Chapter Three

1548 Words
PAGBABA sa sports car na pag–aari ng kanyang pinsang si BJ ay inilibot ni Jay–Jay ang tingin sa paligid ng Monteclaro Mansion. Kadarating lang niya sa Pilipinas pagkatapos ng ilang taong pamamalagi sa Seattle at si BJ ang sumundo sa kanya sa airport.           He missed their home. Halos isang taon na ang nakararaan nang huling umuwi siya. Nagbalik sa alaala niya na halos malula siya at namangha noong una siyang makarating sa mansiyon na iyon noong pitong taong gulang pa lamang siya. He was an orphan. Sa Cebu siya ipinanganak at mahirap lang ang nakagisnang pamilya. Nang halos magkasunod na namayapa ang Lola Guada at ang mama niya, dahil wala na silang ibang kamag-anak ay isang bahay ampunan siya napunta. May ama pa siya noon. Ayon sa natatandaan niyang kuwento ng kanyang ina ay nabuntis ito ng ama niya noong nag-aaral pa ito ng kolehiyo sa UP Diliman. Nang malaman ng mama niyang buntis ito ay hiwalay na ito at ang papa niya na kasalukuyan nang nag-aaral sa ibang bansa. Huminto sa pag-aaral ang kanyang ina at bumalik na lang sa Cebu. .           Anim na taon si Jay-Jay nang makilala niya ang kanyang ama. Aksidenteng nagkita noon ang mama at papa niya sa Cebu at ipinakilala silang mag-ama ng mama niya sa isa’t-isa. His father was accepted him with open arms. Malaki kasi ang pagkakahawig nila sa isa’t-isa at parehong asul ang kulay ng mga mata. Madaling napalapit ang loob niya sa ama. Pareho sila ng pangalan pero ang apelyido ng ina ang ginagamit niya noon na ipinabago rin ng papa niya at isinunod sa apelyido nito. Mayaman at nagtatrabaho sa Maynila ang papa niya. Subalit bigla na lang itong hindi na bumalik bago pa man pumanaw ang mama niya at si Lola Guada. Mahigit isang taon nang nasa bahay-ampunan si Jay-Jay nang isang araw ay ipinatawag siya sa opisina ng mga madre at ipinakilala sa kanya si Randall Narvantez. Di- umano ay pinsan ito ni Jason Frank Monteclaro the Second, ang kanyang ama, at ibinalita nitong wala na si Papa Jason. Huli niyang nakita si Papa Jason nang magpaalam ito upang bumalik sa trabaho nito sa Maynila at nangakong pagbalik ay isasama na sila nito sa Maynila. Ayon kay Randall Narvantez, nasawi si Papa Jason matapos tambangan ng mga tulisan ang yateng sinasakyan nito at ng mga kaibigan sa Palawan. Umiiyak nang husto si Jay-Jay nang malaman ang nangyari sa ama. Mahal na mahal niya si Papa Jason kahit bigla na lang itong hindi bumalik ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob. Lihim siyang umasa na isang araw ay bigla na lang itong babalik at kukunin siya sa bahay-ampunan. Ngunit hindi na pala nito magagawa iyon. Gusto ng pinsan ng papa niya na isama na siya sa Maynila kung saan nakatira ang mga magulang ng kanyang ama. Sinabi pa nito na siya ang nag–iisang tagapagmana ng mga Monteclaro. Sa murang isipan, mahirap para kay Jay-Jay na magtiwala sa lalaki kahit pa napatunayan na nito sa mga madre na nagsasabi ito ng totoo. Nang magpakita ng mga larawan at mga video na kasama ng kanyang ama si Randall Narvantez ay saka pa lang siya naniwala. Subalit dumaan muna ang ilang linggo bago tuluyang napalagay ang loob niya kay Randall Narvantez at nakumbinsing sumama rito sa Maynila. Pagdating sa Maynila, naging mainit ang pagtanggap kay Jay-Jay ng mga lolo at lola niya, pati na rin ng mga kaibigan ni Papa Jason. Magmula noon ay nagbago na ang kanyang buhay. Ang Lolo Frank at Lola Amelia niya ang nagpalaki sa kanya. Napang-asawa ni Daddy Randall ang isa sa mga kaibigan ni Papa Jason na si Jean Lozano. Doon na rin tumira sa mansiyon ang mga ito at itinuring din siya na parang isang tunay na anak. Naputol sa pagbabalik sa nakaraan si Jay-Jay nang tapikin siya ni BJ sa balikat. Napalingon siya rito. “Hindi pa ba tayo papasok sa loob? Hinihintay ka na nila, Kuya.” Tumango siya at excited na naglakad na patungo sa front door. Batid niyang sa pagbabalik niya ay mas mabigat na responsibilidad sa kompanya ang ipapasa ni Daddy Randall sa kanya at nakahanda na siya roon. Pati na rin ang muling harapin si Kate ay handa na rin siya.   PAGKATAPOS ng masaganang hapunan ay nagpaalam si Jay–Jay kina Daddy Randall at Mommy Jean upang bisitahin ang pamilya Alegre. Bukod kay Mommy Jean, sa lahat ng mga naging kaibigan ni Papa Jason ay sa mag-asawang Kurt at Kim Yuzon-Alegre siya pinakamalapit. Kahanga-hangang sa kabila ng pagpanaw ng kanyang ama at sa paglipas ng mga taon ay napanatili pa rin ng mga kaibigan ng papa niya ang pagkakaibigan ng mga ito. At bilang pag-alala sa kanyang ama, idinagdag ng mga kaibigan ang pangalang “Jason” sa pangalan ng bawat lalaking naging anak ng mga ito. Kaya lahat silang lalaki sa barkada nila ay may pangalang Jason. Regular na nagkikita-kita tuwing weekends ang mga ito at madalas ay sa bahay pa nila ang venue ng get together. Iyon ang dahilan kung bakit silang mga naging anak ay naging malalapit na magkakaibigan din.  Siya ang tumatayong pinakakuya ng lahat. Later on, pinangalanan ni James na ‘Offsprings 21’ ang barkada nila. Twenty-one dahil twenty-one silang miyembro kasama na roon ang mga pinsan ni Jay-Jay. And because of his friends he could say he had a happy childhood. Nagboluntaryo si Jane na samahan si Jay-Jay. Apat ang naging anak nina Daddy Randall at Mommy Jean, si Jane ang panganay, sumunod ang kambal na sina Justin at BJ, at ang bunso ay si Janine. Sina Jay-Jay, Jane at BJ ang katulong ni Daddy Randall sa pamamahala ng Monteclaro & Narvantez Group of Companies. Habang pareho namang medical student sina Justin at Janine at nangangarap na maging doktor tulad ni Mommy Jean.            “Ikaw ha, gusto mong makita si Paolo kaya nag–volunteer kang samahan ako ‘no,” pang–aasar ni Jay-Jay sa pinsan habang komportableng nakaupo sa front seat sakay ng kotse. More than anybody else, he wanted Paolo for Jane. Kabisado niya ang likaw ng bituka ni Paolo. Bukod kay Ken, si Paolo sa maituturing niyang best friend.            Biglang nag-blush si Jane pero kaagad ding ngumiti. Tinawagan nito kanina si Paolo at sasama sa kanila ang lalaki sa pagpunta sa bahay ng mga Alegre. Dadaanan na lang nila sa bahay si Paolo na naroon din sa loob ng village bago sila magpunta sa Mandaluyong.           “Grabe, wala pang isang taon tayong hindi nagkita tapos kayo na ngayon ni Paolo,” patuloy pa ni Jay-Jay.           “Nagsabi naman sa’yo si Paolo bago niya ako niligawan ‘di ba?” ani Jane na bahagya siyang sinulyapan. “Yeah,” tugon niya na biglang napaisip. Nagawa ni Paolo na magpaalam muna sa kanya bago nanligaw kay Jane, kabaligtaran sa ginawa niya noon. Naging girlfriend niya si Kate nang hindi man lang nalaman ng pamilya nito. Tito Kurt and Tita Kim have been very good to him eversince they met him. Parang anak na rin ang turing ng mga ito sa kanya. They trusted him at kailanman ay hindi siya pinag-isipan ng masama sa pagiging malapit niya kay noon kay Kate. Ang isa sa dahilan ng pakikipaghiwalay niya kay Kate noon na hindi niya nasabi rito ay dahil hindi kinaya ng konsensya niyang magtraydor at maglihim nang matagal sa pamilya nito. Ni hindi niya nagawang tumingin nang diretso sa mga mata ni Ken noong sila pa ni Kate. Fourteen lang si Kate at twenty-three siya nang ma-realize niyang gusto niya itong maging girlfriend. Gandang-ganda siya kay Kate kahit na may pagka-chubby ito. Naging crush niya ang Hollywood actress na si Kate Beckinsale dahil kahawig ni Kate ang nasabing actress. Nakipaghiwalay siya noon sa girlfriend niya dahil kay Kate at hinintay niyang magdalaga ito bago siya nagtapat. The first month of their relationship was perfect even they had to hide it to everybody. Idea ni Kate ang paglilihim sa lahat ng relasyon nila na sinang-ayunan naman ni Jay-Jay. Ngunit nang kinailangang mag-training at mag-aral sa Amerika ni Jay-Jay ay biglang nagbago ang lahat sa pagitan nila. Naging sobrang busy siya at hindi niya akalain na magiging nagging girlfriend si Kate nang hindi niya nagawang tumawag dito nang madalas. Naging sobrang selosa rin ito at pinag-isipan siya nang masama. Batid niyang dahil sa immaturities kaya nagkaganoon si Kate at dahil sa distansya nila ay nahirapan siyang intindihin ito. Later on, he decided to break up with her because he thought that was the best thing he can do. But he promised he will not stop loving her.  Na nagawa naman niya. Bigla siyang nakaramdam ng guilt nang maalala ang nakaraan. Ipinilig niya ang ulo bago pa man ang pumarada ang kotse ni Jane sa harap ng bahay nina Paolo. Nag-aabang na sa labas ng gate si Paolo nang dumating sila. “Where’s Anthony?” tanong ni Jay-Jay matapos nilang magyakap at magtapikan ng balikat. Nag–iisa at nakababatang kapatid ni Paolo si Anthony at kabilang din sa barkada nila.           “Kasamang umalis kanina nina Mommy papuntang Palawan. Hindi na ako sumama kasi ayaw kong mapalayo kay Jane, eh,” nakangising sagot ni Paolo, sabay kindat kay Jane.           Biglang nagblush si Jane.           Pabiro namang itinulak ni Jay–Jay si Paolo. “Hinihintay na tayo ni Ken. Sumakay ka na nga at ikaw na ang mag-drive,” utos niya rito at muling sumakay sa front seat.           Tumalima si Paolo at lumipat naman si Jane sa backseat.                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD