Tension filled the atmosphere. Nagtataka ang mga tingin ng magulang nila sa katagang binitawan ni Tyrone. Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan para sawayin pero mukhang wala itong planong makinig sa kanya. "What are you trying to say Tyrone?" Kunot noong tanong ni Donya Luisa. Tyrone smiled. A mocking smile. Napalingon siya kay Terrence. Nagtatagis ang bagang nitong nakipagsukatan ng tingin sa kapatid. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa nalagutan ng hininga si Tyrone panigurado. "Nothing Mom. I just felt like Kuya doesn't like me being here. Look at the way he glares at me," panunuya pa nito. Lihim siyang napabuntong hininga. Palihim niyang sinipa ang paa ni Tyrone sa ilalim ng mesa. Sandali lang itong lumingon sa kanya bago ibinalik ang tingin kay Terrence. "What going on

