Chapter 4: Sick

1606 Words
Masama ang pakiramdam niya nang magising ng mga sumunod na araw pero agad ding napabalikwas ng bangon nang makitang alas syete na ng umaga. Dahil sa kanyang pagmamadali, nagdilim ang kanyang paningin at nabuwal pero sinubukan niya paring tumayo. Terrence might starve if she won't move and cook for him. Isa pa ay ayaw niyang magalit sa kanya ang asawa. Paglabas niya ng silid, bumungad sa kanya ang nakabusangot na mukha ni Terrence kaya naman agad niya itong nilapitan para kausapin. "P—pasensya kana Terrence, tinanghali ako ng gising. Masama kasi ang pakiramdam ko," hinging paumanhin niya. "Anong gusto mong palabasin? That I should take good care of you because you're sick?" Terrence smirked at her. She swallowed the lump in her throat "...hindi naman sa ganun Terrence kaya lang—" "Kaya lang ano? Magpapaawa ka na naman ba? Walang epek sakin yan Corazon kaya tigilan mo yan at gawin mo na ang trabaho mo," asik nito. Tumuloy na lang siya sa kusina at ipinaghanda ang asawa kahit pa ramdam niya ang labis na ginaw dahil sa kanyang mataas na lagnat. Terrence just ignored her as if she was just being dramatic once again na mas lalong nagpasakit ng damdamin niya. He didn't even bother to give her the compassion she needs right now. Sobrang hirap pala kapag parehong nagkasakit ang puso at katawan. Uminom na lang siya ng gamot saka ipinagpatuloy ang mga gawaing bahay. Mamaya na siya magpapahinga kapag natapos na niya lahat. Sumapit ang gabi at pakiramdam niya hindi na niya kakayanin pa kaya naman sinubukan niyang tawagan si Terrence. It took him a couple of rings to answer. "Hello?!" Iritadong sagot ng kabilang linya. "Terrence…"Mahinang daing niya sa pangalan ng asawa. Dinig niya ang malakas nitong buntong hininga kaya napakagat labi siya. "What is this all about again, Corazon? Just make sure this is somewhat important kung hindi malilintikan ka talaga sakin." "I…I need to go to the—" "Babe, mamaya na yan. Jacuzzi was ready," biglang sigaw ng isang babae sa kabilang linya na nagpatigil sa kanya. "Wait for me there, okay? I'll just finish this," sagot naman ni Terrence. Napapikit na lamang siya sa narinig. Maybe it was a wrong choice to call him for help dahil sigurado siyang mas uunahin pa nito ang babae kesa sa kanya. "What is it, Corazon? You're taking so much of my time! May sasabihin ka ba o wala? I'm gonna hang this up!" Nayayamot nitong wika. Nang hindi pa rin siya nakapagsalita ng ilang segundo ay agad na namatay ang linya. Napabuntong hininga na lang siya at dahan dahang ibinaba ang kanyang cellphone. Napagpasyahan niyang dalhin ang sarili sa ospital at ipagamot. She's afraid that her condition would only worsen. Ayaw niya ring makarating sa mga magulang niya na nagkasakit siya at baka mapasugod ang mga ito ng wala sa oras at maabala pa niya. Suot ang isang hoodie habang dala ang kanyang cellphone at wallet ay bumaba siya ng hagdanan kahit pa sa nanginginig niyang mga tuhod. Sa labas na lamang niya hihintayin amg taxi na kanyang tinawag. Malamig na simoy ng panggabing hangin ang sumalubong sa kanya paglabas. Parang dinuduyan siya sa hangin habang naglalakad at pakiramdam niya ay mawawalan na yata siya ng malay. Sandali siyang napasandal sa kanilang gate bago dahan dahang pinihit ito pabukas. A blinding car headlight greeted her eyes, tinakpan niya ang kanyang mata para makita kung kaninong kotse iyon pero bigla nanlabo ang kanyang paningin at bumagsak sa lupa. But before her body reached the ground , strong and warm arms caught her with a familiar scent. Tuluyan niyang ipinikit ang kanyang mata dahil alam na niyang sa mga oras na yun nasa mabuti na siyang mga kamay. …… Matapos mag-enjoy sa hotel kasama si Bea, napagpasyahan nilang gumala muna sa club bago umuwi. Going home would just frustrate him more especially seeing his annoying wife. "Dude, are you dating that woman?" Usyuso ng kaibigan niyang si Zeus. Present silang iilan sa magbabarkada ngayon dahil araw ng Biyernes, TGIF ikanga nga. "It's not dating Zeus, just flirting," balewala niyang sagot. Bea was his flavor of the month or maybe week or a day, he doesn't exactly know. The woman was annoying and clingy, buti na lang magaling sa kama dahil kung hindi, matagal na niya itong idinispatsa. "Is your wife fine with it?" Tanong ulit nito. Nilagok niya muna ang baso ng alak bago nginisihan ang kaibigan. "May magagawa ba siya kung ayaw niya? She signed for this kaya magdusa siya." Zeus tsk. Bakas din ang pagkadismaya sa mukha nito na ipinagsawalang bahala na lamang niya. Ilang oras ang lumipas nang mapagpasyahan na nilang umuwi na and of course Bea will be coming with him again. "Man, you were such a jerk! You're really bringing your mistress to your house?" Naiiling na tanong ni Xerxes. Nginisihan niya lang din ang lalaki. As if hindi ito saksakan ng pagkababaero. Their only difference is that he is married and Xerxes is not. Akmang bubuksan na niya ang pinto ng kotse nang bigla na lamang may humila sa kanya at inundayan siya ng dalawang suntok sa mukha. "f**k!" Nalasahan niya agad ang dugo sa loob ng kanyang bibig. Pinukol niya ng masamang tingin ang lalaking animo leon na handang lumapa dahil sa sobrang galit. His younger brother,Tyrone. "What is your problem Tyrone?" Tanong niya saka pinahid ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Muli siyang sinugod ng kapatid at kwineyuhan saka marahas na isinandal sa kanyang sariling sasakyan. "f**k you T! Nandito ka lang pala at nagsasaya habang may sakit ang asawa mo?!" Pagak siyang natawa. So this is the reason why this little one was fuming mad that even wanted to kill him with his deadly stares. It's because of Corazon again. f*****g Corazon! "Stop it, you're hurting my boyfrie—Ouch!" Daing ni Bea nang akmang susugod ito pero agad na itinulak ni Tyrone. Mabuti na lang at naging maagap si Xerxes at nasalo ang babae bago bumagsak sa semento. "Stop interfering here b***h!" Bulyaw ng kanyang kapatid. Nahintakutan naman si Bea at agad na tumalilis ng alis. "Stop this nonsense fight Tyrone and get a hold of yourself bago pa kita tuluyan," malamig niyang banta dito. "Do you think I'm afraid of you? Hindi ang tulad mo ang dapat katakutan Kuya. You were nothing but a piece of trash here on earth." "f**k you Tyrone," nagngangalit niyang bigkas saka marahas na inalis ang pagkakahawak nito sa kanyang kwelyo. "If you are this mad, why didn't you try harder convincing Mom to let you marry your best friend instead of me?" Panunuya niya sa kapatid. Hindi lingid sa kaalaman niya ang pagtingin ni Tyrone sa asawa niya kaya naiinis siya kung bakit hindi ang dalawang ito ang nagpakasal at nang sa ganun malaya siyang gawin kung anong gusto niya. "Do you really think I didn't try?" "Then you should've tried harder!" "What do you want me to do?!" Bulyaw nito. "Should I just have killed you so that I can marry her?" Tyrone's voice broke as a lone tear escaped his eyes. "Maybe I should have done it or you should have been dead when you got drown in that f*****g lake nang sa ganun ay mawala ka na sa mundo. You don't deserve someone like her at all." Hindi siya nakasagot at nanatili lang na nakatingin sa kapatid. Nasaktan siya sa narinig na mas gugustuhin pa nitong mawala siya para maangkin nito si Corazon. Parang siya din na gusto ng mawala si Corazon sa buhay niya para malaya niyang mahintay ang pagbabalik ni Lara. "Enough Ty," awat ni Zeus pero matalim ang mga mata ni Tyrone na tumitig dito. "What? Are you having fun tolerating this asshole?" Nagpakawala ng malalim na hininga si Zeus at nakapamewang na tumitig sa kapatid. "No I'm not, in fact I'm so disappointed by what your brother was doing Ty. I have known his wife too and I somehow realize how foolish your brother is but you can't argue in that matter here in public,"Zeus explained. Sandaling natahimik si Tyrone at maya maya pa ay walang imik na umalis. "Damn man, are you unfriending me now?" Biro niya ng makita ang nakasimangot na mukha ni Zeus habang tinatanaw ag papalayo niyang kapatid. "No man, both of you are still my friends but you need to wake up and fix your damn life. You are so lucky to have a very understanding and caring wife—things you didn't see because you're blinded by your anger for her," paliwanag nito. "You knew I only wanted Lara, Zeus." "Remember what you said to your brother? You should've tried harder too. If you really love Lara, you would move heaven and earth just to be with her. You'll man up and won't act like a little boy who chickened out just because your mother threatened you," ani Zeus. Dinig niya ang impit na tawa ni Xerxes na ikinainis niya. "Hinuhusgahan mo ba ang pagmamahal ko Zeus?" Umiling ang kanyang kaibigan at bahagya pang ngumiti. "No T, but it seems like you're pushing yourself too much standing by the promises you made to the woman who saved your life that you miss something more. Stop collecting stones Terrence, you never knew you're already losing the diamond. Sige ka at baka pagsisihan mo'to," payo ni Zeus bago umalis. "Take it from the love doctor," natatawang tinapik ni Xerxes ang kanyang balikat bago sumakay sa sariling sasakyan at iniwan siya sa parking lot. Nanatili siyang nakatayo doon habang nakapamulsa. He knows what he is doing with his life at alam niyang tama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD