Kabanata 2- Baby Caiden

2326 Words
“Palabasin niyo ako! Kailangan kong puntahan ang papa ko dahil may tama siya ng baril!” malakas kong sigaw sa mga tauhan ni Elixir na kanina pa ako pinipigilan makalabas ng bahay. Gusto kong umuwi at alamin kung kamusta na si papa at para na rin makawala ako sa kulungang lugar na ito. “Hindi po maaari Señorita, ipinagbabawal po ni Señorito ang makaalis kayo ng mansyon.” sambit ng lalakeng may malaking pangangatawan at may malaking pilat sa pisngi. “Babalik din ako gusto ko lang makita ang ama ko pwede ba iyon?” ani ko at pilit pa rin siyang itinutulak upang makalabas ako ng silid ngunit masiyado siyang malakas at malaki kaya ni hindi ko siya mapagalaw sa kinatatayuan niya. “Hindi talaga pwede.” “Pero—” “Hintayin mo makauwi si Señorito at sa kaniya ka magpaalam, iba magalit ang isang iyon kaya binabalaan kita umayos ka.” Nakaramdam ako ng takot sa binigkas niyang iyon. Hindi ko na itinuloy ang pangungulit ko at minabuting isara na lamang ang pinto. Kagat-kagat ko ang mga daliri ko habang paikot-ikot sa loob ng silid na ito nag-iisip kung paano ako makakawala sa impyernong mansyon na ito. Saka lamang pumasok sa isip ko ang veranda ng silid na ito, mabilis akong nagtungo rito at halos mapunit ang pagkakangiti ko ng makitang bukas ang pinto ng veranda. Wala na akong sinayang pa na mga oras pinagmasdan ko ang taas at masasabi kong may kataasan ang kinalalagakan ko ngunit may isang malaking sanga ng puno ang hindi kalayuan sa akin. “Kung dito ako dadaan ay tiyak na makakababa ako ng matiwasay,” kausap ko sa sarili ko. Sandali pa ako nagpalakas ng loob bago sinimulan ang plano ko. Dahan-dahan kong inakyat ang railings nitong veranda at maingat na inihakbang ang kaliwang paa ko patungo sa may malapit na sanga. Pigil ang hininga ko ng gawin iyon. Halos palakpakan ko ang sarili ng tuluyan na ako makakababa. Pinagmasdan ko muna ang paligid sa hula ko ay na sa alas-syete na ng gabi. Sobrang dilim na ng paligid tanging ang ilaw sa mga poste ang nakikita ko. Sinimulan ko ng tumakbo nagtungo ako sa may kakahuyan, hindi ko alam saan nga ba ang tamang daan ngunit kung dito ako dadaan ay tiyak na hindi nila ako mahahanap hindi ba? Takbo lang ako ng takbo ngunit ang kinataka ko bakit hindi ko pa rin magawang makalabas sa kakahuyan na ito. Muli sana akong kakanan ng biglang isang nakakapanindig balahibong sigaw ang nagpahinto sa akin. “P*tangina! Celeste! tumakbo ka hangga‘t kaya mo! Sisiguraduhin kong hindi kana muling makakalakad!” dumagundong ang boses na iyon na para bang isa siyang leon na handa ng sumabak sa labanan. Dahil sa matinding takot mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Pagod na pagod na ako ngunit kailangan ko magpatuloy dahil hindi na ako sisikatan ng araw kapag nahuli niya ako. Napagulantang ako ng isang nakakabinging kabog ng dibdib ko ng marinig ang tinig na iyon. “Got ya!” sambit ng kung sino sa likuran ko at walang pasabing hinila ang buhok ko. Napabungisngis ako dahil sa sakit ng pagkakasabunot niya sa akin. “Ahhh! Bitawan mo ako!” malakas kong tili. “Napakatigas talaga ng ulo mo! Ang sabi ko hindi ba hintayin mo ako? Hindi ko sinabing tumakas ka!” anito na may panggigil habang nakasabunot ang isang kamay niya sa buhok ko at ang kabila naman ay nakayapos sa baywang ko. “Uuwi na ako! Bitawan mo na ako! Demonyo ka!” matinis kong sigaw at pilit siyang itinutulak “Tignan natin kung makakalakad kapa bukas sa gagawin ko sayo!” kumabog ang dibdib ko sa binigkas niya. Walang pag-aalinlangan niya akong binuhat na parang isang sakong bigas. Nagpapaspas ako at kinalmot siya sa likuran ngunit parang wala lamang ang mga iyon sa kaniya. “Ahhh! Get off me! Pakawalan mo ako hayop ka! Isusumbong kita sa mga pulis!” “Asawa mo ako, Celeste!” “Hindi! Wala akong asawa! Ano ba bitawan mo ako!” Hindi ko na namalayan hanggang sa makarating kami sa mansyon nakita ko pa ang tatlong katulong kanina na nagbuhos sa akin ng tubig na may matatalim na tingin. “Sir,” ani ng isa sa katulong iyong babaeng mukhang anak mayaman. “F*ck off, Susan.” malamig pa sa yelong sambit nito. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng babaeng katulong na tinawag niyang Susan. Hindi na lang ako naglaban at hinayaan ang lalaking ito maglakad. Sa pagkakataong ito hindi kami dumiretso sa silid na pinagkulungan niya sa akin bagkus dumiretso ito sa isang silid na hindi ko alam. Mabilis lamang ang mga pangyayare at nakita ko na lamang ang sarili ko na nakahandusay na sa ibabaw ng malaki at malambot na kama. “Hindi ba ang sabi ko maghanda ka ngayong gabi? Bakit ka tumakas? Anong akala mo matatakasan mo ako?” malamig niyang sambit na nagbigay ng matinding takot sa akin. “G-Gusto ko lang naman makita si papa...” bulong ko. Kung kanina ay nagagawa kong maglaban ngayon ay para akong pusa na takot na takot. Napakaseryoso ng bawat tingin niya sa akin at ramdam ko ang pagkilatis niya sa mukha at katawan ko hindi ako manhid lalo pa ako kinalibutan ng masaksihan ko kung paano niya dinilaan ang labi niya habang ang mga tingin ay sa mga lantad kong hita. Naalarma ako kaya tinakpan ko ang mga ito gamit ang blusa ko na may kahabaan. “Ano gusto mong parusa hmm?” Napanganga sa sinabu niya. May paglalaro ang ngiti niya, hindi ko gusto ang naiisip ko sa mga oras na ito. Bababa na sana ako sa kama nito ng sa isang iglap ay nahila na ako nito at mabilis pinatungan. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ka-agad nakakilos. Mabilis nitong sinakop ang labi ko na mas lalong nagpagulat sa akin. “Hmm! Hmm..” paglalaban ko at pilit siyang tinutulak. Isang malakas na sampal ang naibigay ko sa kaniya na tuluyang nagpatigil sa kanya. “Bastos!” “Mag-asawa tayo baka nakakalimutan mo, ” “Sa papel!” nanggigitgit kong sigaw sa kaniya. Nakita ko kung paano siya nagtiim bagang mistulang nagpipigil ng galit. “F*ck! I won‘t touch you! Just f*cking let me kiss you! Mahirap ba iyon!” sigaw nito pabalik sa akin. Halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasigaw niya dahil magkalapit lamang ang mga mukha namin. “A-Alis... Bitawan mo ako! Rapist!” hindi ko alam kung saan ko hinugot ang salitang iyon, kusa iyon lumabas sa bibig ko. Napansin ko ang pagkatulala niya at nakita ko ang paggiging malungkot ng mga mata niya. Ang kaninang mata niya na halos walang emosyon ngayon ay para iyong puno ng lungkot. Dahan-dahan itong tumayo at umupo sa lapag. Umakto ito na parang bata, itinaas nito ang mga tuhod, pinagdikit ang dalawang braso at doon isinubsob ang mukha. Mas lalong nakapagtaka sa akin ng gumalaw ang mga balikat niya na para ba itong umiiyak. “T-Tahat k-kayo... S-Sisi ako sa talanan ‘di ko gawa,” ani nito sa nabubulol na boses. Nanlalaki ang mata ko sa inasal nito. Para itong bata, limang taon gulang na bata kung magsalita at umakto. Sobrang naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung anong nangyayare. “H-Huwag mo akong j-jino-joke hindi nakakatuwa!” sigaw ko sa kaniya. “Mama... A-Ayoko na.. B-Bad sila...” ani pa nito na para bang may kinakausap sa harapan. Gamit ang nanginginig na mga paa nilakasan ko ang loob ko at nilapitan siya. Daha-dahan iyon napansin ko agad ng hugutin niya ang isang patalim sa ilalim ng kama at mabilis na sinugatan ang sariling braso. Naalerto ako agad kaya mabilis siyang nilapitan. “H-Hey... ‘Wag!” pigil ko sa kaniya dahil dalawang beses niya ng nasugatan ang braso niya. “Elixir! Tulong! Tulungan niyo kami!” paghehesterikal ko dahil nakita ko na kung paano umalpas ang masasagana niyang dugo sa braso. Naiyak ako dahil sa awa parang wala lamang ito sa kaniya ngunit ramdam ko ang sakit nito dahil malalalim ang bawat sugat niya. “Mama... T-Taktan ko na sarili ko...” bulong nito habang nakatingin sa akin ang mga asul niyang mata na puno ng sakit. Bigla ko na lamang siyang niyakap. Naramdaman ko pa ang paninigas niya dahil sa ginawa ko. “I-I‘m sorry... T-Tama na...” pakiusap ko sa kaniya. Panay lamang ang iyak ko sa kaliwang balikat niya. Hindi ko kaya ang nakikita ko, may kung ano sa mga mata niya na nakita ako, kung paano niya sinaktan ang sarili niya lahat ng iyon may nakita akong kakaiba. Natakot ako sa kaya niyang gawin sa akin ngunit mas lalo nagpatakot sa akin ang ginawa niya. Naramdaman ko ang mga tao na sa likuran ko. Sila na siguro ang mga tauhan niya. “Señorito! Señorita!” tawag ng sino mang lalake ang na sa likuran ko. Di parin ako bumibitaw sa pagkakayakap kay Elixir natatakot ako na baka mas lalo pang gumrabe ang nangyayare, hindi kakayanin ng kunsensiya ko. “I‘m okay, Daxel. Paki-tawag na lang si Dexel para magamot ang sugat ko.” dinig kong sambit ng binatang yakap-yakap ko. Naramdamdaman ko ang paghaplos nito sa likuran ko at ang paminsan-minsan niyang paghalik sa gilid ng leeg ko. Hindi na ako nagreklamo dahil pagod at gutom ako. “Baby,” dinig kong bulong niya ngunit hindi ako natinag. “Come on maayos na ako pwede ka ng bumitaw,” dagdag pa niya, doon na ako bumitaw sa kaniya. Una kong napansin ang asul niyang mga mata na payapang nakatingin sa akin kahit namumutla na ang buong mukha niya. “I‘m sorry nakita mo pa ang hindi mo dapat makita,” natatawang sambit niya. “H-Hindi ikaw iyong kanina,” nanginginig kong bulong. Tumingin lamang ito sa akin at panandaliang yumuko. “Siya si Elixir ang isa sa personalities ko napalabas mo siya sa hindi ko alam na dahilan, matagal na simula noong lumabas siya ngunit ngayon...” pagk-kwento niya ngunit sandaling namayani ang katahimikan. “Kalimutan mo na lamang iyon, mag shower kana at makapag bihis at ng makatulog kana.” gusto ko pa siyang makausap pa ngunit mas pinili niyang tumayo at lumabs ng silid. Maraming mga katanungan ang namayani sa isipan ko kung bakit mayroon siyang ibang personalidad, ngunit wala akong karapatan alamin pa iyon dahil hindi naman ako parte ng buhay niya isa lamang akong asawa niya sa papel. Tatayo na sana ako ng isang nakakairitang tinig ang nagpahinto sa akin. “Nakita mo na pala ang totoong Elixir,” ani nito na nagpalingon sa akin. Bumungad sa akin si Susan ang isa sa katulong, ang nagbuhos ng tubig akin kaninang umaga. “Isa pa lang iyan sa mga sikreto ng mansyon na ito paano pa kaya pag nalaman mong may tatlo pang nauna sayo.” may kung anong paglalarong ngiti sa labi niya na nagpagulo lalo sa isip ko. “Anong ibig mong sabihin?” pagtatanong ko. “Malay mo sa makalawa pinaglalamayan ka na rin tulad ng tatlo— dalawa lang pala kasi mahal na mahal ni Caiden ‘yung nauna.” salaysay nito. “Kaya kung ako sayo huwag kang magpapakampante dahil baka sa makalawa may kapalit ka na naman.” dagdag pa nito bago ako tuluyang iniwan. Maraming mga katanungan ang naglalaro ngayon sa isip ko, hindi ko maintindihan. Tatlong nauna sa akin? Dalawang pinaglalamayan tapos mahal na mahal ni Caiden ang nauna? Anong ibig niyang sabihin? May nagtutulak sa akin na alamin ang mga iyon ngunit may parte sa akin ang nagsasabing huwag at baka ikapamahak ko ito. Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko na namalayan ang isang lalakeng gwapo na may magandang tattoo sa kaliwang leeg at sinakop nito ang kabuo-an ng braso. Napatitig ako sa mga iyon dahil lubhang napakaganda noon. “Ehem.” pag-uubo niya na nagpabalik sa wisyo ko at wala sa sariling binalingan siya ng tingin. “Sino ka?” wala sa loob kong tanong. “Ako si Dexel, ang doctor ng grupo na ito. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa alam kong alam mo ang ipinunta ko rito.” malamig niyang sambit ngunit nakakapagtaka dah hindi ako nakaramdam ng takot sa kaniya. Bagkus mas lalo ko lamang siyang tinignan ng blanko at malamig. “F*ck!” mura niya at nagbawi ng tingin na kinapagtaka ko. “Si Caiden may mga personalities siya at isa ang personality na nasaksihan mo kanina, ang maganda dito ay ka-agad siyang nakabalik na nakakapagtaka dahil sa tuwing lumalabas si Elixir ay inaabot ng ilang linggo o buwan bago makabalik ang totoong Elixir,’’ kausap nito sa sarili. “Kaya pwede mo ba sabihin sa akin kung anong huli mong sinabi bago siya nagkaganun?” tanong niya sa akin. Napayuko na lamang ako ng maalala ang huling sinabi ko sa kaniya. “R-Rapist...” I murmured dahil sa kahihiyan. Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya sa sinabi ko. Naging seryoso ang itsura nito at napahilamos pa sa sariling mukha. Napakagat ako sa labi ko dahil pakiramdam ko may malaking pagkakamali akong nagawa. “He was raped when he was five pero siya din ang pinagbintangan ng magaling niyang ama na gumahasa sa nakakabatang kapatid para makatakas sa krimen na ginawa niya.” seryoso nitong salaysay na nagpatibok ng puso ko. “Dahil sa murang edad nakaranas na siya ng pagmamalupit kaya ang nakilala mong si Elixir ay ang Caiden na limang taong gulang. Ako na ang nakikiusap sana turuan mo ang sarili mong mahalin siya dahil natatakot kami na baka muling lumabas ang personalidad na kinakatakutan naming makaharap.” mahabang sambit nito bago ako tuluyang iniwan. Isa na namang katanungan ang nagpagulo sa isip ko. Gulong-gulo na ako bakit nga ba ako napasok sa magulong mundo na ito. Sino ka ba talaga Caiden Elixir? Ano pa ba ang mga sikreto mo na hindi ko dapat malaman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD