KABANATA 5
Kaagad kaming umalis pagkaangkas ko rito. I thought he would bring me to the old factory where the Dragons were so I was a little sad when he parked his motorcycle in front of the car shop instead.
Bumaba ako at luminga sa aming paligid habang tinatanggal ang suot na helmet. Nagbabakasakaling nandoon sina Jepoy pero muling nabigo nang hindi sila matagpuan.
"Dito ka lang muna. May kukunin lang ako sa loob," sabi nito nang maisabit ang kanyang helmet sa isang hawakan ng motorsiklo, "Huwag kang aalis. Baka pagbalik ko, wala ka na naman, lagot ka talaga sa akin," babala nitong may tinatagong ngisi sa labi.
I sighed.
"Oo na. Dito lang ako."
"Good," sabi lang nito na ngayon ay ngiting-ngiti.
Ginulo-gulo pa nito ang aking buhok at asar ko naman iyong pinaalis. Tawang-tawa naman siyang tumakbo papunta sa loob ng talyer. Umupo ako sa may gutter ng daan at nilapag ang hawak na helmet sa tabi habang pinapanood siyang masiglang kausap ang kanyang mga katrabaho.
Minsan hindi ko malaman kung ano talaga ang tingin sa akin ng lalaking iyon: kung kapatid ba o alagang aso. I couldn't help blushing when I remembered how his lips felt against my skin. They were so soft... Was that one of the reasons why girls were crazy over him? My chest painfully constricted when thoughts of him kissing those girls in his room crept in my head.
"O, sino naman ang kaaway mo at nakasimangot ka riyan?"
I blinked a couple of times when I heard his voice and saw him already bending over to take a seat beside me. Nilapag nito sa harap ang bitbit na lalagyan bago binuksan. Tumambad sa akin ang mga kagamitan ng first aid.
"Hindi na kailangan, Ren. Konting galos lang naman ito. Kayang-kaya kong gamutin pag-uwi ko mamaya," agap ko.
Tinitigan niya lang ako nang nakataas ang isang kilay habang kumukurot nang konting bulak bago pinatakan ng alkohol. Aatras pa sana ako nang makitang lalapatan na nito ang galos sa aking pisngi ngunit napatigil din nang maramdaman ang marahang paghawak ng isa niya pang kamay sa panga ko.
Halos hindi na ako huminga nang nakita kong inilapit pa nito ang kanyang mukha para mas makita ang aking mga galos. Kita ko ang panandaliang pagtingin nito sa aking mga mata bago ibinaling sa mga kalmot. Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang kanyang mga labing ilang pulgada na lamang ang layo sa akin. Wala sa sarili akong napalunok habang pinapanood kung papaano nito basain ang pang-ibabang labi at hayaang nakaawang. Unang dampi ng bulak sa aking balat, ramdam ko agad ang hapdi. Bahagya akong napaatras dahil dito.
"Huwag kang malikot," saway nito bago muling pinatakan ng bulak ang ilan ko pang galos, "Bakit kasi umaakyat pa ng puno hindi naman unggoy?" Dinig kong bulong nito sa sarili.
"I just wanted to take a little nap," pagdadahilan ko na agad pinagsisihan dahil muli na naman nitong binalingan ang aking mga mata. Nag-iwas naman ako ng tingin.
"Kung gusto mong magpahinga, pumunta ka sa library. Doon ako naka-assign kapag break time ko. Pwede ka roon," sabi nito bago binalikan ang pagdadampi ng bulak sa aking mga galos.
Oh, so he's a Library Assistant when he's not in class... Lihim akong napangiti sa nalaman.
"Kinukulit ka pa rin ba ng mga kaklase mong lalaki?"
"Ha?"
"May lumalapit pa rin ba sa iyo kahit sa loob ng classroom niyo?"
"A, oo, mayroon. Minsan nakikihingi ng papel. Minsan nanghihiram ng extra pencil o eraser o kaya naman ay sharpener. Minsan naman..." Nagulat ako nang bigla na lang itong nagmura.
"Naniwala kang walang mga ganoon iyong mga iyon?! Mayayaman ang nag-aaral sa paaralang iyon, Aya, baka nakakalimutan mo. Imposibleng wala silang papel o lapis o kung ano pa. Nagpapapansin lang ang mga iyon at ikaw naman ay pumapansin din."
"Ano naman ngayon kung pansinin ko sila? Mga kaklase ko rin naman sila. Kailangan kong pakisamahan lalo na't bago pa lang ako sa paaralang iyon."
Ilang sandali itong natahimik at nakipagtitigan sa akin.
"Kailangan ba talagang makipagkaibigan ka sa mga kaklase mong lalaki? Bakit hindi na lang iyong mga babae ang kaibiganin mo?"
I sighed at his question.
"I tried but I don't quite understand their topics. Parang mas madali pa yatang pag-usapan iyong iba't ibang techniques ng MMA kaysa iba't ibang uri ng make-up at brands."
Muli pa akong bumuntong ng hininga. Isali mo pa ang usapan nila tungkol sa mga kilalang lalaki sa buong campus.
Sumunod naman ito sa pagbuntong ng hininga. Muli siyang humilig para malapatan ng alkohol ang aking mga sugat.
"Huwag kang mag-alala. May makikilala ka ring mga babaeng makakasundo mo," sabi nito habang pinagpatuloy ang paggagamot.
Muling napadako sa kanyang mga labi ang aking paningin. Nang makitang nakatanaw na pala siya sa aking mga mata at matantong nahuli nito ang aking pagtingin, bumulusok ang matinding kaba sa aking dibdib. Gusto kong umatras sa hiya pero agad ding napako sa aking kinauupuan nang makita ang pagsulyap nito sa aking mga labi. I saw his adam's apple moved up and down before returning his gaze on my blue ones.
Para akong sisilaban sa mga titig na pinapataw nito ngayon sa akin. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero pinapako nito ang aking katawan sa kanyang kinalalagyan. Muli nitong pinasadahan ng tingin ang aking labi. His breath against my skin was harsh and hot, it made the hairs on my nape stand on their ends.
I felt the tips of his fingers at the corner of my mouth and I nearly convulsed at the contact. Mabuti at napigilan ko pa ang sarili. Pati ang sarili kong hininga ay nagiging mababaw na at mabibilis.
Is he... Is he going to kiss me? The anticipation was too much, it's killing me.
"N-n-nasaan na pala sina Jepoy?" I managed to ask.
Bahagya siyang nagulat sa aking tanong bago nakasimangot akong tiningnan sa mata.
"Nasa mga bahay nila? Nasa dalampasigan? Ewan ko. Paano ko naman malalaman kung nasaan sila ngayon gayong kagagaling ko lang sa paaralan?" Anas nito. His green eyes were reflecting some irritation.
Ngumuso ako sa sagot nito.
"Mangungumusta lang naman..." I said under my breath.
Sandali niya pa akong tinitigan bago humugot ng hininga.
"May pasok sila sa gabi kaya baka naghahanda na ang mga iyon ngayon," sabi nito bago bahagyang lumayo para simulang bigyan ng pangunang lunas ang isa kong braso.
Magkahalong lungkot at ginhawa ang naramdaman ko habang pinagmamasdan ang seryoso nitong mukha habang ginagawa iyon. My heartbeat raced as I recalled how intensely he was staring at my lips like he wanted to devour them. Is it even legal to feel this way? Nakakatakot na nakakasabik...
Literal na napatalon ang puso ko nang bigla na lang itong nag-angat ng tingin at nagtama ang aming mga mata. Sa hiya, binawi ko ang aking braso at agad na tumayo.
"Kailangan ko na palang umuwi kasi may mga assignments pa akong kailangang sagutin," agap ko.
Tumayo na rin ito at saka pinagpagan ang kanyang maong. Noon ko lang napansin hindi ito katulad ng mga nakasanayan kong makitang suot nito. This pair of jeans wasn't tattered like his usual pair.
"Tara, ihahatid na kita."
"Ano..." Ayaw ko na muna sanang magpahatid lalo na't hindi pa rin kumakalma ang naghuhurumentado kong puso.
"Hmm?" Lumingon ito sa aking gawi habang sinusuot ang kanyang helmet, nakataas ang isang kilay at tila naghahamon ang mga titig, iyong klase na hindi mo pwedeng hindian.
Umiling na lamang ako at saka pinulot itinabing helmet.
Kinabukasan, nanibago ako nang walang mga lalaking sumalubong sa akin sa may gate. Wala ring mga kaklaseng nakaabang sa labas ng silid. Pagkapasok ko ay naroon silang lahat sa loob at panay ang iwas ng tingin.
What's going on here?
"Ohayou, Aya-chan!"
Napalingon ako sa tumawag at agad na nakita ang isa sa mga kambal na kumakaway sa akin. Iyong isa naman ay nasa likod lang at tila may tinitipa sa kanyang cellphone.
"Ohayou gozaimasu, Yazaki-san," bati ko rin sa mga ito.
"Yazaki-san is too formal! Just call me Kou and him, Kai," turo pa nito sa kanyang kakambal na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa telepono.
Tumango na lamang ako sa kanyang mungkahi.
"Ano sa..." Tila may sasabihin pa ito nang pumasok ang aming unang guro.
"Good morning, Class! Get your book and open it to page..."
"We'll talk later," sabi noong Kou bago nagmamadaling tinungo ang upuan at agad na hinanap ang kanyang aklat.
Ano naman kaya ang sasabihin noon?
Wala sa sarili akong napatingin sa iba ko pang kaklase at agad silang nagsipag-iwasan ng tingin.
Strange...
I just came from the faculty room to deliver the forms our class filled out to our teacher when I noticed Desiree's group hanging out by the stairs. Nag-angat sila ng tingin at agad na ngumisi nang makita ako. Lalagpasan ko na lang sana sila nang sinadya akong banggain ni Melissa.
"Opps, sorry, I didn't see you there," usal nito bago maarteng suminghap, "Oh, right! Because you're nothing in the first place!"
Kaagad namang nagsitawanan ang kanyang mga kasamahan. Itinaas nito ang isang kamay at nagsitigil din ang mga ito. Lumapit siya sa akin at tamad na pinasadahan ng haplos ang isa sa mga inilagay ni Mimi na bandaids sa aking mukha. The corner of her mouth slightly tilted upwards.
"I hope this leave a scar and that would remind you to never go against us," sabi pa nito bago marahas na pinilas ang isa.
Napakislot ako sa hapdi. Muli naman silang nagtawanan sa nangyari.
"Come on, girls. Let's leave scarface to herself. Siguro naman ngayon ay magtatanda na siya," maarteng sabi pa nito habang matalim akong tinitigan. Nagawa pa nitong banggain ang aking balikat bago ako lagpasan. Ganoon din ang ginawa ng kanyang mga kaibigan. Umalingawngaw pa sa hallway ang mga tawanan nila.
"Sila pala ang may gawa niyan sa iyo?"
Napatalon ako sa gulat nang makita ang nakalambiting anyo ni Ren.
"What are you doing here?" Muli pa akong sumilip para masigurong wala na nga sa paligid iyong mga babae.
He grunted as he leaped from where he was hanging down to where I was. Hindi na ako nakapagsalitang muli nang hinigit na lang nitong bigla ang aking mukha at tinignan ang pinagpilasan.
"Tss... Bakit mo hinahayaan ang mga iyon na gawin sa iyo 'to? Kung tutuusin ay kayang-kaya mo naman ang mga iyon..."
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa panga ko at saka dumukot ng isang bandaid sa aking bulsa.
"I didn't because I don't need to. Ito ang kauna-unahang pagkakataong ipinasok ako ng aking mga magulang sa isang totoong paaralan. Ayokong isipin nilang hindi ko pinapahalagahan ang pagpasok nila sa akin dito. The least I could do for them is tolerate those kind of people," sabi ko habang pilit na tinatantiya kung papaano ilalagay iyong bandaid.
Marahas niya iyong kinuha at saka hinigit ako paharap sa kanya. Kahit kita ko ang pagpipigil niya ng galit, puno pa rin ng pag-iingat ang paglapat nito ng bandaid sa aking pisngi. His eyes were telling me that he didn't like what he was seeing.
"Pabayaan mo na lang sila. Magsasawa rin ang mga iyon isang araw..." Sabi ko pa pero lalo lang itong sumimangot.
Hindi na ito nagsalita pa at agad na umalis pagkatapos.
Ganoon pa rin ang mga kaganapan kinabukasan. Iniiwasan na ako ng mga kaklase kong lalaking dati ay lumalapit sa akin. Kung mayroon mang nagtatangkang lumapit ay bubulungan ng isa at agad na itong mag-iiwas ng tingin.
Ano bang nangyayari?
Pero ang mas nakakagulat ay ang biglang pamumutla ng grupo nina Desiree sa tuwing magtatama ang aming mga paningin. At kung magkakasalubong naman ay mabilis itong umaalis pagkatapos humingi ng paumanhin.
What is wrong with them today? Nauntog ba sila kagabi at ngayon ay nagising
at natantong nagkamali sila?
I was getting curious when I noticed four familiar guys standing by the gates. I smiled so widely when I recognized them.
"Jepoy!" Tawag ko at agad silang napalingon sa aking gawi. Ngumisi naman sila at kumaway.
"Yan!" Halos magkakasabay nilang tawag.
Mabilis ko silang nilapitan at pabiro silang pinagsusuntok.
"Ang tagal ko na kayong hindi nakita! Kumusta na?"
"Baka nakalimutan mong ikaw iyong biglang hindi na nagpakita sa amin?" Sagot naman ni Jepoy.
"E, kasi..." Hindi ko matuloy ang sagot sa hiya ko nang maalala ang dahilan kung bakit hindi na ako nakabalik.
"O, nasaan na iyong mga pasalubong namin?" Biglang tanong ni Mikoy na sinang-ayunan ng iba.
"Nakabalik ka na at lahat, wala pa rin iyong chocolates namin?" Dagdag pa ni Kaloy.
Ngumisi ako at umiling.
"Mayroon. Marami sa bahay namin. Dadalhin ko bukas kaya dapat nandito rin kayo noon!"
Agad namang nagsiapiran ang apat sa aking sinabi.
"Buti na lang at napasyal kayo rito. Hinihintay niyo ba si Ren? May lakad kayo?"
Saglit silang natigilan at tiningnan ang isa't isa bago muling nagsipagtawanan.
"Parang ganoon na nga..." Matalinghagang tugon ni Jepoy.
There's something about his tone that made me uneasy. Parang may tinatago ang mga ito.
"Totoo pala ang balita, Yan."
Napakurap ako sa biglang sabi ni Nonoy.
"Anong balita, Noy?"
"Ang ganda-ganda mo na—"
Isang mabigat na braso ang biglang sumaklay sa aking balikat.
"Kanina pa kayo?"
"King!" Magkakasabay na tawag nila rito.
"Okay na ang lahat," sabi pa ni Jepoy habang itinataas ang dalawa nitong hinlalaki.
Bahagyang kumunot ang noo ko sa ibinalita nito lalo na't kaagad siyang sinuway ng kanyang mga kasamahan habang may pag-aalala akong minamata.
"A, King, mauuna na kami. Ubos na rin kasi iyong mga polborn. Kailangan pa naming maghanda para sa aming mga klase," imporma naman ni Kaloy.
"Sabay na tayo," maikling sagot ng aking katabing hindi pa rin inaalis ang pagkakaakbay ng braso nito.
Tumango lang si Nonoy sa sabi ng kanilang hari at panandalian akong nginitian. Nagpaalam naman iyong iba bago nagpatiuna.
"Hindi kita mahahatid ngayon kasi may lakad pa kami."
Tumango ako kahit may konting panlulumong naramdaman.
He doesn't really have to do that anyway. Kaya mong umuwing mag-isa, Ayana!
Ginulo-gulo nito ang buhok ko.
"Diretso ang uwi, maliwanag? Magte-text ka sa akin kapag nakauwi ka na."
Tumango pa ako sa utos nito.
"Huwag kang mag-alala at wala nang mang-iistorbo sa iyo."
Something about what he said troubled me. Agad na namilog ang mga mata ko nang matanto ang ibig nitong sabihin.
"The boys... You didn't... Did you?" Halos hindi ko masabi nang maayos. But with that smirk playing on his lips and his knowing eyes, I knew that he did have a hand on making my male classmates avoid me.
Then I remembered Desiree and her friends' reactions today.
Them too?
"Hindi mo na dapat pa ginawa iyon. I can handle them myself!" Iritado kong tugon.
Pakiramdam ko ipinapamukha niyang mahina ako at hindi ko kayang ayusin kaagad ang mga problema ko. Kailangan niya pang manghimasok para lang maayos ang lahat. Nakakainsulto!
Ipinilig nito sa isang banda ang kanyang ulo at itinaas ang isang kilay habang nakapamulsa. The fierceness in his eyes slowly melted the budding irritation in me.
"Alam ko," maikling tugon nito.
Pinigilan ko ang tuluyang pagkakalusaw ng aking galit at pilit na pinanatili ang talim sa aking mata.
"Kung ganoon, bakit nangialam ka pa rin? Alam mong mapapahamak ang estado mo sa University kapag nalaman ng komite na may ginawa kang masama. Bakit ginawa mo pa rin?"
He sighed at my frustrations.
"Hindi ko ipapahamak ang scholarship ko, huwag kang mag-alala."
"Pero..."
"Wala pa rin naman kaming pisikal na sinaktan. Tinakot lang nang konti..."
"Ren!"
"Ano namang masama roon? Kung hindi ko iyon ginawa, baka kung ano pang panggugulo ang gawin nila sa iyo. Hindi ako tatayo lang sa isang tabi at panuorin kang pinapahirapan!"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. It reminded me of the words I've said to him before.
Even thought I felt that my anger was already slipping, sinikap ko pa ring ipunin ang mga natitira.
"Kahit na! Hinayaan mo na lang sanang ako ang umayos sa mga problema ko. Kaya ko iyon, Ren! You should have trusted me more!" Mapait kong tugon.
Sinagot nito ang galit kong mga titig ng isang malumanay. He reached out to one of my bandaids and gently caressed its surface. The small gesture woke the butterflies in the pits of my belly, loosening my grip on what's left of my anger.
"I do trust you... More than you know... Pero hindi ako papayag na kunan mo ng karapatang ipagtanggol ka sa mga nananakit sa iyo. Hindi mo pwedeng kunin sa akin iyon kahit na..."
He paused as he took a quick stare at my lips then back again in my eyes. Parang mapipigtas ang hininga ko sa paraan ng pagtitig niya, parehong masuyo at mapang-angkin, like he's declaring his claim on my whole being.
"Alam kong kailangan kong mag-ingat dahil hindi ko teritoryo ang paaralan na ito. Pero hindi rin ako uupo na lang at tatahimik habang sinasaktan ng iba ang teritoryo ko..."