KABANATA 1
Hingal na hingal ako nang marating ang classroom namin.
That was close! I thought as I paused to catch my breath. And then I took a piece of paper from my pocket to check if I was really at the right place.
Room M2-C.
Great! I'm at the right room! I said to myself, relieved I haven't got lost even after all that running. Inayos ko ang aking sarili bago inilagay ang kamay sa hawakan ng pinto. Muli akong ginapangan ng kaba. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Paano kung malaman nila ang tungkol roon?
Mabilis kong iniling ang ulo.
Everything's in the past now. I have a new name... I... I can do this! I encouraged myself as I gripped the handle tighter.
"Excuse me, but will you hurry up so we can pass?"
"Uh, sorry!" Agap ko at mabilis na tumabi nang hindi sila tinitingnan.
"Weird girl," I heard one said as the rest of her group chuckled behind her.
Pumasok sila at inukupahan ang mga upuan malapit sa pinto. Katulad ko, suot din nila ang one-piece, sailor cut, white uniform na may emblem ng university sa bulsa na nasa may gawing kaliwa ng blouse. But I noticed that the length of their skirts were far shorter compared to mine. Lagpas tuhod ang haba nitong akin, habang iyong sa kanila naman ay at least apat na dangkal mula tuhod ang igsi.
I saw one girl glanced back at me. She was wearing her straight, black hair down with a fancy yellow ribbon on top of it. I could see that she was also wearing make-up. She looked so pretty for a second year middle school student. Nang magtaas siya ng isang kilay at pagkatapos ay bumulong sa kanyang mga kasamahan ay agad akong nag-iwas ng tingin.
"Are you going to stand there all day, Miss..."
Nanlaki ang mga mata nang may biglang humablot sa aking ID.
"...Moritake?"
"Hey!" Angal ko sabay bawi ng ID ko.
"What's going on, brother?" Isa pang lalaki ang dumating at tumabi sa mapangahas. Kambal?
Napakurap ako nang ilang beses nang mamukhaan ang dalawa.
Where did I see these two again?
Namilog ang mata noong kararating na lalaki at sabay turo sa akin. Kumunot ang noo ko nang bigla na lang tinakpan ang bibig nito noong nauna at saka hinila papasok sa aming classroom.
Okay, that was weird. I thought as I fixed my ID sling.
Nagsisidatingan na ang iba pang mga estudyante at kailangan ko na ring pumasok. I took a deep breath as I gathered all my courage. Kaya ko ito! I gave myself another push before stepping forward.
Agad na nagsitingan ang mga tao sa akong gawi. Iyong iba sa kanila ay tinuturo ako habang kausap ang kanilang mga kaibigan. Iyong iba naman ay tahimik lang na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa bago babalik sa kanilang mga ginagawa. The girls from before, especially, took an extra time observing before returning to their circle and giggling.
I took the seat by the window at the very back of the room. I figured I could avoid the unnecessary attention by sitting there. I saw the twins sitting at the middle rows of the room. Panay pa rin ang turo sa akin noong isa habang kinakausap ang kanyang kambal. Pero wala namang pakialam ang kausap nito.
Patuloy pa rin ang bulungan ng mga tao. Kalimitan, nagkukwento sila tungkol sa mga karanasan nila nitong bakasyon. I heard this fellow talking about how much he enjoyed the beaches in Hawaii. There were those who talked about the latest games they've purchased and how they enjoyed playing all summer.
The others, especially the girls, were talking about the new Prada bag that came out and the new make-up kits they've bought. Others showed the new jewelries they're wearing and where they got them. Some were even asking their friends about the dates they went to with their boyfriends or about the cute boys they got to know during vacation.
Seriously? Aren't these guys just fourteen too? Bahagyang kumunot ang noo ko sa mga naririnig. Hindi makapaniwalang iyon ang mga pinagkakaabalahan ng mga ito. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon na lamang sa labas ng bintana.
The skies were blue. And although it's still too hot outside, that didn't stop the people being festive for the opening of the classes. I remembered the pair of emeralds I coincidentally bumped a while ago. I forgot that it's his first day of class in this school as a college student.
Kumusta kaya ang unang araw niya? Medyo mainit ang ulo niya kanina. Did he get lost? Did he make friends already? Maybe he did. Sino bang ayaw maging kaibigan ang isang katulad niya? Humilig pa ako sa aking desk habang patuloy na pinagmamasdan ang bughaw na kalangitan. I hope I can make new friends here as well.
"Moritake, Ayana? Moritake, Ayana, are you listening?"
Napapitlag ako nang may sumigaw ng pangalan ko. Agad akong napatayo nang tuwid.
"Yes, Sir?"
Isang matandang babae ang nagtaas ng kilay sa aming harapan, nakapamaywang ito at hawak ang may hawak na class record sa isang kamay. Nagtawanan naman ang aking mga kaklase sa nangyari. I could feel the rush of my blood towards my cheeks.
"First day of class and your mind is already floating elsewhere, Miss Moritake?"
"I'm sorry, Ma'am. This won't happen again," pangako ko.
Tumikhim pa ito at hinagod ako ng tingin bago nagpatuloy sa kanyang pagtawag ng mga pangalan.
Great! What an impressive way to start my first day of school! I berated myself as I quickly took a seat and avoided any eye contact.
Mabilis na natapos ang klase. Inaayos ko na ang mga gamit ko para sa paglipat ng classroom. I realized that going to a physical school was very different than what I was used to. The subjects were alternately divided everyday. The classes started at seven-thirty in the morning and would end at four-thirty in the afternoon. We have two 30-minute recesses; one in the morning and another one in the afternoon, and an hour lunch break. Depending on the subject, sometimes we have to transfer to other rooms like this next subject.
"They weren't exaggerating when they said you'd be beautiful."
Halos mapatalon ako sa biglang nagsalita. It was the other guy from a while ago.
"Excuse me?" Sagot ko. I noticed his twin was already waiting for him by the door.
Tumayo ito at pansin ko agad ang kanyang tangkad. For a fourteen-year old, he's very tall.
Pero mas matangkad pa rin si Reign. Sumimangot ako sa naisip. Ano naman ang kinalaman ng isang iyon rito?
"Hindi mo ba ako kilala?"
Kumunot ang noo ko sa tanong nito. Sino ba ang isang ito? Umiling na lang ako dahil nagmamadali akong ayusin ang mga gamit ko para makaalis na.
Muli akong napatingin sa kanya nang marinig itong tumawa. Ilang sandali pa ay inabot nito ang kanyang kamay.
"Hajimemashite. I'm Kou Yazaki and that's my twin brother Kai," sabi nito sabay turo sa kapatid niyang nakahalukipkip na sa may pintuan.
Yazaki? As in the Yazaki Financial Group?
Ilang sandali ko pang tinitigan ang nilahad nitong kamay. Nagulat ako nang bigla nitong kinuha ang aking kamay para kamayan.
"It's so nice to finally meet you, Ayana-san," masigla nitong tugon.
"Kou, we're going to be late," bagot na sabi ng naghihintay pa rin nitong kapatid.
"Hai, hai!" Mabilis na sagot nito bago ako muling hinarap, "Ja, yoroshiku ne? See you in our next class!" Sabi pa nito na may kasabay na kindat bago pinuntahan ang kapatid.
Bago umalis iyong dalawa, sandaling napalingon sa akin iyong nagngangalang Kai. His eyes were bored but there was also something dark in them.
Masaka... baka namamalikmata lang ako. I've never met them... Pero paano nila ako nakilala? Don't tell me...
Bigla akong ginapangan ng kaba. Images of the children from the orphanage flashed before me. Mabilis kong iniling ang ulo para maiwala ang mga imahe.
Chigau. Chigau. Those two don't know me. And besides, I'm not the weak girl I used to be. Isinukbit ko ang aking bag bago tumulak papunta sa kasunod na subject.
Break time na noon sa hapon at naghahanda na kami para sa aming P.E subject. Matapos naming magbihis, sabay-sabay uli kaming tumungo sa gym ng university. Halos magkakilala na ang lahat ng aking mga kaklase, habang ako ay wala pa ring naging kaibigan. Nahihiya akong lumapit at makipag-usap. They've been talking about things I couldn't relate to.
"Have you seen Drake lately?" Giggling.
"He's become hotter every day, doesn't he?" More giggling.
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Oo nga pala at dito rin nag-aaral iyong demonyong iyon. Hindi ko lang inakalang hanggang sa Middle School ay kilala pa rin siya.
"But wait!" Bulalas ng isa pa naming kaklase, "Have you heard about this new guy? They said he's way hotter than any member of the Emperors."
Tungkol lang ba sa mga lalaki ang alam nilang pag-usapan? I thought as I tried walking past them.
"He's got this brown, sexy hair, sumptuous green eyes and a body that would make Adonis run for his money."
Napatigil ako sa narinig. What?
"Oh, my gosh! I've heard about him! Is that the one from Engineering, right? The one that came from the public school?"
Hindi naman siguro si Reign ang tinutukoy nila. Like how many green-eyed boys are in this school, right? I dismissed the thought and continued walking behind these chatting girls.
"I've heard about him too! He's a working scholar here apparently."
"A what? Working scholar? Eww... He's that poor?"
I could imagine Reign staying behind after class as he cleaned the pool or arranged books in the library. In my mind, those didn't make him less attractive. Ramdam ko ang paggapang ng init papunta sa aking mukha nang matanto ang iniisip.
Idiot. The guy literally hates you and you're still daydreaming about him? Ilang beses kong sinapak ang sarili sa isipan.
Nabangga ako sa sinusundan kong kaklase nang bigla silang nagsitigil. Lumingon ito sa akin at matalim akong tinitigan.
"Sorry," mahinang sabi ko pero agad itong nalunod nang sabay-sabay nagsigawan ang mga babae.
"The Emperoars are playing!" Sigaw ng isa naming kaklaseng babae.
"Is it a tryout for the freshmen?" narinig kong tanong ng isa.
"Oh, my gosh! He's here! The newbie's here!" Bulong ng isang babaeng katabi ko sa kanyang kasamahan at sabay silang tumili.
Nag-uunahan na naman ang t***k ng puso ko sa narinig. He's here? Reign's here?
I strained my neck to get a better view. Kahit na mas matangkad ako kung ikukumpara sa lahat ng babaeng kaklase namin, natatabunan pa rin ang palabas ng mga nagtatangkarang mga lalaki sa aming harapan.
"Don't give him any chances, Drake!" Narinig kong sigaw noong isang Yazaki.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Nandito si Drake?
Despite the protests, I made my way towards the front to see what the commotion was really about.
"Excuse me," sabi ko sa mga nadaanan. Agad silang sumimangot pero hindi ko na lang iyon pinansin.
"Press him. Don't let him have the ball!"
Sinong...
Nalaglag ang panga ko nang makita si Drake na nakikipag-one on one kay Reign. Nasa kanya ang bola at hirap ang haring makuha ito. Panay ang hiyawan ng mga taong nanunuod sa kanilang paglalaban.
Nang napagawi ang tingin ni Drake sa akin ay agad nitong binitawan ang bola.
"Kitten!" Biglang sigaw nito.
Nagbulungan ang mga tao sa sinigaw nito. Lahat hinahanap kung sino ang tinutukoy. Maging ang humihingal na Reign ay sumisilip na rin. Hindi niya ako lubos makita dahil nakaharang ang demonyo sa pagitan namin.
Kung hindi ba naman... Nanlaki ang mata ko nang mabilis itong tumakbo sa aking direksyon.
"Ohisashiburi! I missed you!"
Mabilis akong umilag nang yayakap na sana ang pawisan nitong katawan sa akin. Nagsitinginan ang mga tao sa aking gawi at agad na nagbulungan. So much for avoiding unnecessary attention.
"Ian?"
Nanigas ang katawan ko nang nagsalita ang taong katunggali ni Drake.
Dahan-dahang nagpakita ang pawisang bulto nito sa linya ng aking paningin. I could already make out his sweaty arms when Drake suddenly wrapped me in his arms, completely blocking my sight of Reign.
"I can't believe I'd see you here, kitten! Where have you been? I've longed to see you!" Sigaw pa nitong basang demonyo.
Itutulak ko na sana ito nang may marahas na humila nito palayo sa akin. Napaupo ito sa sahig sa lakas ng pagkahila. Bago pa ako nakagalaw, mabilis na hinarang noong humila ang kanyang katawan sa aking harapan, his left arm protectively barring me from the person who's currently on the floor.
The gym was filled with gasped when this happened.
"Huwag kang magkakamaling saktan ni isang hibla ng buhok ni Ian, hindi talaga kita sasantohin!" Asik nito at kahit may kaba, nagawa pa ring matuwa ng bata kong puso.
Kaagad din namang dinaluhan ng iba pang miyembro ng Emperors ang kanilang leader at tinulungang makatayo. Marahas nitong tinanggihan ang kanyang mga tauhan at galit na tumayo.
"Bakit ko naman sasaktan si AYA? SHE's my kitten," matapang na sagot nito, emphasizing on certain words.
Naramdaman ko ang bahagyang paninigas ng katawan ng taong nasa aking harapan. Nang nagkaroon ako ng lakas para tingnan ang kanyang mukha, nakita kong nakaigting ang panga nito habang matalim na tinitignan ang kaharap.
"Nakalimutan mo rin yatang magkaibigan kami ni AYA? Hmm?" Dagdag pa ni Drake na ngayon ay unti-unting lumalapit.
When he got nearer, he grabbed Reign's shirt and pulled him closer to him. Kitang-kita ang makamandag nitong titig para sa hari mula sa aking kinatatayuan.
"Ikaw? Sino ka naman kay AYA? Kaibigan?" Panandalian akong sinilip ni Drake, matamis akong nginitian, bago ibinalik ang matalim na paningin sa kanyang kaharap, "Do you even deserve her friendship, bimbonin?"
Ilang saglit pa silang nagtagisan ng titig. Nagpatuloy naman ang bulung-bulungan ng mga tao habang nakaturo sa akin. I even caught one of my classmates, the girl with the yellow ribbon on her hair, sending daggers at me through her eyes. I bit my lip as I avoided her gaze.
This is not what I had in mind for my first day in school. Papaano pa ako makakahanap ng magiging kaibigan nito?
"What is this commotion about?!"
Mabilis na nagsilikas ang mga estudyante nang marinig ang tinig ng isang guro.
"Go to your classes!"
Nataranta na rin ako nang nagsialisan ang aking mga kaklase.
Kailangan ko na ring umalis! I thought when a strong hand suddenly grabbed my arm and pulled me away.
Tumakbo kami palabas ng gym at hindi tumigil hanggang sa narating namin ang rooftop ng isa sa mga gusali.
"Bakit mo ako dinala rito? May klase pa ako!" Utas ko sa gitna ng paghahabol ko sa aking hininga.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng aking kasama bago ako hinarap. Bahagya akong napaatras nang makita ang galit sa berde nitong mga mata.
"Kung hindi kita dinala rito baka tinakbuhan mo na naman ako," mariin nitong sabi bago ginulo-gulo ang buhok, "Bakit ba ang hilig mong tumakbo?" Tanong nito, his eyes told me that I frustrated him so much.
Hindi ako nakasagot. Hindi ba't galit siya sa akin? Hindi ba't ayaw niya na akong makita?
Kinagat ko ang aking labi at nag-iwas ng tingin.
"Kailangan ko ng bumalik sa klase," sabi ko na lang nang hindi siya tinitingnan.
"Ano? Pagkatapos nang mahigit isang buwan, hindi mo ako kakausapin? Iiwasan mo na lang ako?" I could sense pain in his words. Pero para saan?
Iyong kirot na naramdaman ko sa loob ng nagdaang buwan ay bumalik at nahaluan ng isa pang emosyon.
"Bakit naman kita kakausapin? Hindi ba't sabi mo hindi mo ako kaibigan? Pinaalis mo ako noon at sabi mo nagkamali ka, hindi ba?" Asik ko rito. I could literally hear the loud beating of heart as I stared into his green ones.
Sandali siyang natigilan sa pinakita kong galit.
"Oo, nagalit ako nang malaman kong pinagsinungalingan mo kami sa loob ng dalawang taon nating pagkakaibigan. Pinagsinungalingan mo ako! Pinagkatiwalaan kita! Tapos malalaman kong niloko mo lang kami?! Ginawang tanga?! Pinaglaruan?! May kaibigan bang ganoon?! Siyempre nagalit ako! Nasaktan ako!"
Napasinghap ako sa kanyang mga ipinahayag. He was pacing back and forth while frustratedly pulling his hair. And when he returned his gaze back to me, my heart literally skipped her beat.
"Pero hindi ko pa ring magawang itakwil ka," marahan nitong tugon. Wala na ang galit sa mga mata nito at napalitan ng pagsusumamo, "Huwag mo naman akong takbuhan."
I bit my lip as I struggled to keep my teenage heart calm.
Nakita ko siyang huminga nang malalim bago ako nilapitan. Kinabahan ako nang makita kung gaano siya kalapit. Yumuko siya nang kaunti para magpantay ang aming paningin. Lalo pang lumakas ang kalabog ng aking puso nang maamoy ang kanyang bango.
"Magkaibigan pa rin tayo kahit niloko mo ako."
Tama iyon. Niloko kita. So I don't deserve your friendship. I bitterly said to myself.
"Kaya mula ngayon, mangako kang hinding-hindi na magsisinungaling. Hinding-hindi mo na ako lolokohin."
Para saan pa? Mas mabuting hindi na lang tayo maging magkaibigan. Sabi ko sa aking sarili na hindi ko maisatinig dahil naduduwag na naman ako.
Mag-iiwas sana ako ng tingin nang marahan niyang hinawakan ang aking panga para hindi ko iyon magawa. Panandalian niyang tinitigan ang mga labi ko bago inilipat sa aking mga mata. Ilan pang kalampugan sa dibdib ko ang naganap nang magtama ang aming mga paningin.
"At tulad ng pangako ko sa iyo dati, hinding-hindi kita pababayaan. Hinding-hindi rin iiwanan. Ako pa rin ang hari mo... Aya."