MABILIS na lumipas ang mga buwan na naging maayos ang takbo ng relasyon nina Kate at Jay-Jay. Noong nakaraang linggo lang ay naging ganap ng presidente ng Monteclaro & Narvantez Group of Companies ang binata matapos ipasa rito ni Daddy Randall ang posisyon. Masayang-masaya siya para sa nobyo. Bihirang-bihira na rin kung magkatampuhan sila at kaagad din naman silang nakikipagbati sa isa’t-isa.
Madalas pa ring tumawag si Caroline kay Jay-Jay subalit hinahabaan na lang ni Kate ang pasensya kapag umaabot nang matagal ang pag-uusap ng mga ito kapag magkasama sila. She wanted to show him that she had changed. Gagawin niya ang lahat para maging successful ang relationship nila sa pagkakataong iyon at hindi niya sasayangin ang second chance na ibinigay sa kanila ng Maykapal para magmahalan uli.
For now, she could not ask for more. Bahagyang nabawasan ang oras ng pagkikita nila dahil sa kaabalahan ni Jay-Jay sa trabaho subalit naintindihan naman niya ang sitwasyon nito. Siya rin naman ay naging abala rin nang mas dumami pa ang kliyente nila.
Nang araw na iyon ay muling sinamahan ni Kate si Jay-Jay sa airport upang sunduin uli sina Lola Amelia at Lola Frank. Sa pagkakataong iyon ay permanente nang mananatili sa Pilipinas ang dalawang matanda. Sa resort ng pamilya Monteclaro sa Palawan maninirahan ang mag-asawa kasama ng Daddy Randall at Mommy Jean. Pero bago iyon, magre-renew muna ng wedding vows ang dalawang matanda. At regalo ni Tita Danna ang pag-o-organize sa kasal.
Hindi nagtagal ay dumating na sina Lola Amelia at Lola Frank. Subalit bukod sa assistant ay may iba pang kasama ang mag-asawa na matangkad at magandang babae. Nang makitang kahawig ng Hollywood actress na si Kate Beckinsale ang babae ay kaagad na nagka-idea si Kate kung sino ito.
“Honey!” masiglang bati ng babae bago yumakap nang mahigpit kay Jay-Jay at pagkatapos ay dinampian pa nito ng halik sa mga labi ang binata.
Umakyat yata ang lahat dugo sa ulo ni Kate sa nasaksihan. Muntik na siyang magtaray at sabunutan ang babae. Mabuti na lamang at napagawi ang tingin niya kina Lolo Frank at Lola Amelia kaya nakapagpigil siya.
“That’s unnecessary, Caroline,” sita ni Jay-Jay.
Ganyan na pala ang may cancer ngayon, nagagawa pang maglandi. Nagpupuyos sa galit na sabi ni Kate sa sarili.
Marahang inilayo ni Jay-Jay sa sarili sa babae at binalingan siya. “Kate, this is Caroline,” anito at inakbayan siya. Binalingan nito ang babae. “And Caroline this is my girlfriend Kate.”
Sandaling natigilan si Caroline pero sandali lang, lumarawan sa mukha nito ang isang ngiti na alam ni Kate na peke. “Hi,” tipid na sabi nito tila hindi naman interesadong makilala siya.
Hindi sumagot si Kate at inirapan ang babae. Hindi rin siya interesadong makilala ito. Nilapitan niya sina Lolo Frank at Lola Amelia na nasa likuran ni Caroline. Nagmano siya at yumakap sa dalawang matanda at pagkatapos ay niyaya na niya ang mga itong umalis.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Kate nang kumapit si Caroline sa braso ni Jay-Jay na parang linta. Pinilit pa rin niyang magpakahinahon kahit na gustong-gusto na talagang niyang pagkakalmutin sa mukha at sabunutan ang babae. Lalo siyang nagngitngit nang maupo ang babae sa tabi ni Jay-Jay sa unahan ng van. Muli niyang pinagitnaan ang dalawang matanda sa hulihang upuan at sa gitnang upuan naman naupo ang assistant.
“Pagpasensyahan mo na lang si Caroline, Kate. Ganyan lang talaga siya kay Jay-Jay,” bulong ni Lola Amelia nang nagbibiyahe na sila.
“I will, Lola,” pilit ang ngiting tugon ni Kate. Nang magkasalubong ang tingin nila ni Jay-Jay sa rearview mirror ay isang nakamamatay na tingin ang ipinukol niya rito. Napabuntong-hininga ito at kaagad ding nag-iwas ng tingin.
Pagdating sa Monteclaro Mansion, dumiretso kaagad sa kusina si Kate upang uminom ng tubig. Pakiramdam kasi niya ay sasabog na siya dahil sa matinding galit sa babae. Ilang basong tubig na ang nainom niya at na kinakalma ang sarili nang pumasok sa kusina si Jane.
“Grabe, Kate, iyon pala si Caroline. Kamukha talaga niya si Kate Beckinsale, ang ganda!” humahangang sabi ni Jane. “At magkahawig kayo.”
Lalo siyang nagngitngit sa narinig. “Puwede ba, Jane, alam ko na ‘yan,” pagtataray niya.
“But of course, you’re still beautiful. Iba pa rin ang real Pinay beauty,” biglang bawi ng best friend niya.
“Oo naman!” pagsang-ayon niya. Pareho silang may hawig ni Caroline sa nasabing actress dahil sa hugis ng mukha at tangos ng ilong ngunit magkaibang-magkaiba naman ang hitsura nila. She was sure Caroline’s long blonde hair was fake while her hair was natural shoulder length dark brown. Brown ang kulay ng mga mata nito at itim na itim naman ang sa kanya. Mas red at mukhang mas kissable din ang lips niya kaysa sa babae. Mas manipis at mas mukhang mataray ang mga kilay nito kaysa sa kanya. She was five feet and seven inches tall and the woman was a few inches smaller than her. At higit sa lahat ay wala siyang freckles at di-hamak na makinis at mas maputi siya kaysa sa babae.
“Naku, Jane, honestly gustong-gusto ko nang kalbuhin ang babaeng ‘yon,” patuloy pa ni Kate. “Akalain mo ba namang halikan niya si Jay-Jay sa lips sa mismong harap ko? At dikit pa siya nang dikit pa sa kuya mo. At ang kuya mo naman hindi man lang umiiwas samantalang alam naman niya na galit na ako.”
“Really?” gulat na sabi ni Jane. “Bakit hindi mo gawin? Nandoon sila sa living room,” nakataas ang isang sulok ng labing hamon nito.
Tinignan niya nang masama ang kaibigan. “Alam mong ako ang mas mapapahiya kapag ginawa ko ‘yon.”
“Okay, so bakit ka nagtatago ngayon dito? Halika doon tayo sa labas at bantayan mo ang kuya ko.”
“‘Di bale na lang, uuwi na lang ako,” biglang desisyon niya at naglakad palabas ng backdoor.
NAKAHINGA nang maluwag si Jay-Jay nang sa wakas ay pumayag si Caroline na magpahinga na sa guest room. Pagkatapos maihatid ang babae ay bumalik na siya sa living room. Batid niyang may isang bagay pa siyang kailangang ayusin – ang galit ni Kate. Nadatnan niya roon si Lola Amelia at si Jane na nagkukuwentuhan.
“Nagpapahinga na ba si Caroline?” tanong ni Lola Amelia nang tabihan niya ito sa sofa.
“Yes, ‘La, but I’m worried. Bakit naman kayo pumayag na sumama siya rito sa inyo. Alam n’yo naman ang kondisyon n’ya at hindi n’yo pa sinabi sa akin,” naninising sabi niya.
“Because she wants to surprise you. She said she’s fine at pinayagan din siya ng daddy niya. Sumabay lang naman siya sa amin. Sa Bohol naman talaga siya pupunta.”
Napabuntong- hininga si Jay-Jay. Nasabi na nga sa kanya ni Caroline ang tungkol doon. Batid niyang nasa Bohol ang mga kamag-anak ni Caroline sa mother’s side. Isang linggong mag-i-stay sa bahay nila ang babae dahil hiniling nitong makasama siya. Hindi pa cancer-free si Caroline pero maganda ang respond nito sa mga treatment at pinayagan na ng doctor na magbiyahe.
“Jane, si Kate? Kanina ko pa s’ya hindi nakikita,” baling niya sa pinsan.
“Kanina pa umuwi, pinahatid ko na sa driver,” kaswal na tugon ni Jane.
“What?” napatayo siya bigla sa narinig. “Bakit hindi mo sinabi kaagad?”
“Busy ka kasi kanina kay Caroline kaya hindi ko na sinabi. Lagot ka, Kuya, inis na inis si Kate sa inyo ng bisita mo,” tila nang-aasar pa na sabi ni Jane.
Napailing ang binata at walang paalam na umalis upang puntahan ang nobya.
NAGISING si Kate sa pamilyar na paghaplos sa kanyang pisngi. She knew it was Jay-Jay dahil amoy na amoy sa silid niya ang gamit nitong cologne. Nang magmulat siya ng mga mata ay ang mukha nga ng nobyo niya ang nakita niya.
“Ano’ng ginagawa mo rito?”
“I’m sorry hindi na kita naihatid pauwi. Nagpunta kaagad ako rito nang malaman kong umuwi ka na.”
“You must be really busy with your guest,” sarcastic na sabi niya habang bumabangon.
“Hindi ko alam na kasama nila Lola sa pagpunta rito si Caroline, Kate. One week lang naman s’ya rito pagkatapos pupunta na s’ya sa mga relative niya sa Bohol.”
“She can stay here as long as she wants, Jay-Jay. Pero sana man lang alam niya kung saan siya lulugar. At sabihin mo nga sa akin ang totoo, Jay-Jay. Gaano ba kayo ka-close ng babaeng ‘yon para halikan ka niya nang ganoon?”
Sandaling natigilan ang binata at pagkatapos ay biglang nag-iwas ng tingin.
“I’m sorry, Kate but I lied.”
Nagulat siya sa narinig. “What?”
Humugot muna ito ng malalim na hininga bago nagsalita. “Two years ago, nagkaroon kami ng relasyon ni Caroline.”
Kaagad nagsalubong ang mga kilay ni Kate. Sinasabi na nga ba niya.
“Nagsinungaling ako dahil alam kong nagseselos ka kay Caroline. Nag-alala ako na kapag tinawagan niya ako na magkasama tayo ay aawayin mo ako at magwa-walk out ka na naman. I’m tired of that situation, Kate,” patuloy na paliwanag pa nito.
Nasaktan siya. Normal lang naman na magselos siya paminsan-minsan pero hindi naman na siya nag-walk out o inaway si Jay-Jay sa tuwing natatagalan ang pakikipag-usap nito kay Caroline. “Ganoon ba ka immature ang tingin mo sa akin, Jay-Jay?”
“No, Kate. It’s not like that.” Kinuha nito ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. “Believe me, Kate, nakipagrelasyon lang ako noon kay Caroline dahil inakala kong nakapag-move on ka na. Dahil nabalitaan kong nagkakamabutihan na kayo ni James at kinalimutan mo na ang pangako ko na babalikan kita. But then I realized hindi ko pala kayang ipagpalit ka sa iba. Iyon ang dahilan kung bakit dalawang linggo lang ang itinagal ng relasyon namin ni Caroline.”
“You still lied to me!” Tinangka niyang bawiin ang kamay ngunit hindi iyon binitiwan ni Jay-Jay. Bagkus ay hinila siya nito at niyakap nang mahigpit.
“I’m so sorry, Kate. Please don’t get mad at me. I love you so much.”
Naiinis pa ring sinuntok niya ang likod ni Jay-Jay habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Nang mapagod ay yumakap na rin siya rito. Matagal sila sa ganoong tagpo. Nang bahagyang kumalas sa kanya ang binata ay yumuko ito at inangkin ang mga labi niya. Buong puso naman siyang tumugon.
“Wala ka na ba talagang nararamdaman sa babaeng ‘yon at ako lang ang mahal mo?” naninigurong tanong niyang nang maghiwalay ang mga labi nila.
Agad itong umiling. “Awa na lang ang nararamdaman ko kay Caroline. It was you I wanted all along. Ikaw lang ang mahal ko,” anito at muling inangkin ang mga labi niya.
Muli niyang tinugon ang halik. Ilang sandali pa ay mas lumalim pa ang mga halik na pinagsasaluhan nila at inihiga na siya ni Jay-Jay sa kama.
He started to touch her body. He kissed her neck down to her shoulder and to her cleavage but she did not object. Naglikot na rin ang kamay niya at dinama ang dibdib ng binata.
“We have to stop, Kate,” halata ang paghihirap na anas ni Jay-Jay nang mag-angat ito ng ulo.
“I’m not stopping you,” pilyang sabi niya.
“Hell, we’re in your room. Baka mahuli tayo ng parents mo o ng mga kapatid mo. They trust me.”
“As far as I remember, sa inyo sila magdi-dinner tonight,” ani Kate at hinila ang batok ni Jay-Jay at siniil ng halik sa mga labi.
Mabilis namang tumugon ang binata. Ilang minuto ang lumipas nang muli itong magtaas ng ulo. “We really should stop now, sweetheart.”
“Okay,” pagsang-ayon niya. Kahit na ilang buwan na ang relasyon nila ay hindi pa rin talaga siya handa sa intimacy. “Let’s just eat. I’m hungry,” suhestiyon niya.
“Okay. I’m hungry, too.”
Sandali silang nagkatitigan na nauwi sa tawanan nang ma-realize na maaring may iba pang kahulugan ng pagkagutom nila.
Biglang tumunog ang ringing tone ng cell phone ni Jay-Jay. Dinukot nito ang cell phone na nasa bulsa at sinagot habang umaayos ng upo sa kama.
“Jane?”
Kitang-kitang ni Kate ang rumehistrong pagkagulat sa mukha ni Jay-Jay. Sandali pa itong nakipag-usap sa caller na nahalata namang si Jane bago nito tinapos ang tawag. Pagkatapos ay binalingan siya nito.
“I’m sorry, Kate, but I have to go.”
“What happened?”
“Nag-collapse daw si Caroline, but she’s okay now. Natignan na siya ni Mommy Jean,” tugon nito na halata pa rin sa mukha ang pag-aalala.
“Okay. Kumain na muna tayo bago ka umalis.”
“Sa bahay na lang,” tanggi nito at mabilis siyang hinalikan sa mga labi. “Okay na pala s’ya, bakit nagmamadali ka pang umuwi?”
“Please, Kate, don’t be a narrow-minded. Bisita ko si Caroline, hindi ko s’ya puwedeng pabayaan.”
Nagpantig ang tenga niya sa narinig. “Ako pa ang narrow-minded ngayon?” hindi makapaniwalang sambit niya habang bumabangon sa kama. “Ang sabi ko lang kumain ka muna. If you really want to go, then go. Puntahan mo siya at huwag ka nang bumalik dito!”
“Kate please…”
“Just go!” pagtataboy niya. Bumaba siya sa kama at nagdadabog na pumasok sa banyo.
Inaasahan niya na aamuhin pa siya ng nobyo subalit naulaningan na lang niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng silid, tanda na itinuloy na nga nito ang pag-alis. Masamang-masama ang loob at umiiyak na tumapat na lang siya sa ilalim ng buhos ng shower.