Chapter Two

621 Words
PAG-UWI ni Kate nang gabing iyon ay nadatnan niya ang sasakyan ng kaibigang si Paolo na nakaparada sa labas ng bakuran nila. Sigurado siyang nag-iinuman ito at si Kuya Ken. Senior Architect si Paolo sa Builders at boyfriend ni Jane. Pagpasok ni Kate sa loob ng bahay, sa living room pa lang ay naririnig na niya ang maingay at masayang kuwentuhan ni Paolo at ng kuya niya. Halatang na-miss ng mga ito ang isa’t-isa. Nasa minibar ang dalawa nang mga oras na iyon. Magtutungo na sana siya sa kinaroroonan ng dalawa nang mapahinto siya nang marinig ang tanong ni Paolo kay Kuya Ken.           “Seryoso na ba talaga si Jay–Jay sa babae, bro?” Hindi ugali ni Kate na mag-eavesdrop subalit hindi niya napigilan ang sariling gawin iyon nang marinig ang pangalan ni Jay-Jay.           “I think so. Matagal nang tapos ang masters ni Jay–Jay pero dahil sa girlfriend niya, hindi pa siya bumabalik dito,” tugon ni Kuya Ken.           Tila nanlaki ang ulo ni Kate sa narinig. Si Jay-Jay may girlfriend na?           “He must be serious about the girl,” komento ni Paolo. “Maganda ba talaga?”           “Super! Perfect 10, bro. PhilAm, ka-age ni Jay-Jay at kamukha pa ni Kate Beckinsale!” Napasipol si Paolo. Napahawak naman sa dibdib si Kate. Naramdaman niya ang biglang pag-iinit ng kanyang mga mata. She knew it from the start. Mas gusto ni Jay-Jay ng mga babaeng mas malapit sa edad nito. Mga babaeng sophisticated, career women, mature at liberated. Marami nga naman itong nakakasalamuhang ganoong babae sa States kaya kaagad siya nitong dinispatsa noon. Nagkamali siya sa naisip na tutuparin ni Jay-Jay ang ipinangako nito noong huli silang magkita. Or maybe, he really did not mean it all. Marahil ay sinabi lang nito iyon sa kanya bilang pampalubag-loob.           “Hindi na ako magugulat kung isang araw i-announce na lang ni Jay-Jay na mag-aasawa na siya,” sabi pa ni Kuya Ken. Hindi na kaya ni Kate na magpatuloy pa sa pakikinig. Bago pa siya tuluyang mapahagulgol ay nagtatakbo na siya paakyat sa kanyang silid.           Kate had a date with Gilbert Chua that night. Kung nagawa ni Jay-Jay na makipagrelasyon sa iba ay magagawa rin niya. Hindi pa nga lang niya boyfriend si Gilbert pero desidido siyang bigyan ito ng chance. Matagal na siyang pinapayagang makipagrelasyon at ilang beses na rin siyang tumanggap ng mga manliligaw sa bahay. Ngunit dahil wala siyang magustuhan isa man sa mga manliligaw niya, kaagad din niyang binasted ang mga iyon maliban kay Gilbert.           Pangatlong beses na nilang paglabas ngayon. Guwapo, matalino, mabait at anak ng isang Chinese businessman si Gilbert. Magaling din itong negosyante at nagma-may-ari ng kilalang Chinese fast-food chain. Naging classmate noon ni Kate ang binata sa isang subject sa DLSU at dati na rin itong nanligaw sa kanya subalit dahil baliw siya sa pagmamahal kay Jay-Jay noon ay kaagad niyang binasted si Gilbert. Muli silang nagkita sa isang event na inorganisa ng K-Projects ilang buwan na ang nakararaan at muli itong nanligaw.           Pagkatapos nilang kumain sa isang fine-dining restaurant ay inihatid na rin kaagad siya ni Gilbert sa bahay. Sandali itong nakipagkuwentuhan sa mga magulang niya bago nagpaalam.             “Sis, si Jay–Jay nasa phone gusto ka raw makausap,” pagbibigay-alam ni Kuya Ken pagbalik ni Kate sa living room matapos niyang ihatid si Gilbert sa labas. Nagulat siya sa narinig. Iyon ang unang pagkakataon na nagtangka si Jay–Jay na kausapin siya magmula nang magkahiwalay sila.           “I have to make a call to someone, Kuya. Pakisabi na lang na busy ako,” pagdadahilan niya. Matapos niyang malaman na may girlfriend na si Jay-Jay ay lalo siyang namuhi rito.           Rumehistro ang pagkagulat sa mukha ng kuya niya subalit hindi naman nagtanong at binalikan na ang telepono. Dumiretso naman siya sa kanyang silid.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD