KABANATA 7
"Arianne!"
Nanigas ang buo kong katawan nang bigla na lang akong niyakap ni Himura. Pansin ko agad ang pagtalim ng titig ng mga bago kong kaibigan sa ginawa nito.
"Yes, it's me," sabi ko pa bago humiwalay sa kanya.
Bakas ang tuwa sa mga mata nito habang pinapasadahan ng tingin ang aking mukha.
"You look... quite... different from the last time I saw you..."
"Yes, she does look fabulous now, don't you think?" Biglang singit ni Melissa sabay angkla ng kamay nito sa aking braso.
Hindi nakawala sa akin ang pagpisil nito. Nilingon ko siya at pansin ko agad ang nakataas nitong kilay at tila nagtatanong na titig.
"How about introducing us to Mr. SGO President here, Yana?" She suggestively asked.
"Ah, right. Himura-san, these are my friends: Melissa, Desiree, Cindy, Lauren..." Isa-isa kong pakilala sa kanila nang sumingit si Cleope sa aking harapan at agad naglahad ng kamay.
"Konnichiwa, I'm Cleope desu!" Bulalas pa nito.
Parang hihimatayin na ito nang tanggapin ni Himura ang kanyang kamay. Agad naman siyang tinulak ni Zoey.
"Watashi no namae wa Zoey Himura, I mean, Seno desu," anas nito na tila sinapian ni Maria Clara sa pagiging demure.
"Uh... It's nice to meet you all," bati naman ni Himura nang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha bago ako muling binalingan, "I'm really glad to know that you've managed to make some friends, Arianne. You've changed! Kamuntikan na kitang hindi makilala."
"But she looks better now, don't you think, Mr. President?" Sabi ni Desiree na tumabi sa akin.
Sandaling bumaling sa kanya si Himura.
"Hmm... she looks..." Muli niyang pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. I thought I saw his cheeks became tinted with a bit of red, "She looks more vibrant now, I guess," sabi pa nito nang ibalik sa aking mukha ang kanyang paningin, "When did you start attending classes? Hindi ko man lang nalaman..." His eyes found my ID and for a moment I saw a hint of comprehension in them regarding my new circumstance.
"Nitong pasukan lang," agap ko matapos hawiin ang ID at itago iyon sa aking palad.
Tumango naman ito at muling ngumiti.
"Magkakilala pala kayo ni Yana?" Biglang naitanong ni Desiree.
"A..." I tried to answer for him but he was quicker.
"Yes. We've known each other very well."
"Very well?" Pag-uulit ni Desiree na tingin ko ay sa akin nakadirekta.
"Um, it's because we sort of studied together two summers ago. You know I was home-schooled, right? And Himura was there as one of my tutors."
"Oh, like a study buddy?" Masiglang tanong ni Zoey.
"Hmm... parang ganoon nga," nilingon ako ni Himura at masuyong nginitian, "That was the best summer of my life."
Mahina man, hindi pa rin nakawala sa akin ang mga pagsinghap ng aking mga kasamahan. I bit the underside of my lip as I responded him with a small smile.
Magsasalita pa sana ito nang may biglang tumapik sa kanyang balikat. Isang babae ang tumambad sa kanyang tabi. She had a tall frame, a straight, black mane that reached her waist, and she was wearing our senior high's uniform.
"Mr. President, I'm sorry but we still have a meeting to attend so..." malumanay nitong sabi. When she glanced at me, I got a feeling that I've seen her before.
Sandaling bumaling si Himura sa akin. His eyes were telling me how much he wanted to stay. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
"It's unfortunate that I need to be somewhere else at the moment..." Tugon nito, "But I'm so glad to know that you're finally attending classes here. At least, ngayon, madalas na kitang makikita," dagdag pa nito.
Agad ko namang naramdaman ang mahinang pagpisil ni Melissa sa aking palad.
"Ganoon din ako. Masaya akong nagkita tayong muli, Himura," sabi ko habang sinusuklian din siya ng matamis na ngiti. Sandali kong sinilip ang tahimik lang nitong katabi.
I swear I've seen that face somewhere...
Nang mahuli nito ang aking pagtitig ay agad kong ibinalik kay Himura ang aking paningin.
"Well, we won't keep you much longer. Kailangan na rin kasi naming pumasok at malapit nang mag-bell," sabi ko pa rito habang kunwari ay tinitingnan ang aking relo.
Umangal naman sina Zoey sa aking minungkahi.
"Then, I guess I'll be seeing you around?" He asked, his eyes were hopeful.
"Of course!"
Ilang sandali pa siyang nanatili sa aking harapan, nakatitig lang sa aking mukha na tila sinisigurong ako nga talaga ang kanyang kausap. Ngumiti pa ito at bahagyang yumuko bago nagpatuloy na sa kanilang pupuntahan.
Kaagad naman akong pinaligiran ng mga kasama at pinaulanan ng mga katanungan. Tipid ang lahat ng mga sagot ko, maingat na hindi nila malaman ang tungkol sa koneksyon ng aking pamilya.
Walang alam ang mga taong hindi bahagi ng imperyo tungkol sa mga nangyayari sa loob nito. In their eyes, they only saw the children of the empire as the future movers of the world's economy; the future leaders of each of their clan's vast number of companies; the princes and princesses of the modern world.
They didn't know about the traditions, the real masters of each clan, and how the empire truly operates. And that must stay that way in order to protect the best interests of the empire or so what the elders had taught us.
"Hmm..."
"What is it, Des?" Tanong sa kanya ni Mel na napansin ang pananahimik ng kaibigan.
"I'm just curious," anito bago ako nilingon. I could feel her black orbs prodding at my blue ones, "First, Drake, the Emperor, knows you. He even lovingly calls you his 'kitten'."
I cringed at her remarks.
"And then, the Yazaki twins know you, too. I've known them all my life and as far as my memory goes, they don't befriend people so easily yet they're suddenly very fond of you."
Napakurap ako sa ibinahagi nito. The other girls nodded in agreement.
"Ikaw nga lang yata ang kinaibigan nila sa loob ng classroom natin," dagdag pa ni Cindy.
"And now..." Desiree paused as she shifter her head to one side, "The infamous SGO President knows you too. A study buddy, isn't it? Parang gusto ko yatang mainggit na may ganoon kayong koneksyon ng pamilya mo."
Napalunok ako sa kanyang pinahayag.
"Come to think of it, your last name, Moritake, isn't really known to the upper society. I've asked my parents but they both said they haven't heard that name before. And as everyone knows, our family has been transacting with the families inside the empire for quite a long time. So how come the children of the empire knows you?" Tanong ni Melissa.
The other girls weren't saying anything but their gazes were enough for me to know that they had the same question in their heads.
"Um..." I swallowed the invisible lump in my throat as I struggled to search for an answer.
Minsan pang lumapit si Desiree sa akin. Napaatras naman ako ng isang hakbang sa ginawa nito.
"Who are you really?" She asked in an almost chilling tone.
The other girls followed suit and closed me in. Muli pa akong napaatras habang palitang pinagmamasdan ang mga nagtatanong nilang hitsura.
"Ano kasi..." I was about to say when the bell for our first period rang.
Desiree took a step back as she quickly glanced at the already running students.
"Time na," sabi nito bago ako muling binalingan, "Let's go?" She asked, her sweet smile back on her lips again.
Tumango ako at nagpatianod nang hilahin ni Cindy papunta sa aming classroom. They were giggling and chatting like that question wasn't really important. But one look from the red-ribboned girl, I knew that wasn't going to be the last of it.
Nang natapos na ang huli naming subject sa araw na iyon, agad kong inayos ang mga kagamitan ko. Kinuha ko ang maliit na salaming bigay sa akin ni Mimi at tiningnan kung maayos pa ba ang mga kulay sa aking mukha. Nang makitang halos ubos na ang kulay pulang lipstick na inilagay ko sa aking mga labi, kinuha ko iyong stick at muli itong nilagyan. Inayos ko rin ang pagkakatali ng puti kong ribbon. Pagkatapos ay tumayo na ako at hinabol ang papalabas kong mga kaibigan.
"Aya-chan!"
Napalingon ako sa tumawag at nakita si Kou na nakataas ang isang kamay at may hawak na isang parisukat na bagay.
"This game just got out in the market. Kai and I will try this at home. Want to join us?" He asked, his twin brother standing right behind him.
"A..."
Nagsilingunan sina Desiree sa akin at kahit wala silang sinasabi, kita ko ang disgusto nito sa nangyayari.
"M-may gagawin pa kasi ako, Yazaki-san," I replied and his expectant expression fell right after, "Um... Maybe next time?"
"Yana, are you coming?" Tawag ni Desiree na nasa kabilang bahagi na ng pintuan.
"You don't need them, Aya-chan," I heard Kou say.
Umiling ako.
"Sorry..." Huling sabi sa magkapatid nang hindi sila tinitingnan bago hinabol ang mga kasama.
Nang makalabas na kami sa aming building, agad akong nilapitan ni Melissa. Inangkla nito ang kanyang kamay sa aking braso at hinilig ang ulo sa aking balikat. Her smile was unusually wide this time.
"Yana..." Sabi pa nito sa isang malamyos na boses, "Hindi ba kayo magkikita ni Ren ngayon?"
Ren? Since when did she start referring him that way? Hindi ba't De Jesus ang tawag niya rito? I shoved that icy feeling I felt in my gut as I voiced my reply.
"I'm not sure. Hindi naman kami palaging nagkikita."
"Eeee... Baka naman makita natin siya ngayon... Ipakilala mo naman ako..."
I was getting a heavy feeling in my chest as I saw her hopeful stares. Again, I shoved that nasty feeling aside.
Kaibigan ko siya. Kaibigan ko rin si Ren. Ano namang masama kung ipakilala ko sila sa isa't isa, hindi ba?
"A... S-sure... Kung makita natin siya—" Sabi ko nang bigla na lang itong tumili at sabay turo sa aming harapan.
"OMG! Siya iyon, 'di ba?"
Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy nito at nakita ang haring kausap ang ilang mga taong ngayon ko pa lang nakita. Basing from their wristwatches and jewelries, they belong to the upper class of society. But they were talking and laughing with him with no discrimination. Somehow, I envied him. Despite the difference in social status, he could still fit right in.
I saw him fist bumped some of the guys before shifting his bag on one shoulder. Ganoon na lang ang gulat ko nang sa paglingon niya ay agad na nagtama ang aming mga paningin. Saglit siyang natigilan at napatitig sa aking mukha habang ako naman ay inaalala kung maayos pa ba talaga ang mga kulay nito.
Halos mailuwa ko na ang puso ko nang humakbang ito papunta sa aming kinatatayuan. Nangingisay naman sa kilig ang aking mga katabi.
Chill, Ayana, si Ren lang iyan. And besides, Himura said you look vibrant so that must be true. I reassured myself as I wiped my already sweating hands with the hem of my shortened skirt.
He stopped a few steps in front of us as he examined my new look. Hindi nakawala sa akin ang pag-igting ng panga nito nang may biglang dumaan at sumipol sa tabi namin. Sinundan niya iyon ng tingin. Nang ibalik nito ang paningin sa akin, mas dumilim ang mga berde nitong mata. They're screaming bloody murder.
"Hi, Ren!" Sabi ng aking katabi sa isang malambing na tono.
Sandali lang siyang tiningnan ng hari at tila walang pakialam na ibinalik sa akin ang kanyang paningin.
"Pauwi na ako. Sasabay ka ba?" Matigas na tanong nito, his still darkened eyes were hard on me.
Isang pisil galing sa aking katabi at alam ko na ang gusto nitong mangyari.
"Um, Ren, mga kaibigan ko nga pala," sabi ko at mabilis na nagsipaglapitan ang mga ito sa amin, "Si Desiree, Cindy, Lauren, Cleope, Zoey at..." I paused as Melissa offered her hand to him like a Disney princess.
"I'm Melissa Sy, a second year Middle School student. It's nice to meet you," anito sa isang malamyos na boses.
Tiningnan pa ni Ren ang nilahad nitong kamay bago tinanggap at kinamayan. I clenched my hand when I heard Melissa moaned at their contact. But when I saw Ren's confused expression, the bitter feeling in my gut dissipated and was replaced with embarrassment.
"Pwede ba kitang makausap?" He asked in a small voice.
Mabilis akong tumango. Pero bago ako tuluyang pinakawalan ni Melissa, lumapit ito sa akin at bumulong.
"Sabihin mong hindi ka makakasabay sa kanya ngayon, okay?"
I inwardly cringed at her instruction but nodded anyway. Lumapit ako kay Ren at alam ko na agad ang sasabihin nito.
"Mga kaibigan mo?" Pabulong nitong tanong habang panaka-nakang minamata ang pwesto nila.
Kasalukuyan itong nagtitilihan habang nakamasid sa amin.
"Hindi ba't sila iyong nanakit sa iyo noong nakaraang buwan?"
"Tapos na iyon, Ren. Kinalimutan ko na nga. At saka, humingi na rin sila ng tawad para roon," agap ko.
Mataman niya akong tinitigan habang nakapamulsa, tila sinusukat kung gaano katotoo ang aking mga salita. Ilang saglit pa ay nagbuntong na ito ng hininga.
"Kung iyan ang tingin mo... Sige," anito at may kung anong tinik ang natanggal sa aking dibdib at nakahinga ako nang maluwag, "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya uli habang tinitingnan iyong mga kaibigan kong hindi magkamayaw sa kilig.
Sasagot na sana ako nang naramdaman ang muling pagtabi ng mga ito sa akin.
"Tapos na ba kayong mag-usap? Kailangan pa kasi nating habulin iyong isang cake shop na kinuwento ni Lauren kanina," malumanay at puno ng lambing na pahayag ni Melissa. Kunwari ay may takas itong buhok na inaayos sa likod ng kanyang tainga habang patagilid na sinisilip ang hari.
Muling umigting ang panga ni Ren sa narinig at saka nagtaas ng kilay, hinihintay pa rin ang aking sagot.
"Um, hindi na muna ako sasabay ngayon, Ren," anas ko pero may kung anong nanlumo sa loob ko nang sabihin iyon.
Muli niyang tiningnan ang aking mga kasama.
"Sige, mauuna na ako. Pero magtetext ka agad sa akin pagkauwi mo, maliwanag?" Utos nito.
Tumango ako rito. Isang pisil galing kay Melissa at alam kong may gusto na naman itong malaman pagkaalis ng tila nagsusungit na hari.
Muli pang pinasadahan ni Ren ng tingin ang aking mga bagong kaibigan. Saglit niyang inayos ang strap ng kanyang bag bago ako binalingan.
"Alis na ako," sabi lang nito bago tumalikod at umalis.
May kung anong nahulog sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang papalayo nitong bulto.
Wala man lang siyang nabanggit tungkol sa bago kong hitsura. Pangit kaya? Hindi niya nagustuhan? I bit my lip at my bitter thoughts.
Bigla akong kinabig ni Melissa at naglulumpasay sa saya.
"I can't believe we held hands!" Tumili pa ito at ilang beses akong kinuyog. Sumabay pa ang iba sa kilig nito.
Kumakain na kami ng cakes, hindi pa rin tapos si Melissa sa pagpapahayag niya ng tuwa sa nangyari.
"You have his number, Yana? Bakit hindi mo sinabi agad?" Tila nanlulumong tanong nito.
"Oo nga! You could have told Mel, you know," sabi pa ni Desiree na kakalapag lang ng pinag-inumang tasa ng tsaa.
"Um... Wala naman kasing nakapagtanong. Pero hindi ko rin alam kung papayag ba si..."
"Bakit hindi? Magkaibigan naman tayo, 'di ba? And friends support one another!" Bulalas ni Melissa.
"Ano..."
"Unless, you don't think Melissa deserves your friend?" Matalinghagang tanong ni Desiree, nakataas ang isang kilay.
"O baka, gusto mo rin siya?"
Awtomatikong sumimangot si Melissa sa tanong ni Cindy.
"Is it true? Gusto mo rin si Ren?" Pagalit na tanong nito.
"U-um..." Hindi ako makasagot.
"Hindi mo siya pwedeng magustuhan kasi nauna akong nagkagusto sa kanya! That's one of the golden rules of friendship! Walang sulutan! Now, I'm asking you again, do you like him?"
Parang may bumundol sa dibdib ko nang marinig ang kanyang mga salita.
I can't like Ren because she likes him first? But I... Hindi ko matapos ang iniisip. Wala akong karapatan kay Ren dahil magkaibigan lang kami.
Mabilis akong umiling habang pilit na inaalis sa sistema ang marahas na pag-alma ng aking puso.
"That's great!" Masayang tugon nito, "So, can you give me his number? Please?" She even batted her eyelashes as she was saying this.
Huwag mong ipamimigay sa iba... Ren's words echoed in my head. Mariin akong pumikit bago nagbuntong ng hininga.
I'm sorry, Ren... I thought as I handed her my cellphone.
Kinabukasan, kinulayan ko pa rin ang aking mukha. I played with the colors and ended up with a gold finish. The students were curiously eyeing me but I didn't mind them as I enjoyed being in my friends' company.
We were laughing so much on our way home when Ren showed up in front of us. Melissa grunted her excitement upon seeing him. But seeing his dark expression frightened me.
"Uuwi ka na?" He asked in a clipped tone, not even addressing the girls with me.
"A..." Tumingin muna ako kay Melissa at nang nakita ang madilim nitong ekspresyon, umiling kaagad ako, "Um... May pupuntahan pa kasi kami kaya..."
"A, Ren, hindi mo ba natanggap iyong text ko kagabi?" Biglang singit ni Melissa.
Lalong nagdilim ang mukha ng haring hindi man lang nilingon ang aking kaibigan.
He's mad at me. I bit my lip as I tried to avoid his stare.
"Sige, mauuna na ako," sabi lang nito at agad ding umalis.
May sinabi pa si Melissa sa amin na hindi ko masyadong naintindihan. Marahil nagrereklamo sa malamig na trato ng hari sa kanya. Nakatuon lang ang aking atensiyon sa papaalis na bulto nito, kinakabahan sa magiging kaparusahan nito sa aking nagawa.
I've broken his trust again.