Mukha ni Tyrone ang una niyang nasilayan pagdilat ng kanyang mga mata. Somehow she felt a little comfort knowing her best friend was here with her. Tyrone was Terrence's younger brother. Nakilala niya ito noong lagi niyang inaabangan si Terrence na dumaan sa hacienda nila.
(Flashback)
Busy siya sa pagsilip kay Terrence habang nakakubli sa damuhan upang hindi siya nito mahalata. Kausap ng binatilyo ang isa sa kanilang trabahador na nasa pagitan ng kani-kanilang hacienda. Maya maya pa ay may naramdaman siyang presensya sa kanyang likuran. Dahil sa pag-aakalang si Malia, ang kanyang matalik na kaibigan ang naroon, napangiti siya ng hindi na nag-abala pang lumingon.
"Ang gwapo niya talaga," parang nanaginip niyang sambit.
"Talaga?"
Halos mapatalon siya sa gulat nang makitang hindi si Malia ang nasa kanyang likuran kundi isang lalaking hindi nalalayo sa kanyang edad ang naroon. Namilog ang kanyang mga mata at akmang sisigaw subalit mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig.
"Shhh! Kapag sumigaw ka malalaman ng Kuya na isa kang stalker," pananakot ng binatilyo sa kanya.
Hindi naman siya umimik at mariing pinagmasdan ang kaharap saka niya napansing mayroon din itong kulay abong mga mata at hindi nalalayo kay Terrence ang itsura.
"S—sino ka?" Nauutal niyang tanong.
"Ako lang naman ang kapatid ng lalaking pinapantasya mo," nanunuya nitong sagot.
Agad naman siyang umiling upang ipagkaila ang nararamdaman niya para kay Terrence. No matter how much she likes him, ayaw niyang malaman nito ang kanyang pagtingin.
"Talaga? Kakasabi mo lang nga kanina na gwapo ang kuya ko."
"Porket ba gwapo eh pinapantasya ko na?" Masungit niyang bara.
Ngumisi ang lalaki at lumitaw ang pantay at mapuputi nitong ngipin. He really looks like his brother, kaya lang mas maamo ang mukha ng isang 'to kumpara kay Terrence.
"Okay, hindi ko naman kasi nakita na araw araw mo siyang inaabangan dito. Huwag kang mag-alala, sasabihan ko agad siya pagkauwi ko—"
"Huwag! Huwag na huwag mong gawin yun!" Taranta niyang pigil dito.
"At bakit naman?"
"A—ayoko lang na…na malaman niya. Mas mabuti na yung hindi niya alam kasi nakakahiya," nakayuko niyang tugon.
"Sige."
Agad siyang nag-angat ng tingin sa lalaki "...talaga? Hindi mo sasabihin?" Nakangiti niyang paniniguro.
"Yup! Pero sa isang kondisyon," anito kaya agad na napawi ang kanyang ngiti.
"Anong kondisyon naman?"
"Let's be friends."
"F—friends?"
"Oo, bakit ayaw mo ba? Ayos lang din sakin. Sasabihin ko na lang lahat ng nalalaman ko sa kuya ko mamaya pag—"
"Okay! Okay, friends!"
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ng binatilyo at inilahad ang sariling kamay. "I'm Tyrone Miguel Saavedra."
……
"Nagkasakit ka na nga nakuha mo pang ngumiti."
Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ni Corazon at napatitig sa lalaking nasa kanyang harapan. The same man whom she saw in her mind a while ago.
"Masama na palang ngumiti ngayon?"
"Oo! I know you too well, Corazon. You must be imagining that I am your asshole husband kaya ka napapangiti," nakabusangot na pahayag ni Tyrone.
Mahina siyang natawa sa tinuran ng kaibigan. "Silly you Ty, iniisip ko lang kung gaano ako kaswerte dahil may kaibigan akong kagaya mo," sinsero niyang saad subalit hindi parin nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tyrone.
"As if I would believe you Corazon," sarkastiko nitong sagot.
"Bakit ba ayaw mong maniwala. You know you're special to me Ty," nakanguso niyang sambit.
Tyrone was with her since the day that they met kaya naman espesyal sa kanya ang kaibigan. Malaki ang parte nito sa buhay niya. He was funny and understanding, most of all, a very supportive friend to whatever she wanted in life.
"Yeah, I know. I'm a very very special…friend and never a boyfriend."
Muli siyang napatawa. Tyrone always banter with her this kind of jokes na hindi naman niya sineseryoso. Madalas silang napagkakamalang magkasintahan kahit saan sila magpunta but all she thinks of him is her big brother, a sibling she never had.
Maya maya pa, naalala niya ang huling nangyari sa kanya sa bahay nilang mag-asawa. "Bakit nga pala ako hinimatay, Ty?"
"Hindi ko pa alam. Malalaman natin mamaya pagpunta ng doktor dito para sa resulta ng mga test na isinagawa sayo," paliwanag ni Tyrone.
Tumango lang siya bilang tugon at hinintay ang pagdating ng kanyang doktor. Hindi naman siya nabigo dahil ilang minuto lang ay pumasok na ang hinihintay niya.
"Good afternoon Mrs.Saavedra, I'm doctor Elias Borromeo, how are you feeling right now?"
"A—ayos na naman po, doc. Ano po bang nangyari at hinimatay ako?" Mahina niyang tanong at napatingin pa sa gawi ni Tyrone na makulimlim ang mukha.
"Based on the test that we've run, you are experiencing stress and overfatigue that resulted in your high fever and fainting."
Natahimik siya sa sinabi ng doctor. Siguro ay dahil sa madalas na pag-aaway nila ni Terrence nitong nakaraan kaya siya nagkasakit.
"Can you recommend to her the best medicine or vitamins to help her regain her strength Dr.Borromeo? I'll pay kahit na magkano pa yan." Singit naman ni Tyrone.
Napalingon siya sa mga nurses na naroon na parang kinikilig habang pinagmamasdan ang kanyang kaibigan kaya bahagya siyang napangiti.
"Yes Mr.Saavedra, I'll prescribe her vitamins to take and please Mrs.Saavedra, don't exhaust yourself too much. As for now you need a complete bed rest and eat a lot of healthy foods to regain your energy," dagdag pa ng doktor.
Tumango siya habang si Tyrone naman, tinanggap ang nireseta ng doctor sa kanya. Matapos magpaalam ng doctor, umalis din si Tyrone para bilhin ang mga gamot niya.
"Ang swerte nyo naman po sa asawa ninyo Ma'am," puna ng nurse habang inaayos ang kanyang bagong dextrose.
"Huh? Asawa?" Takang tanong niya.
"Opo. Si Mr.Saavedra po. Di po ba asawa niyo siya? Ang swerte niyo po kasi pogi na maalaga pa," parang kinikilig nitong sambit.
Natatawa siyang umiling. Kawawang Tyrone, dati napagkakamalan lang itong boyfriend niya, ngayon asawa na talaga. "Hindi ko siya asawa Miss. Kapatid siya ng asawa ko."
"Ay, talaga po? Naku Ma'am pasensya na kayo sa bibig ko. Diko lang talaga mapigilan, bagay na bagay po kasi kayo."
Nginitian lamang niya ang nurse. Matapos nitong magpaalam, naiwan siyang mag-isa sa kanyang silid. Hindi niya maiwasang isipin si Terrence. Does he know that she's in the hospital? Dadalawain kaya siya nito? Malamang hindi, Terrence would be happy knowing her presence wasn't in the house pero hindi niya parin mapigilang umasa na dadating ang asawa niya o kahit kumustahin man lang siya kung ayos na ba ang pakiramdam niya.
……
Abala si Terrence sa loob ng kanyang opisina subalit maya't maya siyang napapatigil dahil paulit-ulit sa kanyang pandinig ang mga katagang binitawan ni Zeus kagabi.
"f**k! Why am I bothered? I'm fine with what I'm doing with my life!" Parang baliw niyang kausap sa sarili at napahilamos pa ng mukha gamit ang kanyang mga palad.
Pinagmasdan niya ang kanyang cellphone na kanina pa panay ang ring. All of his women are already waiting for him to come. He will just choose who among them he should spend his night.
Right! That's the best thing to do after the boring day he has in his office.
"Hey handsome…" Malanding tawag sa kanya sa kabilang linya ni Madel, isa sa mga fling niya na anak ng gobernador.
"Are you free tonight?"
"Of course. Ikaw lang naman ang laging wala," nagtatampo nitong sambit.
"Okay, I'll be there," tanging sagot niya at pinatay ang tawag. Mabilis siyang nakalabas ng opisina at sumakay sa kanyang Bugatti Mistral patungo sa condo ni Madel.
……
Padabog na bumaba ng sasakyan at nakabusangot na binitbit ang kanyang biniling prutas at bulaklak si Terrence. He was mad at himself and kept on telling him to go to Madel's condo but here he is in the parking lot of the f*****g hospital!
He already ask someone and knew where Corazon's room is kaya madali na lang sa kanyang baybayin ang silid ng babae. He was about to open the door when he heard a familiar voice.
"C'mon, isang subo na lang."
"Ayoko na nga eh. Busog na ako."
Sinubukan niyang sumilip and there he saw his brother taking good care of his wife. Walang buhay siyang natawa sa sarili at tiningnan ang kanyang mga dala. He suddenly felt out of place. Damn! He was so damn stupid for coming here.
Why would he bother seeing that woman in the first place? Hurting her and making her leave would be his benefit. Naiiling siyang tumalikod at hindi na tumuloy pa. Sa hindi kalayuan, may nakita siyang basurahan kaya pagkatapat niya ay walang pag-aalinlangan niyang tinapon ang prutas at bulaklak saka walang likod-lingong umalis ng ospital.