Chapter 2

4367 Words
ISANG sagupaan ang kasalukuyang nagaganap. Ito ay hidwaan sa pagitan ng dalawang babae na nag-aagawan ng iisang lalaki. Matapang na sinugod ng isang kabit ang asawa ng lalaking kinakasama niya. Intense ang mga pangyayari sa pagitan ng dalawang babae na nagmamahal ng iisang lalaki. "Akin lang si Michael, Amanda", bulyaw ng babae sa kanya. Parang tigreng mangangagat na kahit anong oras ay gusto siyang sunggaban ng matatalim nitong pangil. "Anong sayo lang ang asawa ko? Hoy babae kabit ka lang ng asawa ko kaya tigilan mo na ang kahibangan mo", ganti ni Amanda sa babaeng sumugod sa kanya. "Anong silbi ng pagiging asawa mo kung sakin na siya sumasaya ngayon? Alam mo kung magaling ka lang sana sa kama edi sana hindi na maghahanap ng iba ang asawa mo", sarkastikong ganti ulit sa kanya ni Rosalinda na puno ng pagmamayabang. Ang dakilang kabit na kung makapag-asta at siya pa ang tutoong asawa. "Aba? Look at me? Di yata'y mas maganda at sexy ako kumpara sayo. Siguro ahas ka at may dugong higad kaya mo nakuha ang loob ng asawa ko. Pero ngayon hindi ko na hahayaan na magtatagumpay ka sa binabalak mong pag-agaw sa asawa ko", galit niyang ganti na mas lalong ikinagalit ni Rosalinda sa kanya. Na-hurt ang ego ng babae kaya mas lalo pa itong nagalit sa kanya. Hinablot siya ng babae at itinulak. Nawalan siya ng balanse at natumba. Bumangon siya at gumanti. Sinakal niya ang babae ng mahigpit. Nagkaroon na siya ng pagkatao na maipatikim sa malanding higad ang premyo nito para sa pang-aagaw ng asawa niya kaya itutudo na niya ito. By hook or by crook. Nagpupumiglas ang babae dahil hindi na ito masyadong makahinga. Lumaban din si Rosalinda at nakipagsabunutan sa kaniya. Natumba sila sa lupa at nagpagulong-gulong. Hindi binitawan ang isa't-isa. "Akala mo Briana hindi kita papatulan, kung ang bawat kilos mo ay tutuhanan na. Hindi na ito kasali sa script kaya humanda ka", sabi ni Mayumi na mas lalong diniinan ang kanyang mga kuko sa ulo ni Briana. "Aray, akala mo ba Mayumi magpapatalo ako sayo?" Briana laugh sarcastically. "No way", sagot nito sa kanya saka mas diniinan din ang pagsabunot kay Mayumi. Hindi nagpatinag si Mayumi sa halip ay mas lalong ininis niya ang babae. Dahilan para magkasakitan na talaga sila ng husto. Nang tumagal ay nagkahiwalay na rin sila at kapwa nakatayo na ay ininis siya ulit ni Mayumi. "Sige pa. Iyan lang ba ang kaya mo?", sarkastikong tanong ni Mayumi sa babae saka sinampal iyon ng todo na ikinabigla naman ni Briana. Hindi nito inaakala na gagawin iyon ni Mayumi sa kanya. Napuno lang kasi siya ng galit sa babae kaya niya ito na sampal. At si Briana din naman ang may pasimuno ng lahat. "Talaga bang sinasagad mo na talaga ang pasensya ko Mayumi?", galit na wika ni Briana na napahawak sa mukha niya. Gaganti pa siya ng sampal pero mabilis na nakailag si Mayumi dahilan para sugurin niya ito ulit at sabunutan. Napansin naman ng kanilang director ang kakaibang girian sa pagitan ng dalawa. "Cut", sigaw nito para tumigil na ang dalawa pero hindi sila nagpa-awat at huminto. "I said cut", sigaw nito ulit. Inutusan na nitong awatin ang dalawa. "Ano ba ang nangyayari? OMG. Awatin na ninyo ang dalawa", natatarantang sigaw ni Bunny. Nilapitan naman siya ng manager ni Briana at tinaasan ng kilay. "Hoy Iring na bruha, anong tinitingin-tingin mo at tinataas ng kilay mo? Huh? Anong drama na naman ang naisip ninyo ng bruha mong alaga huh?", nanggagalaiti na tanong ni Bunny sa manager ni Briana na si p***y. Ngumiti lang ito sa kanya ng nakakaloko. "Wala lang. Natutuwa lang ako dahil sa mga eksena. Ang galing talaga ng alaga ko ano?", nakangising wika nito habang nakapamaywang. Talagang proud pa ito sa kabulastugang ginawa ng babae Kung hindi lang nakapagpigil si Bunny ay talagang masasampal na niya ang bunganga ni p***y. Kahit anong kagustuhan niyang masampal ang babae ay talagang nagtitimpi siya dahil ayaw niyang ma-isyu at makasira sa image ni Mayumi. Sa wakas naawat na rin sila ng mga crew. Nasira nga ang makeup ni Briana dahil sa naganap na sagupaan sa pagitan nila. Tama lang iyan sa malditang babae. Siya ang may ganang manakit ayan tuloy nakuha niya ang premyo niya. Sirang-sira ang makeup nito at may nagusot sa damit niya. Matagal na silang may girian sa isa't-isa. Hindi nga alam ni Mayumi kung bakit galit na galit sa kanya ang babae. Gayun sa pagkaka-aalam niya ay wala siyang tinatapakang tao at higit sa lahat purely business lang ang pag-aartista niya. Kahit masakit ang ulo niya hindi niya ito ipinahalata. Ipinapakita pa rin niyang okay lang siya. Nilapitan agad siya ni Bunny at si Briana ay nilapitan din ni p***y. "Mayumi ayos ka lang ba?", agad na tanong ni Bunny sa kanya. Puno ito ng pag-aalala ng inabutan siya ng wipes. Tinanggap niya ito. Ngumiti siya at nagwika. "Yes, of course. Tingnan mo ang mukha ko di ba walang may nasirang make up?" "Anong wala, huh? Meron pero kunti lang. Sino ba ang nauna na gumawa ng kabulastugan? Huh? Siya ba? Naku, pigilan mo ako at masasampal ko iyan", wika ni Bunny habang tumataas- baba ang mga balikat nito habang pigil na pigil ang galit niya. "Bunny, tama na. Away lang namin iyon at huwag ka nang makisali dahil mas lalo pang lalaki ang gulo", saway ni Mayumi na bigla namang natawa na agad niyang pinigil. Natawa siya sa ekspresyon ni Bunny. Tumingin naman ng masama sa kanila si Briana at galit na galit ito sa kanya. Parang gusto siya nitong suggaban at lunukin. Pangiti-ngiti lang si Mayumi na para bang inaasar pa lalo ang babae. "Briana okay ka lang ba?", may pag-aalala g tanong ni p***y sa babae. "Oo naman. Bakit?", galit na sagot ni Briana. "Halika na p***y at mag-aayos ako. I need to fixed my beauty", sabi nito saka umalis na agad at pumasok sa room na intended para sa kanila. Mabilis din silang nakapag-ayos at bumalik sa labas para kausapin ang kanilang director. Nagalit sa kanila ang kanilang director. Nandodoon na sila ni Mayumi at Bunny nakaupo sa harapan ng kanilang director. "Kayong dalawa bakit kayo nag-aaway ha?", agad na bungad na tanong ng director nilang si Manny. Nagsermon ito sa kanilang dalawa. Ang galing nitong nagsermon daig pa nito ang pari sa kanyang pagsesermon. Ganun talaga kapag baklita rin ang talas ng dila. "Wala iyon direk, sadyang ginawa lang namin ang best namin eh", agad na sagot ni Briana. Pakunwari epek pa siya. Kunwari best ang ginawa. Best pala sa pang-aaway. "Hoy, bruha anong best ang sinasabi mo? Ang sabihin mo kamu sinasadya mong saktan ang alaga ko", sabad ni Bunny. Galit na galit na namang sumabat ang baklitang manager ni Mayumi dahil hindi ito sang-ayon sa sinabi ni Briana. "Tama na. Okay, next week na lang tayo mag-soshoot ulit ng mga next episodes or shall I say last episodes na pala. Magtatapos na ang unang teleserye na magkakasama kayo. Sana sa susunod ay hindi na kayo magkakasama para walang problema. I have to go at dapat na mag-ayos na kayo ha. Ayaw ko nang may girian sa pagitan niyo", sabi ni Manny saka nauna nang umalis. Nag-walk out na ang baklitang director. Naiwan na lamang silang apat. "Tse, ayaw namin makipag-ayos sa mga taong tulad ninyo", agad na wika ni Bunny. "At mas ayaw rin namin. Akala nito kung makapagsalita", ganti rin ni p***y sa baklita. Habang ang dalawang Manager nila ay nagbabangayan silang dalawa namaan ay nagkakatinginan lang ng masama sa isa't-isa. Ayaw namang padadaig ni Mayumi dahil baka turingan siyang talunan. "Tara na Briana, umalis na tayo", yaya ni p***y. "Sige, mauna ka na, susunod na lang ako", sagot nito. Malamang may binabalak na naman itong gagawin. "Ano pa ba ang gagawin mo? Halika na", yaya ni p***y na nagmamadali nang sumakay sa kotse at makakaalis ng building. Sa kanilang banda sila ng parking lot nag park ng kotse. Malayo kina Mayumi. "May tuturuan lang ako ng leksiyon", sagot nito saka tumalikod agad. Napanganga na lang si p***y at hindi na umimik. Alam na niya ang ibig sabihin ng babae. Papalapit na sa parking lot sina Mayumi at Bunny pero hinabol pa rin sila ni Briana. "Masaya ka na ba Mayumi?", Wika nito na ikinahinto naman ni Mayumi. "Of course, I am. Bakit, ikaw hindi pa ba?", sarkastikong sagot ni Mayumi sa babae nang balingan niya ito. Tinaasan niya ito ng kilay saka sarkastikong nginitian. "Hindi pa hanggang hindi ka pa nawawala sa landas ko. Ito ang tandaan mo. I will do everything to see your loss. Sa akin pa rin ang huling halakhak Mayumi", pagbabanta nito sa kanya. Hindi naman alam ni Mayumi kung ano ang ibig niyang sabihin. "Ano ba kasing problema mo sakin bakit galit na galit ka? Hindi naman kita ina-ano hindi ba?" "Inagaw mo na ang lahat sakin. Ang kasikatan ko noon na ngayon ay nasasayo na" She smirk. "The hell I care. As far as I know wala akong inagaw sayo. As if namang magaling ka? Di yata'y mas magaling akong umarte kaysa sayo kaya kita nasapawan. Kaya gumising ka na sa kahibangan mo Briana" "Aba, ang lakas ng loob mo ano?", wika ni Briana na pagbubuhatan sana niya ng kamay si Mayumi ngunit agad naman iyong nasalo ng babae. "Pakiusap tumigil ka na. Ayaw kong saktan ka pero kung sumusubra ka na ay hindi na talaga ako magpipigil pa at talagang masasampal na kita gaya ng gusto mong gawin sakin", tiim- bagang binitawan ni Mayumi ang kamay ni Briana at hindi na ito nakaimik ng agad niya itong tinalikuran. Naiwan na lang si Briana na nakatayo at di pa rin makapaniwala na kaya siyang labanan ng ganun ni Mayumi. Nanggagalaiti siya sa galit nang nagtungo na siya sa kotse nila sa parking lot. Kanina pa kasi naghihintay si p***y sa kanya. Nagtaka naman ang babae kung bakit ang warka ng mukha ng alaga niya. "What's wrong? Inaway ka ba nila?" Hindi ito sumagot saka binuksan na ang passenger seat pero hindi agad ito pumasok. Masama pa rin itong tumungin kina Mayumi. "Pasok na at nang makaalis na tayo Briana" "Shut up. Mamaya na. Hindi pa sila makakaalis kaya huwag muna" Umismid at inirapan naman ni Bunny si Briana bago pinagbuksan ng kotse si Mayumi at pinaunang pinasakay. Nakita pa nitong tumalim ang mga paningin nito sa kanya. "Tara Mayumi umalis na tayo. Baka ma- stress na lalo itong beauty ko. Nakakainis na siya. Gusto ko siyang mawala sa landas mo", sunod-sunod na wika ni Bunny. Bigla namang kumunot ang noo ni Mayumi sa narinig na sinabi ng baklita. "Oh, ano naman ang gagawin mo?" "Wala lang naman. Kapag nagkataon ay hahanapan ko lang ng baho ang babaeng iyan saka ibubulgar ko at nang makatikim ng kamalasan sa buhay niya", wika nito saka humalakhak. "Ay, tika saan ba kita ihahatid? Sa apartment mo ba o sa bahay niyo?" "Sa St. Phillip cemetery lang ako ihatid", sagot nito saka tumahimik na. Tumanaw sa labas ng bintana ng sasakyan. "Ano? Hoy hindi pa naman undas ngayon anong gagawin mo doon?", walang maang na tanong ni Bunny. "Dadalawin ko lang ang puntod ng mommy ko", sagot niya saka biglang nalungkot ang mukha nito. "Ah. Ganun ba? Sorry ha, akala ko kung ano lang. Nagbiro pa naman ako. Sana patawarin ako ng mga Santo", paghingi ng paumanhin ni Bunny. Ngumiti naman kahit pilit si Mayumi. Pinaandar na ni Bunny ang kanyang kotse saka tumungo doon. Pag-alis nila ay namang pag-alis nina Briana. Hinatid lang ni Bunny si Mayumi saka umalis na rin dahil may gimik pa daw ito. Kahit kailan puno ng kalandian at ka-e-chosan ang baklitang ito. Pero isang responsableng tao naman ito pagdating sa trabaho at pamilya. NASA labas na ng St. Philip Cemetery si Mayumi. Nagsuot na siya ng kanyang shades at sumbrero saka pumasok sa gate ng sementeryo. Tahimik ang labas at maski sa loob ng sementeryo. Diretso na siya sa puntod ng mommy niya. Naupo siya sa tapat ng musuleum ng mommy niya. "Mom, I miss you so much. I miss everything from you. I'll promise I will give justice for you. I will make them pay for what they did to you", wika niya saka pinahid na ang mga luha. "Sige mom, kailangan ko nang umuwi sa susunod na dalaw ko ay mas tatagalan ko na. See you again next time. I love you Mom", paalam niya saka tumayo na. Hindi niya kayang magtagal dahil bumibigat ang kalooban niya at kinakailangan na niyang umuwi dahil pagod na din siya sa shoot ng bago at huli niyang teleserye para taong ito. Last year na rin ng contract niya sa Ayala Intertainment. Kapag naisipan niyang hindi muna magrerenew ng Contract niya ay hindi na siya magiging busy. Mapapadalas na rin siyang makapunta sa puntod ng mommy niya. Isinuot na niya ulit ang shades niya at nagmamadaling lumabas na ng sementeryo. Medyo inaantok na rin siya at mas lumabo ang mga mata niya dahil sa pag-iiyak. May nabangga siyang lalaki na hindi na niya nilingon pa. Wala naman siyang ganang humingi ng tawad. Siya pa nga ang mas nasaktan. Malakas ang impact nun sa kanya pero binaliwala na lang niya. Hindi naman siya mamatay sa kunting pagkabangga at siguro nadala na siya nung naipakulong siya ng lalaking muntik na siyang mapatay. Hindi na niya nilingon pa ang lalaking nabangga niya kung nagalit ba o hindi. Pumara na siya ng taxi at nagpahatid sa apartment niya. Samantalang ang lalaking nabangga niya ay napaawang na lang ang mga bibig ng hindi man lang siya humingi ng tawad. Hindi na rin ito nag-abalang habulin siya dahil mabilis siyang pumara at sumakay ng taxi. Umupo ito sa may bench na nandodoon sa may harapan ng gate ng sementeryo nang lapitan siya ng isang matandang babae. Tudo ang kaba nito dahil napagkamalan niya itong aswang. Nakasuot kasi ito ng kulay itim at may belo sa ulo. Natatakpan ang mukha nito. At mas tumindi ang kaba niya ng umupo ito sa gilid niya. Nagsalita ito. "Hindi mo matatakasan ang sumpang nakabalot sa buhay mo at sa buhay ng babaeng nakabangga mo. Hindi mo matatakasang mapalapit sa kanya at dapat mo iyang tandaan", sabi nito saka tumayo at tumalikod na. Napalunok siya. "Sandali, huwag po muna kayong umalis. Ano po ba ang ibig ninyong sabihin? Hindi ko naiintindihan" Huminto ito at nagwika ulit. "Protektahan mo siya at ganun din siya sayo. Ang sumpang nakabalot sa inyo ay magwawakas sa pamamagitan ng isang tunay at wagas na pag-ibig", makahulugang sagot nito saka nagpatuloy na sa paglalakad. Nagtaka siya sa sinabi ng matanda. Sino ba ang tinutukoy niya? Ang isang sopistikado at laking ibang bansa ay maniniwala pa ba kaya sa ganuong sabi-sabi? Napailing lang siya at natawa. Hindi siya naniwala sa mga sinasabi ng matanda. Para sa kanya mukhang nababaliw lang iyon kaya kung anu-ano ang mga pinagsasabi. "I am Kalel Monteverde; I don't believe the old woman says. It's impossible. Wala akong paki-alam sa babaeng iyon. Bahala siya sa sarili niya. I don't have any responsibility for other people aside from my family", wika niya saka tumayo na at sumakay sa kotse niya. Kakarating lang ni Kalel sa Condo unit niya buhat sa sementeryo. Dinadalaw din kasi niya ang puntod ng kanyang ina. Kumuha agad siya ng beer sa ref saka uminom. Hindi naman siya apektado sa sinabi ng matanda pero napaisip pa rin siya kung sakaling totoo nga iyon. Ano ang gagawin niya? Sino naman sa mga nakabangga niya ang babaeng iyon? Sa dinami-dami kaya ng mga tatanga-tangang babae ang nakabangga na niya, kaya sino kaya sa mga iyon? Tumunog ang cellphone niya. Ang step mom niya ang nagtext. Pinapauwi siya ng bahay dahil may dinner daw. Nagkibit-balikat lang siya dahil wala siyang ganang pumunta. Mula kasi ng mamatay ang mommy niya ay tila nawalan na rin siya ng gana na manirahan sa bahay nila at makasama ang step mom niya. Hindi naman naging masama ang turing sa kanya nito pero noong ipagpilitan ba siyang makipag-date kay Briana ay hindi na niya ito nagustuhan. Hindi niya gusto na diktahan ang mga gagawin niya at desisyon niya ng kahit sino maliban sa utos ng ama niya. Hindi naman sa ayaw niya sa step mom niya pero ang hindi lang niya gusto ay ang diktahan pati ang puso niya. Humiga siya sa sofa saka pumikit. Ayaw niya talagang pumunta dahil simple dinner lang naman ito kaso nagtext na rin ang Daddy niya. Hindi siya maaring tumanggi. Umuwi siya ng Pinas at galing siya sa States. For almost 10 years of staying there then he started to feel bored when he already finished his studies. Doon na siya nag stay mula ng mag-high school at mag-college siya. Ayaw niya sanang sabihin sa Daddy niya na umuwi dahil gusto niya itong surpresahin kaya labis naman ang pagkataka niya kung bakit nalaman ng mga ito na nakauwi na siya. Sa palagay niya ay may mga staffs sa Ayala Intertainment ang nakapagsabi sa Daddy niya. Unang araw kasi ng uwi niya ay doon agad siya nagpunta. At doon din niya nakabangga ang babaeng mayabang at ang unang babae na nagpahiya sa kanya. "Bakit pa ba ako kailangang pumunta doon?" Mabilis siyang naligo at nagbihis. Nag-spray ng pabango niya na may tamang manly at cool aroma saka lumabas na ng condo. Sumakay na ito sa bagong kotse niya. Ipina-junk na kaagad nito ang nasirang kotse noong makakailan lang. Pagkarating sa labas ng Mansion ay agad siyang pinagbuksan ng gate. Agad na bumukas ang pinto ng kanyang kotse at maraming napatingin at napatiling mga kababaihan. He looks so very handsome in his outfit. Guwapong-guwapo ito sa suot na long sleeve at black jeans. Simple lang pero astig ng dating. Given na kasing guwapo kaya kahit anong isuot niya ay bagay sa kanya. Pagkatapos ng upang sandali matapos makababa ng kotse ni Kalel ay ini-welcome siya ng mga guest sa may garden. "Siya na basi Kalel ang Unico hijo ni Sebastian?", mga bulong-bulungan sa palibot. Ngumiti lang siya sa mga guest habang napatingin naman ang lahat ng nandodoon habang siyang nagmamartsa papasok. Mas lumakas ang mga nagbubulungan."Siya na ba ang anak ni Sebastian?" Ang ilan ay nagsitanguan lang at ngumiti sa kanya habang dinadaanan niya ang mga ito. Hindi niya inaasahan na isang party pala ang ganap sa mansion at hindi lang simpleng dinner. Agad na nahagip ng mga paningin niya ang isang imahe ng pamilyar na babae sa kanya. Nakatalikod ito habang nakikipag-usap sa mga guest. Hindi na sana siya mag-aabalang lapitan pa ang mga iyon pero napuna siya ng isang guest at ngumiti ito sa kanya dahilan upang lumingon ang babae. Automatikong nagpaalam ang babae sa mga kausap nito at nilapitan siya. "Hi! Long time no see. How are you?" Naging formal ang mukha niya. "I'm fine. How about you?" Ngumiti ito ng napakatamis. "Of course I'm very fine because I saw you, I miss you so much Kalel", may tunong paglalandi ang boses ng babae. Nagkibit balikat lang siya sa sinabi ng babae. Wala siyang paki-alam sa damdamin nito. He doesn't even like her. He felt irritated everytime he saw Briana's face. "Okay. Please excuse me. I have to go." Pinigil siya nito. "Dito ka na muna, ano ka ba? Ngayon lang ulit tayo ulit magkita tapos aalis ka na agad saka busy pa naman ang Daddy at Mommy mo sa pakikipag-usap sa mga business partner nila. I miss to be with you, please stay." "Im sorry Briana but I have to go. See you later." Asa ka pa Briana na babalikan ka niya mamaya. Naiirita siyang makita ka kaya stop acting that you are important to him. Nairita siya sa ginawa ni Kalel. "Kahit kailan wala ka talagang paki-alam sakin. Humanda ka. One of this days luluhod ka rin sa harapan ko. Mark my word." Nakasalubong naman ni Kalel ang Daddy niya. Palabas na rin pala ito. "Good evening dad", bati niya sa ama niya. Sunod ay nakipagkamay na rin siya sa mga kasamahan nito. "Is he your son, Sebastian?" nakangiting tanong ng mga kasamahan ni Sebastian. "Yes, he is. Parang kailan lang bata pa siya ng umalis rito. But now I saw him as a grown man that is ready to handle a big responsibility", masiglang tugon ni Sebastian sa kasamahan niya. He is very proud of him. "I think he is caple of that, am I right son?", baling nito sa kanya. Ngumiti lang siya at tumango dahil hindi niya alam ang isasagot sa ama niya. Hindi naman niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin. "Sir, dinner is ready", anang receptionist. Tumango lang sila at nagsitungo na sa mesang inilaan para sa kanila. Nagsitipon na ang lahat dahil magsisimula na ang dinner. Pagkatapos nito ay may nagkahandang surpresa para sa lahat. Wala namang nakakaalam kung anong surpresa ang tinutukoy ng mga guest. Kasama ng step mom niya si Briana at piniling umupo sa tabi niya. Hindi tuloy siya makakain ng husto dahil naiirita siya sa babae na nagpapansin sa kanya. Inaapak-apakan kasi nito ang paa niya. Sarap tuloy batukan ang babae pero nagtitimpi siya para hindi masira ang party. Naunang nagtapos ng pagkain si Sebastian at pumunta sa harapan. May i-a-anounce siguro ito dahil nakahawak na ito ng microphone. "Good evening ladies and gentlemen, please lend me your ears for this few announcement. Hindi matatapos ang gabing ito na hindi ko naipapakilala sa lahat ang aking unico hijo na si Kalel. Siya ang nag-iisang anak ko at taga-pagmana ng Ayala Intertainment at Monteverde group of company. Anak, samahan mo na ako dito sa gitna." Halos hindi siya makapaniwala na ipinakilala na siya ng ama niya sa publiko. Lumapit naman siya sa kanyang ama kahit napipilitan. "Please welcome our new Ayala Intertainment CEO, my son Kalel", sunod na pahayag ng ama niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin man lang. He is still on the process; he never expected this to happen. Kung iisipin nga dapat siyang magpapasalamat sa daddy niya na siya ang magiging CEO ng Ayala Intertainment dahil sa Mommy niya ang companya na ito. Hindi naman niya gusto na mapunta sa step mom niya ang pamamahala. "Dad, why? Bakit napa-aga naman ang pagiging CEO ko? I can't handle this", protesta niya. Ngumiti lang ang daddy niya. "I know but I think you can do it. You're already 25 years old" Kahit labag sa kalooban niya at tinanggap niya ang kagustuhan ng Daddy niya. Nagbigay din siya ng maikling speech para sa mga tao. Nagpalakpakan naman ang mga guest. Hindi nila alam na labag iyon sa kalooban niya. Wala siyang magawa kundi ang tanggapin ang pagiging CEO. Ngayon na siya na ang magiging CEO ng Ayala Intertainment ay masusubukan na ang galing niya na pamahalaan ang kanilang kompanya, ang kompanya na iniwan ng kaniyang namayapang ina. Labis naman ang ngiti ni Briana ng marinig ang announcement. Siguro tuwang-tuwa ito dahil gusto niyang akitin ang lalaki para mapasakanya na ng lubusan. Pinalabas naman sa mga television ang pag-aanunsyo ng bagong CEO ng Ayala Intertainment. Nakilala naman siya ng buong bansa na siya ang bagong youngest CEO ng taon. Pagkatapos ng gabing iyon ay agad na siyang umuwi at nagkulong sa condo unit niya. Hindi pa talaga siya makapaniwala sa kanyang pagiging CEO. Hindi naman niya pinangarap na magkakaroon ng malaking responsibilidad. Lunes ngayon at ito ang unang araw na siya na ang mamamahala sa kompanya. Dahil hindi pa niya alam ang tamang pasikot-sikot ng kompanya ay tuturuan muna siya ng daddy niya. May one week training siya at pagkatapos noon ay siya na lang ang bahalang gumawa ng mga tungkulin niya. Nagpatawag ng board meeting si Sebastian, ang daddy ni Kalel. Lahat ng staffs ay dumalo kabilang na si Bunny. Napag-usapan ang maraming pagbabago sa pamamahala ni Kalel. Also this coming month ay may i-lu-lunch na bagong magazine ang kompanya. Si Sebastian mismo ang nagmungkahi na si Mayumi ang kukuning cover ng magazine dahil sa pagiging sikat nito at umani ng magagandang feedback mula sa madla. Natapos ang meeting at tanging ang mag-ama na lang ang naiwan upang mag-usap. Agad na tumayo si Kalel. "Dad, who is Mayumi?", he asked curiously. Natawa ang daddy niya. Sikat ang babae pero hindi niya ito kilala. "She's Mayumi Collins. She's beautiful and famous actress in our country so she is perfect to be the cover of our newest edition of this year-end magazine. Hindi mo ba siya kilala?" Medyo nagulat siya sa kanyang narinig. Naalala niya ang pangalan na iyon . Ito kasi ang babaeng minsan na niyang naka-away dahil muntik na niya itong mabangga sa may parking lot ng Ayala Entertainment several days ago. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nabasa niya ang pangalan ni Mayumi sa Magazine na hinampas nito sa mukha niya. "Is anything wrong with her?" puna ng Daddy niya ng makita siya nitong nagulat. "Nothing. But Dad, are you sure with her?" "Why? May problema ba sa kanya? Kung gusto mo palitan natin siya. Si Briana pwede naman siya, hindi ba?" "No, dad. She's okay. I don't want to see Briana. I don't like her to be with." Napatawa naman ng bahagya si Sebastian. "Ikaw ha, bakit naman? Parang sukang-suka ka yata sa kanya ah? Dahil ba iyan sa gusto ng tita Shirley mo na siya ang i-date mo?" "Somehow, lets not talk about her anymore Dad. Lets focus on my training" Natawa na talaga ng husto si Sebastian sa naging reaksiyon ng kanyang anak. Hindi ito nagmana sa kanya na chickboy noong kabataan niya. Buti na lang at hindi ito nagmana sa kalukuhan ng ama noong una.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD