Kabanata 3

2526 Words
KABANATA 3 Dumeritso ang mga sinusundan ko sa isang bakanteng lote sa likod ng aming University. Agad akong nagtago ako sa likod ng mga nagkukumpulang puno ng saging at tahimik silang sinubaybayan. Itinulak pa nila iyong tao hanggang mapaupo ito sa maputik na lupa. The nerves of these men! Nanggigilaiti kong naisip habang pinipigilan ang sariling lumabas at isa-isa silang turuan ng leksyon. "You still have the gall to present yourself as the club's representative after ruining our image with your lousy performance last year, huh?!" Asik noong isa bago ito sinipa sa tiyan. Ikinuyom ko ang mga kamao para magtimpi sa nasaksihan. Marahang pinunasan noong nakaluhod sa lupa ang kanyang bibig. Pagkatapos ay tumingala ito at nginitian ang kanyang mga kasamahan. "Yes. I'm the best kyuudouka in this country after all," matapang na sabi nito. Ilang magkasunud-sunod na sipa at suntok ang natamo nito dahil doon. Hindi naman ito nanlaban at hinayaan lang ang mga ito. What are you thinking?! Why aren't you fighting back?! Bigla kong naalala iyong huling pangyayaring nabugbog din ito. Hindi pa ba siya magaling? "Baka akala mong may kapangyarihan pa rin ang pangalan niyo. Dream on, Kurozawa!" Asik ng tumatayong pinuno ng grupo, "Your days of rule are numbered! Kaya kung ako sa iyo, masanay ka ng nakalubog sa putik!" Hinaklit nito ang buhok ng lalaki at saka isinubsob ang mukha sa putikan. Nang subukan nitong tumayo, inapakan ng pinuno ang ulo nito at muling isinubsob sa putikan. The boy struggled getting his face off the mud while the rest of them laughed at his demise. When he finally got up, another boy pushed him and he fell over the mud once more. "Iyan ang nababagay sa iyo! Yabang mo! Wala ka namang ibubuga!" Hindi na ako nakatiis. Kumuha ako ng isang baling sanga at saka lumusob. "Ha!" Isang malakas na palo ang ginawad ko sa tatlong pinakamalapit sa akin. Mabilis na nagsilingunan ang lahat sa aking gawi. "Who the hell are you?! Bakit ka nangingialam dito?" Asik noong pinuno nila habang iyong iba namam ay kanya-kanya ng kuha ng pwedeng gamiting armas nang makita nilang bagsak na sa lupa iyong tatlo nilang kasamahan. "A middle schooler?" Narinig ko pang bulong ng isa. Panandalian kong sinilip ang kalagayan noong pinagtulungan nila. Kahit nabalot na sa putik ang mukha nito, kita ko pa rin ang gulat sa mga mata habang tinitingnan ang ayos ko. Ilang saglit lang, nagbago iyon at napalitan ng inis. Inalis ko ang titig ko sa kanya at ibinalik sa mga kalaban. "I thought bullying is old school nowadays. Something only immatures would do," maanghang kong tugon habang sinusundan ng tingin ang pumapaligid ng mga lalaki. "You're not supposed to be here, little girl. But you attacked three of our men and actually made them sleep with just a piece of branch—" "Don't worry, little boy, you'll join them in a little while," I promised, instantly cutting him off. Little girl, huh? We'll see if you'd still have the strength to call me that after I let you learn how mud tastes like. Umatake ang nasa gawing likuran ko gamit ang isang manipis na bakal na madali kong naiwasan. Sumabay pa iyong dalawang nasa kanan ko at sinubukang paluin ako ng mga hawak nilang kahoy. Umikot ako at binigyan nang malakas na sipa iyong isang nasa kanan sabay palo sa kamay noong isa pa. Muli pang umatake iyong nasa likod ko at muntikan na akong matusok noong bakal pero lumundag ako at sinipa siya sa panga. Natumba ito at wala ng malay na bumagsak sa putik. Hinarap ko iyong iba na agad na napaatras at namumutla sa nasaksihan. "What? You're not attacking this little girl?" Tanong ko sa mga ito. Nagsitinginan sila sa isa't isa bago binalingan ang kanilang lider. Hingal pa ito habang hawak-hawak ang napalong braso. "Magaling ka, bata, pero hanggang dito na lang ito," anas nito bago may dinukot sa kanyang likuran. Diniinan ko pa ang pagkakahawak sa aking sandata at hinanda ang sarili. "Enough!" Sabay-sabay kaming bumaling sa sumigaw. Nakatayo na ngayon iyong inililigtas ko, hinihingal at masama ang tingin sa akin. "You!" Singhal nito, "Go home! You're not needed here!" I felt the familiar pang of pain at his rejection. Kaagad akong pinanghian. "Now!" Sigaw noong katunggali ko. Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari. One second, I saw my assailant's victorious grin as he came forward with a cutter in hand. The next second, a dirtied hand gripped my assailant's wrist right before the cutter could reach my face. He then twisted it and threw him over the muddy ground. "Derek!" Mabilis na dinaluhan ng kanyang mga kasamahan ang sumisigaw na ngayon sa sakit nilang kaibigan. "Walang hiya ka, Kira! Makakarating ito kay Shishou, makikita mo!" Sigaw pa rin nito sa gitna ng sakit habang hinihila palayo ng kanyang mga kasamahan. Binitbit naman noong iba iyong mga nawalan ng malay. I saw some of them warily eyed me as they followed their screaming leader. "K-kira—" Sa kabila ng makapal na putik sa kanyang mukha, isang matalim na titig ang ibinaling nito sa akin. "Sinong demonyong nagsabi sa iyong pwede mo akong tawagin o lapitan man lang?!" Bahagyang kumuyom ang dibdib ko sa narinig. "I was only trying to help—" "Hindi ko kailangan ng tulong! Especially not coming from a witch like you!" Asik nito bago marahas na inalis ang dumi sa kanyang mukha, "Now I need to explain to our Master why I had to injure that jerk's hand!" Natahimik ako nang ilang magkakasunod na mura ang pinakawalan nito. "Hindi mo nga kailangan ng tulong pero hinayaan mo silang apakan ka ng ganoon! Hinayaan mong insultuhin nila ang pangalan ng pamilya—" "And what is that have to do with you, huh?! Bakit?! Sino ka ba?! Ha?!" Napaurong ako sa biglang singhal nito. Panandaliang nanikip ang dibdib ko sa sinabi nito pero sa tuwing naalala kong hinayaan nitong insultuhin ang kanyang pangalan, mas pumaibabaw ang naramdamang inis para sa kausap. "Hoy, tanga! Kung makasigaw ka sa akin parang may ginawa ka kanina para pigilan silang pagsalitaan ka ng hindi maganda! Eh, nginitian mo lang sila habang binubugbog nila iyang katawang-lupa mo!" Siya naman ngayon ang napaatras sa aking pinakitang tapang. "Sorry po kung hindi ko natitiis panuoring kaawain ang isang lampang katulad mo. Tinuruan kasi ako ng Papa ko na maging matulungin sa mga taong nangangailangan nito. Sorry po at kamuntik ng lumabas na mas malakas pa ang isang batang babaeng katulad ko kung ikukumpara sa inyong tila enjoy na enjoy na humahalik sa putikan!" "Sinong lampa?! Anong mas malakas?! Naghahamon ka ba?!" Matapang kong itinutok sa kanya ang hawak na sanga at mataman siyang tinitigan. "Ako si Ayana Moritake, anak ni Yuujin at Mimi Moritake at kapatid sa kambal na Rei at Gun Moritake. I may not be wearing the same name as yours nor have the same privilege; but I will never bargain my family's pride and honor for anything! Hinding-hindi ako luluhod at ngingiti lang sa mga taong niyuyurakan ang pamilya ko!" Ilang saglit na napaawang ang bibig nito sa aking mga binitawang salita bago tumawa nang malakas. "What big words coming from the mouth of a cursed one!" Tumigil ito sa pagtawa at malamig akong binalingan, "Your words don't mean anything to me, witch. Wala akong kilalang Moritake. At sa mundo namin, walang halaga ang mga salita ng mga taong walang halaga ang pangalan." Hindi ako nakasagot sa inihayag nito. Though his words stung, somehow I've already expected them. After all, I knew this family's culture and tradition by heart. Sandali itong pumikit bago humugot nang malalim na hininga. Pagkamulat nito, wala na ang asar at nakaguhit na muli ang kanyang nakangiting maskara. "If you've finally got that inside your head, then please..." He paused as his cold demeanor resurfaced, sending icy daggers at me, "Stay away." Ilang sandali niya pa akong tinitigan nang matalim bago muling nilabas ang kanyang maskara. "Ja, sayounara," huli nitong anas bago umalis. Nang tuluyan na itong nakaalis, tsaka ko lang pinakawalan ang kanina ko pang pinigilang hininga. I stared at my still shaking hands. It was sort of impressive that his words didn't bring much the terrifying memories. Or maybe because I got used to my nightmares that when I saw them during the day, they didn't scare me that much any longer. Muli akong nagbuntong-hininga bago itinago ang nanginginig kong kamay. Kailangan kong makauwi para kausapin si Gene tungkol sa mga kaganapan sa loob ng clan. I was sure, if there's someone who cared for the family so much, it would be him. Paalis na ako nang may namalayang isang bultong papalayo. Napaangat ang isa kong kilay nang makilala ito. So, he was watching all this time? Wala man lang siyang ginawa? Bahagyang kumunot ang noo nang may maalala. Siya rin ba ang sumusunod sa akin nitong mga araw? I really need to talk to Gene. During our family dinner, I was having difficulties getting the right timing. As usual, the twins were ecstatic telling the things they've done at school, which were mostly mischievous. Napapailing na lang si Mimi kapag kinokonsente ni Gene ang mga ito. Kinumusta rin nila ang unang araw ko. They were both so excited to hear about my experience, that I couldn't bring the topic up. Hindi ko na rin ikwenento iyong tungkol sa pagkompronto ng mga kaklase kong babae. It was just a trivial thing and not worth sharing. Plus, they're harmless too. It was only after our dinner that I got my opportunity. "Yes, my precious daughter?" Nakangisi nitong tugon, "May mga additional requirements ba kayo sa school? Educational tour? Walang problema sa akin. Ilista mo lang iyong mga kakailangan mo at si Daddy na ang—" Agad akong umiling. "Do you have any news about the current situation of the clan?" Panandalian siyang natigilan bago unti-unting dumilim ang mukha nito. "Wala akong balita," maikli nitong sagot. Impossible. "Wala? Dinig ko nagkakagulo na raw sa loob? The alliance doesn't recognize Hans to be the empire's next lea—" "I don't know what you're talking about. Ang alam ko ay kasalukuyang masaya ang pamilya ko at iyon lang ang mahalaga sa akin," malamig na usal nito. "But Hans is still your family, isn't he? Papayag ka na lang bang palitan siya ng iba? One who is not a Kuro—" "Wala akong pakialam kung ganoon man ang nangyayari sa kanila ngayon. Hindi ko na iyon problema at dapat ay ganoon din sa iyo," bahagya akong napaatras sa anghang ng kanyang mga salita. He's pissed. Ilang sandali ay napapikit ito at huminga nang malalim. Nang muli niya akong balingan, wala na ang galit sa kanyang mga mata. "Don't trouble yourself with unimportant things, my Princess. What's happening inside that family is their business. Hindi tayo makikialam kung hindi nila pakikialaman ang pamilya natin," mahinahon na nitong sabi, "Pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo, anak, at si Daddy na ang bahala sa lahat." "Pero Gene..." "Sige na, anak, at baka marami ka pang assignments na gagawin," nakangiti nitong sabi habang marahang tinatapik ang aking ulo, "Kailangan na rin kasing bumalik ni Daddy sa pagbabasa ng mga kaso." Sa sinabi nito, hindi ko na siya kinulit at pumasok na lang sa aking silid. I was staring at the unfinished painting on my ceiling thinking about what's happening inside the Kurozawa clan. The children of the alliances were losing their respect for the dragons. This had never happened before. What should I do, Rekka? Your kingdom's falling apart and I can't do anything about it. Yuujin isn't helping either. Napabuntong ako sa naisip. I can't blame him though. Gusto niya lang protektahan ang pamilyang muntik nang mawala sa kanya. Bumangon ako at nagpasyang bumaba para makainom ng gatas. Nakakatulong kasi ang pag-inom nito sa aking pagtulog. Pababa na ako nang namalayang nakabukas pa ang ilaw sa kusina. Pansin ko rin ang dalawang bultong seryosong nag-uusap sa may lamesa. I shouldn't be here. Babalik na lang sana ako nang bahagyang narinig ang pinag-uusapan ng mga ito. "Hindi mo naman pwedeng sisihin sina Kira. Malalaman at malalaman din iyon noong bata," narinig kong sabi ni Mimi sa isang mahinang boses. Are they talking about me? "But they should have stayed away from her! Talagang makakatikim na sa akin ang dalawang iyon sa oras na mapamahak ang anak ko dahil sa kanilang pangingialam!" Kumunot ang noo ko sa narinig. What does he mean by that? "Hindi naman siguro nila iyon hahayaang mangyari. Kaya nga doon natin siya ipinasok, hindi ba?" I heard Gene sighed before taking a seat. "I still think keeping her at home is better. Mas mapapanatag ang loob ko dahil alam kong magiging ligtas siya." "You can't lock her up forever, Gene. Hindi siya ipinanganak para lang makulong sa loob ng inyong kaharian." Naikuyom ko ang aking mga kamao sa narinig. Muli na namang nagbuntong ng hininga si Gene. "Alam ko naman iyon, Mi. Kaya nga pumayag akong pumasok siya sa LJU. Alam kong kailangan niya ring i-enjoy ang kanyang pagiging bata." "Oo at ang pagiging dalaga niya rin. Sigurado akong mula bukas, marami ng aaligid sa maganda nating anak." Nakadama ako ng hiya sa sinabi ni Mimi. Bahagya itong natawa nang agad na umangal ang kanyang asawa. "But seriously though, how's Yuuhan coping up with all the complaints he's getting?" Tanong ni Mimi matapos ang ilang sandali. Her question got my full attention. This is what I wanted to know. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng kanyang asawa. "He visited me in my office yesterday." Hans did? "Really? What did he say?" "They want me back." Pinigilan ko ang aking pagsinghap. "And?" Mimi pressed. "Alam mo namang imposible iyon. Unless the Alpha retracts my exile, I can never go back and do anything for that family again." Mariin akong napapikit nang marinig ang lungkot sa boses niyo. Of course. If there's someone who cares so much for the family, that would be Gene. And I ruined it all for him. Hindi ko na kaya pang makinig kaya tumalikod na ako at maingat na umakyat nang mahagip ang mga sumunod na pinahayag nito. "But Yuuhan already knew what was bound to happen. He's very perceptive and he shares the same dedication and passion, as I do, for our clan. The same goes for the half-breed brothers. No matter how immature and disconnect they appear, they are Kurozawa dragons through and through." My heart pounded on its chest at the confidence in his voice as I recalled the disagreeing expressions on his cousin's faces. "Yuuhan isn't going to be the Emperor. That is a known fact," he said with certainty, "And neither can I." Gusto kong umangal sa sinabi nito pero pinili kong manahimik at manatili na lang sa aking kinatatayuan. "The one, true alpha will appear one day to take that throne back and shall stand above us all," he declared, "And when that day finally arrives, everyone shall seal their mouths, bow their heads and bend their knees..." Without thinking, my hand went and found the dragon pendant hanging on my chest. Rekka...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD