Kabanata 6

2777 Words
KABANATA 6 I've been looking at these two sets of colourful palette like I've never understood how colors worked before. One palette had different shades of neutral colors: from the darkest black to the lightest flesh. The other one had variety of shades: from purple to lime. Muli kong pinagmasdan ang mukha ko sa salamin. Do I blend them the way I blend my paints on a canvass? Pinili ko iyong kulay kahel at ipinahid muna sa likod ng aking palad. Kumuha rin ako ng konting purple at inihalo sa nauna. Gumuhit ang isang lutong kahel dito. I tried picking the blended powder with my brush but it only scattered the color on my skin. I sighed when I realized that it wasn't quite working out for me. Hindi ko rin alam kung saang parte ng mukha koi yon ilalagay. Muli kong pinagmasdan ang sarili sa salamin at muntik ng mapatalon nang makita ang nakahalukipkip na bulto ni Mimi rito. "What are you trying to do?" "Uh, nothing." Mabilis kong sinarado iyong dalawang palette at agad na ibinalik sa kanilang lalagyan bago siya hinarap. Nakatulis ang nguso nito habang tinitingnan iyong isang kamay ko. Nang sundan ko iyon ng tingin, namilog ang mga mata ko nang nakita iyong magkahalong kulay kahel at lilang nakaguhit dito. Madali ko iyong pinunasan gamit ang hinlalaki ng isa ko pang kamay. "This was... um... I was trying to blend some colors for my... um... new painting project... That's right. A new painting..." Nagtaas siya ng isang kilay habang nakatingin sa akin, tila nagpipigil na matawa. "Hmm... And your face shall be your canvass, I presume? You know you're using my makeup palette, right? They're very different from the usual oil paintings that you use." Ilang sandali pa akong nakipagtitigan bago nagpakawala ng malalim na hininga. "I'm sorry. I was trying to understand how makeup works. Hindi ko kasi masabayan iyong mga kaklase kong babae. All they ever talk about were makeup, fashion and..." May pag-aalangan akong tumingin sa kanya, "...boys." Natawa ito sa aking sinabi. Lalo pa akong nakaramdam ng hiya. Aalis na lang sana ako nang hawakan nito ang aking braso at muling pinaupo. Pinaharap niya ako sa salamin matapos kunin iyong mga itinago kong palette. "Hmm... I don't know about oil painting but this color palette here are for your eyes." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "You put these inside your eyes?" Muli itong natawa at marahang umiling. Gamit ang kanyang hintuturo, itinuro niya ang parte ng aking mukha kung saan ko iyon ilalagay. "Here," she said, "You put the colors in this part to create shades for your eyes." Tumango ako sa nalaman. May kinuha pa ito mula sa kanyang lalagyan at inilapag sa aking harapan. "This one is what they called foundation. Before anything else, you should apply this first on your face. This shall be your base, evening out the color of your skin, from your forehead to your cheeks, and down to your collarbones. Once you're done, you'll have a nice, empty canvass." I tried to picture out her instructions. Somehow, the imagery I had in mind turned out weird. Nagsimula ng sumakit iyong ulo ko ng prinisenta pa nito iyong iba pa niyang kagamitan. There was this thing for contouring. There was also for the eyelashes and the eyebrows. Then there was also for highlights. "And finally, this..." Sabi nito matapos kunin iyong isang kahon niyang may lamang pahabang mga bagay, "This is my lipstick collection. I have every possible shades of red." Kumuha ako ng isa at tiningnan ang kulay malakandilang hugis nito. This one had a dark shade. "Pero dahil natural na mapula na ang mga labi mo, I think a lighter shade or just a lip balm would fit you," utas nito bago may kinuhang isa pang stick na walang kulay at inilahad sa akin. "Nakakatulong iyan para hindi maging dry iyong lips mo," nakangiti nitong tugon matapos ko iyong tanggapin, "Sige, subukan mong ilagay..." She urged. Tiningnan ko ang kanyang nakangiting repleksiyon sa salamin, sinisigurong hindi siya nagbibiro sa gusting ipagawa. Dahan-dahan ko iyong binuksan at bahagyang inilapit para makita ng malapitan. When I did, I caught some whiff of its sweet fragrance. It smells like candy! "Lagyan mo muna iyong sa ilalim. One gentle swipe..." Mimi instructed and I followed. Namilog ang mga mata ko nang malasahan ang tamis nito. It tastes like candy, too! Natawa si Mimi sa aking naging reaksyon. "Then dab your lower lip with your upper lip to spread the balm," sabi nito. Tumango ako at sinubukan ang inutos. "Mimi, kanina pa kita—What the heck is going on here?!" Halos tumilapon sa kamay ko ang hawak na lip balm sa biglaang pagsigaw ni Gene. Nanlalaki ang mga mata nitong napatingin sa mga nagkalat na makeup sa aking harapan bago inilipat sa aking mukha. Ilang sandali pa ay namutla ito bago hinarap ang asawa. "Mimi, ang bata pa ni Aya para sa mga ganyan!" Sumimangot ako sa huli nitong sinabi. Muli pang natawa si Mimi bago niyakap ang asawa. "Ganyan talaga, Gene. Normal lang sa mga babae ang gustong matuto kung papaano magpaganda. Nagdadalaga na kasi ang anak natin." I felt my cheeks burn at Mimi's remarks. Nagdadalaga. "H-h-h-ha?! No! Aya is still my baby! She's still a baby, Mi!" I facepalmed myself in my head at Gene's reaction. They're making this a big deal when it shouldn't be. Gusto ko lang namang maintindihan iyong mga bagay na pinag-uusapan ng mga babae kong kaklase para sana mas masabayan ko sila. It's been a month since I started going to school, but until now I have zero girl friends. For the nth time, I sighed as I slumped my cheek on top of my desk. "Pang ilang buntong mo na iyan, a? May problema ba, Aya-chan?" Nang aking sinilip ang nagsalita, nakita ko ang nakangising bulto ni Kou, katabi nito ang kanyang kapatid na nasa cellphone ang atensiyon. Umayos ako ng pag-upo at muling pinagmasdan ang mga nag-uusap kong mga kaklaseng babae na tila tuwang-tuwa sa mga pinag-uusapan. "Hmm... malungkot ka ba kasi wala kang kaibigang babae?" Kunot-noo kong binalingan ang isang kambal. Nakangisi pa rin ito habang nakataas ang isang kilay. "Come on, Aya-chan. There's no need to be sad. You know you don't need to befriend them. You already have us! And besides, they won't be useful to you in the future anyway," matalinghaga nitong tugon. Lalo pang lumalim ang kunot ng noo ko sa sinabi nito. "Anong ibig mong—" "Kou..." Agap ng kanyang kapatid bago ito nilapitan at binulungan. Umiling si Kou matapos iyon at walang pasabing bumalik sa kanyang upuan. Saglit akong tinignan ni Kai bago bahagyang yumuko at pagkatapos ay sinundan ang kapatid. I was taking my lunch at a nearby garden, thinking about what the Yazaki twin had said when I noticed these six girls standing in front of me. "Hi, Yana! Can we join you?" Ilang beses pa akong kumurap para masigurong hindi nga ako namamalikmata bago ako dahan-dahang tumango. Nagsitinginan pa ang mga ito sa isa't isa bago ngumiti at nag-uunahang umupo sa mga bakanteng espasyo. "Una sa lahat, humihingi kami ng despensa sa inasta namin dati sa iyo. Lalo na iyong nasaktan ka namin. That was really mean of us..." Desiree said and the others nodded in agreement, "Sana mapatawad mo kami." Hope swelled inside my heart as I gazed at their apologetic faces. "Uh, that... Don't worry. I've already forgotten about it," nakangiti kong tugon. Agad naman silang nagsingitian sa aking isinagot at pagkatapos ay isa-isang nagpakilala sa akin. They were asking a lot of things about myself, like where I came from or how I came to Cebu or how it was like living in the US. And then they were asking what brands of fashion and makeup I wear. Tinanong din nila kung anong sabon ang ginagamit ko panligo. "Safeguard." They all laughed at my reply. "Seryoso ka?" Melissa asked as she grabbed my arm and gently brushed my skin, "How come your skin's still so soft? Ano bang lotion ang gamit mo?" "Uh... I don't use one..." Nahihiya kong tugon. The other girls started giggling at my answer. "You should try using La Prairie. It's nice," suggested Cleope. "I'm using BABOR. It's super good! You should try it!" Sabi naman ni Cindy. Tumatango lang ako sa mga mungkahi nila kahit wala akong naintindihan. Bigla namang suminghap si Zoey habang tinuturo ang aking mga kuko. "You've cut them too short!" Bulalas pa nito. "Oo nga," sang-ayon naman ni Lauren. Hinawakan iyon ni Melissa at siya naman ang napasinghap. "Bakit ganito? Ang daming kalyo ng kamay mo," anas nito bago itinihaya ang mga palad ko. Isa-isa naman itong dinama ng kanyang mga kaibigan at agad na sumang-ayon. They've been telling me how to take care of the hands so they remain supple and soft; that I should not cut my nails too short so they would look pleasant and more lady-like. But I practice kendou every morning... I said to myself when I noticed someone observing us from afar. He was wearing a dark hoodie and glasses. When I blinked, he was gone. I tried looking for that person when I caught the words that Desiree had said. "Dapat lagi kang naglalagay ng hand cream para laging malambot ang mga kamay mo. Paano na lang kayo magho-holding hands ng boyfriend mo nito?" "H-Ha? Anong b-boyfriend?" "Boyfriend! Nobyo? Kasintahan? Lover? Ring a bell?" Utas nito. "A... wala akong b-boyfriend," mahinang sagot ko, tuluyan ng nawala sa isipan iyong lalaking nakamasid. Tumaas ang isang kilay ni Desiree sa isinagot ko. "Totoo? Pero bakit parang palagi kayong magkasama noong taga-Engineering? Mel, ano nga uli iyong pangalan noon?" "Si Ren?" "De Jesus?" Halos magkasabay naming sagot ni Melissa. She looked at me and for a moment I thought I saw hostility in her eyes. "So you call him Ren? Oh, how intimate!" Patili pa nitong sabi at sumang-ayon naman iyong iba. "Nakita ko na siya dati. Grabe, totoo iyong mga balitang ang gwapu-gwapo niya! The way they describe him in the news didn't give justice to when you see him in person!" "His eyes! My gosh! Para kang hihigupin!" "Even his bod screams divine!" "And have you seen his tat? A black dragon mapped on his entire back! Now that's freaking awesome!" Parang nagkabuhol-buhol ang dila ko at hindi ako makapagsalita habang pinapakinggan ang bawat puri nila kay Ren. "Pero sabi nila mayroon siyang hinihintay tuwing hapon at pinapaangkas sa kanyang motor para ihatid pauwi. A tall middle school student with rose-blond hair, blue eyes and a doll face," biglang pahayag ni Melissa. My heart thumped so hard inside its cage with her words that it hurt. I didn't know that people were actually watching and talking about us. Her friends were maliciously grinning as they leaned towards me, cornering me on my seat. "W-what?" I finally asked, not looking at any of them. "Ikaw iyon, hindi ba?" Desiree asked. "Um..." I wanted to say no but then I would be lying. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Kaagad silang nagsitilihan sa aking reaksyon. "I knew it!" Cindy exclaimed. "So, tell us... How intimate are you with one another?" Tanong ni Desiree habang nanunuya ang mga kilay. "W-what do you mean by intimate?" "Intimate... you know..." Napatingin ito sa kanyang mga kaibigan na tila nagpapatulong sa mga ito. "Like has he held your hand?" Nakangising tanong ni Cindy. "Yeah, that! Has he?" Lalo pa silang nagsilapitan para marinig ang aking isasagot. "Um..." Agad akong napaisip at naalala iyong paghawak niya sa kamay ko habang inaakyat namin iyong burol sa Mt. Manunggal. Marahan akong tumango at muli silang nagsipagtilihan. "Has he locked you in his arms?" Malambing na tanong ni Zoey habang inaakap ang sarili para ipakita ang kanyang punto. Parang sinilaban ang mukha ko nang maalala iyong maraming pagkakataong nayakap niya ako. Dahan-dahan akong tumango at para silang hindi magkandamayaw sa katitili. "So have you kissed already?" Kinikilig pang tanong ni Lauren. "H-ha?" Ramdam ko ang pag-init ng aking mga tainga sa kanyang tanong. Bigla ko na lang naalala iyong gabing natagpuan ko siyang natutulog sa aking tabi. "You know, on the lips? Tongue to tongue?" Ilang tili pa ang kanilang pinakawalan. Bigla akong pinanlamigan sa kanilang ibig sabihin. Tongue to tongue?! That's disgusting! Marahas akong umiling. "Ha? Seryoso? Hindi pa?" The girls grunted their disappointment. "Pero bakit hindi? Sa yummy noon, how could you resist not kissing him? If he was my boyfriend, hindi aabot ng isang oras, mamaga ang mga labi noon dahil sa aking mga halik," sabi pa ni Desiree. Namilog ang mga mata ko sa kanyang ipinahiwatig. "Ano... Hindi ko naman boyfriend si Ren. Magkaibigan lang kami," agap ko, halos ibulong ko na lang iyong huli habang pilit na isinasantabi iyong naramdamang punyal sa aking dibdib. "Weh? Hindi nga? Nagholding hands na kayo at nagyakapan tapos magkaibigan lang?" Argumento ni Cleope. "Baka na friend-zoned si Yana natin?" Anas naman ni Cindy at agad akong dinaluhan ng iba. "Okay lang iyan, Yana, nandito lang kami para sa iyo," sabi ni Lauren. "Marami pa namang mga lalaki riyan," dagdag pa ni Zoey. Aalma na sana ako at sasabihing hindi naman ako naghahanap ng magiging boyfriend nang maunahan ako ni Melissa. "Pero seryoso, hindi talaga kayo?" Umiling ako bilang kasagutan. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mukha nito. "Yes!" Bulalas nito. Ramdam ko ang unti-unting pagdiin ng nakatarak na punyal sa aking dibdib habang pinagmamasdan siyang kino-congratulate ng kanyang mga kaibigan. Lumapit si Desiree sa akin at hinawakan ang aking kamay. "You see, Mel has a big crush on that Engineering freshman. When we learned that you two were together, she decided to leave it at that and just move on. So now that you confirmed that you weren't really together..." "I still have a chance!" Tili ni Melissa bago yumakap sa akin, "Thank you so much, Yana! You are such a good friend!" Good friend... Somehow those words hurt me more than the cuts she's given me before. Nilunok ko ang namumuong bara sa aking lalamunan at pinilit ang sariling ngumiti. The next morning, I painted my face with vibrant colors, wore my skirt shorter and tied my hair in a pigtail with white ribbon. Nagsilingunan ang mga estudyante nang pumasok ako sa gate ng paaralan. Inayos ko pa dalang branded na shoulder bag bago nagpatuloy sa paglalakad, ignoring the cat calls I was getting from the boys. "Good morning, Girls!" I greeted my newly acquired friends. They waved and smiled at me. "Morning, Yana!" They greeted. "You look fantastic today!" Desiree said and I've never felt more proud. I woke up earlier than usual just so I could put colors on my face. Pinag-aralan ko kung papaano gamitin iyong mga makeup ni Mimi at sinunod nang mabuti iyong mga instructions na nakalap ko sa internet. Finally, I'm one of them! Cindy ran to me and grabbed me by my arm, "Ohh... you're just in time! The officers are here! Hurry!" "What officers?" I queried. "The Student Government Officers! They're here!" SGO? She means the student officers coming from the different grade levels who are governing the entire university? "Oh, aren't they lovely?" Anas ni Lauren. "I call dibs on Mr. President!" Utas ni Zoey habang nakataas ang kanyang kamay. "Hey, I called dibs on him first!" Alma naman ni Cleope. "What?! I was first, you know! I was crushing on him since elementary!" "I was crushing on him since kindergarten!" "I was crushing on him since I was a toddler!" "Will you two shut up? They're already here!" Saway ni Desiree na agad namang umayos. Sumunod naman ako sa kanila at tumabi kay Melissa. Inayos ko pa iyong takas na buhok ko at inilagay sa likod ng aking tainga. Bahaghang nahulog iyong strap ng bag ko kaya inayos ko rin iyon. "Hi, Mr. President? Would like to have some tea with me sometime?" "I can make some good tea at our tea house. Would you like to try some?" Narinig kong magkakasunod na tugon nina Cleope at Zoey. Sigurado akong nasa harapan na namin iyong mga officers kaya umayos na uli ako sa pagkakatayo. "Arianne?" Ganoon na lang ang gulat ko nang mamukhaan ang lalaking pinaliligiran ng dalawa kong kaibigan. Saglit niyang tinignan ang kabuuan ng aking mukha bago inilibot sa aking buong tindig. "It's Arianne, right?" Pag-uulit nito habang may pag-aalinlangan sa kanyang mga titig, tila hindi makapaniwala sa nakikita. Mariin kong ipinikit ang mga mata at humugot nang malalim na hininga bago siya hinarap. I smiled at my old library buddy. "Ohisashiburi, Himura-san."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD