Chapter 02

1048 Words
"Pakawalan niyo ako, please!" sigaw ni Jessie sa apat na sigang lalaki. Nakatali siya ngayon sa isang upuan. Kanina pa siya atat na atat na labanan ang mga 'to pero hindi niya pa nagawa ang nais niyang gawin. Pinili niyang magkunwaring walang laban para magawa nang maayos ang nais niya sa apat na lalaking ito. "Paano namin pakakawalan ang isang magandang dilag na katulad mo Miss? " Maangas na tugon ng lalaking may suot na sumbrero. Yumuko si Jessie. Lalo na nang unti-unti na rin nagbago ang pakiramdam niya. Unti-unti nang uminit ang kanyang sistema na kanina pa niya pinilit na mapigilan. Hindi pa tamang oras para lumaban. Hindi pa niya nabasa ang isip ng apat na lalaking ito. Malaki ang kutob ni Jessie na may makukuha siyang kunting impormasyon sa mga 'to kaya pinili niyang pagluruan siya ng mga 'to. Kahit na alam niyang nakakaasar na. "H'wag niyo akong subukan," si Jessie na unti-unti nang nagdilim ang boses. Humalakhak ang lalaking may sumbrero. Siguro ito ang kinikilala nilang lider dahil sa kanya nasusunod ang mga utos. Napaawang ang bibig ni Jessie. Pumikit ito't kinuyom ang mga kamao sa galit. Mas lalo lang nabuo ang init sa katawan ni Jessie nang maramdaman ang kamay ng isa sa apat na mga sigang lalaking nakapalibot sa kanya. "Ibigay mo na lang kasi ang gusto namin Miss. Sisiguraduhin naming hindi ka magsisisi sa pasya mo. Isang beses lang naman," mas lalong umawang ang panga ni Jessie nang maramdaman ang kamay ng lalaking siga na marahang pinausad sa kanyang puson. Mabilis na inangat ni Jessie ang kanyang mukha. Tag-iisa niyang tiningan ang apat na lalaki na ngayon ay pinagdidiskitahan siya. Nagulat ang apat na lalaki sa nakita nilang reaksyon na meron ngayon si Jessie. Ang dalawang mata nito'y naging kulay dilaw. Ang kaninang maamong mukha ay naging nakakatakot. Ang mga labi ni Jessie ay mas lalo lang namumula. Makikita sa mukha nito kung paano magalit ang isang diyos. Mabilis na umatras ang apat na lalaki na kanina'y umaaligid kay Jessie. Gamit ang lakas na meron si Jessie ay walang kahirap-hirap niyang tinanggal ang tali sa upuan. Tumayo ito at sinipa ang upuan kung saan siya nakatali kanina. "Anong klaseng nilalang ka?" Gulat na tanong ng lalaking alam niyang ang lalaking ito ang muntik nang galawin ang katawan niya kanina. "Sinabi ko sa inyo na h'wag niyo akong subukan," umiling si Jessie. Marahang pinaikot-ikot ni Jessie ang mga kamao niya saka mas lalong pinapahalata sa apat na lalaking ito kung paano nagbago ang paningin ni Jessie. "Tapos na ba kayo? Ako naman," pagpapatuloy nito saka marahang humakbang papalapit sa apat na lalaking siga sa harapan niya. Ang kaninang maangas at walang takot ngayon ay nagmistulang tuta na walang kalaban-laban. Panay ang atras ng apat na lalaki na halatang iniiwasan na ang dalaga. Mabilis na tumakbo ang apat na lalaking siga. Pero para kay Jessie ay napakabagal lang 'yon. Gamit ang kakayahan niyang maglaho ay hinarang niya ang apat na lalaki dahilan para mas lalo pa itong magulat sa ginawa ng dalaga. Wala silang ibang pagpipilian kung hindi ang labanan si Jessie. Bawat pagsuntok nito'y palaging naiisahan ni Jessie. Nagtataglay ng kapagyarihang meron ang mga diyos si Jessie. Kakayahang maglaho, magbago ng anyo, magbasa ng isip at magkontrol ng isipan. Bawat suntok ni ng mga sigang lalaking ito ay doon na nagkaroon ng pagkakataong basahin ni Jessie ang isipan ng mga ito. Mabilis man ang bawat galaw pero kayang-kayamg pabagalin ni Jessie 'yon. Lalo na nang basahin niya ang isip ng mga ito. Gaya ng nakasanayan ay walang nakuhang ni katiting na impormasyon si Jessie. Buong akala niya ay sa puntong ito makukuha na niya ang bagay na matagal na niyang gustong mahanap. Pero wala. Ngayong tapos na si Jessie sa kailagan niya sa apat na lalaking ito ay mabili niyang pinatigil ang oras. Inisa-isa niya ang mga ito saka binura ang ala-ala tungkol sa kanya. Para na rin maitago ang pagkakakinlanlan niya. Ang maitago ang totoo niyang pagkatao. Mabilis na naglaho si Jessie sa lugar na 'yon. At tulad ng parati niyang ginagawa ay nagtungo siya sa matataong lugar. Bawat taong nadadaanan niya ay humahanap siya ng paraan para mahawakan ang anumang parte ng katawan ng mga ito. Sa ganoong paraan ay nakikita niya ang mga imaheng nangyayari sa mga ito sa nakaraan. Mahigit isang libong taon na rin na nanatili si Jessie sa mundong ito. Mundo kung saan namumugaran ang mga mortal na tao. Mortal na walang ibang alam kung hindi ang mabuhay lang. Mahigit isang libong taon na ring nakulong si Jessie sa mundo ng mga mortal. Mga mortal na mababa lang ang kakayahan kumpara sa kay Jessie. Kakayahan ng mga diyos; ang magbasa ng isipan, maglaho, magbago ng anyo, magpagigil ng takbo ng oras at magkontrol ng isip- iyan ang meron si Jessie. Kaya para sa kanya ay kailanman wala siyang puwang at lugar sa mundong kinabibilangan niya ngayon. Gugustuhin man niyang bumalik sa mundong nararapat para sa kanya pero hindi niya magawa. Iyon ay kung mahanap niya ang taong malaki ang kaugnayan sa kanyang nakaraan. Tulad ng madalas na nangyayari isang libong taona na, wala pa rin siyang mahanap ni katiting na bakas ng pangyayari sa nakaraan. Nakaraan na siyang dahilan kung bakit siya nakulong sa mundong ito. "Kailan ka ba lilitaw sa mundong ito?" Wika ni Jessie sa kanyang isipan. Huminto si Jessie sa paglalakad. Napatingala siya sa kalangitan. Ang mainit na araw ang sumalubong sa kanyang paningin. Ang klimang nakasanayan na rin niya sa mundong ito. "Kailan kaya ako makalabalik?" Mahinang bulong nito sa sarili. Mahigit isang libong taon na rin siyang naglibot sa mundong ito pero sa loob ng isang libong taon na 'yon ay walang siyang napala. Bagaman mabilis ang tumakbo ang panahon para kay Jessie kaya wala lang sa kanyang ang isang libong taon na 'yon sa mundong ito kumpara sa panahong nabubuhay siya. Pero kailangan na niyang makabalik sa mundo kung saan siya nabibilang. Lalo na't nakaramdam na rin siya ng panghihina sa mundo ng mga tao. "Balang araw, mahahanap rin kita. Natitiyak kong malapit nang mangyari 'yon. Nararamdaman kong malapit na tayong magkatagpo muli," wika nito sa sarili. Gamit ang kakayahang maglaho ay linisan ni Jessie ang mataong lugar kung nasaan siya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD