Kabanata 2

1027 Words
Sa lumipas na mahabang taon, hindi ko akalain na ang araw na iyon ang magbubukas nga pagkakataon para makilala ko ang lalaking may malaking parte ng pagkatao ko. "Ang ibig mong sabihin.. gusto ng ama mo ang isama ka?" Alangan na tanong ni Phiyo matapos kong muling sabihin ang naging usapan sa pagitan namin ni Nanay. Dalawang linggo na ang lumipas matapos ang pagkikita namin ng lalaking sinasabing ama ko. At sa loob ng mga araw na lumipas ay hindi lamang iyon ang huli niyang punta sa amin. Hanggang ngayon tanda ko pa ang naging pagtatalo namin na Nanay matapos niyang maipahayag ang maaring mangyari. "Anak hindi pa naman agaran iyon. Hihintayin muna na matapos ang taon na ito." Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. "Nay naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hahayaan ninyo ako ng makasama ang ibang tao at malayo sa inyo!" "Carra hindi ibang tao si Goncio sa'yo. Siya ang ama mo! Wala siyang gustong gawin kung hindi makabawi at mabigyan ka ng magandang buhay!" garalgal na asik niya na para bang nabibigo ko siya sa parteng ito. "N-Nay.. sapat naman na tayong dalawa lang. Sapat na sa akin ang buhay na mayroon tayo.." Hanggang sa huli sinubukan kong itanggi ang gusto niyang mangyari pero nang lumapit siya at hawakan ang nga kamay ko ay alam kong nadesisyunan na niya ang lahat. "Carra.. simula nang isilang kita.. kahit halos isumpa ako ng tadhan, kahit wala ang ama mo ay pinagdasal ko ang araw na ito! Pinapangarap ko na makitang magkasama kayo! Ito ang isa sa pangarap ko, Carra! Pakiusap, anak.." We never had an argument that pained me that much. Ang makita halos magsusumamo siya sa akin ay labis na nagpapahina sa depensa kong tanggihan siya. "Kung ganoon, anong plano mo? Susundin mo ba ang gusto ni Tita Karine?" Ang muling tanong ni Phiyo ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "Hindi ko alam.. Hindi ko alam, Phiyo.." wala sa sariling tugon ko sa kanya. Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin pa. Sa mga lumipas na araw ay ramdam ko ang tampo ni Nanay. Kahit gaano ko pilit na patatagin ang puso sa kagustuhan niya ay alam kong hindi magtatagal ay bibigay din ako. Iyon ang bagay na ayaw kong mangyari subalit inaasahan na. Sa araw na iyon, muli kong pinilit na tapusin ang maghapon na klase kahit pa walang laman ang isip ko kung hindi si Nanay. Nang sumapit ang uwian ay sumabay ako kay Phiyo pero hindi gaya dati ay nagpababa ako sa sentrong bayan. May kailangan akong bilhin kaya naman hindi na siya nagpumilit na ihatid ako sa bahay. Araw ng lunes ngayon kaya halos abala ang lahat sa bayan. Suot ko pa ang puting long sleeve at fitted na palda nang pumasok ako sa isang kilalang coffee shop. Sikat ito sa bayan dahil maliban sa masarap na kape ay hindi rin papaiwan ang mga tinapay na kanilang binibenta. Isa sa nabibili rito ay ang paboritong donut ni Nanay. My mind is uneasy these past few days and I knew it was because of our past argument. Hindi ko na kaya na patagalin ang ganito sa pagitan naming dalawa kaya pipilitin kong intindihin ang lahat, pipilitin kong sundin ang gusto niya. Pumila ako sa likod ng isang babae. Habang hinihintay kong makabili siya ay pumili na ako sa mga pabarito ni Nanay. Saulo ko ang mga gusto niya kaya hindi na mahirap sa akin kung ano ang bibihin. Nang matapos ang babae sa harapan ay walang ingat itong umatras. Dahil sa hawak na mga kahon at malaking bag ay halos matamaan ako kaya agaran din akong akong umatras para makaiwas. Kaya lang, naging agresibo ang paggalaw ko na naging dahilan para mabunggo ang taong nasa likuran. Suddenly, a unique scent of a man filled my nose. Nagulat ako at akmang lalayo pero hindi nangyari dahil sa hibla ng buhok kong sumabit sa kung saang parte ng damit niya. Napasinghap ako at mabilis na napaharap sa lalaki. His broad chest was the first thing that came into my sight. Nataranta ako nang matanto ang dahilan nang pagkakatali ko sa kanya. Naipit ang hibla ng buhok ko sa bitones ng sleeve niya. All I can see now was his formal white long sleeve, well-ironed slacks and his dark shinny leather shoes. "P-Pasensya na.. Hindi ko sinasadya na maatrasan-" "Don't move." I stunned. His voice was deep and commanding. Sa mabilis na sandali, naramdaman ko ang kamay niya na nagsimulang tanggalin ang pagkakabuhol ng buhok ko. I was stuck for a moment and let him do something about our situation. Hindi rin kasi nakakatulong sa kaba ko ang atensyon na nakukuha namin mula sa mga tao sa paligid. "U-Uhm.. Sir would you mind if I get a scissors for you?" Nanlaki ang mata ko sa pagkakarinig nito mula sa empleyado ng coffee shop. What the hell?! Seryoso ba iyon?! "No need. It's done." Sagot ng lalaki at ilang sandali nga ay naramdaman ko na ang pagkakawala ko mula sa kanya. It was relief that it didn't damage my hair. Ilang sandali akong naabala sa pagsuri ng buhok ko hanggang sa maalala ang lalaki sa harapan ko. As soon as our eyes met, I'm lost for words. I am not familiar with him. He's tall with a strong muscular frame, dark hair, and vicious eyes. The way he focused those eyes on me was definitely different. "Miss ikaw na sunod sa pila." Noon lang ako natauhan. Tumikhim ako at bahagyang iniwas ang tingin sa lalaki. "U-Uh.. sandali lang," haplos ko pa rin ang buhok nang muli kong hinarap ang lalaki. "Pasensya na talaga. Hindi kita agad napansin at lalong hindi ko inakala na mangyayari ito." Paumanhin ko sa kanya na agad naman niya sinagot. "It's nothing." It was so simple as if he wanted to tell me that I shouldn't make a big deal out of it. Sa huli, tinanguan ko na lang iyon at tumalikod na sa kanya para bilhin ang dapat. Kahit ramdam ko ang presenya niya sa likuran ko ay tuluyan kong isinawalang bahala iyon. It was enough that we made a scene but then.. I wonder.. who is that man?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD