Reach #2

1652 Words
BAKA TUMAKBO KA. Nung araw na 'yun ay buong araw akong nakabusangot at hindi maipinta ang mukha. I was so damn pissed! Kasi ang leading man niyo! Ginamit lang pala ako! Diba!? Damn him! I should've had reacted nung tumayo siya! Dapat umamin na lang ako sa kasalanan ko! I mean, I can just pay for the damned piece of paper! Pero... hindi ba parang... time ko na din ito? At tinutulungan lang ako ni tadhana? Eh, lintek! Bakit parang ang lupit naman ni tadhana sa akin at ginawa pa akong slave? Battered wife ako! Wengya! Taga-gawa mg assignment at tutor!?? Tutor saan!?? PWE! Tutorin niya mukha niya!! "Patty, kila Katie tayo mamayang gabi ah? Sleepover!" Ani Anlei habang nagliligpit ng gamit. "Sure! I'll be there by 7. May tatapusin lang ako sa bahay. Ako na din bahala magluto ng dinner." Sagot ko sabay ngiti. Nagwave siya sa akin at tumakbo palabas. Si Katie, laging nauunang umalis. Ewan ko ba doon. Sumunod na lang daw kami sa bahay nila. Anyways! It's Friday! Yay! Every Friday talaga schedule na namin ang mag-sleepover. Salit-salit ang place. Gaya ngayon, kila Katie, next week will be on my crib. Kasama na din namin sila Alys at Lux. Malaki naman ang kwarto ni Katie, kasya ang sampu kaya walang problema. Wala nga lang din matutulog. Bwahaha. "Kailan? Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim..." kumanta na lang ako kasi ang tahimik ng classroom. Ako na lang mag-isa, ako din kasi ang magsasarado ng room. Cleaners kasi kami ngayon. "Jusme... baka tumanda akong dalaga." Ani ko atsaka nagkamot ng ulo. Binuhat ko na rin ang mga libro ko atsaka ni-lock ang pinto, "Sa pagkakaalam ko naman... hindi ako pangit... hindi rin naman ako bad breath... at lalong wala akong putok! Pero... bakit ba hindi niya pa rin ako mapansin?" Huminga ako ng malalim. Wala nang tao sa hallway kaya rinig na rinig ang paghinga ko. Inayos ko ang bag at mga libro ko bago pumihit paalis. Pero, halos umatras ako pabalik sa loob ng classroom nang makita ko si Ashton. With his usual smirk and maangas look. Halos tumulo ang laway kong kulay rainbow. "Ash...ton?" tanong ko. He smiled at me. One playful smile. And I don't like it. "I see... my tutor has a... crush?" he raised an eyebrow. "H-huh?" hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero... wala din naman mangyayari kung i-di-deny ko diba? Yumuko ako at tumango, "Yes... I have... a crush..." on you. Nagangat ako ng tingin sa kanya. Nagiwas siya ng tingin. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. His jaw clenched, "Who's the lucky bastard then?" Tanong niya na siyang kinagulat ko. "Uh..." aamin na ba ako!? Ngayon na ba??? OH GOSH!! ETO NA!! "My crush is y--" "Yosh... I know." Seryoso niyang sabi kaya napanganga ako. No... "You like my cousin, right? Bakit pa ba ako nagtanong?" Aniya atsaka umirap at ginulo ang buhok niya. Pagkasabi niya noon ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko. HINDI!! HINDI SI YOSH ANG CRUSH KO!! IKAW!! IKAW ANG GUSTO KO ASHTON! MAHAL NA NGA YATA EH!! Pero, wala eh... walang lumabas sa bibig ko kundi, "Hindi..." na halos ako lang ang makarinig. Umiling siya at napatalon ako nang kinuha niya ang mga libro at shoulder bag ko. "Ashton! Ano ba!? Akin na--" "May assignment tayo sa Physics at Greek myth. I need help. May tatapusin pa akong composition na kailangan namin nila Katie para sa audition namin sa Saavedra University next year. I need it in less than a month." dire-diretso niyang sabi. Sumunod ako sa kanya. "E-eh... pero--" may sleepover kami. Nilingon niya ako nang nakataas ang kilay niya. Pakiramdam ko umurong ang dila ko papunta sa bituka ko. Wala akong nagawa kundi ang yumuko. Sabi ko nga tatawagan ko na lang sila na umorder ng pagkain sa Mcdo eh. Huminga siya ng malalim, "Don't worry. Yosh will be there to accompany you." Masungit niyang sabi kaya kumunot ang noo ko at napatingin sa kanyang diretso ang tingin sa akin, "Baka naman kasi sabihin mo pinapahirapan kita masyado kaya hayun! Pinapunta ko si Yosh para may inspirasyon ka!" Pagkasabi niya noon ay halos tumigil ang mundo ko. Bakit si Yosh!?? Hindi si Yosh, Ashton! Ikaw!! Damn you for being so numb!! Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa parking lot kung nasaan ang kotse nila. Hindi ako marunong sa mga kotse eh, pero mukhang Montero yata ito? Pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat kaya agad akong pumasok. Sumunod siya sa akin atsaka binaba ang gamit ko sa gitna naming dalawa. Pati ba naman mga sarili kong gamit hahadlang sa paglalapit namin? Mejo masakit, beb. *insert crying emoji* "Kuya Bong, sa Ayala muna po. May bibilhin lang kami sa NBS then diretso na po tayo sa bahay sa Magdalena Homes." Sabi niya sa driver. Tumango ito at nagsimulang magdrive. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang kumulo ang tiyan ko. Napatingin si Ashton sa akin habang nakakunot ang noo, "Nag... recess ka ba kanina?" Seryoso niyang tanong. Napalunok ako. Bakit pakiramdam ko parang ang laki ng kasalanan ko dahil hindi ako nag recess? Umiling ako, "H-hindi eh... n-nakalimutan ko. Nagsulat pa kasi ako sa Trigo kanina kaya--" "Nonsense. Kahit na ano pa 'yan, dapat kumakain ka pa rin. You shouldn't skip any meal. Kaya ang payat mo eh." pakiramdam ko tinambayan na ni Tinkerbell 'yung bunganga kong nakabukas. Oo na nga, hubby! Sorry na! Di na mauulit! Wag ka nang magalit! Huhuhu! "Kuya Bong, matatagalan kami sa Ayala. You can roam around if you want to. Basta wala lang gas-gas si PJ pagbalik ha?" Aniya. Tumango lang ulit 'yung driver. Pipe 'yata 'yun eh. Atsaka... PJ? Well, nice to meet you PJ! Hindi naman malayo ang Ayala sa school. Mga 10 minutes kung walang traffic. Pero, kasi... ang awkward... Tumingin ako sa relo ko at nakita kong 4:30pm na. Napailing ako. Damn! Hanggang anong oras ba 'to!? Hahabol na nga lang ako! Wala naman pasok bukas eh. "Uhm.. Ashton?" Tumingin ako sa kanya para sana magtanong pero agad akong napatalikod nang naabutan ko siyang naghuhubad ng uniform, "Oh my gosh! Honeymoon agad!? Kakasakay lang sa kotse, honeymoon agad!! OMG!" Pabulong kong sabi sa sarili ko habang tinatakpan ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko paglabas ko ng kotse na 'to buntis nako! KYAAAAHHH!! WALANGYA! HINDI KA PA NGA NANLILIGAW, HONEYMOON AGAD!?? OMG! ASHTON! DON'T USE YOUR CHARMS ON ME DAHIL WA EPEK 'YAN-- WEH!? "I-I'm sorry--" sabay pa naming sabi. "No. It's my fault. Dapat hindi ako naghuhubad ng uniform dahil... kasama kita..." nagulat ako sa sinabi niya kaya automatic akong napatingin sa kanya. Nakatingin din siya sakin. Namumula ang pisnge niya hanggang leeg. At pakiramdam ko buong mukha ko hanggang sakong ay namumula! Bakit hindi ka maghuhubad ng uniform kapag kasama mo ako!? Este... Oo nga! Wag pala! Baka marape kita eh! Ay bastos! "I mean, d-dahil may kasama akong babae..." pahabol niya. Napahinga ako ng malalim. Disappointed? Hindi naman. "Hindi... kasalanan ko din... hindi ko alam na--" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil tumawa siya at pinindot ng mahina ang tungki ng ilong ko. OMG!! DID HE JUST!?? DID HE!?? "It's really my fault, Sha. Nasanay lang kasi ako sa bahay, since okay lang naman din sa mga kapatid kong babae. Atsaka, it's not like you saw all of me." Aniya atsaka tumawa. Napanganga ako. Hindi dahil sa ginawa niya pero dahil sa tinawag niya sa akin. "S-sha?" Tanong ko. He stiffened and looked at me. Kumunot ang noo ko, "Who's Sha?" Tanong ko kahit na nangingilid na ang luha sa mata ko. Ang sakit naman, Ashton. When he didn't answer, I gave him a blank stare, "The name's Patty, Ashton. Patricia Janella Estrada Geronimo." Hindi ko maiwasan ang pagtabang ng tono ng boses ko. Napalunok siya, "I-I know..." aniya atsaka nagkamot ng batok. Nagiwas ako ng tingin at humilig sa bintana. Lumayo ako ng konti sa kanya atsaka humalukipkip. Damn! Traffic pa! I know I don't have the rights! Pero, damn! Ang sakit!! Ang sakit-sakit! Sino ba 'yang lintek na Sha na 'yan!?? Ex niya ba!? Gusto kong magtanong! Pero, alam kong wala akong karapatan! Pero, sigurado ako na ako ang mapapangasawa niya kaya I HAVE THE DAMN RIGHT! Napalunok ako at tumingin sa kanya. He's still looking at me with his guilty face. Namumutla din siya. I suddenly felt awkward but still have the urge to ask him, "S-sino si Sha, Ashton?" He looked so damn serious. Hindi siya sumagot kaya nagtanong ulit ako, "Ex mo?" Umiling lang siya. At kahit masakit tinanong ko. I gulped, "Crush mo?" Pero, tiningnan niya lang ako gamit ang isang hindi ko maintindihan na expression. His eyes were dark now, unlike the usual charming light chocolate orbs, his eyes were intense at para siyang nahihirapan. Napangiwi ako, "I'll take that as a yes." Ani ko atsaka nagiwas ng tingin. Narinig ko siyang huminga ng malalim. "She... she's... UGH! Why am I even explaining!? Asdfghjkl..." kumunot ang noo ko sa sinabi niya at napatingin sa kanya. Nakapikit siya at prenteng nakasandal sa sandalan ng upuan habang nakakunot ang noo at nakanguso. Napangiwi ako, "A-ano?" "None of your biz." Mariin niyang sabi. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. My jaw clenched, "Bakit hindi ka sa kanya magpaturo kung ganoon?" Ani ko. Hindi maiwasan ang tabang sa boses ko. Tumawa siya at tumingin sa akin, "Pero, ikaw ang gusto ko... but, then... gusto ko rin pala siya, actually." Aniya at tumawa pa lalo. "S-sino ba? Baka pwedeng makilala?" Naglakas loob nako! Gusto kong makilala kung mas maganda siya sakin or what! "Pwede rin... pero baka tumakbo ka or himatayin kung sakaling mangyari 'yun." Aniya, tumatawa pa rin habang ako nakatingin lang sa kanya habang nagpupunas siya ng luha. "Tumakbo!? Bakit ako tatakbo?? Multo ba 'yang crush mo o aswang!?" Tanong ko. Nakakafrustrate ha! Pero, imbes na sagutin ang tanong ko ay lalo pa siyang tumawa! Halos lumabas na ang lalamunan niya sa kakatawa. Hindi ko alam pero... napangiti ako. I can't believe I'm seeing this side of him! Akala ko hanggang poker face na lang at evil smirks ang makikita ko pero heto siya at tumatawa sa tabi ko. Kahit pa dahil sa katangahan ko o ano, basta napatawa ko siya. Ang sarap sa feeling! Cloud nine, shet!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD