Tatlong araw ang itinagal niya sa ospital subalit sa loob ng panahong iyon hindi man lang niya nakitang dumalaw si Terrence sa kanya. She was sad pero ano pa bang inaasahan niya? Her husband wants her gone kaya hindi na dapat siya umasang kahit isang saglit lang ay makita niya ito.
"Pasok ka muna Ty," aniya kay Tyrone nang makarating sila sa bahay ni Terrence.
"Hindi na Corazon. I might kill your husband this time kung sakaling makita ko siya," malamig nitong tugon.
Hindi na lang siya sumagot dahil naiintindihan din niya kung bakit nagkakaganun si Tyrone. Her kind of relationship with Terrence isn't a secret to him. Ang ipinagpasalamat lang niya, hindi pa ito nagsasalita sa mga magulang nila dahil malaking gulo iyon kapag nagkataon.
"Ingat ka pabalik ng Mindanao Ty," bilin niya sa lalaki nang makababa siya ng sasakyan.
"Take care too, Corazon."
Hinatid tanaw niya ang sasakyan ng kaibigan bago napagpasyahang pumasok sa loob. Tahimik ang buong kabahayan pagdating niya, wala rin ang sasakyan ni Terrence sa garahe kaya malamang nasa opisina ang kanyang asawa.
Marahan niyang binuksan ang pintuan at napakunot noo nang makarinig ng kaluskos sa loob ng bahay. May magnanakaw kayang nakapasok? Nagmamadali siyang nagtungo sa lugar at nagulat nang makita ang isang may edad na babaeng naglilinis sa kusina.
"S—sino po sila?" Alanganin niyang tanong.
Nasorpresa ang matandang babae pero agad din itong yumuko at magalang na ngumiti. "Magandang araw po, ako po si Glory, ang bago ninyong kasambahay."
"K—kasambahay?"
"Opo."
"Sigurado po ba kayo?" Paniniguro niya.
Sa pagkakatanda niya ay ayaw ni Terrence na magkaroon sila ng kasambahay dahil nais siya nitong pahirapan nang sa ganun ay iwanan niya ito at sukuan. Ang hindi alam ni Terrence, sanay siya sa lahat ng gawaing bahay kahit pa may mga katulong sila.
Bata pa lang siya, turo na ng mga magulang niya na kailangan matuto sa lahat ng bagay para sa hinaharap kaya naman lahat ay inaral niya. Mula sa pagiging kasambahay, hardinera, tauhan sa tubuhan hanggang sa pagpapatakbo nito.
"Sigurado po ako Ma'am. Ang asawa niyo po na si Sir Terrence ang naghire sakin," tugon ng matanda.
Napatango na lang siya kahit na hanggang ngayon ay nalilito parin ang isip niya kung anong nangyayari. Ibig sabihin ba ay ito na ang simula na magkakaayos na sila?
"Gusto niyo po ba na ipaghanda ko kayo ng makakain?"
"Ah, wag na po Aling Glory. Busog pa po ako," tanggi niyang sagot.
Bago siya hinatid ni Tyrone kanina, siniguro muna ng lalaki na kumain siya ng marami kaya naman parang hindi pa siya natutunawan sa ngayon.
"Sige po Ma'am, tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan kayong ipagawa," nakangiting wika ni Aling Glory.
Tipid din siyang napangiti. Nakakahawa ang pagiging masiglahin ng matanda. Pumasok siya sa kanyang silid at mahinang umupo sa gilid niyon. Iniisip niya kung ano ang magiging reaksyon ni Terrence ngayong nakauwi na siya. Magiging masaya kaya ito na magaling na siya? O ganun parin ang magiging trato nito sa kanya.
Sumapit ang gabi na pinakahihintay niya dahil narinig na niya ang ugong ng sasakyan ni Terrence na papasok. Halos lumundag siya sa kama marating lang agad ang pintuan. Nagmamadali din siyang bumaba ng hagdanan at eksakto namang papasok na sa loob si Terrence.
"Terrence…" Tawag pansin niya dito.
Kunot noo siyang pinagmasdan ng lalaki hanggang sa makarating siya sa harapan nito. Dahil sa pagsimangot ng asawa ay unti unting napawi ang kanyang ngiti.
"N—nandito ka na pala…Gusto mo ba ipaghanda kita ng hapunan?" Nakangiti niyang alok.
"Didn't I already hired a maid to do it? Hindi mo na ako kailangang pagsilbihan Corazon," malamig nitong sagot saka siya nilampasan at umakyat sa silid.
Naiwan naman siyang nakatanaw sa asawa. Akala niya ay magiging okay na sila pero hindi pa pala. Bagsak ang balikat niyang bumalik sa kanyang silid. Mas gugustuhin pa niyang manatiling pagsilbihan ang lalaki, nang sa ganun maramdaman man lang niyang naging asawa siya dito.
Kinabukasan ay maaga pa rin siyang gumising at nagpupumilit kay Aling Glory na tumulong sa paghahanda ng almusal kahit hindi sumang-ayon ang matanda. Hindi nagtagal, pumasok sa kusina ang pawisan niyang asawa. Agad niyang pinulot ang nakasampay na tuwalya sa upuan para punasan ang lalaki pero mabilis itong umiwas sa kanya.
"Iwanan mo muna kami Manang Glory, may pag-uusapan kami ni Corazon," seryosong utos ng lalaki.
Mabilis namang tumalima ang matanda. Napatingin siya kay Terrence na nakatitig din sa kanya. Hindi niya maiwasang maramdaman ang kabog sa kanyang dibdib dahil sa intensidad ng abo nitong mga mata. Pakiramdam niya may pwersang humihigop sa kanya at manatiling tumitig lang doon.
"A–anong pag-uusapan natin?" Basag niya sa sandaling katahimikan sa kanilang pagitan.
"Sit, down…We will discuss something important," sagot nito at nagpatiuna na sa pag-upo.
Dahan dahan naman siyang naglakad sa kalapit na silya at marahang naupo. Naninibago siya dahil ito ang unang beses na magkasama sila sa hapag.
"Our parents will visit us here next day, one main reason kung bakit kumuha ako ng katulong," panimula ni Terrence.
Umaliwalas ang kanyang mukha sa narinig. Huling beses na nakita at nakasama niya ang magulang ay noong araw bago ang kanyang kasal. Bukod sa abala ang mga ito sa plantasyon, may katandaan na rin kaya hindi na mahilig bumiyahe subalit nakaramdam siya ng pagkadismaya. Akala niya ay kumuha ng katulong si Terrence para hindi na siya mahirapan pa pero iba pala ang dahilan. Ganunpaman ay pilit siyang ngumiti.
"G—ganun ba?"
May hinugot si Terrence mula sa pitaka nito at ibinigay sa kanya. Nagtataka naman niyang tinanggap ang black card na iniabot ng asawa.
"Here, make yourself presentable Corazon because right now, you look like a trash. At huwag na huwag mo akong ipapahiya sa harapan ng mga magulang natin lalong lalo na kay mommy nang sa ganun ay hindi niya pagdiskitahan si Lara. Remember that if Lara will get compromise, hindi ako mangingiming hiwalayan ka and I will never ever forgive you," malamig nitong wika.
Napayuko na lang siya nang mabanggit nito ang pangalan ng pinsan. She tried her best to be a good wife to him dahil yun lang ang alam niyang gawin para mapaibig ang asawa pero hanggang ngayon ay si Lara parin ang mahal nito.
Maya maya pa ay nag-angat siya ng tingin sa lalaki. "H—hindi mo ba ako pwedeng samahan. Hindi kasi ako sanay sa Maynila, Terrence kaya baka…baka kung pwede lang naman na sumama ka kahit saglit lang," pag-aalangan niya.
Simula kasi ng dumating siya sa syudad tanging bahay at grocery lang ang pinupuntahan niya, ni hindi pa nga siya nakapagshopping kahit isang beses lang. Hindi din niya alam ang pasikot-sikot sa Maynila dahil nasanay siya sa lugar na kinalakihan buong buhay niya.
"I have a lot more important things to do than pampering you, Corazon. Baka nakakalimutan mong hindi ako si Tyrone na handang bumuntot sayo kahit saan ka man magpunta," padarag na tumayo si Terrence at malamig siyang tiningnan. "Just be thankful that I spent a penny for you dahil kung tutuusin ay hindi na dapat. I don't even consider you as my wife so you better know your place."
Kusang pumatak ang butil ng luha mula sa kanyang mata habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ng asawa. Nang pumasok ang kasambahay ay dali-dali niyang pinunasan ang kanyang pisngi. Kita niya ang awa at pag-aalala sa mukha nito pero hindi umimik ni magtanong ang matanda na ipinagpasalamat niya.
Pagkaalis ni Terrence, humayo din siya para pumunta ng mall. Balak niyang pagupitan at ipaayos ang kanyang buhok. She have seen all of Terrence's women with blonde hair. Naisip niyang marahil, ito ang tipo ng lalaki kaya naisipan niyang gayahin ang mga iyon.
Una siyang pumasok sa isang malaking mall at tumingin-tingin sa mga damit na naroon. A white simple dress had caught her attention kaya naman mabilis siyang pumasok sa naturang boutique at sinukat ang damit.
"Bagay na bagay po sa inyo Ma'am," magiliw na puri ng saleslady.
"Sigurado ka ha?" Aniya habang umiikot sa salamin.
"Opo Ma'am. Tiyak maiinlove po ang kahit sinong makakita sa inyong suot yan."
Hinubad niya ang damit at binayaran sa counter. Mahal ang presyo niyon pero hindi naman siguro magagalit si Terrence hindi ba? Akmang iaabot na niya sa cashier ang card nang bigla na lamang itong hinablot ng kung sinuman.Lumingon siya at nakita ang isang pamilyar na mukha—si Bea. Pansin niyang may mga kasama din itong alipores na nagmumukha ng clown dahil sa kapal ng make-up sa mukha.
Mapanghusga itong tumitig sa kanya pagkatapos ay sa blackcard niyang dala. Right then, she knew something bad was about to happen.