Kabanata 3- Wife Vs Sl*t

1166 Words
Sa pangalawang araw ko sa poder ni Elixir, hindi naging payapa ang buhay ko dahil kay Susan. Ang Susan na iyon na isang katulong ngunit nag-aastang reyna sa lahat. Naawa ako noong sinabunutan niya ang kusinera na may edad na at nang isubsob niya sa lababo ang batang naghuhugas lamang ng pinggan. Gusto ko siyang labanan, ngunit pumasok sa isip ko na wala dapat akong pakialaman sa kanila. Ang isa sa mga katulong niya ang pinahihirapan ako tuwing wala si Elixir. Kuskos lamang ako ng kuskos dito sa may likuran ng mansyon. Pinalinis niya sa akin ang dapat na gawain ng isang alipores niya. Kasalukuyan akong naglilinis ngayon ng kulungan ng mga aso. Wala ang mga aso dito dahil sa pagkakaalam ko ay inilipat muna dahil nga lilinisin ang kulungan nila. Tagaktak ang pawis ko dahil sa init at isama mo na rin ang amoy nito na napakabaho talaga. Wala akong kahit anong gamit kundi ang kamay ko at ang maliit na brush at ang timba na may kaunting tubig. Wala din akong suot na mask, kaya damang-dama ko ang baho nito na tumatagos hanggang sa baga ko. Nakarinig ako ng iilang tunog na yapak ng sapatos, pero hindi ko ito nilingon. Pinagpatuloy ko lang ang pagkuskos ng lapag, ngunit napahinto ako nang tapakan niya ang kamay ko kaya nawala ang aking focus sa ginagawa. "Bagay sa'yo ang trabahong ito. Tagalinis ng tae, tutal galing ka sa pamilyang mahirap," maanghang niyang sabi, pero hindi ako tumingala upang tignan siya. Ngunit mas lalo niyang diniinan ang pagkakatapak sa likod ng palad ko kaya napangiwi ako. Gusto kong maiyak nang makita ang pag-alpas ng dugo mula rito. "Oops! Sorry, hindi ko sinasadya," inapakan niya ito muli bago tuluyang umatras. Naramdaman ko ang matinding galit, kinain ako ng galit dahil sa pang-aalipusta niya sa akin. Nakita ko na lamang ang sarili ko na mabilis na tumayo at lumapit sa kaniya. Walang pag-iingat kong hinila ang buhok niya at kinaladkad siya palabas ng lugar na ito. "Bitawan mo ako! Ano ba! Isusumbong kita kay Caiden!" namantig lalo ang tainga ko kaya mas diniinan ko ang pagkakasabunot. Sigaw lamang siya ng sigaw. Sumubok lumapit ang dalawang alipores niya, ngunit sinamaan ko lang sila ng tingin kaya umatras sila sa takot. Sigaw pa rin siya ng sigaw kaya naalerto ang lahat, kaya napansin ko ang ilang paglabas ng mga tao dito, lalo na ang kambal na sina Daxel at Dexel na nagkakape pa. "Ano ba! Sabi ng bitawan—Ahhh!" Binitawan ko siya tulad ng sabi niya, ngunit sa lugar kung saan may putik, kaya doon siya sumubsob. Narinig ko ang iilang tawa ng mga taong nanonood sa amin. "You! B*tch!" sigaw niya bago ako inatake, ngunit nailagan ko iyon, kaya muli siya sumubsob sa putikan. May kung anong galit na nabuo sa loob ko kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko. May kung anong lakas ang kumokontrol sa bawat galaw ko. "Hindi ka reyna dito, Susan! Kahapon pa ako nagtitimpi sa ugali mo at sa pang-aabuso mo sa mga mas mahina sa'yo!" Naglakad pa ako patungo sa kaniya matapos sabihin iyon. Nakaluhod lamang siya habang puno ng dumi ang katawan at mukha. Kitang-kita ko ang matinding pagkamuhi sa mga mata niya, ngunit wala akong pakialam sa galit niya. Ang sa akin lang ay sumosobra na siya. "Ako ang reyna dito!" nahihibang niyang sigaw. Ako ang nahiya sa isinigaw niya, kaya napa-boo ang mga taong pinapanood kami. Gumuhit ang isang ngisi sa labi ko ng hindi namamalayan. "Kung ganoon, bakit ganiyan pa rin ang suot mo? Ang reyna ay hindi isang pipitsuging katulong na nag-aastang reyna kapag wala ang hari," maanghang kong sabi. Muling nag-ingay ang mga taong nanonood sa amin, pero sa pagkakataong ito, bumaling ang tingin ko sa dalawang kambal na sina Daxel at Dexel. May mga ngiti sila sa mukha at tila nasisiyahan sa nangyayari. Nginisian ko lamang sila pabalik, kaya bahagya silang nagulat at muling sumeryoso ang mukha. "Ako ang reyna dito!" patuloy pa rin niyang paniniwala sa sarili. "Asawa naman ako," biglang sambit ko na nagpagulat sa kaniya, pero hindi sa dalawang kambal na 'yun. "Haha! Ikaw ang nahihibang, Celeste! Asawa ka ni Caiden? Haha!" nababaliw niyang sabi at sinabayan pa ng tawa na masakit sa tainga. Nawala lalo ang ngiti ko kaya nang mapansin niyang walang sumabay sa pagtawa niya, siya na rin ang nagkusang tumahimik. "N-No! Isa ka lang sa laruan niya! Alam ko peke ang kasal niyo! Ilang beses ko nang nasaksihan ang ganito! Hindi lang ikaw ang asawa niya, lahat sila pinaglamayan!" Hindi ko pinansin ang sinabi niya, bagkus seryoso akong tumitig sa kaniya. Hindi na niya ako masisindak sa ganiyan niya. Ilang araw din akong nagtiis sa pag-aastang reyna niya. "Bakit hindi siya ang tanungin mo?" panunubok ko sa kaniya. "Alam kong hindi ka niya mahal! Ikaw ang ika-apat na asawa! Papatayin ka rin niya! Matutulad ka lamang sa mga malalanding babae na 'yon!" sigaw niya. Mayroon mang gulat sa isinigaw niya, ngunit wala din naman akong alam. Namuo tuloy ang mga panibagong katanungan sa isip ko kung totoo nga ba ang sinasabi niya o ginagawa lamang niya ito upang matakot ako at magpumilit makawala dito. Kahit anong gawin kong pagtakas, wala akong magagawa. Hindi ordinaryong tao ang pinakasalan ko. Kailangan ko na lamang ang makuha ang tiwala niya upang kahit papaano ay makabalik ako sa dati kong pamumuhay. "Sa totoo lang wala ako ni katiting na alam sa mga sinasabi mo, mauuna kapang mamatay sa akin sa ginagawa mo," "Hindi niya ako papatayin dahil isa ako sa nagpapainit ng mga gabi niya noong wala ka pa!" halos maputol ang litid niya ng sabihin iyon. Akala niya siguro ay maapektuhan ako sa sinabi niya. Wala akong pake kung nagkainan pa silang dalawa. Ngumisi siya sa akin at gusto kong burahin ang ngising iyon dahil ang sakit niya masiyado sa mata. "Proud ka niyan?" nang-aasar kong tanong sa kaniya. "Kung alam mo lang kung paano niya luhuran ako! Kung paano niya ako kainin ng buo! Kung paano siya umungol habang sinasabi ang pangalan ko." Ngumiwi ako ng sabihin niya iyon. "Proud ka niyan na madali ka niyang naibuka? Proud ka niyan na para kang aso kung kani-kanino nagpapakamot?" saad ko. Ngumisi lang siya sa akin at itinaas ang kanang kamay. Hinaplos niya ang leeg pababa sa mga dibdib at papuntang p********e niya. "Kung alam mo lang paano siya kumain, na hindi mo mararanasan," Damang-dama talaga niya dahil may landi sa boses niya at may papikit-pikit pa siyang nalalaman. Nakakadiri siya sa totoo lang. "Tama na." Lumingon siya ng sabihin ko 'to. Hindi ko na siya pinansin kaya tumalikod na ako ngunit sa paglalakad ko, bigla na lamang lumabo ang nakikita ko. Napahawak pa ako sa ulo ko, ngunit mas lalo lamang lumabo hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagkasubsob ko sa matigas na braso. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, basta ang huli kong naalala ay ang asul na mga mata, napupuno ng pag-aalala, habang tinatawag ang pangalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD