Chapter 10: Little Reunion

1581 Words

Marahang tapik sa pisngi ang gumising sa mahimbing na pagtulog ni Corazon. Dahan dahan siyang nagmulat ng mata at nasilayan ang gwapong mukha ng kanyang asawa habang nakadungaw sa kanya. Napangiti siya. Sana'y ganito araw-araw ang makikita niya paggising niya sa umaga. "Stop daydreaming and get the f**k up Corazon! Ilang oras na lang darating na ang mga magulang natin!" Agad siyang nahimasmasan sa kanyang pantasya at bumalik sa realidad. Oo nga't nakadungaw si Terrence sa kanya subalit hindi na maipinta ang mukha nito sa labis na inis. Bigla ay naconcious siya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Baka may dumi pa siya sa mata o di kaya ay may laway sa gilid ng bibig. "Ano? Tititigan mo lang ba ako at hindi ka kikilos?" "S—sorry," agad siyang bumalikwas ng bangon. Napatingin siya sa salamin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD