KABANATA 2
Maaga kaming pinauwi dahil biglang nagkaroon ng meeting ang mga teachers ng university. Gustong kunin noong isang kambal na Yazaki ang numero ko na agad ko namang tinanggihan. Hindi ko siya kilala para bigyan nito kahit sabihin pa niyang kilala niya ako. Nang napagtanto niyang hindi ako mapipilit, bigo siyang umalis kasama ang kanyang kapatid.
I better ask Gene about those two and their relation to the Yazaki Group. I noted to myself before standing up to go out.
Biglang may humarang sa aking daraanan. It was the girl with a yellow ribbon on her hair and her group of friends. If I wasn't mistaken, she's called Desiree Fontillas. There were about six of them. Lahat ay nakahalukipkip. Lahat ay matalim ang tingin sa akin.
"Yes? Is there something I can help you with?" Tanong ko sa kanila habang isa-isa silang tinignan.
"Can we talk?" Desiree asked.
"Um... Sure," sagot ko.
I was somewhat ecstatic that the girls have approached me. Maybe this could be the start of our friendship? Ilang sandali pa nila akong tinitigan bago naunang lumabas. I guessed they wanted me to follow them. So I did.
Pumunta kami sa CR ng mga babae. Dahil uwian na, wala ng tao roon bukod sa amin. Pagkapasok ko, agad akong itinulak ng isa sa kanila. Napasandig ako sa pintuan ng isang cubicle. Kunot-noo ko silang pinagmasdan habang pinapaligiran ako.
"Who do you think you are getting all the boys' attention? Hmm?" Asik ni Desiree sabay duro sa aking balikat.
Hindi naman siya masakit pero napataas ang kilay ko sa tanong nito. Clearly, they're not here to make friends.
"You think you're so popular now because you're new here?" Sabi pa ng isa niyang kaibigan. Was it Melissa Sy? Her hair's pushed back into a tight ponytail with a blue ribbon tied to it.
"b***h, you don't want to mess with us," asik pa ng isa. Sa pagkakaala ko Cindy Ypon ang pangalan. Nakahawi naman sa isang banda ang buhok nito at may berdeng lasong nakatali rito.
They were ganging up on me and pushing me back to the door while poking their sharp nails on my body. I was nearing my limit and was about to fight back when the door of the cubicle next to us opened.
"Oh, it's only Miss Braces," ani Desiree bago bagot na pinaikot ang mata.
I saw a young girl standing in front of us. She's quite petite. She's two years younger perhaps. She's wearing thick spectacles.Her curly black hair was pulled into a tight bun. When our eyes met, something about her squinty eyes looked extremely familiar.
I'm sure I've seen those eyes before.
"Move along, Braces, there's nothing to watch here," narinig kong sabi noong isang kasama ni Desiree. Zoey Seno yata ang pangalan. She wore her hair in braids with a pink ribbon tied at the very end.
Sandali pa itong nakipagtitigan sa amin bago nanginginig na inangat ang kanyang kamay.
"Y-y-y-yamete k-k-kudasai. B-bullying i-is b-bad," she said with shaking voice.
Nagtinginan sa isa't isa ang grupo ni Desiree at pagkatapos ay nagtawanan. Tinungo ng tatlo nitong kaibigan iyong batang babae at siya naman ang pinagdiskitihan.
"We're not bullying her, Braces," sabi ni Melissa habang nilalaro ang mga takas na buhok ng bata.
"This is just a little orientation for her," sabi naman ng isang nagngangalang Cleope Pilapil. Nakatali sa isang banda ang mahaba nitong buhok ng isang kulay lila na laso.
"A little get-to-know-you kind of meeting," added one they called Lauren Binghay who got some big waves loosely tied at the ends by a blue ribbon.
"You, on the other hand, is an eyesore. Why don't you hop along so you wouldn't hurt yourself?" utas ni Desiree habang ngini-ngitian nang matamis iyong bata.
Marahas pa itong itinulak noong Cleope at nagtawanan naman sila nang napapitlag ang bata sa takot. Lalong kumunot ang noo ko sa nasaksihan.
"Leave her alone. I'm the one you have business with in the first place," mariin kong sabi na agad nagpabalik ng kanilang atensiyon sa akin.
Panandaliang nilingon ni Desiree ang kanyang mga kaibigan bago ako marahas na itinulak. Tumama ang likod ko sa pintuan ng cubicle.
"You've got guts, newbie. But that won't save you here. You see, we are what they call the Super Six in this department. And in here, we hold the power. We are the law. So you better know your place if you know what's good for you," she proudly declared while crossing her arms infront of her and her five friends suddenly posed behind her.
They looked like this funny cartoon show on TV that I once saw with the twins. Ngumuso ako upang pigilan ang ngiti sa naalala.
"But we're not that merciless. We do give exceptions to students who are still new to the system such as yourself..." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang binalik nito ang paningin sa aking mukha, nagtaas siya ng kilay, "...French Doll."
May kung anong nagpanting sa isip ko sa sinabi niya. Is she nicknaming me 'French Doll'? Bigla kong naalala ang isang partikular na taong tumawag din sa akin ng ganoon noon.
"This shall be your final warning, understand? You better stay away from the Emperor and that new hottie if you want to enjoy your middle school experience. Do you understand?" Pagbabanta nito sabay tulak uli sa akin. Nagsihagikhikan ang mga kaibigan nito sa kanyang hinayag.
Kahit na gustung-gusto ko nang hablutin ang mga daliri nito at balibagin sa mismong kinatatayuan, pinigilan ko pa rin ang sarili ko. It's my first day going to an actual school. I didn't want to disappoint my parents just because I wasn't able to control myself.
"I said, do you understand?" Nanlalaki ang matang ulit nito.
Mataman ko siyang tinitigan.
"Yes," I answered without breaking my eye contact. I stared at her black orbs meaning every possible threat for demeaning me like this. No one looks down on a Kurozawa.
Bahagyang nagbago ang ekspresyon nito at agad na napaatras. Kita ang pagtataka sa mukha ng kanyang mga kaibigan nang napansin ang kanyang ginawa.
"Des?"
Agad siyang natauhan nang tawagin ni Melissa ang kanyang pangalan. Umayos siya ng tayo at nagtaas ng noo.
"Good then," utas nito, "I hope this time you have learn your place in this society," pa-cool pa nitong dagdag habang nakapamaywang. Sumunod naman sa kanya ang kanyang mga kaibigan. Mataray na nilingon niya ang mga ito bago tinanguhan, "Come on, girls. Let's leave these two to where..." Luminga pa ito sa paligid at umarteng nandidiri, "...they truly belong."
Sabay na silang nagtawanan habang umaalis sa lugar na iyon. Mabilis naman akong nilapitan noong bata nang nasigurong nakalabas na sila.
"A-a-are you h-h-urt?" Nanginginig nitong tanong habang tinitingnan kung may natamo ba akong sugat. Even her hands were still shaking!
Nang makontento ay tsaka lang siya nagbuntong ng hininga. Pagkatapos ay pilit itong tinaliman ang titig sa akin, "Y-you shouldn't have crossed paths with them. T-they're nasty to those who block their way."
I blinked a couple of times at her showcase of concern. Wow! She's scolding me even while she's this shaken.
She gasped in surprise when all of a sudden, I held her hands and then blurted out the most bizarre words a normal girl would say to another girl.
"Will you be my girl friend?"
Nakaupo ako sa gilid ng kalsada habang hinihintay na maluto ang binili naming kwek-kwek sa harapan ng gate ng aming paaralan. Nakailang ulit na ako sa pagbubuntong hininga habang inaalala ang pagkamutla ng mukha noong batang babae bago kumaripas ng takbo.
I didn't even get her name, sabi ko sa sarili bago muling bumuntong ng hininga.
Nagulat ako nang may nag-abot ng isang maliit na paper plate na may lamang kulay kahel na mga pagkain. Kunot ang noo ng may hawak nito.
"Ano ba iyang pinoproblema mo at kanina ka pa bumubuntong ng hininga?" Tanong ng hari.
Tinanggap ko ang nilahad nito at agad naman itong umupo ng paharap sa aking tabi habang sinisimulan ng kainin ang kanyang hawak na pagkain nang hindi binibitawan ang kanyang mapanuring titig sa akin.
Tinitigan ko ang hawak at muli na namang nagbuntong ng hininga. Pero bago ko pa matapos iyon, isang pitik sa noo ang natanggap ko.
"Aray!" Utas ko sabay sapo sa aking noo.
"Hindi maganda iyang bumubuntong ka ng hininga sa harap ng pagkain," sabi nito bago tumuhog ng isa pang kwek-kwek at isinubo iyon sa kanyang bibig, "Ano ba kasi iyang iniisip mo?"
Ilang sandali ko pa siyang tinitigan. Hindi ko alam kung okay lang bang sabihin sa kanya. He's a boy after all.
"There's someone I like," deklara ko
"Ha—" Bigla siyang nabulunan at mabilis na ininom ang nakatabing softdrinks.
"Okay ka lang, Ren?" Pag-aalala ko.
Nakasimangot itong bumaling sa akin.
"Anong sabi mo? May nagugustuhan ka? Sino?!" Nanggigilaiti nitong tanong.
Bahagya akong napaatras sa biglang pagtaas ng kanyang tono. Sasagot na sana ako nang magpakawala pa ito ng ilang mura at may kung ano pang ibinulong sa sarili. Kumunot ang noo ko sa kanyang reaksyon.
"May gusto ako kaya lang..."
Ilang mura pa ang kanyang pinakawalan habang pabalik-balik ang lakad sa kanyang pwesto na tila nakokunsyomi.
What is his problem?
"Kaya lang ayaw niya sa akin!" Halos pasigaw ko nang sabi para lang marinig nito sa kalagitnaan ng kanyang pagmo-monologue.
Tumigil siya sa paglalakad at muli akong hinarap. Magkasalubong ang kilay at pulang-pula ang leeg.
"Sino ba ang tangnang 'yan?! At..." Tumigil ito at muling nagmura.
"Hindi ko alam ang pangalan, e. Nakalimutan kong itanong," I remembered the ashen face she made after hearing my question.
Ilan pang mura ang sinabi ng hari sa aking isinagot.
"Pwede ba iyon? Paano mo nagustuhan kung hindi mo pala kilala iyong tao? Huwag mong sabihing gusto mo siya kasi gwapo siya? Pucha, Aya, ipakita mo nga iyang hayop na iyan at tingnan natin kung aabot ba siya sa kalahati ng kagwapohan ko?!"
Napaawang ang bibig ko nang matanto kung anong inakala nito.
"What are you talking about? Babae ang tinutukoy ko... isang babaeng gusto kong maging kaibigan!" Mariin kong sabi rito, dismissing the other meaning my young heart conjured from his silly words. Pero parang imposible rin dahil naghuhurumentado na ito ngayon.
Ilang sandaling natigilan ang hari. Tila prinoproseso ang aking mga salita. Maya't maya pa ay tumikhim ito at umayos ng tayo.
"A, ganoon ba?" Sabi pa nito bago muling ibinulsa ang mga kamay, "Paano mo naman nasabi na ayaw niya sa iyo?"
Bumuntong ako ng hininga.
"When I told her that I want her to be my friend, she ran," kwento ko bago tumuhog ng isang kwek-kwek at isinubo iyon.
Isang pitik sa noo na naman ang natanggap ko.
"Aray!"
"Sabing masama nga ang bumubuntong ng hininga sa harap ng pagkain," pag-uulit nito. Humugot siya nang isang malalim na hininga bago nagsalitang muli, "Ano bang ginawa mo at tumakbo siya? O baka may nasabi kang ikinatakot niya?"
Nagbaba ako ng tingin sa hawak na pagkain. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang maalala ang aking mga salita.
"I asked her if she'd be my girl friend," sabi ko sa isang mahinang boses.
Dumaan ang ilang segundo at wala pa rin siyang imik. I decided to look up to see if he's still there. Nakatanaw sa akin ang mga berde nito habang bahagyang nakaawang ang bibig.
"A-a-ano ulit ang tinanong mo? Gusto mo siyang maging girl..." Ginulo-gulo nitong bigla ang kanyang buhok, "Aya naman! Bakit ganoon ang tinanong mo?" Utas nito, pulang-pula na naman ang kanyang leeg.
"Hindi ko masyadong naisip ang itatanong..."
"Ha?! Pwede ba iyon? Baka inaakala na noon na..." Muli niyang ginulo ang buhok bago ako matamang tinitigan sa mata, may bahid ng inis ang kanyang mga berde, "Saan ba ang classroom niya at ako ang kakausap," deklara nito.
Mabilis naman akong umiling, "Huwag na!"
"Anong huwag na? Baka iba na ang iniisip noon ngayon! Kailangan nating itama kaagad..."
Muli akong umiling.
"Hindi ko rin naman alam kung anong grade siya o kung saan ang room niya. Nagkita lang kami sa CR ng mga babae," agap ko, "I wasn't really thinking when I asked her that. Na-excite kasi ako masyado na magkaroon ng kaibigang babae bukod kay Cecil..." Nahihiyang tugon ko.
Hindi ito sumagot. I looked up and saw that he was looking at the passing vehicles, like he was deep in thoughts. Biglang sumungaw sa isipan ko iyong huling imahe nilang dalawa ng kanyang kababata at agad na nanikip ang dibdib ko. Pinilit kong lunukin ang hanging nagbabara sa aking lalamunan.
"Uh... Nasaan na pala si Cecil?"
Muli niyang ibinaling ang paningin sa akin bago nagtaas ng isang kilay.
"Magkasama silang bumalik ni Kulas sa Maynila," simpleng sagot nito.
Panandalian akong natigilan.
"Magkasama sila ni Kulas?" Gulat na tanong ko sa nalaman.
"Ano naman ngayon kung magkasama sila? Naipasa ni Kulas ang UPCAT kaya doon na siya sa Diliman mag-aaral ng abogasya."
Napaawang ang bibig ko sa kanyang ibinalita.
"Kailan pa ito? Bakit parang hindi ko yata—" Agad akong tumigil sa pagsasalita nang maalalang umalis nga pala kami ng bansa.
Muling itinaas nito ang kanyang kilay habang nakapamulsa.
"Bigla ka kasing nawawala," may pait nitong tugon.
Agad naman akong nagbaba ng tingin.
"Saan pala kayo nagpunta? Ang sabi lang sa akin ni Milo ay kinuha ka ng iyong pamil—"
"You went to Kuya Milo?" Manghang tanong ko. Why haven't I heard about this? Wala namang naikwento si Kuya Milo sa akin.
Sandali siyang natigilan at saka nag-iwas ng tingin, tila may ibinubulong sa hangin.
"Ano?" Tanong ko.
"Wala," mabilis nitong tugon bago dinampot ang kanyang bag na inilapag sa kalsada, "Tara, uwi na tayo," sabi pa nito bago nagmamadaling tinungo ang kanyang motorsiklo.
Kumunot ang noo ko sa inasta nito. Agad akong tumayo para habulin siya.
"Ano nga iyon?" Pagpupumilit ko rito.
Saglit siyang huminto sa tabi ng kanyang motor. Tamad niyang isinalukbit ang bag sa kanyang balikat bago ako hinarap.
"Pinuntahan kita sa bahay niyo noong araw ding iyon. Nag-alala ako at baka iba ang pagkakaintindi mo nang madatnan mo kami ni Cel na ganoon," kumunot ang noo nitong nakipagtitigan sa akin, "Alam mo ba iyong pakiramdam na ikaw na nga iyong ginawang tanga, ikaw pa iyong na-guilty nang bigla mo na lang hindi mahagilap iyong taong gumawa sa iyo noon?" His piercing eyes burned me so I bit my lip and looked away.
Pero marahan nitong hinawakan ang aking baba para muling iharap sa kanyang mukha. Magkahalong yamot, tampo at lungkot ang sumasalamin sa mga mata nito.
"Oo nga't nagalit ako sa iyo noon. Napahiya rin dahil pinagyabang ko pa kay Cel na mas kilala kita. Iyon pala ay simula pa lang, talo na ako sa kanya," he said as his thumb gently swiped the skin on my chin sending tiny sparks to the resting butterflies in the pits of my stomach, "Pero galit lang ako noon. Hindi ko itatakwil ang pagkakaibigan natin nang ganoon lang."
Muli akong lumunok para iwala ang namumuong bara sa aking lalamunan nang maalala ang mga takot ko noon.
"K-kahit babae lang ako?" Halos pabulong kong tanong.
Ilang beses siyang kumurap habang iniintindi ang ibig sabihin ng aking salita. Pagkatapos ay dahan-dahang umangat ang isang dulo ng kanyang labi.
"Wala akong pakialam kahit ano ka pa. Hindi noon mababago ang tingin ko sa iyo," he stated and I felt the butterflies fluttered instantly inside me.
I stared at him, tongue-tied and heart in a knot. A month ago, I wallowed in sorrow thinking that I've already lost him. I didn't even think this was still possible.
Nag-somersault ang puso ko nang bigla niya akong nginitian at sabay na inakbayan.
"At saka, walang nangyari sa amin ni Cel. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako ganoon? Galing kami sa dagat noon. Iniligo ko ang init ng aking ulo. Sinundan ako ni Cel para kausapin tungkol sa iyo," kwento nito na may bakas ng tuwa ang tono.
"Nang abutan mo kami, nasa kalagitnaan na siya nang pagkukwento sa lahat ng kanyang mga nalalaman. Sinabihan ko noon sina Kulas na huwag kaming istorbuhin dahil ayaw kong marinig nila Jepoy iyong pinag-uusapan namin," biglang humina ang huli nitong sabi. Pansin ko ang bahagyang pamumula ng kanyang tainga hanggang leeg.
"Kaya iyon... pinuntahan kita sa inyo para makapag-usap tayo nang masinsinan pero wala ka na."
Bahagyang napatalon ang puso ko nang bumaling sa akin ang kanyang mga mata. Tipid siyang ngumiti bago ginulo-gulo ang buhok ko.
"Tinakot mo ako, alam mo ba?" Anito, "Akala ko hindi na kita muling makikita. Ang pangit pa naman nang huli nating pag-uusap," may pait na dagdag nito.
Dahan-dahan akong tumango.
"Biglaan din kasi iyong pagsundo sa akin. Hindi nga ako nakapagpaalam kay Kuya Milo," sabi ko habang pinagdarasal na sana'y hindi niya marinig ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
"Hmm..." Ngumuso ito bago tumango nang maraming beses, "Tara na. Maggagabi na. Baka hinahanap ka na sa inyo," sabi nito bago marahang tinapik ang aking ulo at nauna sa kanyang motorsiklo.
Lumapit ako habang pinagmamasdan siyang sumasakay. Isinusuot na niya ang kanyang helmet nang napagtanto ko kung ano ang aking suot. Kagat-labi akong napatingin sa aking uniporme. Papaano ako sasakay nito ngayon? Tulad ng dati?
"Helmet mo," sabi nito habang inilalahad ang isa pang helmet.
Inabot ko iyon matapos ayusin ang pagkakasalukbit ng dala kong sa aking balikat. Sasakay na sana ako nang lumingon sa akin ang hari na magkasalubong ang kilay.
"Anong ginagawa mo?"
"Sumasakay?"
"Bakit ganyan? Kita mong nakapalda ka, o!" Asik nito sabay nguso sa suot ko.
Kunot ang noo kong sinundan iyon ng tingin.
"Alam ko. Pero paano ako makakaangkas kung hindi—"
"Umupo ko nang pambabae! Iyong nakatagilid!"
Lalong lumalim ang kunot sa aking noo. Pambabae?! Bakit, babae lang ba ang umuupo nang ganoon?
Padabog akong umupo tulad ng utos nito at marahas na umuga ang aming sinasakyan.
"Dahan-dahan naman," angal pa nito bago pinaandar ang motorsiklo.
"Ang dami pa kasing nalalaman," sabi ko sa sarili habang pinapaikot ang mata.
"Ano iyon?" Tanong nitong nakahalata.
"Wala," sagot ko, hindi na naitago ang irita sa boses.
Tinawanan niya lang ang aking pagkaunsiyami.
"Kapit ka po at baka bigla ka na lang tumilapon," sabi pa nito, nandoon pa rin ang aliw sa kanyang boses.
Kahit naiinis, hindi pa rin mapigilan ng puso kong matuwa sa nangyayari. Nang nagsimula na kaming umusad, agad akong kumapit sa kanyang braso at bahagyang humilig sa kanyang likuran. Kaagad kong naramdaman ang paninigas ng kanyang katawan.
Magtatanong na sana ako nang bigla niyang inihinto ang sinasakyan namin sa gilid ng daan at agad akong sumalampak sa kanyang likuran.
"Sorry," agap niya matapos makababa.
Nang makababa na rin ako'y matalim ko siyang binalingan.
"Ano ba iyon?" Nakasimangot kong utas, "Bigla-bigla ka na lang huminto. Ano bang nangyari? Nasiraan ba tayo?" Tanong ko habang tinitingnan kung anong deperensiya ng kanyang motorsiklo.
"A..."
Nag-angat ako ng tingin at nakitang namumula ang mukha nito. Hindi rin niya ako matignan nang maayos.
"Anong problema?"
"M-m-may nakalimutan pa pala ako sa classroom namin!" Bulalas nito.
"Ha? Ano naman iyon?"
"A... I-i-iyong calculator ko! Scientific pa iyon! Mahal kaya kailangan kong balikan at baka may kumuha!" Sagot nito nang hindi pa rin ako tinitignan.
"Ganoon ba? Tara, balikan natin!" I suggested.
Nanlaki ang mga mata nito sa aking sinabi at mabilis na umiling.
"Ano... ako na lang ang babalik para mas mabilis. Dito ka na lang muna," sabi nito bago ikinawit ang dalang helmet sa hawakan ng kanyang motorsiklo at tinakbo ang direksyon ng aming paaralan.
"Tulungan na lang kita!" Sigaw ko pa.
Lumingon ito sa akin at umiling bago sumigaw din.
"Diyan ka lang! Hintayin mo ako!"
Wala akong nagawa kung hindi pagmasdan ang tumatakbo nitong bulto papunta sa LJU.
Lumipas ang ilang minuto, hindi pa rin siya bumabalik. Bagot kong nilaro ang hawak kong helmet nang may namalayang isang kumpol ng mga lalaki sa hindi kalayuan. Suot nila ang uniporme ng LJU.
College students?
Namilog ang mga mata ko at biglang kinabahan nang nakita ang isang pamilyar na bulto sa gitna nila at tila sapilitang hinihila papunta sa likod ng university.
What's going on? Where are they taking him?
When I saw one guy hit him in the gut, without any second thoughts, I placed the helmet on top of Reign's motorcycle and quickly went after them.