NABULABOG ang pagtulog ni Mayumi ng gisingin siya ni Bunny. Ang sarap-sarap ng kaniyang tulog pero biglang nasira dahil nga sa nagising siya. Wala naman siyang dapat na gawin ngayon kundi ang matulog buong magdamag. Next week pa naman ang next taping nila kaya she's free this time.
Kahit hindi pa nakadilat ng mga mata ay agad siyang nagtanong sa baklitang manager kung bakit parang may emergency nang yugyugin siya nito. "What's wrong Bunny? Antok pa ako", wika niya habang nakatalukbong pa rin ng kumot.
"Gumising ka na. May mga ibabalita ako sayo. It's good news and at the same time bad news", anito.
Nakapikit pa rin ang mga mata niya tila walang ganang bumangon at pakinggan ang mga sasabihin ng manager niya. "Sabihin mo na muna ang good news saka ang bad news at nang sa ganun makabalik na ako sa pagtulog. I want to have a good sleep at gusto kung makapagrelaks kahit ngayong araw lang Bunny."
Napailing ito sa kanya. "The good news is ikaw ang napiling bagong cover ng magazine na i-lu-lunch next month. Di ba ang ganda at hindi si Briana ang napili. Kapag nagkataon tataas na naman ang hangin sa ulo nito at kung parang sino na."
Walang epekto ang sinabi ni Bunny sa kanya. Nakapikit pa rin ang mga mata niya. Niyugyog siya ulit ni Bunny para malaman kung gising pa ba ito o tulog na ulit. "Mayumi, are you awake? Sige ka. Hindi ko na i-re-renew ang contract mo sa Ayala intertainment this year kapag hindi ka pa dyan gigising."
"I don't care. I'm just listening you. Please go on. What's the bad news?"
"Huwag na lang. Hindi ko na sasabihin sayo dahil baka masisira ang araw mo."
Dumilat ito. "Tell me please. Kung masira man ang araw ko. Okay lang, dagdagan mo na lang. Kanina mo pa naman nasira ang umaga ko" seryoso nitong sagot.
Bigla namang kinabahan ang baklita. Natakot ito sa kanya. Hindi niya alam na nagbibiro lang ang babae ng sabihin niya ito. "I'm sorry Mayumi."
Tumawa naman ito ng makitang natakot ang baklita. Artista kaya siya at pwede naman siyang magdrama anytime. "Tell me, please."
"Okay. The bad news is bago ang CEO ng Ayala Intertainment. Sabi ng mga staffs terror daw ito."
"Terror?", she laugh sarcastically. "I don't care. Babae ba o lalaki? Who?"
Napalunok ito ng kanyang laway.
Natawa naman si Mayumi ng makita ang reaksyon ni Bunny. "Tell me please."
Nagkamot muna ito ng batok. "He is Kalel Monteverde, the guy that almost hit you by his car", wika nito na agad na namutla.
Nanlaki naman ang mga mata ni Mayumi sabay napatayo mula sa kanyang higaan. Nasira na tuloy ang araw niya. "What? Pa- paanong siya? Ano ang kinalaman niya sa Ayala Intertainment?"
"Mommy niya ang may-ari ng Ayala Intertainment. What should we do? You will renew your contract this year or not?"
Tumaas ang kilay nito saka ngumiti ng nakakaloko. Her smile is like a demon in an angel's disguise. "Yes. Why not? I will make him pay for every thing," then she laugh sarcastically.
Biglang naguluhan si Bunny sa naging reaksyon niya."Huh? Anong ibig mong sabihin? You will take revenge for him? Hoy, huwag mo nang babalakin iyan baka pagsisihan mo pa sa huli." Nagtaas ng kilay ang baklita. "Guwapo ang mokong at baka mahulog ka sa kaniya and in the end ikaw lang naman pala ang masasaktan"
Natawa naman ulit si Mayumi sa sinabi ng manager niya. Na-a-adik na siguro ito sa kapapanood ng telenobela. Hindi naman nangyayari sa totoong buhay ang mga sinabi nito. Sa mga palabas lang ito sa TV at sa mga nobela. Ni hindi nga siya mahilig manuod ng TV o magbasa. Hindi siya naniniwala sa mga ganito. Only she thinks is to take revenge. At iyon lang ang intension niya. Wala ng iba pa.
Tuluyan na siyang bumangon at nag-ayos ng sarili.
"Bunny I need to go to my best friend's house if we don't have any important appointment this day. I think I'm gonna be there for three days", aniya saka agad na nagtungo sa banyo para maligo.
"Teka lang bago ka pumunta doon sa kaibigan mo pupunta muna tayo sa Ayala Intertainment. Gusto ka makita ni Mr. Sebastian ang ama ni Kalel." Hindi alam ni Bunny kung narinig ba siya ni Mayumi o hindi.
Umupo na lang muna siya sa may couch at matiyagang hinintay ang alaga niya na matapos maligo.
Kahit palagi siya nitong pinagtitripan at sinusungitan ay masanay na siya sa dalaga. Napamahal na rin siya sa ugali mayroon si Mayumi. Parang best friend na ang turingan nilang dalawa sa loob ng 7 taon sa mundo ng showbiz.
Dati isang simple at tahimik lang siyang manager pero ngayon sikat na rin siya dahil kay Mayumi. He owe everything from her kaya hindi niya ito kayang pakawalan o masaktan. To the rest back siya sa mga nag-aaway sa dalaga.
Pagkalabas nito sa banyo ay diretso itong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Naglagay ng kaunting make up para maging natural lang. She wears jeans and off- shoulder. Tama lang na bumagay naman sa kanyang maputing balat. She's gorgeous inside and out.
Lumabas na ito baka nainip na si bunny sa kahihintay sa kanya.
"Let's go", sabi niya saka naunang lumabas ng pinto. Sumunod naman sa kanya ang baklita palabas.
Pagkarating sa parking lot ay agad na siyang sumakay sa kotse ni Bunny. As usual nakikisakay lang siya kahit may sariling kotse naman siya.
"Bunny si Sir Sebastian lang ba ang kikitain natin ngayon?"
"Of course not. Lahat ng mga staffs at ang bagong CEO ng Ayala Entertainment, Mayumi. Today you're going to signed your new contract with the management and for the upcoming lunch of year-end magazine"
"What? Bakit hindi mo sinabi?"
"Bakit? Kung sinabi ko ba agad kanina ang lahat sasama ka ba?"
"No. It's not my point Bunny. Sana nakapagbihis man lang ako ng mas presentable at di ganito lang. Talagang sasama naman ako kasi gusto kong makita ang antipatikong lalaking iyon"
Natawa naman si Bunny sa sinabi niya. Akala kasi nito na nagagalit ito dahil sa nalamang nandodoon din si Kalel. "It's okay you still look gorgeous with a simple outfit".
"Bunny! Nakakainis ka. Binobola mo lang ako"
"Hindi kaya ah. Maganda ka kahit na nakapajama at nakat-shirt ka lang. Inggit nga ako sayo eh"
Tumawa na lang si Mayumi. Kumuha ng salamin sa maliit niyang bag saka nanalamin. Tiningnan niya kung ayos lang ang hitsura niya. Hindi naman sa gusto niyang magpa-impress ng looks mamaya kundi para malaman kung okay lang ba ang hitsura niya kapag makaharap niya ang mag-aama.
Hindi naman siya pinaki-alaman pa ni Bunny.
Nang makarating sila sa Ayala Entertainment ay agad na bumaba si Mayumi saka ipinarada naman ni Bunny ang kotse. Pagkatapos sabay na silang pumasok.
Matagal na siya sa showbiz industry pero ngayon ay kinakabahan siya at parang gusto niyang sumabog sa galit.
Makikita ba naman niya ang mag-aama. Matagal na niyang nakikita at nakakasalamuha si Sebastian pero hindi nagsink-in sa utak niya na ito ang may dahilan kung bakit nawala ang ina niya.
Ang dating mabait at ulirang ama ang pagkakakilala niya ngayon ay napalitan na ito ng pagkasuklam. Galit na galit siya sa mag-aama.
"Mayumi are you okay?" Nahalata siya ni Bunny na parang masama ang ekspresyon ng mukha niya.
"I'm okay"
Pinakalma niya ang sarili niya. Pumasok na sila sa may elevator. Pagbukas nito ay diretso na sila sa conference room.
Naunang pumasok si Bunny sumunod lang siya at pinakalma muli ang kanyang sarili.
Pumasok na siya at tumambad agad sa paningin niya ang kabuohan ng kinakainisang lalaki. Guwapong-guwapo ito sa suot nitong suit. Napakurap-kurap niya ang mata niya.
Sumama naman ang paningin nito sa kanya. Kaya agad niyang binawi ang paningin at hinarap ang mga nandodoon at ngumiti.
"Good morning Mayumi, please take your sit", anang Sebastian.
Ngumiti lang siya saka umupo na sa nakalaang upuan para sa kanya.
Pagkatapos ay nagsalita agad si Kalel patungkol sa mga bagong patakaran. Sunod para sa bagong year-end magazine.
Hindi naman siya gaanong nakinig dahil naiinis siya sa boses ng lalaki. Manly naman ang boses nito pero para sa kanya parang sintunado. Malayo ang focus ng isip niya. Excited kasi siyang magbakasyon sa Isla Ng kaibigan niya.
"Miss Collins, are you still willing to be in our Company? Papa-anong magiging cover ka ng magazine namin kung mag-eend na naman pala ang contract mo rito", Kalel asked her.
Nang marinig ang lalaking nagsalita at tinatanong siya ay naantala ang mga iniisip niya. Hindi niya masyadong narinig ang mga katanungan nito sa kanya.
"Excuse me. Pardon please"
"Okay. I'll repeat my questions. Miss Collins, are you still willing to be in our Company? Papa-anong magiging cover ka ng magazine namin kung mag-eend na naman pala ang contract mo rito?"
Ngumiti siya na parang walang nangyari at tiningnan nang husto ang lalaki. "Yes, of course Mr. Monteverde I've love to. Besides showbiz is my fashion. I'm very grateful if I will continuously work with you", sagot niya na ikinatuwa ng lahat.
Wala ng naging sagot pa si Kalel maliban sa pagmasdan siya nito mula ulo hanggang sa kabuuan niya. Nakakailang pero hindi siya nagpapahalata.
"Wow. Great Mayumi. Nice to hear that", sabad ni Sebastian.
"Thank you for trusting me"
Nagsitanguan at ngitian naman ang lahat na nandodoon sa conference room.
"Okay here is your new contract Miss Collins please signed it first. Then we will have a picture takings", saad ng isang staff.
Mabilis niyang natapos na permahan lahat ng documents. Isa-isang nakipagkamay sa kanya ang mga staffs at maging si Sebastian. Si Kalel na lang ang naiwang hindi nakipag-shake hands sa kanya.
"Hijo, bakit hindi mo pa kinakamayan si Miss Collins? Just congratulate her for being with us again", utos ni Sebastian sa kay Kalel.
Parang wala naman sa modo ni Kalel na i-congratulate ang babae sa pag-rerenew nito ng contract.
Hindi naman nag-eexpect si Mayumi mula sa lalaki. Magkaaway sila kaya paki-alam ba niya sa lalaki. CEO lang siya at kaaway pa rin ang turing niya sa lalaki. Pwede naman niyang gamitin ang mga pagkakataon na nandidito siya sa kompanya para maisakatuparan niya ang mga plano niya.
Nakatayo lang siya dahil marami ang nagpapapicture sa kanya. Hindi niya alam na nakalapit na pala sa kanya si Kalel.
"Sir Kalel and Miss Mayumi, Smile", wika ng photographer. Kinuhanan sila ng litrato.
Nagulat naman si Mayumi pero hindi niya ipinahalata sa halip ay ngumiti siya at mas lumapit sa lalaki. Humawak siya sa braso nito na ikinabigla naman ni Kalel.
Napangiti naman siya. Ini-enjoy niya ang bawat kuha sa kanila ng picture. Kahit peke iyon dapat na lumabas pa ring natural.
"Please get off your hands b*tch", bulong nito sa kanya. Tinutukoy nito na kunin niya ang kamay na napahawak sa braso nito.
Nagbingi-bingihan lang siya sa sinabi nito. "Mamaya na. Kumukuha pa sila ng pictures. Don't worry hindi ko nakakalimutan ang kasalanan mo sakin Mr. Kalel Monteverde. Our beloved CEO"
"What? Are you crazy?"
Hindi siya pinansin ni Mayumi. Sa halip tudo awra lang ito sa camera. Hindi niya pinansin ang naging reaksyon ng lalaki.
"Last picture", anang photographer.
Pagkatapos ng huling picture ay binitawan na siya ni Mayumi at nagtungo na ito sa kinauupuan ni Bunny.
"Bunny I have to go. Mauuna na ako sayo"
"Sige. Mag-ingat ka ha. Kapag may problema ka doon kina Michel feel free to contact me"
"Sure"
Nagpa-alam na rin si Mayumi kina Sebastian at sa mga kasamahan nila. Nakita pa rin niyang masakit ang mga paninging ipinukol sa kanya ni Kalel.
"Mamatay ka na sa galit. Hahaha", usal niya saka natatawang pumasok ng elevator.
Habang si Kalel ay galit na galit na pumunta sa opisina niya. "How could she do this to me? How pathetic"
Hinanap ni Sebastian ang anak pero hindi niya ito nahanap kaya pinuntahan niya ito sa opisina nito
Pumasok si Sebastian. "Oh. Nandito ka na pala? Kamusta naman ang pakikipag-usap mo kay Mayumi? Is it good?"
"No, Dad. We're not in good situation. I really hate her"
Nagulat si Sebastian sa sinabi nito. "Ow? why? Nagkakilala na ba kayo dati or nagka-away?"
"Yes, we are. Hindi maganda ang unang pagkikita namin Dad. Hinagisan ako ng babaeng iyan ng magazine sa mukha when I never recognize her. At talagang hindi ko siya kilala that time kahit na sikat pa siya dito sa Pinas. I hate her so much", pagsusumbong nito. Kasalanan din naman niya ang nangyari sa kanya.
"Ganun pala. Don't act like that. Hayaan mo na. Baka may kasalanan ka rin naman sa kanya. Mabait ang batang iyon. Matagal ko na siyang kilala kaya baka misunderstanding lang iyon. Malaki ang project niya sa company natin kaya be nice with her, okay?"
Bumuga ito ng hangin saka tumayo. "No Dad. Kapag hindi ko pa ulit magugustuhan ang ugali niya, I will fire her."
"Huwag mo iyang gawin. She give fame to our company kaya be nice to her"
"Hindi ko maipapangako sayo Dad. Basta ako ang magdedesisyon kapag gusto ko siyang tanggalin sa kompanya. Marami pa ang magagaling na artista ang papalit sa kanya"
"Oh. Okay. Pero pagsisisihan mo ang gagawin mo kapag nagkataon. Try to be good to her. By the way next week kailangan na nandodoon ka sa photoshoot para ma-assess mo ang kakayahan niya bilang isang magaling na model at actress. Ikaw na ang bahala sa susunod na gagawin mo. Sige, I'll go first. I have another meeting to attend."
Naunang lumabas si Sebastian at naiwan si Kalel na nakatayo. Maya-maya pa ay umupo siya sa kanyang swivel chair. Napakuyom niya ang kanyang kamay sa labis na inis. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.
Mas nainis pa siya ng maalala ang una nilang pagkikita hanggang sa pangyayari kanina. He really hates her for no reason. Hindi niya alam kung bakit galit na galit siya sa babae.
Sa pagkabagot tumayo siya at tinawagan ang mga kaibigan niya para lumabas at mag-hang out. Gusto niyang makalimutan ang mga pangyayari kanina at pati na si Mayumi.
Lumabas na siya at sumakay sa kotse niya saka nagtungo sa bar na pinagkasaunduan nilang magkakaibigan.