Chapter 03

1302 Words
Taong 2021 at ito ang pang-isang libo at labing dalawang taon na nanatili siya sa mundong ito. Sa araw na ito ay dapat natagpuan na niya ang taong matagal na niyang hinanap noon pa man. Pero nagtataka si Jessie kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natagpuan ang taong 'yon. Bakit parang kay tagal naman yata ang muling pagbabalik n'on sa mundong ito? Ang sabi ng diyos ng kamatayan ay muling matatagpuan ni Jessie ang lalaking 'yon makalipas ang isang libong taon pero ngayon mahigit isang libo at dalawang daang taon na pero wala pa rin. Napapikit si Jessie. Suot ang hood niya at ang scarf sa leeg niya para takpan ang senyales ng pagiging diyosa ay marahang naglakad si Jessie sa mataong lugar na ito. Bawat nadadaanan niya ay wala siyang pinalampas. Hinawakan niya ang bawat kamay nito para basahin ang nakaraan ng bawat isa rito. Pero wala ap rin siyang natamo sa ginawa niya. Mahigit isang oras na niya itong ginawa. Akmang titigil na sana si Jessie nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang ala-alang nagpagulat sa kanya. Ala-alang alam niyang may kinalaman 'yon sa nakaraan niya at siyang susi para wakasan ang sumpang meron siya ngayon. Sumpang manatili sa mundo ng mga tao. Biglang pinatigil ni Jessie ang oras. Kasabay ng pagpikit niya ay ang paghinto ng mga gumagalaw na bagay rito sa mundo. Ang mga taong naglalakad, mga kotse ni pati hangin ay pinahinto niya. She open her eyes. Hindi mapigilan ni Jessie ang maging agrsesibo. Ang mata niya'y naging kulay pula na hudyat nang sobrang pagkasabik at pagkagulat. Mahigit isang libong taon na rin niya itong hinintay kaya ngayong nahanap na niya ang bakas nito'y hindi na niya ito pakakawakan. Humarap si Jessie sa mga taong nadaanan niya. Hindi maiwasang napakunot ng noo si Jessie. Lalo na nang makitang may kaparehong uniporme ang mga taong kaharap niya ngayon. Sino sa kanilang isipan ang huling nabasa ni Jessie? Akmang hahawakan na sana ni Jessie ang tag-iisang kamay ng mga 'to nang muling tumakbo ang oras na kanina'y pinatigil niya. Muntik na niyang nakalimutan na labing dalawang segundo lang pala ang ibinigay sa kanya para kontrolin ang oras rito sa mundo. Naalerto ang dalaga. Lalo na ngayong muli na namang nagpatuloy ang takbo ng oras. Sinundan niya ang mga estduyanteng humahakbang ngayon papalapit sa isang paaralan. Napapitigil si Jessie. Pinagmasdan niya ang mga itong pumasok sa isang malaking paaralan. Napatingin siya sa signboard nito sa itaas. "Rosemont Hills Montessori College." ang pangalang nakaukit pa sa matigas na pader sa labas ng paaralan. Hinayaan ni Jessie na pumasok ang mga ito sa paaralan. Bagamat marami ang mga ito kaya hindi niya matukoy ang kamay na nahawakan niya kanina. "Nakakainis naman oh! Kung kailan nahanap ko na saka pa mawawala!" Matigas na sambit nito sa sarili. Tumalikod si Jessie. Hinayaan niyang pumasok ang mga estudyante na alam niyang isa sa mga 'yon ang makakatulong sa kanya para makabalik sa mundo kung saan siya nabibilang. Ang mundo ng mga diyos. Kailagang magkunwari ni Jessie. Kailangan niyang mahanap ang taong 'yon sa madaling panahon kung hindi ay tuluyan na siyang manghina sa mundong ito katulad ng mga mortal na taong araw-araw niyang nakakasalamuha. Gamit ang kakayahang magbago ng anyo, magkunwaring estudyante si Jessie. Estudyanteng may kaparehong uniporme sa mga estudyanteng nagpapaagaw pansin sa kanya kanina. Humarap si Jessie sa isang salamin sa gilid ng mall kung nasaan siya nakatayo ngayon. She look at her appearance from heat to toe. Hindi maiwasang mamangha si Jessie sa imaheng meron siya ngayon. "Kaninong katawan kaya 'to? Bakit sobrang ganda? " Bulong nito sa sarili habang matulis na tinignan ang mga mata nito. "Wait, parang may kulang," tumingin si Jessie sa mga mata nito. Mabilis niyang kinuha ang salamin niya sa bag nito saka 'yon isinuot. "Nagmukha ka nang estudyante. Let's go?" Wika nito sa sarili. Tulad ng mga babaeng estudyante sa paaralanng kailagan niyang pasukin, asul at makitid na skirt ang suot ni Jessie. White Long sleeves ang suot nitong pang-itaas at tulad ng palagi niyang ginawa, may scarf sa kanyang leeg para itago ang marka ng pagiging diyos niya. "ID mo miss?" Tanong ng lalaking guard nang pumasok si Jessie sa gate. Napahinto kaagad siya saka iyon tiningnan sa mukha. Bagamat may kakayahang magkontrol ng isipan kaya hindi na mahirap para kay Jessie ang pumasok sa paaralang ito. "Ginawa mo naman trabaho mo. But not this time. Salamat," tugon nito saka tuluyan nang pumasok sa paaralan. Isang malawak na paaralan ang bumungad sa kay Jessie. Napaangat siya ng tingin lalo na nang mapansin ang isang tarpaulin na nakasabit sa tapat ng malawak na ground na ito. "Welcome to St. Thomas University. S.Y. 2021-2022" Napasinghap si Jessie. Lalo na't alam niyang sa paaralan na ito magwawakas ang paghihirap niya sa mundong ito. Alam niyang sa paaralan niya mahahanap ang taong matagal na niyang hinanap. Akmang hahakbang na sana si Jessie para magsimula nang kumilis at hanapin ang taong aksidente niyang nahawakan ang kamay kanina nang mapansin ang galaw na nagpapakunot ng kanyang noo. Napalingon si Jessie sa kabilang sulok nitong paaraan. Bagaman malinaw ang paningin. Ni kaya nga niyang palampasin ang paningin nito sa pader. Isang grupo ng kalalakihan ang nakaagar ng pansin ni Jessie. Napakunot siya ng noo lala na at alam niyang may mali itong ginawa. She quickly faded away and teleport near these guys. Suot ang eyeglass at scarf sa leeg ay nagmistulang totoong estudyante si Jessie. Hindi lang basta-basta estudyante kung hindi nagtataglay rin ito ng kagandang alam niyang bihira lang makikita sa paaralang ito. "Itigil niyo 'yan!" Sigaw ni Jessie na kaagad namang pumukaw sa atensyon ng mga estudyanteng lalaking nasa harapan niya ngayon. Now, they're all looking towards her. "H'wag ka nang makialam miss kung ayaw mong madamay," tugon ng lalaking hawak ang mga kamay ng isa pang lalaking may pasa na sa katawan. Halatang ginugulpi nila ito. "Alam niyo bang labag sa batas 'yang ginawa ninyo? Maari kayong hindi makapasok sa kaharian ng kalangitan," tugon ni Jessie dahilan para matawa ang mga lalaking nasa harapan niya ngayon. Hindi sila nagpaawat kaya si Jessie na mismo ang lumapit sa mga ito para subukang awatin ang pagkakahawak sa kawawang lalaking alam niyang kanina pa nila ito sinasaktan. Akmang hahawakan na sana ni Jessie ang kamay nito para awatin at ilayo sa kanina nang biglang maramdaman ang mainit na kamay na pumigil sa palapuksuhan niya. Biglang nakaramdam ng init sa katawan si Jessie. Napatingin ito sa lalaking hawak ngayon ang palapulsuhan niya. The guy with the same uniform as them. Seryoso itong nakatingin sa kay Jessie. Tiningnan ni Jessie ang mukha nito mula moo hanggang sa mga labi nito. Napapikit si Jessie. Lalo na nang biglang sumagi sa isipan niya ang pangyayari na nakaraan na alam niyang mula sa lalaking nakahawak ng kanyang palapulsuhan ngayon. Muling iminulat ni Jessie ang kanyang paningin saka ito tumingin sa lalaking alam niyang matagal na niyang hinahanap. Isang libong taon na rin niya itong hinanap at ngayon. Sa wakas ay nagkita na rin sila. Pero sa halip na lumaban ay hindi nakagalaw si Jessie. Lalo na nang mapansin ang tindig ng lalaking ito. Matangos ang ilong, makinis ang mukha at pula ang mga labi. Habang tinitingnan ni Jessie ang mga mata nito'y hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam sa katawan nito at sistema. Pakiramdam na alam niyang bihirang nararamdaman ng mga diyos para sa mortal na tao. Isinintabi na muna ni Jessie ang pakiramdam na meron siya ngayon. Nagpokus na lamang siya sa misyon na kailangan niyang iparaos at sa ganoon ay makabalik na rin siya sa mundong kinabibilangan niya. "H'wag kang makialam rito, Chantal." Isang malamig at kalmadong boses ang umaaligid sa tainga ni Jessie. Pero ang pinagtataka niya ay kung bakit tinawag siya nitong Chantal. Sino si Chantal?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD