Hindi magkamayaw ang mga tauhan ni Caiden sa paglilinis ng mga nurse na nabaril niya. Halos lahat ata ng nurse na pumalpak ay mabilis niyang pinapaputukan kaya ang nangyayari ay walang natatapos sa pinapagawa niya.
"Putangina! Mga tanga ba kayo?! Nakikita niyo ba kung gaano na kaputla ang asawa ko!" nanggagalaiting sigaw niya sa panglimang nurse na naglalagay ng dextrose kay Celeste.
Sa isang sulok naman ay pailing-iling lamang si Dexel habang pinagmamasdan ang demonyo na magwala. Isa siyang doktor ngunit hindi niya magamot ang dalaga dahil isa siyang lalake. Sumumpong kasi ang pagiging possessive ni Caiden sa dalaga kaya wala ni sino ang nakakahawak dito kung hindi siya lamang.
"f**k! Pang-ilang beses mo na 'yan nilalagay ngunit hindi mo pa rin nailalagay!" singhal nitong muli sa kawawang nurse.
Napangiwi pa si Dexel ng makita kung paano nanginig ang kawawang nurse at nabitawan nito ang karayom sa kamay ng dalaga. Mas lalong nanlaki ang mata ni Caiden kaya mabilis niyang itong pinaputukan sa hita na nagpasigaw dito.
"Tangina!" malutong niyang mura ulit.
Hindi na niya nakaya pa kaya lumapit na ito sa boss niyang tinubuan ng sungay. Hindi pa siya nakakadalawang hakbang ng kusa ng tumutok ang hawak nitong baril sa kawawang tauhan kaya mabilis niyang tinaas ang dalawang kamay.
"Lahat ng nurse natin halos pinatay mo na," sabi niya sa demonyong nagwawala habang yakap ang asawa niyang hindi nila alam kung saan niya pinulot.
"What?" hindi alam ang ire-react ni Dexel sa boss niyang dinalaw na naman ng pagiging seloso.
"Ako na ang gagamot sa kaniya—"
"No!" agad nitong putol sa tauhan niya.
"Mamatay siya sa ginagawa mo boss, Minsan ilugar mo ang selos mo nakakamatay," Pinangunutan lamang siya ng kilay ng lalaki.
Wala ng nagawa si Caiden at hinayaan niya na ang tauhan niya ang gagamot sa asawa niya. Mabilis lamang tinapos ni Dexel ang trabaho at mabilis niyang naisaksak sa dalaga ang dextrose nito sa kamay, hangga't maaari ay ayaw niyang madikitan ang balat nito kaya pinagpawisan siya ng malapot. Napansin niya kanina ang ginawa ng babae sa isang tauhan nilang babae.
Si Susan na puta ng lahat maliban sa kaniya dahil may asawa na siya. Masaya siya dahil nakitaan niya ng katapangan ang babae ngunit may kaunting kaibahan dahil pakiramdam niya ay mayroon itong ibang katauhan.
Nadaplisan siya ng kaunti sa palad ng ibato sa kaniya ng dalaga ang patalim kanina. Namangha siya dahil ang inakala niyang babaeng mahina at kaartehan lang ang alam ay may itinatago palang lakas.
"What are you thinking?" muli siyang nanumbalik sa sarili ng marinig ang pagtatanong ng boss niya.
Dumaan ang pagaalinlangan sa mukha niya ngunit nilakasan niya ang loob dahil wala siyang maitatago sa boss niya. Marahan lang siya nagtungo sa isang single sofa na hindi kalayuan sa kaniya. Umupo siya rito ng kumportable at masinsinang tumingin sa boss niya.
Nagkatitigan pa sila ngunit siya na ang naunang nagbaba dahil sa nakakatakot na matang 'yon. Wala nangahas na titigan ang lalake sa mga asul niyang mata dahil tagos hanggang buto ito kung tumingin. Pakiramdam ng bawat tao na napapatingin dito ay para silang hinahalukay sa loob.
"May napansin lang akong kakaiba sa babae mo," pag-uumpisa niya.
"What do you mean?" seryoso namang tanong pabalik ni Caiden.
Huli na ng dumating si Caiden basta alam na lang niya ng bigla na lamang ito natumba. Mabilis lamang ang naging galaw niya kaya naabutan niya ito at nasalo. Hindi maipinta ang mukha niya ng makita ang maputla nitong mukha, idagdag pa ang sugat niya sa may balikat. Wala na siyang oras para alamin pa ang nangyare kaya mabilis niya itong kinarga at dinala sa silid niya.
"Parang ibang tao kasi siya kanina, nailagan niya ang atake ni Susan," pagtutuloy nito habang ang mga tingin nila ay sa babaeng mahimbing na ngayon ang tulog.
"Ang nakakamangha pa kung paano niya inatake si Susan ng hindi pinagpapawisan at ang pagbato niya patalim sa direksiyon ko." Pinakita pa niya ang palad na may daplis dahil sa pagsalo niya sa patalim.
Lalong nangunot ang noo ni Caiden ngunit gumuhit din ang isang nakakakilabot na ngisi. Nanindig ang balahibo ni Dexel ng masaksihan iyon. Alam niya na may naglalaro na namang kakaiba sa utak ng boss niya. Napailing na lang siya dahil bagay sila ng asawa niya. Unang kita palang niya sa dalaga alam niyang kakaiba din ito. Iba din kung tumingin.
Naputol ang pag-iisip niya ng bigla itong magtanong sa kaniya. Umayos siya ng upo dahil mas naging kakaiba ang simoy ng hangin sa loob ng kwartong kinalalagakan nila.
"Na saan si Susan?" malamig niyang pagtatanong.
"Na sa baba at pinaparusahan ni Dexel," sagot niya kaya napatango-tango ito.
Isa sa dapat ipagpasalamat ni Susan na hindi si Caiden ang mismong nagparusa sa kaniya. Pinaubaya niya sa kanang kamay na si Dexel ang tungkol sa kaniya. Ang pagtangkang pagpatay sa totoong reyna niya. Kung kay Dexel bugbog lang ang aabutin niya, ay Caiden ay baka pinaglalamayan na siya ngayon.
"Sabihin mo sa lahat na huwag nilang tratuhin na basura ang asawa ko lalo na't wala ako. Paparusahan ko ang mismong mangangahas na saktan siya." Lumingon pa ito sa direksiyon ni Dexel ng sabihin iyon.
Bigla na lamang kinalibutan si Dexel dahil sa tindi ng pagkakasabi nito. Napakahalimaw talaga dahil kaya nitong pumatay kahit sino para sa babae.
Hindi tuloy niya maisip kung biyaya ba 'to o kamalasan dahil sa unang pagkakataon ata ay may dadanak na dugo sa grupo nila.
Hindi siya sumagot bagkus tumayo siya at naglakad paalis ng kwartong iyon. Hindi na niya kayang tagalan ang presensiya ng lalake. Para itong demonyo na nanghuli ng anghel at ikinulong sa bisig niya. Sino ba naman hindi magiging baliw kung ang babaeng iyon ay nuknukan ng ganda. Hindi niya gusto ang babae o naakit dahil may asawa na siya ngunit kung pagbabasehan sa itsura. May dahilan kung bakit ganoon na lamang ka-possessive ang binata.
Ito palang ang unang beses na nakita nila itong nag-alala kaya alam nila na sa pagkakataong ito. Iba ang dalaga sa lahat ng naging asawa ng binata.