Kabanata 8

2905 Words
KABANATA 8 Dumaan ang ilang araw at hindi ko na muling nakita si Ren. Hindi na rin siya sumasagot sa mga texts ko. Tumatambay kami ngayon sa isang bench malapit sa building ng College of Engineering. Panay pa rin ang kwento ni Melissa tungkol sa palitan ng texts nila ni Ren. I bit my lip as I felt jealousy slowly carving in the depths of my heart. "Hindi ko alam na may banda pala siya? He invited me to watch him perform one of these days," she proudly declared and I felt another invisible pang hit me in the chest. "Oh my gosh! Is that it, Mel? The start of something new?" Kilig na kilig na utas ni Zoey. Another pang. "Pakiramdam ko nagkakagusto na siya sa iyo," sabi pa ni Lauren. And another. "Ako rin, Sis. Ramdam ko malapit mo na siyang mapasaiyo," sang-ayon pa ni Cindy. Nag-iwas ako ng tingin habang iniinom ang aking iced tea. Pilit na nilulunok ang kumakapal na bara sa aking lalamunan. "How about you, Yana?" I almost spilled my drink when Desiree called me. "Yes?" "Do you think he's falling for her already?" Tanong nito, her stares were carefully calculating my reaction. "Um... It's hard to say... Hindi ko naman alam kung anong tumatakbo sa isipan noon," sagot ko habang sinisilip kung may mensahe na ako galing sa taong iyon. Wala. Muli kong nilunok ang umaambang lungkot. "But you may have an idea, right? You've been friends for so long after all," she said, pushing me to spill the supposed beans they wanted to hear. Umiling ako. "Hindi dahil matagal na kaming magkaibigan ay sinasabi na namin sa isa't isa ang lahat ng aming iniisip." Tumango lang ito sa aking sinagot bago bumalik sa kanilang pag-uusap. Ganoon na lang ang gulat ko nang biglang tumayo si Melissa at hinarap ang kung sinumang nasa likod ko. "Hi, Ren!" "Hi, Mel!" Salitang gumapang sa aking sistema ang init at lamig nang marinig ang matagal-tagal ko na ring hindi naririnig na boses. For some reason, hindi ko siya kayang lingunin. Natatakot ako sa kung anong makikita ko sa mga mata nito. "May gig kami mamaya. Baka gusto mong manuod?" Narinig kong tanong ng haring nakatayo sa aking tabi. Agad namang nagsitilihan ang aking mga kasama habang ako nama'y nanlalanta sa aking upuan. Hindi ko na narinig kung anong isinagot ng aking kaibigan. He invited her. Ni hindi man lang niya ako pinansin. I bitterly thought. I gathered what's left of my courage and tried to take a peek of him. Nakangiti ito habang nakatingin sa harapan, sa aking kaibigan. He must really like her, then. I thought as that cold feeling spread throughout my system like wildfire. Ano naman iyon sa akin kung sakaling totoo nga? He can like whoever he wants! I held back my gasp when he suddenly looked down. His green eyes were cold as he raised a brow at me. It's like he's telling me that he hasn't forgiven me for breaking my words. Kaagad niyang ibinalik ang paningin sa harapan at muli itong pinakitaan ng isang matamis na ngiti. "Hintayin mo ako sa may gate mamaya. Sabay na lang tayo papunta sa venue." A stronger pang hit me in the gut that I almost couldn't breathe. Hindi ko na nasundan pa ang sumunod na mga nangyari. Tuluyan na ako nawalan ng lakas para sundan pa ang mga pinag-uusapan nila at itinuon na lang ang atensiyon sa aking cellphone. I was contemplating if I should throw it away. But then I remembered the reason Gene gave me this device was so we could easily communicate one another. I sighed as I tucked my phone away. Nang muli akong mag-angat ng tingin, wala na si Ren pero hindi pa rin tapos ang mga kasama ko sa pag-uusap tungkol dito. "Anong plano mo kapag naging boyfriend mo na siya?" Biglang tanong ni Cleope kay Melissa. Hindi pa rin sila tapos tungkol sa isyu ni Ren. "Oh, come on guys! Ni hindi pa nga niya ako nililigawan..." She answered with a giggle at the end. "Seriously, though, are you going to introduce him to your family?" Tanong naman ni Cindy na pumulot ng isang stick ng french fries. "What?" Natatawang tugon ni Melissa, "Why would I do that? Gusto ko lang siyang maging nobyo, hindi asawa, ano?!" Tumawa pa ito habang pumupulot ng isang fry. "Right?" Sumang-ayon naman si Desiree at nakipag-apiran pa sa kanya. Kumunot ang noo ko sa sagot nito. "Why not?" Hindi ko napigilang itanong. Napatingin sila sa aking gawi, hindi makapaniwalang hindi ko agad nakuha ang ibig nilang sabihin. "What do you mean 'why not'? Of course, I'm not gonna marry the guy! My gosh, ano naman ang ipapakain noon sa akin? Dilis?" Tumawa pa ito habang pinapaypayan ang sarili. Sinabayan naman siya sa pagtawa ng iba pa naming mga kaibigan. "Tama ka, Mel. No matter how handsome a guy is, no matter how hot his bod, if his pockets are empty then he's nothing to women like us," ani Desiree. "I mean, who would like to marry a low class name, right?" Sabi naman ni Cindy. "Pero masipag at napakaresponsableng tao ni Ren. Mahirap man siya pero napapag-aral niya ang sarili sa ganitong paaralan sa sarili niyang sikap. No financial assistance from his parents or whatsoever. He worked hard for the food, the clothes, and every thing that he owns. I believe, more than birth privileges and social status, those qualities are far more important to consider when you want to marry someone." Walang nakapagsalita. Napaawang lang ang mga bibig nito sa aking mga sinabi. Have I said too much? Hihingi na sana ako ng dispensa nang biglang pumalakpak at natawa si Desiree. "That was very good, Yana! Kamuntik mo na kaming mapaniwala sa joke mo! That was hilarious!" Tawa pa nito na agad namang ginaya ng iba pa naming kasamahan. Marahan pa akong tinapik ni Cindy, "Palabiro ka talaga kahit kailan, Yana." Who says I was joking? Itatama ko na sana siya nang muling magsalita si Desiree. "Of course we all know that that is impossible, right? No girl in her right mind wants to marry a man who still needs to work hard in order to live." Tumango ang iba sa sinabi nito. "I don't need the efforts. I just want the assurance that the lifestyle I was born into will be kept, if not improved," maarteng tugon ni Melissa habang tamad na tinitingnan ang makukulay nitong kuko, "Besides, I'm only fourteen! I don't need to be in a serious relationship right now. Just some temporary fun will do. And Ren won't be the last but will be one of the many men who'll entertain me until the day I marry the right one for me." The girls giggled with her as she unabashedly said those words. Tahimik akong napakuyom sa aking palad. Ren doesn't deserve that. She doesn't deserve his worth. I bit my lip as another thought crossed my mind. And I also don't deserve his trust. Nang dumating ang hapon, halos hindi ako makatingin habang tinuturuan ni Ren si Melissa na umangkas sa kanyang motorsiklo. Nag-iwas ako ng tingin nang yumakap sa kanya ang aking kaibigang tuwang-tuwa sa pangyayari. Panay naman ng tilihan ng aming mga kasamahan. "Ayos ka lang ba riyan?" Narinig kong tanong nito pero hindi ko narinig ang sagot ni Melissa, "Kapit ka lang sa akin, okay?" "Ingatan mo ang kaibigan namin, ha?" Sabi ni Desiree. "Ako ang bahala sa kanya." I bit my lip as I tried to turn and look at them. I felt my heart made a big thud as my mind drank in the scene before me. Para silang nasa isang telenobela. Nakayakap iyong bidang babae sa bidang lalaki habang binabaybay nila ang daan ng kanilang pag-iibigan. Habang ako, tulad ng iba, ay isang hamak na manunuod lamang. "Ang swerte talaga ni Mel! Ang gwapo-gwapo ng boyfriend niya!" Narinig kong sabi ni Lauren. "Balita ko magaling din daw sa kama iyon!" Bulong ni Cleope na narinig ko. "Talaga? Ang swerte nga niya!" Singit ni Cindy at sabay na naghagikhikan ang tatlo. Of course, knowing Ren's record, hindi malayong subukan niya si Melissa. Even though she's the same age as mine, her body's far more developed. She also has that quality that I knew Ren was very fond of. Nagtagis ang bagang ko sa panibagong emosyong naramdaman. Kung iyon ang gusto niya, e di doon siya! Bagay silang dalawa. Pareho silang naghahanap ng pansamantalang katuwaan. I spatted inside my head as I bravely looked at him. Lumingon siya at nahuli akong nakatingin sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay nang mapansin ang inis sa aking mga mata. Hindi ako umatras at ganoon din ang ginawa bago ko siya inirapan at walang pasabing tinalikuran. When I finally got to my bed, I was already so exhausted. I didn't know that friendship with girls can be so draining. Ang dami kong kailangang i-adjust para lang makasabay sa kanila. Ang dami kong dapat i-consider para hindi ko sila ma-offend. Hindi ko matandaan na kinailangan kong baguhin ang aking sarili para lang maging close kami nina Jepoy. Even Cecil was very casual with me. Sure, I didn't tell them about my real gender until they found out later, but the Ian that they knew was still the same Aya. I didn't have to change any thing about myself. I didn't need to. I stared at my glowing ceiling and sighed my frustrations. Then there's that issue about Melissa and that playboy, Ren. Kumusta naman kaya ang date nila ngayon? Iyon lang ang pinag-usapan ng mga babae kanina sa cafe. Kung paano walang hindi nakukuha si Melissa. Kung ano ang mga posibleng gagawin noong dalawa. And that tomorrow, when they arrive at school, she's officially Ren's girlfriend. Kumuyom ang dibdib ko nang naisip ang mga imahe ng dalawa habang naghaharutan. Bakit naman ako masasaktan? Ano ko ba si Ren? Kaibigan ko lang naman siya, a! Kung gusto niya nga si Mel, dapat matuwa ako para sa kanya, di ba? Kaya huwag kang mag-inarte riyan, Ayana, hindi malaki ang boobs mo para mapansin ng unggoy na iyon! Marahas akong napaupo sa huling naisip. Hindi ka nagpapapansin sa kanya, Ayana! Tumigil ka nga! Ang dami-dami mong dapat isipin, iyan pa ang napili mong pagtuunan ng pansin? Umayos ka nga! I chided myself. Hihiga na sana ako ulit nang may napansing kaluskos sa aking bintana. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang anino sa labas nito. Sino 'to? I carefully got up from bed and went near my window. "Sino iyan?" I asked but the shadow didn't stop trying to open it. When the lock clicked, panic quickly spread throughout my system. Agad kong dinampot ang aking shinai at hinanda ang sariling lumaban. Ganoon na lamang ang gulat ko nang bumukas ang kurtina ko at isang nakasimangot na Ren ang tumambad sa akin. "Ang tagal mong magbukas! Kanina pa akong nakalambitin diyan sa labas! Mabuti na lang at kanina pa nagawi rito iyong tanod kung hindi ay baka nakita na ako noon at akalaing akyat-bahay ako!" Something in his irritated tone wiped off the initial shock of seeing him at the moment when he was supposed to be enjoying the company of his date and irked me big time. "Bakit? Sino bang nag-utos sa iyong akyatin ang kwarto ko? Malay ko bang may pagka-unggoy ka pala at gusto mong lumambitin kahit saan," anas ko. Tatalikuran ko na sana siya nang hablutin nito ang braso ko. "Iyan! Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling iyang galit mong iyan! Akala mo hindi ko napansin kanina, ha? Bakit ka galit sa akin gayong ikaw pa nga itong may kasalanan sa ating dalawa?" "Kasalanan? Alin doon? Iyong pagbigay ko ng number mo kay Melissa?" Hilaw akong tumawa, "E, di ba nagustuhan mo naman iyong ginawa ko? Close na close na nga kayo ngayon, o! Tuwang-tuwa ka pa nga habang nakayakap siya sa iyo kanina pagpunta niyo sa gig mo? Siguro nga enjoy na enjoy ka sa pagperform kasi nanunuod siya. Kaya wala akong kasalanan doon! Dapat magpasalamat ka pa nga sa akin kasi ibinigay ko iyong number mo sa kanya," anas ko pa, aware that my bitterness was clearly dripping from my words. Humigpit ang pagkakahawak nito sa aking braso na pakiramdam ko'y magmamarka iyon kapag tumagal pa. "Bitawan mo nga—" Naputol ang sasabihin ko nang makita ang madilim nitong mukha. "Sa tingin mo nagustuhan ko iyon? Hmm? Sa tingin mo natuwa ako nang malamang ipinamigay mo ang numero ko para lang makuha ang loob ng kaibigan mo?" "What?! I didn't—" "Sa tingin mo nasiyahan akong pinagmamasdan kang walang ginagawa habang ginagawang katuwaan ng mga kaibigan mo!? Ganoon ka na ba kadesperadong mapansin at kinailangan mong kaibiganin iyong mga babaeng iyon!? The same girls who vandalized your skin with their nails?! The same girls who laughed at your demise?! Huh?!" "Hindi ko sila kinaibigan para lang mapansin! Hindi ako ganoong uri ng tao, alam mo iyan! I just wanted to have friends! I don't want to be the girl sitting in one corner while the other kids play! I don't want to be the one out of place anymore! I don't want to be isolated again! I wanted to belong!" Utas ko. Parehong mararahas at mabibilis ang aming mga hininga habang matamang nakatitig sa isa't isa; nagsusukatan at nagtatagisan. Ako ang unang bumasag sa aming katahimikan. "Masama na ba akong tao kasi sinubukan kong kunin ang loob nila? Masama na ba ako kasi ginusto kong magkaroon ng mga kaibigan?" Mariin siyang napapikit. Humugot ng isang malalim na hininga at marahas iyong pinakawalan. Pagmulat nito naging malumanay na ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niya ring niluwangan ang pagkakahawak sa aking braso. "Hindi," anito. Wala na ang lamig at may lambing na ang bawat titig niya, "Hindi ka masamang tao, Aya. Walang masama kung gustuhin mong magkaroon ng mga kaibigan pero pumili ka nang maayos at mabuti. Hindi lahat ng mga taong gustong kumaibigan sa iyo, mabuti ang hangarin. Madalas pa sa minsan, lumalapit sila sa iyo dahil mayroon silang kailangan. At kung wala na, wala ka na ring halaga sa kanila." He gently brushed the place in my arm where he tightened his grip. Pansin ko ang bahagyang pamumula ng parteng iyon. I saw him bit his lip at the sight before shifting his gaze towards my eyes. Bigla akong kinabahan lalo na't nakita ko ang pagsusumamo rito. "Ayokong danasin mo iyon dahil alam ko kung gaano ka kabuti sa mga kaibigan mo. Ayokong ilagay ka sa pwestong kailangan mong isakripisyo ang isang bagay na mahalaga sa iyo para lang mapagbigyan sila." Umiling ako sa sinabi nito. "I know you only wanted to protect me, but Ren, I can handle the situation by myself. Alam ko kung anong dapat kong pahalagahan. Hindi ko ilalagay ang sarili ko sa alanganin para lang makuha ang loob nila. Hindi ko basta-basta isasakripisyo ang kung anumang pinapahalagahan ko para lang sa pagkakaibigan nila." For a moment, I saw pain ran across his green eyes. "E, ako? Mahalaga ba ako sa iyo?" I bit my lip as I slowly nodded my head. Sa halip na ginhawa, mas lalong gumuhit ang kalungkutan sa mga mata nito. "Kung ganoon, bakit mo ako ipinamigay sa kaibigan mo?" Dahan-dahang namilog ang mga mata ko nang makuha ang ibig nitong sabihin. "That's not true! Ren, numero mo lang ang ibinigay ko! Hindi ikaw! Hinding-hindi ko iyon magagawa! Magkakamatayan pero hinding-hindi kita ipamimigay!" I blurted out of panic. Nang makita ko ang gulat sa kanyang hitsura, tsaka ko lang binalikan ang ibig sabihin ng aking mga salita. Bigla akong tinubuan ng hiya. "Um... Ano... Ang ibig kong sabihin ay kahit anong mangyari, hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan natin. Hindi ko iyon ipamimigay," agap ko, halos hindi na siya matignan. I heard him laughed a little before I felt him gently pulled me towards his chest and encircled his arms around my waist. He smelled of mint and oranges. Iyong dating nararamdamang kaba kapag ginagawa niya ito noon ay wala na. Napalitan ito ng hindi inaasahang ginhawa. Slowly, I encircled my arms around him too. The warmth of his skin and the soft humming of his chest comforted my envious heart. Akala ko ay hindi ko na uli mararanasan ito. Akala ko talaga ay tuluyan na nga siyang napunta kay Melissa. Humigpit ang yakap ko nang maalala ang eksina nila kanina sa gate ng university. I stiffened a bit when I felt him placed a quick kiss on my forehead. Bahagya niya akong inilayo para magtama ang aming mga paningin. Namumula ang magkabila niyang pisngi at isang malamyos na ngiti ang kasalukuyang nakaguhit sa kanyang mapula ring labi. "Huwag mo na ulit akong ipamigay sa iba, ha?" Natawa siya nang sumimangot ako sa biro nito at muling binalot sa init ng kanyang yakap. Nanayo ang mga balahibo ko nang marahan nitong pinatakan ng halik ang gilid ng aking ulo, malapit sa talukap ng aking tainga. Para akong nakuryentehan sa parteng iyon at mabilis na kumalat sa buo kong sistema. "Dahil hinding-hindi rin kita ipamimigay," he lifted his head. His thumb gingerly caressed my cheek as his green eyes lingered on my lips for a moment before returning them to my gaping blue ones. Halos hindi ako makahinga sa paraan ng kanyang pagtitig, nanunuot hanggang sa aking kaluluwa, nang-aangkin at minamarkahang kanya. "Magkamatayan man."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD