CHAPTER 1: Pilot

1301 Words
ZHAINA’S POV "MISS FRANCHESKA," tawag ng chaperone ko as he opened the door of limousine. He stretched his right hand towards me para alalayan ako sa pagbaba ng sasakyan. Nakita ko ang mga taong naglalakad wearing their elegant dress walking on the red carpet papasok sa Hotel. Halatang mayayaman at sikat na mga tao ang imbitado sa Grand Opening ng Miyuri Park Hotel na pagmamay-ari ni papa.  Simula kasi no'ng sumakabilang buhay na si kuya ay nagkaroon ng malaking gusot ang dating negosyo namin, naisipan ni papa na magtayo ulit ng bagong negosyo kaya itong Hotel ang naging produkto. Nalulungkot ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin malutas ang kaso ng kuya ko na dalawang taon na ang nakalipas ngunit di pa rin naming nakuha ang hustisya. I won't give up! I'll find another way just to solve this case! Kaya umuwi ako ng Pinas from Japan para mahanap kung sino ang pumatay kay kuya! Although my parents don't know about my motive, much better nga siguro na 'di nila alam para walang pumigil sa'kin. I know this will be hard for me since I don't have any idea kung paano gawin amg imbestigasyon gaya ng napapanuod ko sa telebisyon.  Sana kahit man lang isang taong puwedi mahingan ng tulong tungkol dito ay matagpuan ko. Naglakad na ako papasok sa function hall. The venue had a stunning view of decorations that made me amazed. Akala ko magiging boring ang Grand Opening Party pero 'di naman pala dahil marami akong nakilalang mga sikat na artista at mga kilalang tao sa bansa. Nagtungo na ako sa aking puwesto habang pinapakinggan ko ang live band nang biglang may tumawag sa buong pangalan ko. "Francheska Zhaina Yoshida!" Tawag ng isang matalik kong kaibigan na after four years ngayon lang kami muli nagkita. "Lizzy," I smiled at her while waving my hand. She suddenly hugged me tight. "Hohemji Francheska! I missed you so much! Why didn't you tell me that you went home na? 'Di man lang ako nakapaghanda ng Welcome Party sa'yo." Humiwalay ako sa yakap niya.  "Sorry. Biglaan lang din kasi eh." She is Lizzy Madrigal, my childhood best friend since elementary. Nag-migrate kasi kami sa Japan when I was thirteen years old kaya 'di ko natapos ang second semester ko bilang grade seven. "By the way, kumusta na at ano na ang balita kay Erickson Hernandez?" Ang maligayang mukha niya ay biglang naglaho at napalitan ng kalungkutan. May masama bang nangyari sa kaniya? Bakit gano'n siya kung mag-react? "Actually..." Nanlaki ang kaniyang mga mata nang may nakita siya sa likuran ko. Lumingon ako at natantuan ko si Erickson. He was tall right now and yet still handsome. Pero parang may nagbago sa kaniya, 'di ko lang ma-explain.  Nagtungo siya sa water station at may kinausap na around seven years old na bata. "Well, I can't tell you right now long story kasi. Much better if you find out yourself," wika nito sa'kin at umalis siya sa harapan ko. She looked scared. May nangyari ba na 'di ko alam? Si Erickson Hernandez, ang lalakeng unang nagpatibok ng puso ko. Naalala ko bigla kung paano ko siya nakilala nong grade seven student pa kami. Habang nag-aantay ako ng sundo ay nakita ko si Erickson kasama ng kaniyang mga kaibigan na naglalakad palabas ng campus. "Franscheska nandito na sundo mo!" sigaw ni Lizzy. Kaagad akong tumakbo at bigla ko nabangga si Erickson. The scent of his uniform was very attractive na hanggang ngayon 'di ko pa rin makalimutan. Tumingala ako at do'n ko napagtanto na kanina pa niya ako tinititigan. My heart won't stop beating fast kaya agad akong umiling at humiwalay sa kaniya. "Pasensya na 'di kita nakita," paumanhin kong sabi habang nakayuko sa kaniya. "Okay lang,” sagot niya. "Alis na ako, bye!"paalam ko sa kaniya. "Zhaina—" 'Di ko na narinig ang mga sinasabi niya dahil inunahan ako ng kaba kaya dagli akong umalis. Nasa kalagitnaan na ng taon nang biglaan ang pag-migrate namin sa Japan. Malungkot at mabigat sa pakiramdam tuwing naaalala ko ang aking mga kaibigan, lalo na si Erickson. No’ng oras na aalis na kami sa Pilipinas ay 'di ko man lang nagawang magpaalam sa kaniya. Minahal ko na nga talaga si Erickson na hanggang ngayon gano'n pa rin ang nararamdaman ko para sa kaniya. 'Di ko alam kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap lalo na't bumalik na ako ng Pilipinas para makamit ang hustisya ng kuya ko. Pinapunta ako ng aking mga magulang sa lugar nila para ipakilala ako sa mga bisita. "This is my only daughter, Francheska Zhaina Yoshida,” maligayang pagpapakilala ng aking mama.  “Please say hi to Ms. Lopez ang Architect na nagdesign ng building na ito and Mr. Emerson the Mystery Novelist ang nag-invest para sa negosyong ito,” wika ni papa sa akin. "Nice to meet you po," ngiting pagbati ko sa kanila. Umupo ako sa tabi ni mama at sila ay nagsimulang mag-kuwentuhan ng kung ano-anong bagay na 'di naman ako nakaka-relate. Biglang dumating ang isang babae na naka-coat at naka-gloves. "Pasensya na na-late ako dahil ang lakas ng ulan kaya 'eto ang suot ko ngayon at mabilis lang ako makaramdam ng lamig," paumanhing wika niya. "It's okay, we're just getting started. By the way, this is Mrs. Nory Villegas ang Engineer na tumulong sa'tin ipatayo ang hotel at ang asawa ng ating Chef ngayon," pagpapakilala ni papa sa amin. Umupo siya sa gitna nina Ms. Lopez at Mr. Emerson. "Ang sarap naman pala ng mga pagkain hinanda mo lalo na ang cake na 'to," pagbibigay puri ni mama kay Eng. Nory. Na-curious ako kaya't kinain ko ang isang slice ng cake at 'di naman ako nabigo dahil masarap naman talaga. "Salamat. Nahihiya na nga ako sa kaniya dahil ako ang palaging pinagluluto niya kaya naisip ko rin na paglutuin siya." May pinakita siyang maliit na notebook galing sa bulsa ng coat niya. Ang weird ng string ng notebook dahil wala sa ayos ito na anytime masusugatan ka. Siguro matagal na ‘yang notebook. "Kaya 'etong recipe notebook niya ang pinagaaralan ko," ngiting wika ni Eng. Nory. Biglang tumayo si Ms. Lopez  "Excuse me, mag-cr lang ako." "Maraming tao sa main cr. I suggest na sa kusina ka na lang," ngiting wika ni Eng.Nory sa kaniya. "Okay po,"  saka siya umalis. Nanlaki naman ang mga mata ko sa katagang po. Basically, same level of profession sila. Well, wala naman akong magagawa, 'di ko naman alam ang buong istorya at kung tutuosin sa hitsura pa lang ay mas bata itong si Ms. Lopez, kaya gano'n nga siguro siya gumalang. At baka may ugnayan silang dalawa? Naramdaman kong may dumaan sa likuran ko. Nabigla akong makita si Erickson na kinakausap ni Mr. Emerson. Tumingin siya sa direksyon ko ngunit walang kibo na para bang 'di niya ako nakikilala. Usually, pag tinitingnan niya ay agad-agad siyang ngingiti o babati pero ngayon nag-iba na siya. Matapos siyang kausapin ni Mr. Emerson ay muli niya akong dinaanan. Nagtatampo ba siya dahil sa bigla ko siyang iniwan?  Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Mas masakit pala kumpara sa seen-zoned na ginawa niya sa Messenger. "Teka, bakit 'di natin siya tawagin at ipakilala sa mga taong nandito?" suggestion ni mama. Tinawag ni mama ang isang staff upang papuntahin sa function hall si Chef Yuhan at ipakilala sa mga taong dumalo. Pagkatapos no'n ay dumating na si Ms. Lopez at umupo sa kaniyang puwesto. Isang sigaw na malakas ang narinig namin galing sa loob ng kusina. Agad naman kaming tumakbo patungo sa lugar na iyon. Biglang tumayo ang aking mga balahibo nang makita ko si Chef Yuhan na nakahandusay sa upuan. Naka-upo siya kaharap ang isang bowl ng soup sa mesa niya. Ang kanyang kanang kamay ay nakapatong sa mesa na may itong kutsara.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD