"Look who's here? Diba ikaw ang maid ng boyfriend ko?" Tanong ni Bea at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at inabot ang card ni Terrence mula sa babae pero mabilis itong iniwas ni Bea at nginisihan pa siya.
"A black card huh? I'm sure this thing belongs to Terrence. I wonder why you have this one?" Litaniya nito at sinipat pa ang hawak na card.
"Look Miss, ayoko ng gulo kaya kung pwede akin na yan at nang makaalis na ako," malamig niyang saad.
"And who says you're gonna get outta here alone?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"You can get out of here kasama ang mga pulis! You're a thief! Ninakaw mo ang card ng boyfriend ko just so you can shop this kind of dress!" Nanlilisik ang mga mata nitong akusa sa kanya.
"Wala akong ninakaw Miss Bea kaya maghinay-hinay ka sa mga akusasyon mo," malumanay subalit puno ng poot niyang sagot.
"Talaga lang ha? Watch me!" Mapanghamon nitong sabi at hinarap ang saleslady. "Call your manager now, tell her na may nakapasok na magnanakaw sa loob ng store ninyo. Bilis!"
"Yes Miss Madrigal," natatarantang tugon ng saleslady.
Mabilis namang lumabas ang saleslady kasama ang isa pang babae na sa tingin niya ay mas matanda dito.
"Hello, Miss Madrigal, our very loyal customer. How may I help you?" Magiliw na sabi ng babae. Marahil ay ito ang sinasabi nilang manager ng naturang boutique.
"I just want to inform you na may nakapasok na magnanakaw sa loob ng store and she even stole my boyfriend's card!" Bulalas nito dahilan para mapatingin sa kanila ang ibang naroon.
Kahit na wala siyang kasalanan ay nakaramdam siya ng pagkaasiwa nang tapunan siya ng mga ito ng mapanghusgang tingin. Ganito pala talaga kajudgemental ang mga tao kahit na hindi nila alam ang totoo.
"Ganun po ba, I'm so sorry Miss Madrigal, magpapatawag na lang po ako ng guard—"
"Anong guard? Call a police right now! Ipapahuli ko ang magnanakaw na yan!" Putol nito sa sasabihin ng store manager.
Hindi na siya nakatiis at naiinis na hinawakan sa braso si Bea. "Sumusobra kana talaga! Totoo nga ang kasabihan na kapag kabit, matatapang!"
"Oh no! Hanggang ngayon ba ay pilit mo paring sinasabi na asawa ka ni Terrence. Dream on! Ang muchacha na tulad mo ay hindi kailanman papatulan ng boyfriend ko!"
Akmang sasampalin niya si Bea nang pigilan agad siya ng isa sa mga alipores nito.
"Sige, try me! Sampalin mo'ko at sisiguraduhin kong hindi ka na talaga makakalabas ng kulungan! I have money at ilusyunadang katulong ka lang!" Sigaw nito at saka dumapo sa kanyang pisngi ang isang malakas na sampal.
Agad namang rumesponde ang isa pang alalay ni Bea at mabilis siyang hinawakan. "Akala mo ba masasaktan mo pa ako ulit gaya ng ginawa mo dati?! No way because you will rot in jail before you could even lay a finger on me!"
Maya maya pa ay dumating ang guard at ito na ang humawak sa kanya. Pilit naman siyang nagpupumiglas at nagpapaliwanag pero habang ginagawa niya iyon nasasaktan lamang siya. Hindi niya mapigilang mapaiyak sa sitwasyon niya ngayon lalong lalo na at may ilan pang vinevideohan siya habang pinagtatawanan siya ng mga grupo ni Bea.
Ilang sandali pa, mas lalong umusbong ang kanyang kaba ng dumating ang mga pulis at pinosasan siya.
"Sir! Wala po akong kasalanan! Wala po akong ninakaw!" Pagsusumamo niya.
"Sa presinto ka na magpaliwanag," matigas nitong wika saka sapilitan siyang kinaladkad. Dahil sa kanyang pagpupumiglas ay naiwan pa ang isa niyang suot na sapatos.
"Ikulong niyo yan sarhento! Magnanakaw ang babaeng yan!" Hysterical na sigaw ni Bea nang makarating sila sa presinto.
"Huminahon po kayo Miss Madrigal. Gagawin po namin ang tama para mabigyan ng hustisya ang panggugulo ng babaeng ito sa inyo," mahinahong sagot ng pulis.
Kinapkapan siya ng mga ito at binuksan ang kanyang wallet saka sinipat ang ID na nasa kanya kung saan dala na niya ang apelyido ni Terrence.
"Saavedra ang apelyido mo? Kaano-ano mo ang may ari ng card na dala mo?" Nalilitong tanong ng pulis.
"As—"
"That's a fake identity Sarhento. That woman is a freak! She keeps on telling na asawa niya ang boyfriend ko even though she's just a maid! Kilala mo ako at ang buong pamilya ko and I would never lie!" Putol ni Bea sa sana ay sasabihin niya.
"I know Miss Madrigal," magalang nitong sagot kay Bea saka matapang ang mga matang bumaling sa kanya. "Alam mong pwede kang kasuhan sa pagsisinungaling mong ito Miss. Kung ako sayo ay umamin ka na kung hindi ay patong-patong na kaso ang isasampa namin laban sayo."
"Hindi po ako nagsisinungaling Sir. Totoo po ang sinasabi ko," giit niya dito.
"Anak ng tokwa naman oh! Gusto mo bang pahirapan ka namin bago ka pa umamin! Kilalang negosyante ang tatay ng nagdemanda sayo kaya hinding-hindi magsisinungaling yan!" Bulyaw ng pulis. Halos maglabasan narin ang litid sa leeg nito dahil sa labis na pagkapikon.
"Hindi nga po ako nagsisinungaling! Kung gusto niyo, tawagan niyo si Terrence para matapos na tayo," pagod niyang wika.
"Tatawagan talaga! At sisiguraduhin kong mawawalan ka ng trabaho at pupulutin ka sa kangkungan!" Nakangising pananakot ni Bea.
Napayuko na lang siya at saka lang niya napansin na nagkasugat pala ang kanyang paa na natanggalan ng sapatos. Namumula din ang kanyang mga braso dahil sa marahas na pagkakahawak ng mga pulis sa kanya. For the first time in her life, she's been harassed by the people whom she didn't even wronged and she felt so oppressed right now. She's been humiliated and she can't help her tears from falling.
"What's going in here, boys?"
Lahat ng atensyon ay nabaling sa bagong dating. Ang mga pulis na naroon ay tumayo pa para sumaludo.
"General!"
Nag-angat siya ng tingin at nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagsino ang General na dumating. It was General Romanov, ang retired general na lolo ni Niccolo na kababata nila ng kaibigan niyang si Malia!
"Lolo…" Mahinang anas niya.
Kunot noo siyang tiningnan ng lolo ni Niccolo bago bumaling sa Sarhento.
"Ahhh, wag niyo na pong pansinin yan, General, may kaso lang po," natatawa pang paliwanag ng sarhento.
"Kaso? Anong kaso?"
"Nagdemanda po kasi ang girlfriend ni Mr.Saavedra na ninakaw ang ng babaeng to ang black card ni Sir," turo sa kanya.
Nakita niya ang pagngisi ng matanda sa Sarhento "...really? Sino pala ang girlfriend ni Mr.Saavedra dito?"
"Si Miss Madrigal po General, anak po ng businessman na si Mr.Eric Madrigal."
"At ang babaeng ito ang nagnakaw ganun ba?" Turo ng lolo Herman sa kanya.
Mabilis namang tumango ang sarhento pero malakas na humalakhak si Lolo Herman na ipinagtaka ng mga naroroon.
"A—ano po bang nakakatawa General?"
"Kayo," sagot nito at natawa ulit. Pinahiran pa nito ang gilid ng mga mata saka pilit pinagseryoso ang mukha. "I'm just wondering why a woman who owns one hundred thousand hectares of sugarcanes and sugar mills will steal her husband's card and be sued by the girlfriend?" Sarkastikong tanong ng lolo Herman. "How ironic isn't it?"
Kita niyang halos lumuwa ang mata ng mga naroon mula sa mga pulis, store managers at saleslady, pati na ang mga grupo ni Bea. Hilaw na natawa ang sarhento at tinapik pa ang braso ng matanda.
"Mapagbiro talaga kayo, General," pilit nitong pinapasigla ang boses na halata ang tensyon.
"Who says I'm joking? The woman you captured was the sole heiress of Crisostomo Villaluna and if you don't know him, you better do a research. I heard that man was a monster when mad so if I were you, Sargeant, I would immediately release that woman or you would face the wrath of her father for harming his beloved one and only daughter." Sumandal si Lolo Herman sa police desk at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
He was still masculine even in his sixties. "Balita ko Sarhento bihirang magpatawad ang lalaking Villaluna kaya mag-ingat ka."
"That's impossible! Sinabi sakin ni Terrence na katulong niya ang babaeng yan! Don't believe in this old man Sargeant! Malay natin ulyanin na yan! Baka gusto mong isumbong kita sa daddy ko!" Pagbabanta ni Bea.
Pinagpawisan ng malagkit ang sarhento at takot na napatingin sa kanya.
"Did you just call me a forgetful old man?!" Tanong ni Herman at pinanlisikan ng mata si Bea bago bumaling sa kanya. "Make sure to sue this woman, Corazon! She's getting on my nerves!"
Mabilis na lumapit ang sarhento sa kanya at kinalagan siya ng posas. "Ma'am pasensya na po talaga kayo. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko," nakayuko nitong hingi ng paumanhin.
Hindi siya sumagot at nanatiling nakasandal sa upuan. She was tired of what was happening right now. Maya maya pa ay dumating ang isang matangkad at gwapong singkit na lalaki sa presinto. Dahil sa pagyuko ng sales lady at store manager ay alam na niyang isa ito sa may mataas na posisyon sa mall na napasukan niya.
"I'm Tristan Miller Liu, Sargeant, owner of Liu Plaza. I came here after I received the news that my friend's wife was falsely accused by one of the store managers," pormal nitong wika. "I will offer any kind of compensa—"
"Let your employees apologize, young man. Corazon doesn't need any of those you can offer," may awtoridad na sabi ni lolo Herman.
"No problem, Sir," anito saka tiningnan ang dalawa.
Mabilis namang lumapit sa kanya dalawa at lumuhod pa. She wasn't used to this kind of gestures kaya inawat niya ang mga ito. "You can say sorry at hindi niyo na kailangan pang lumuhod," pormal niyang pahayag.
"Pasensya na po talaga Ma'am…"
Tumango siya at bumalik na sa kinatatayuan nila kanina ang dalawa. Hindi nagtagal lumitaw ang dalawang pamilyar na bulto papasok ng presinto.
She was staring at the both of them but right now, she can't sense the comfort she's longing for while looking at her husband. All she could see was just pure pain and piles of his betrayals.