Kabanata 4

2564 Words
KABANATA 4 Hindi na naman ako nakatulog kagabi. Muli na naman akong binisita ng mga bangungot. I yawned for the nth time as I made my way to first period. "Had a rough night, Moritake?" Biglang may nagtanong. Nang aking lingunin, isang singkit na lalaki na may katamtamang tangkad ang matamis na nakangiti sa akin. I recognized him as one of the males in our class. "Me too. I was up till morning playing the new zombie series," utas pa nito kahit hindi ko pa nasasagot ang nauna niyang tanong. Uh, what's his name again? Uytico, was it? "Naglalaro ka rin pala, Moritake?" Biglang may isa na namang sumulpot sa kabilang gilid ko. He had braces and was wearing colored lenses. "Hey, I am talking to her," sabi sa kanya noong nauna. "So? I am talking to her as well!" Sagot naman noong kabila. "Good morning, Moritake!" Bati naman ng ibang sumalubong sa akin. Kumunot ang noo ko nang matapos ang ilang sandali ay natanto kong hindi na ako makausad dahil pinaliligiran na ako ng mga ito. Nagsisimula nang mag-away iyong iba habang ang ilan naman ay naghihilaan para makatabi. "Sumimasen..." I said as I tried to make my way through them. "Sandali, Moritake, ako na ang magdadala ng bag mo!" "Anong ikaw? Ako!" "Sasamahan na kita, Moritake!" "Ako ang maghahatid sa kanya sa classroom!" "Moritake, pwede bang mahingi ang number mo?" Mabilis akong tumakbo nang makahanap ng pagkakataong makatakas. When they saw this, they immediately followed behind me. s**t! I was blindly running when strong arms suddenly grabbed me and hid me inside a dark room. Bigla akong kinabahan nang maalala iyong panganib na natukoy ni Gene kagabi. Agad akong pumiglas para makatakas pero masyadong malakas ang pagkakaakap nito sa aking mga braso. Aapakan ko na sana ang paa nito nang bigla itong bumulong at agad na natunaw ang mga tuhod ko nang makilala ang nagmamay-ari nito. "Huwag kang masyadong gumalaw," he said in a strained voice. Kaagad akong napatigil. But being alone with him inside this darkness was very unnerving. My senses were instantly heightened. I could smell his aftershave. His hot breath tickled my ear that made my hair stood on end. I could feel the loud thumping of his heart against his sculpted chest. Or was it mine? "Wala na yata sila," he whispered and I could only swallow my whimper when I felt his lips slightly brushed the side of my ear. Nang maramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya, agad akong lumayo at saka humarap. Ramdam na ramdam ko ang pagkalabog ng aking puso habang pinagmamasdan ang bulto nito. Kahit sa dilim, kita pa rin ang simangot sa kanyang mukha. Shit, Ayana, calm down! "Ganito ba lagi sa klase niyo?" Natigilan ako nang mahimigan ang inis sa tono nito. Ilang beses akong kumurap bago nakuha ang ibig nitong sabihin. "Hindi naman ganito kahapon. But it's my second day in class so I don't know yet... I hope not," sagot ko. Mas lalong lumalim ang kunot nito sa noo sa aking isinagot. Pagkatapos ay huminga ito nang malalim. Bahagya akong nalungkot nang lumapit ito sa pintuan. Akala ko hanggang doon na lang ang pag-uusap namin pero bigla itong bumaling sa akin at pinitik ang noo ko. "Aray!" "'Yan ang nababagay sa mga taong bigla-biglang umaalis," utas nito bago muli akong pinitikan. Iiwas na sana ako nang kabilang kamay naman ang ginamit niyang pampitik at muling napuruhan ang noo ko. "Ang sakit na, ah! Ano bang tinutukoy mo? Akala ko ba tapos na ang isyung iyan?" Isang pitik na naman ang kanyang iginawad. "Aray, Ren! Mamumula na ang noo ko sa ginagawa mo!" Reklamo ko sabay takip dito. "Hindi ba't ang sabi ko kahapon hintayin mo ako? May nakalimutan lang ako, pagbalik ko, wala ka na!" Doon ko lang naalalang hindi ko nga pala siya binalikan matapos iyong naganap sa likod ng university. "A, that... Something came up yesterday that I had to leave immediately..." Halos hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang tungkol kina Kira. "Hindi mo man lang ako nahintay para magpaalam?" My guilt tripled when I heard the hurt in his voice. "A..." I got no excuse kaya yumuko na lang ako, "Sorry, Ren. Nagkaroon lang ako ng emergency. Nawala sa isipan ko ang magpaalam sa iyo. Sorry talaga." Narinig ko ang mabigat nitong pagbuntong ng hininga at inasahan ko agad ang kanyang hagupit pero hindi iyon nangyari. Instead, I felt his hand gently ruffling my hair. Nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi. "Naiintindihan ko," malumanay nitong tugon, "Huwag mo lang iyong uulitin. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala nang hindi kita matagpuan kahapon," sabi pa nito bago marahang pinisil ang ilong ko. Muling kumalabog ang puso ko sa sinabi nito. Hinanap niya ako kahapon? "Tara na at baka mahuli pa tayo sa mga klase natin," anito bago binuksan ang pinto ng silid. Laking ginhawa ko nang makalabas at wala akong nakitang naghahanap na kaklase. I should do something about this. And soon! Ayokong araw-araw na lang na may ganoong kaganapan. "Huwag mong alalahanin iyong mga kaklase mo." Tumingala ako sa nagsalita. Nakataas ang isang kilay nito habang nakasilip sa aking mukha. Nabasa niya ang isipan ko? "O baka gusto mong habulin ka nila—" Hindi ko na siya pinatapos at marahas na umiling. Isang marahang tapik ang ginawad niya sa akin. "Mabuti kung ganoon," sabi nito, "Ako na ang bahala." Bigla akong kinabahan sa pinakita nitong ngisi. Is he planning something for my classmates? Hindi siya pwedeng magkaroon ng bad record school! Madi-discredit ang scholarship niya! Papaalis na ito kaya mabilis kong hinawakan ang kanyang braso. Napatigil siya at panandaliang napatingin doon bago ibinaling sa aking mukha. "Kung may binabalak ka sa mga kaklase ko, huwag mo ng ituloy. Baka malaman ng university at bawian ka ng scholarship." Kumunot ang noo nito pero pinatulis din ang kanyang nguso, tila nagpipigil na tuluyang mangiti. Bahagya siyang lumapit at agad namang lumundag ang puso ko nang inilapit pa nito ang bibig sa aking tainga para bumulong. "At sinong may sabing malalaman nila?" Kaagad siyang lumayo at sumilay ang isang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. His green eyes were filled with mischief. "Pero Ren—" Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya na lang initsa sa akin ang kanyang cellphone. Kamuntikan ko pa iyong hindi masalo. "Ilagay mo ang numero mo riyan. Mabuti na iyong may contact ako sa iyo para mas madali na kitang mahanap. Ang hilig-hilig mo pa namang tumakbo at mang-iwan." I knew he waw just being playful but my young heart couldn't contain its mirth, nahawaan tuloy ang mga labi ko't napapangiti. Mabilis kong tinipa ang aking numero bago ibinalik sa kanya ang kanyang telepono. Sinilip niya ang nakasulat doon bago mabilis na nagtipa. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng telepono ko. Kinuha ko iyon mula sa aking bulsa at nakita ang isang hindi rehistradong numero. Nagsiliparan ang mga kulisap sa tiyan ko nang matanto kung kanino iyon. That person was currently grinning in front of me. "Save mo number ko," anito, "Huwag mong ibibigay sa iba, ha?" Dagdag pa nito bago ako kinindatan at pagkatapos ay patakbong umalis. Lutang ako hanggang nakarating ako sa silid namin. Wala na akong ibang ginawa kundi titigan ang aking telepono at hintayin iyong tumunog. Iniisip ko kung ano ang ginagawa niya sa mga oras na iyon, kung may klase na ba siya o nagtatrabaho na ba. Come to think of it, I still don't know which department he was assigned to as a working scholar of the University. I better ask him... Magtitipa na sana ako nang maisip na baka nga ay nasa kalagitnaan iyon ng kanyang klase kaya binura ko na lang agad. "Miss Moritake, put your phone away or I'll take that away from you for good." Napapitlag ako sa pagtawag sa akin ng aming guro. Madali kong itinago ang aking cellphone sa ilalim ng desk. Patagong humagikhik ang mga babae sa akong sinapit. And I had almost smacked myself in the head for being so stupid. I sighed when our teacher for our last subject dismissed us and I started collecting my things. Wala pa rin akong mensaheng natanggap galing sa hari. "Aya, do you want to come with us?" Napakurap pa ako at saglit na napatigil nang makita ang mga nakangiting hitsura ni Desiree at ng kanyang mga kaibigan. What are they up to this time? "Where?" I asked. Saglit silang nagtinginan bago ako hinablot ni Melissa at inangkla ang braso sa akin. "Just come with us... I'm sure you're going to have fun," sabi pa nito sabay tingin sa mga kasamahan na agad na bumungisngis. Somehow I knew that wherever they're taking me, having fun was never going to happen. They were pushing and pulling me while giggling under their breaths. Dinala nila ako sa isang sulok ng university. Hinila ni Melissa ang braso ko at itinulak sa harap ng pader. Kunot-noo ko silang binalingan. "Why are we here?" I asked, aware of their malicious gazes. "We're here because someone needs to be taught a very important lesson," anas ni Desiree habang iniikutan ako. "If we're having a lesson, then why did we leave our classroom? We could have used the board or something..." Patay-malisya kong tugon, hinahanda ang sariling dumipensa kung saka-sakali. Isang malakas na tulak ang ginawad nito na nagpasandal sa akin sa pader. "Ang kapal ng mukha mong suwayin ang utos namin!" Nanggigilaiti nitong sabi habang ididiin ang pagkakasampa sa akin, "You like attention so much, hmmm, french doll? You don't care if you get hurt because of it?" Isang diin pa ang ginawa nito habang tinititigan ako nang matalim. Was she talking about what happened this morning? "Hindi ko naman ginusto na gawin nila iyon. Kung gusto niyo, bakit hindi sila ang pagsabihan niyo? That would really do me a favor," sagot ko rito. Bigla na lang may sumabunot sa buhok ko sa gawing kanan. And for a moment, a memory flashed in my head. The one where I was at some quiet corner of the orphanage while some of children were simultaneously grabbing my hair, arms and clothes. In a matter of seconds, naalis ko ang kamay na humablot sa buhok ko at ang nakadagan na braso ni Desiree. Nang mawala na ang mga image, tsaka ko lang nakita ang dalawang babaeng nakaupo na sa damuhan at inaalalayan ng kanilang mga kasamahan. "I... I'm sorry..." Namamaos kong tugon. "Lalaban ka pa talaga, a!" Lumapit si Melissa at hinablot ang isang braso ko at pinagsasapak ang mukha ko. Agad namang sumunod ang iba pa. Mabilis kong iniharang ang aking mga braso rito para hindi na nila matamaan. I felt their slaps, scratches and punches all over me. One also grabbed my hair and dragged it downwards kaya kamuntikan na akong sumubsob sa lupa. Hindi ako nakagalaw. Nagkahalu-halo na ang mga alaala ko at ang kasalukuyan. I kept on mumbling sorries in my head as I accepted every hurt. You're stronger now, aren't you, Ayana? Napasinghap ako sa naalala. Nagmulat ako ng mata at tsaka mabilis na umatras. Nabigla ang magkakaibigan sa aking ginawa pero agad din naman silang tumayo nang tuwid at saka naghalukipkip sa aking harapan. An expression of triumph was all over their faces. "Sa hitsura mo ngayon, sigurado naman ay magtatanda ka na? Hmm?" Matapang na utas ni Desiree. Humagikhik pa ang mga kaibigan nito habang kinukunan pa ako ng larawan ni Cleope. "Wait till the boys see your new style. I'm pretty sure they wouldn't want to have anything to do with you anymore," tawa pa nito. I clenched my fists as they continued their mirth. Walang magagawa ang galit mo, Ayana. Think of Gene and his family instead. They've finally allowed you to go to an actual school. The least you could do is to resist their pettiness. It's not worth it. Kumalma ako nang makombinse ang sarili. Tumayo ako nang maayos at saka tumawa kasabay nila. Nagsitigil naman sila sa pagtawa at kumunot ang noo habang pinagmamasdan akong tumatawa pa rin. Ang ilan ay nagsisitinginan bago bumaling sa kanilang leader. "Do you think this is funny, huh, Moritake?" Mariing tanong nito. Tumigil ako sa pagtawa at saka siya tiningnan na may tuwa sa aking mukha. "Well, yes. I didn't actually think you could be this helpful, you know. Medyo naaasiwa rin kasi ako sa pagsunud-sunod nila sa akin. If you say that they would find my new looks appalling, then that's good news to me!" Lalong sumimangot ang mga mukha nila sa aking isinagot. Tumaas pa ang isang kilay ni Desiree at lalapitan pa sana ako nang may sumigaw na gwardiya. Agad kaming nagsipagtakbo para hindi mahuli. I used that as an opportunity to run away from their group. Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag nang marating ko na ang gate. Muntik na akong mapatalon nang isang busangot na Reign ang sumalubong naman sa akin. "Kanina pa ako tawag ng tawag sa telepono mo, hindi mo naman sinasa— Bakit ganyan ang ayos mo?! Anong nangyari?! Sinong—" "Shhh!" Saway ko rito. Luminga-linga pa ako at sinigurung wala sa mga kaibigan ni Desiree ang nanunuod bago ko hinila ang braso nito palabas ng campus. Hindi pa nga kami nakakalayo ay hinigit na nito ang aking braso at agad na pinaharap sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay nito habang matamang tinitigan ang aking mukha. Ilang saglit lang ay agad na umalab ang kanyang mga mata sa mga nakita. "Sinong gumawa nito?! Isa ba sa mga tauhan ng putang—" Napatigil ito nang mabilis kong tinakpan ang bibig nito gamit ang aking mga kamay. Naramdaman ko ang marahas na pagsinghap nito sa aking mga palad. Kaagad ko rin namang binawi ang aking mga kamay at nag-iwas ng tingin. The feel of his soft lips and warm breath on my palm and the way his irises contracted at our contact brought some sweet tingling sensations all over my body. "I-inakyat ko kasi iyong isang puno sa may garden kanina. I lost my footing and fell..." Sabi ko na lang nang hindi siya tinitingnan. Pero bigo pa rin akong magtago sa kanya dahil agad niya rin akong iniharap. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang aking mukha. Pagkatapos noon ay itinaas nito ang aking mga braso at tiningnan kung mayroon din bang mga sugat. Nang ibalik nito ang paningin sa akin, nakataas na ang isa niyang kilay. "Ano bang pumasok sa isip mo't inakyat mo iyong puno? Nakalimutan mo bang nakapalda ka?" "I'm wearing cycling shorts underneath. Wanna see?" I tried pulling my skirt up so he could see what I meant but he was fast on stopping my hands and his eyebrows knitted in anger. "Sira ka ba?!" Asik nito. "Baka kasi hindi ka nanini—" "Hindi mo kailangang gawin iyon! Tanga!" Sumimangot ako sa huli nitong sinabi at bubuksan na sana ang bibig para makipag-argumento nang muli pa itong magsalita. "At saka, kailan ba kita hindi pinaniwalaan?" Somehow, even in his angry demeanor, I found his words very sweet. They warmed my heart that I could feel my cheeks reddening. "Tss..." Agad namang naputol ang kasiyahan ko nang bigla nitong hinigit ang aking braso at dinala sa harap ng kanyang motor. "Sakay," utos nito matapos ibigay ang isa pang helmet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD