihira na lang silang magkasama.
Isang simpleng babae lang si Michelle kaya niya nagustuhan ang ugali ng babae. Parang kapatid na ang turing niya dito. Wala din naman siyang kapatid dahil nag-iisang anak lang siya.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng biyahe kaya may oras pa siya para pag-isipan kung paano susurpresahin ang kaibigan niya.
Marami na siyang ginawang pagsusurpresa pero ngayon parang wala siyang maisip.
Pumikit na lang siya saka hinayaang mag-refresh ang utak niya para makapag-isip na siya ng mga gagawing surpresa sa kaibigan niya.
Medyo malapit na siya sa bayan na malapit sa isla dahil nalalanghap na niya ang amoy at nadadama ang sariwang hangin. Malapit lang naman ang isla sa bayan. Maliit lang din naman ito pero masarap mamuhay roon. Simple ang buhay na mayroon siya kapag nandodoon siya. Walang hassle at stress free pa. Kahit kilala siya ng mga tao roon na artista siya pero hindi siya binibigyan ng mga ito ng isyu di gaya ng mga taong nasa city at social media, siya lang ang binabantayan at hinahanapan ng kunting mali. Mas educated pa nga sila kumpara sa mga taga-lungsod.
Napakalapit na ng buhay ni Mayumi sa mga taga-roon. Siya ang kinikilala nilang tagapagligtas sa tuwing may sakuna o bagyo. Tinutulungan sila ni Mayumi na maayos ang mga nangakasira nilang hanapbuhay at bahay.
Dito inialay nina Mayumi at Michelle ang buhay nila. Naging advocate rin silang dalawa ng kalinisan at kabuhayan.
Naisipan niyang pagkababa niya ay mamimili na lang siya ng mga prutas para sa kaibigan niya at sa mga kabataan.
"Nandito na tayo. Baba na", sigaw ng konduktor ng bus.
Bumaba na rin siya saka nagsuot ng shades saka sumbrero. Dito kasi sa bayan ay walang may nakaka-alam na pumaparito siya. Tanging sa isla lang siya malayang-malaya.
Sumaglit muna siya sa palengke at namili ng mga prutas at kaunting pasalubong. Tiyak na matutuwa ang mga bata kapag nagkataon.
"Heto na po Ma'am ang prutas ninyo. Bale PHP 525 po lahat", anang tindera.
Nag-abot siya ng 1000. "Salamat ate, keep the change", wika niya saka tumalikod na. Naiwang maluwag ang pagkangiti sa labi ng tindera. Ang bait niya talaga.
Sunod ay natgtungo na siya sa isang maliit na sakayan. Doon sila umaakupa ng bangka para magpahatid sa isla. May kakilala na siya dito kaya wala nang problema para makapunta siya sa isla ng walang nakakakilala sa kanya.
Hinanap niya agad si Gregorio o mas kilalang Greg. Nasa edad na kuwarenta na pero wala paring asawa. Madalas nga nila itong tuksuhin sa tiyahin ni Michelle pero hindi naman kakitaan ng may gusto sa babae. Hindi naman bakla pero ewan parang papaiwan na lang siguro ito sa last trip.
" Kuya Greg", tawag niya. Tuwang-tuwa naman ito ng makita siya.
"Wow. How are you Miss M", agad nitong tanong. Nag-eenglish ito sa tuwing magkikita silang dalawa.
Ngumiti naman siya. I'm fine. Kuya ihatid mo na ako. I'm very excited to see them."
"Sige, sa akin na iyang mga hawak mo. Tara na", wika nito saka iginiya na siya sa bangka nito. Umupo naman siya saka malayang pinagmamasdan ang malinaw na tubig dagat.
"Buti naman Miss M at naisipan ninyong dumalaw ulit sa isla. Siguro subrang busy mo ngayon. Alam mo idol talaga kita. Sinusubaybayan ko talaga ang teleserye mo. Dabest ka talagang umarte, tagos sa puso ko", feel na feel pa talaga ni Greg ang pagsasalita animo'y in love kung magsalita pero single naman.
Saglit siyang natawa sa sinabi nito. "Yeah, it's true. I'm so very busy this past weekend. Pero nagkaroon ako ngayon ng 3 days break kaya naisipan kong dumito muna sa isla. I want to unwind my self from stress and problems", sagot niya. "Thank you pala sa pagiging number fun ko ha. Dabest ka talaga Kuya"
Natawa rin si Greg. "Asus wala iyon. Ang bait mo kasi kaya deserve mo ang pagiging magaling mong artista"
Natatanaw na nila ang isla kaya indikasyon na malapit na sila. Medyo papalubog na ang araw. Ang gandang pagmasdan ng araw. She really loves to watch the sunset. Pakiramdam niya kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagkawala rin ng mga problema niya.
"Ang ganda talaga dito miss M. Gusto ko rin sanang manirahan dito", makahulugang pahayag ni Greg.
Umismid naman si Mayumi ng marinig ang sinabi nito. "Ahem. Parang duda ako doon ha", pagbibiro nito.
"Bakit naman? May masama ba? Miss M?"
"Wala. Sige, bababa na ako. Salamat ulit ha. Heto ang premyo mo", wika niya saka inabot ang pamasaheng isang libo. As usual hindi na nito kumuhuha ang change. Ganito talaga siya galante magbigay ng pamasahe. Di naman niya kailangan ng maraming pera.
"Naku, salamat. Ihahatid pa ba kita Miss M?"
" Sige. Medyo mabigat kasi ang mga dala ko saka para makita mo ulit si Auntie Maya. Di ba crush mo iyon kuya? Aba, pinamulahan siya ng pisngi", pagbibiro niya. Hindi naman totoo na pinamulahan ito ng pisngi.
" Aba. Hindi kaya. Sige na. Tara na. Baka gabihin pa ako rito", pag-iiba ni Greg ng usapan. Kahit kailan wala talaga itong gana kay Maya ang tiyahin ni Michelle. Maganda naman ito kahit nasa kuwarenta na rin ang edad. Naging matandang dalaga na lang sa pag-aalaga kay Michelle mula ng namatay ang mga magulang nito. Ito na Kasi ang tumayong ama't-ina ng dalaga.
Pagkarating sa may maliit na komunidad ay nagsitakbuhan ang mga kabataan para salubungin siya ng mga ito. Namiss niya ang pagwe-welcome ng mga kabaatang taga-rito.
"Ate Mayumi", sigaw ng mga ito saka niyakap siya ng mga ito. Subrang namiss nila si Mayumi. Tuwing summer lang kasi siya nandidito at bihira lang kapag hindi summer.
Nakangiti lang si Greg habang pinagmamasdan ang mga kaganapan. Siguro kung nag-asawa na siya nuon ay may mga anak na rin siya.
"I miss you all mga bata. Kumusta kayong lahat dito? Sina Ate niyo Michelle nasaan ba?"
Hindi sumagot ang mga bata sa halip na hinila siya ng mga ito papunta sa bahay nina Michelle. Kinabahan tuloy siya. Sunod na lang sa pagkaladkad si Greg habang bitbit ang mga pinamili ni Mayumi.
Nasa tapat na sila ng bahay nina Michelle pero wala namang katao-tao. "Anong meron dito? Nasaan si ate Michelle ninyo? o kaya si Auntie Maya?", natataranta niyang tanong sa mga bata. Ngumunguso lang mga ito na buksan daw niya ang pinto ng bahay.
Marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Dahan-dahan siyang pumasok. Nagmatyag muna bago tuluyang pumasok ng bahay.
"Surprise", sigaw ng mga ilang kabataan kasama sina Michelle at Auntie Maya. Nagulat siya kasabay ay pumatak ang mga luha Niya sa subrang saya. Nqg-isip pa naman siya ng kung anu-ano. She doesn't think that they will surprised her. Siya pa nga ang kanina pa nag-iisip ng mga pakulo pero wala naman siyang maisip.
Pinahid niya ang mga luha. Niyakap Niya agad sina Michelle at Auntie Maya. "Akala ko may nangyari nang masama sa inyo. Bakit niyo pala nalaman na darating ako dito ngayon?"
"Siyempre, alam mo na iyon. Nagtanong ako kay Bunny kung hindi ka busy saka sinabi niyang pupunta ka rito. Kaya nag-isip kaming i-supresa. Di naman yata pwedeng ikaw lang palagi ang may surpresa"
"Ikaw talaga. Teka lang kasama ko nga pala si Kuya Greg. Baka nasa labas pa siya"
"Don't worry. Inasikaso na siya ni Auntie Maya. Alam mo bagay sila. Pero ewan ko kay auntie baka di na yan mag-aasawa"
"Loka ka talaga. Hayaan mo na sila"
"Oo nga. Tara sa kusina may iniluto kaming paborito mo. Inihaw na isda, and adobong pusit, mga hipon saka maanghang na sawsawan"
Pinaghain ni Michelle ng mga paborito nitong pagkain si Mayumi. Pagkakita pa lang nito ay takam na takam agad ito. Walang diet-diet ngayon. Hindi naman siya tumataba kaya no worries. Mag-gi-gym na lang ulit siya pagbalik ng Maynila.
Habang sa labas ay kinukumbinsi ni Maya si Greg na pumasok para kumain bago umalis ay tudo tanggi naman ito. Hindi na rin ito napilit ni Maya at nagpaalam ng mauuna na daw itong aalis. Baka gabihin daw ito pabalik sa bayan. Pakunwari talaga ito. Pinayagan naman ni Maya na makaalis ang lalaki.
Nang matapos na silang kumain ay talagang napadighay pa siya. " Hala, subrang nabusog ako Mich, hala nakalimutan natin sina Auntie Maya sa labas. Teka lang, tawagin ko muna"
"Di na kailangan. Umalis na si Greg. Ewan ko nagmamadali na namang umuwi. Kahit kailan nahihiya pa rin iyon na makisalo sa atin", sabad ni Maya na papalapit sa kanila.
"Auntie, kumain na po kayo. Ako na po ang bahalang maghugas ng mga pinagkainan mamaya", wika niya. Oo, naghuhugas siya ng pinggan. Hindi naman siya maarte kagaya ng ibang artista na kakilala niya. Hindi naman siya inu-obliga na gawin ang mga bagay na iyon pero natutuwa kasi siyang may magawang bagay.
"Huwag na, ako na ang maghuhugas. Ipamigay niyo na lang sa mga kabataan ang mga pasalubong mo. Tiyak na matutuwa ang mga iyon." Tumingin ito sa labas." O pwedeng ipagpapabukas na lang. Medyo takip-silim na pala eh", anang Maya.
"Sige, Auntie. Sa kuwarto na muna ako. Ilalagay ko muna ang mga gamit ko. Salamat Auntie sa masarap na pagkaing inihanda ninyo"
"Walang anuman, basta ikaw"
Pumasok na siya sa kuwarto niya. Dito siya matutulog sa tuwing nandidito siya sa isla. Simpleng kuwarto pero puno ng ala-ala.
Lumabas na rin siya agad at hinanap si Michelle. Nasa kuwarto ito at may ginagawang school works. Isa kasing public school teacher si Michelle. Matagal na rin siyang kinukumbinsi ni Mayumi na sa Maynila na siya magturo para malaki-laki ang sahod pero ayaw pa rin niya. Mas gusto niyang dumito para maturuan ang mga taga-isla.
"Ano ba iyang ginagawa mo? Weekend ngayon pero iyan pa rin ang ginagawa mo? Para saan ba iyan?"
"Ah, ito? Para sa proposed budget ng paaralan. Naisipan ko kasing idulog sa kawani ng gobyerno na kulang pa ang mga silid-aralan na naipatayo rito sa isla. Alam mo naman kahit maliit lang ang isla pero kailangan pa rin ng mga kabataan dito ang karunungan"
"Okay I'll help you. Bukas ba may opisina sa bayan? Baka pwede natin iyan idulog agad. Kaya ko namang laanan ng budget ang proyekto na iyan pero kailangan natin ng permit to operate. At pagkatapos ako na ang bahala. Sasangguni din ako kay Daddy para sa iba pang kakailanganin"
"Alam mo Mayumi hulog ka talaga ng langit. Napakasuwerte namin na nakilala ka namin. I love you Mayumi", wika ni Michelle saka niyakap siya nito ng napakahigpit.
" Basta para sa mga taga-rito. I will bring joy and hope here. Saludo din naman ako sa tayo teacher Michelle. You're the best", sagot Niya saka niyakap ang kaibigan.
Ganito sila ka close. Parang magkakapatid ang turingan sa isa't-isa. Suportado ng bawat isa ang pangarap ng bawat isa. Kahit na magkalayo at parehong busy ay hindi nila nakakaligtaan na magkamustahan.
"Siya nga pala Yumi, kamusta ang love life mo? Kamusta na pala ang artistang nakalink mo? Nanliligaw pa ba?"
"Huh? Mich, wala as in zero. Oo, gwapo siya at mabait pero wala pa sa isip ko ang mag-in sa isang relationship. Bakit ikaw ba? Baka may boyfriend ka na?"
Natawa naman si Michelle sa kanya. " Ako? Never din. Busy ako sa trabaho kaya wala rin akong time para sa kalukuhan. No time for love", aniya.
Mas natawa si Mayumi. " What? Oy, you're already 25 years old kaya kailangan mo na mag-boyfriend no"
"Asus. Ikaw nga 24 years old na rin. Di naman nagkakalayo ang edad nating dalawa kaya maghanap ka na rin ng boyfriend", panunukso ni Michelle sa kanya.
Nagkatawanan naman silang dalawa ng sumagi sa mga isip nila si Auntie Maya. Mas matanda pa nga sa kanila pero NBSB pa rin. Minsan pinagkakatuwaan na lang talaga nilang dalawa si Maya. Pero kung hindi sila papalarin ay sasapitin din nila ang maging kagaya ni Maya. Ang dakilang matandang dalaga ng isla.
" I don't want to die a spinster", naibulalas ni Michelle.
"Me too, pero paano? Wala naman sa isip ko ang makipagrelasyon. Di naman kasi totoo ang happily ever after. Sa mga fairy tale lang kaya ang mga iyon"
Umismid ito sa kanya. "Talaga lang ha? Malay mo baka bigla lang yan darating ng hindi mo inaasahan. Just wait for the perfect timing. Bakit ano ba ang gusto mo sa lalaki?"
"Perfect timing? Asa ka pa? Siyempre, mabait saka mahal namin ang isa't-isa pareho. Ayaw ko iyong Mahal ko lang siya at Mahal Niya lang ako. Unfair sa part naming dalawa, di ba? Eh, ikaw ano ang ideal guy mo Mich?"
Saglit pa itong nag-isip. " Mabait din kagaya ng ideal man mo saka gusto ko ang may respeto at paninindigan"
Ngumiti si Mayumi ng marinig Niya ang sinabi ng kaibigan. " May kilala akong ganyan. Mabait iyon dahil minsan na niya akong tinulungan na makatakas sa mga media. Alam mo na ang media. Kung anong papel nila sa buhay ng mga artista."
"Huh? Kelan nangyari iyon ha? Bakit di ko alam?"
"Last three weeks ago. Nevermind about it. Ang pag-usapan natin ay iyong guy."
"Hala, loko. So, sino ang guy na gumulong sayo? Baka siya ang soulmate mo Yumi", napatili pa ito
Natawa si Mayumi. "Nope. Baka soul mate mo. Ipapakilala ko siya sayo sa susunod. He is Jeff, isang police officer. Mabait, may respeto, may paninindigan at higit sa lahat Guwapo"
"Ewan ko sayo Yumi. Matulog na nga tayo. Inaantok na ako", wika nito saka humikab. Di alam ni Mayumi kung pagdadahilan lang ba ito ni Michelle o totoo.
"Sige na nga. Good night", wika niya saka nagpaalam na.
"Good night too. Bukas na lang natin ipagpapatuloy ang pag-uusap about sa mga ideal man natin. Subra akong napagod kanina."
"Sige"
Lumabas na si Mayumi at nagtungo sa kuwarto niya. Kahit na nga siya ay nakaramdam na rin ng pagka-antok.
Pagod din naman siya sa kanina kaya gusto na niyang matulog para makapagrelaks na. Maagang matutulog ang mga tao sa isla. Alas otso pa lang ay tulog na ang lahat. Di ka tulad sa Maynila 24/7 ang mga tao doon. Halos walang pahinga at tulog pero okay pa rin naman.
Humiga na siya at pumikit. Gusto niyang matulog ng walong oras o higit pa. Pambawi ng lakas.