CHAPTER 2: The Notebook

1318 Words
ZHAINA'S POV   Food poisoning? As I looked at him, he had a bluish or purplish discoloration of the skin but I don't know what kind of food poisoning that the killer used. Tumakbo si Erickson sa lugar ng biktima at inusisa kung unconscious ito. Nabigla ako sa hitsura at aura niya. 'Di ko mai-pinta sa aking isip ang dating Erickson na kilala ko noon, na ngayon ibang-iba na. "He's dead," matamlay na sabi niya sa harapan namin. Tatakbo na sana si Eng. Nory para makita ang kaniyang asawa ngunit pinigilan siya ni Erickson. "No one can come into this room hanggat 'di pa dumarating ang mga pulis!" "Zhaina, tumawag ka ng pulis,"d agdag niya. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa muling niyang pagbigkas ng aking pangalan makalipas ng ilang taon. Parang nag-flashback lahat kung paano niya ako nginingitian at kung paano niya ako tinatawagan. I called the police about the crime and give the address. Agad na kinuha ni Erickson ang camera at kinuhaan ng litrato ang biktima. Napansin kong tumutulo ang mga luha ni Ms. Lopez. Teka, may ugnayan ba siya kay Chef Yuhan? Bakit gano'n siya ka-affected? "The rigor mortis on his jaw hasn't set it yet, his pupils have begun dilating, the skin started to become a bluish or purplish color and seeing his body temperature is dropping that leads me to believe that it hasn't been about 40-50 minutes since his dead. Looking at this case, food poisoning ang cause of death niya. I predict that the poison of the suspect used was arsenic dahil sa cyanosis o pag-iba ng color ng balat niya and also Arsenic is extremely toxic," biglang paliwanag niya. “Rigor mortis is one of the recognizable signs of death that is caused by chemical change in the muscles after death, causing the limbs of the corpse to become stiff. It commences after a few hours, reaches maximum stiffness after 12 hours, and gradually dissipates until approximately 72 hours after death,” dagdag pa niya. Lahat kami ay namangha sa mga kinikilos niya. He looks like a professional investigator. The way he explores the crime scene mukha siyang detective. Mga ilang sandali ay dumating na ang mga pulis na kasama ang isang Inspector. Nabigla ako sa Inspector na iyon dahil halos magkasing edad lang sila ni kuya, late twenty’s yata? Well, 'di ko naman maitatanggi na may hitsura siya, attractive, maputi at medyo mas matangkad lang ng kaunti kay Erickson. Isinalaysay ni Mr. Emerson ang mga nangyari kaya sinimulan na tanungin ni Inspector ang mga taong involve sa kaso. Sinimulan na imbestigahan ng mga pulis ang kitchen at naglagay sila ng tape caution sa paligid ng scene. "Ngayon, ang unang nakakita ay ikaw Ms. Hanna na isang staff dito, tama ba?" tanong ni Inspector Louise. "Y-yes." "At about seven pm, fourty to fifty minutes ago, where were you?" "Around seven pm, naglalatag ako ng mga pagkain sa loob ng hall kasama ng ibang staff kaya naiwan lang si Chef Yuhan mag-isa. Inutusan ako ni Mrs. Yoshida para tawagin si Chef Yuhan at ayon natagpuan ko siyang ganyan kaya napasigaw ako sa takot," paliwanag niya sa amin. Kinompirma naman ni mama dahil 'yon naman talaga ang nangyari. "May tao bang pumasok sa kitchen area bago dumating si Ms.Hanna?" tanong ni Erickson. "Si Architect Lopez! Siya ang pumasok sa kitchen area! Pumunta siya sa cr at sinamantala niya ang pagkakataon para patayin ang asawa ko!" giit ni Eng.Nory. Lahat kami nagsilingon sa kaniya. Tama na pumasok siya sa room na ito. Kaya ba umiyak siya dahil nagsisi siyang pinatay niya si Chef Yuhan? Pero parang may mali. bakit ang bilis naman if forty to fifty minutes na nagdaan? I won't jump into conclusion unless there is an evidence. "Tama ba 'yon Ms. Lopez?" tanong ni Mr. Emerson. "Totoong pumasok ako sa cr kanina pero hindi totoo na pinatay ko siya," depensa niya. "Mga ilang minuto ka mula pagpasok mo sa loob ng CR o sa kitchen area at paglabas mo sa kuwartong ito?" tanong ni Inspector Louise. "Mga fifteen minutes." "See? Ikaw ang pumatay sa aking asawa!" pagsisigaw ni Eng.Nory. Hindi ko alam pero sumabat ako sa usapan nila. "No. She's not the murderer. Looking at the time interval, kung si Ms. Lopez ang pumatay kay Chef Yuhan dapat after doing a crime at no'ng bumalik siya sa puwesto matagal pa bago natagpuang patay si Chef Yuhan," salaysay ko. I was totally shocked after saying those words! Bigla-bigla na lang kasing lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon. Nagulat din naman sila mama at papa sa mga sinasabi ko at binulungan na wag makialam sa kasong ito. Sa likuran ko ay biglang lumitaw ang imahe ni Lizzy. Tumingin siya sa'kin at nginitian lang niya ako and I also did it back. Tumingin ako sa dakong lugar ni Erickson, he was busy looking at the floor at may natagpuan siyang parang a piece of paper. Kinuha niya ito gamit ng kaniyang panyo at kaniya itong isiniyasat. It's not an ordinary paper dahil mukha siyang glossy type. Parang band-aid peel? Ibinigay ni Erickson kay Inspector at inilagay naman ni Inspector Louise sa isang ziplock ang peel na iyon. Pinagmamasdan niya kaming siyam. Ako, si mama at papa, si Mr. Emerson, si Eng. Nory, si Ms. Lopez, si Ms. Hanna, ang isang staff at ng isang batang lalake. Teka, siya 'yong kausap ni Erickson kanina sa water station? "My point si Zhaina but we don't have an enough evidence to clear up that she is an innocent," wika ni Erickson. "Sir. May blood stain sa pocket ni Chef Yuhan," pagbibigay impormasyon ng isang pulis. Inusisa naman ni Erickson ang damit ni Chef Yuhan t'saka humarap samin at tinanong si Ms. Lopez. "Ms. Lopez may I ask you, marunong ka bang magluto?" tanong ni Erickson. "Yes. Pero 'di kasing galing ni Chef Yuhan." "So alam mo na mas magaling si Chef Yuhan sa'yo? Tinuturuan ka ba niyang magluto?" tanong niya ulit. "Y-yes... Minsan." "Minsan? Gaano kadalas ang pagtuturo niya?" "Pag may vacant time siya. Madalas pag gabi." "Ano-anong mga klaseng pagluluto ang tinuturo niya sa'yo?" "French style, soup at pagba-bake lang ako nagpapaturo." "Mga ilang beses niyo ginagawa ang cooking session?" "Ten times na, I think." "Ten times? So bali ang vacant time na mayroon si Chef Yuhan ay ginugugol niyo lamang sa cooking session?" "H-hindi ko alam sa kaniya. Pero halos lahat ng vacant time ko ay ginagamit ko para matuto lang akong magluto." "Last question, sayo ba ang soup na 'yon? Ikaw ba ang nagluto?" Nagulat kami nang biglang nagsalita si Ms. Hanna. "Ah. Naalala ko na! May inabot na pagkain si Ms. Lopez para kay Chef Yuhan bago kaming mga staff nagsi-alisan sa cooking room. Siguro 'yon na nga ang soup. Tapos habang nagaayos kami ng mga pagkain ay biglang tinawag ako ni Chef Yuhan dahil may i-u-utos siya sa akin kaya agad akong bumalik sa cooking room. Si Wena ang aking witness dahil siya ang inutusang tawagin ako," pagsingit ni Ms. Hanna. Kinumpirma naman ni Ms. Wena na tama ang mga sinasalaysay ni Ms. Hanna. "Totoo ba 'yon Ms. Lopez?" "T-totoo nga 'yon. Pero 'di talaga ako ang pumatay kay Chef Yuhan! Please believe me!" mangiyak na salita niya sa amin. Lumipat naman ang tingin ni Erickson kay Eng. Nory. "Ikaw Eng. Nory. Do you know how to cook? " "I'm just getting started." "What kind of menu ang pinag-aaralan mo?" Kinuha niya ang kaniyang maliit na notebook recipe galing sa kaniyang bulsa at inabot kay Erickson. "So, napag-aralan mo na ba ito lahat?" "Hindi. Nasa recipe No. 5 pa lamang ako." Ngumiti si Erickson na para bang alam na niya ang sagot. Tumingin siya sa lugar ng batang lalake. Ano ba talaga ugnayan ng batang ito kay Erickson? "I finally understand,"wika ni Erickson. "Alam mo na kung sino ang kriminal?"tanong ni Inspector Louise. "Yes." he said confidently.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD