OBP 2- Sudden Game

2512 Words
Dana's POV Siguro thirty minutes na kami dito sa Royalty's Room. So ano tawag sa kanila? Royals? Haha! Nagbabasa na naman siya ng libro. Ako bilang hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na gusto ko nang lumabas ay maghahanap na rin ng babasahin. Napansin ko ang mga frames na nakasabit sa pader. Uy! Angaganda nila! Ay kilala ko tong nasa second frame! Mika Reyes! Magandang pogi din! Mga superb athletes ng Mhie Zhou University. Nabalik ang tingin ko sa unang frame. Si Tita Jaifer 'yon! Asawa ng tita ko! Minsan ko lang sila na-meet. Bata pa ako n'on. Limang van nga silang galing Manila. Blessing ng bahay nina Lola 'yon. Grabe. Haha! Sa naalala ko nagtayo sila ng tent sa bukid. Hayun lang. Naalala ko e. "Miss Mimah bakit may picture sila dito?" Nilapitan niya ako. "Sila ang nagpagawa nitong room para sa amin. Mga pinsan namin sila. Bakit?" "Kilala ko 'to e!" Tinuro ko ang picture ni Ate Jai. "Asawa niya tita ko. Bale pinsan ni nanay." "Alam ko. Protégé ka ni coach." "Coach?!" Tumango siya. "Personal coach ko si ate Zai." "Ah akala ko sa school. Buti na lang hindi." Sandali akong napaisip. Kung pinsan niya ang mga ito. "Halla!" natutop ko ang bibig ko. Kumunot na naman ang noo niya. "Why?" "De angyaman mo? Oh my Gosh! Halla!" May sasabihin pa sana siya pero bumukas na ang pinto. Pumasok sina Miss Gabb at tatlo pang babae. "Uy nandito na pala si Protégé..." sabi ni Miss Gabb. "Oh my Gosh!" nagpatakip sa bibig 'yong isang babae. "You found..." Tumikhim si Miss Mimah. Iginiya niya ako papalapit sa kanila. "This is Dana. Pamangkin ni Ate Zai. Be good to her, please." "Ella," Sabi nung babae na napa-oh my Gosh kanina. "Halla maliit ka pala sa personal." Parang gusto kong manapok ngayon bigla. Atleast mas matangkad ako kay Miss Mimah! Tsk. "Abby. Nice to meet you." Nakipagkamay ako sa kanya. Napakalalambot ng mga kamay niya. Saka angpretty niya! Pero parang may katarayan ang awra. Judgemental na ako nito? "I'm Sela. Nice to meet you. Mabait ba si Jemimah sa'yo?" Hindi ako agad nakasagot. Kasi nga honest ako. "Konti..." "Hulaan ko. Umirap-irap si Young Lady 'no?" sabi ni Ella. "Ganito. Kunot-noo din?" Bumukas ulit ang pinto. "Mga ate! Magsi-ayos kayo. Parating ang mga ate natin." Sabi ng isang chinitang singkit. "Sinong ate?" tanong ni Ella. "Mga nakakatakot na ate! Dali! Upo na!" Hinihingal na sagot nung singkit. Aba! Nagsi-ayos sila ng upo. Hinila ako ni Miss Mimah para maupo sa tabi niya. Ano ba tong napasok kong gulo? Bakit ganito?! Kinakabahan ako. "Saan sila, Coleen? Saan mo sila nakita?" tanong ni Gabb. "Kumpleto ba sila?" "Si Ate JM, ate Mika, ate Rhyck, ate Mae lang ang nakita ko. Deds ka ate Gabb. " Hininihingal talaga siya. Gaano kaya kalayo ang tikabo nito? Biglang namutla si Miss Gabb. "Wala akong ginawa." "Hoy anong kasalanan niyo bakit sila biglang pumunta dito? Mandadamay pa kayo." Nag-aalala din na tanong ni Miss Ella. May kumatok na. Tatayo pa lang sana si Miss Coleen pero bumukas na ito. Halla! Napakatatangkad na tao! Mga pinsan talaga nila ang mga to? Printeng nakaupo sina Miss Mimah. Magkasalikop ang mga kamay niya. Parang silang lahat! Parang mga sisentensyahan ng kamatayan e. Baka nga may kasalanan sila? Dapat yata nagtago ako sa mga shelves e. Baka madamay pa ako. Hayan sa akin na sila nakatingin. "Uh aalis na po ako. Nadamay lang ako dito." Tatayo na ako e. Hinawakan pa ako ni Miss Mimah sa balikat. Angbigat ng kamay talaga! Pinandilatan ko siya. "Hindi ako belong dito." "Yhubby, 'yong pamangkin ko dapat hindi sa boarding house titira." Parang may narinig akong hindi magandang boses. Lagot na. Napaayos na rin ako ng upo! Gosh! Bakit ganito ang aura dito?! Nagulat din si Tita Zai nang makita ako. Lumapit ako sa kanya para magmano. Yes! Nagmamano ako kasi mananapok yan 'pag beso lang ako sa kanya. "Tita... Long time no see." Alanganin kong bati sa kanya. "Kumusta po?" "Kailan ka pa lumuwas? You didn't message me. Pinasundo sana kita. Ano bang iniisip mong bata ka ha? Nagpapart-time ka daw? Diba sabi ko ako ang magpapa-aral sa'yo?" Oh my Gosh! Na-bente ako agad dun! Ako pala ang opening salvo ng sermunan! Akala ko sila e. "Zai, grabe? Inunahan mo kami." Natatawang sabi ni Miss JM. --- Dinala ako ni Tita Zai sa kabilang study room. Masisentensyahan nga yata ako ngayon. "Bakit sa boarding house ka tumutuloy? Hindi ba sinabi sa'yo ni Rion na sa akin ka muna titira?" "Sinabi naman ni Mama. E, Tita nakakahiya e. Saka gusto ko independent. Payagan mo na ako sa boarding house please. Susunod naman si Gia dito. May kasama na ako." "Na-scout din si Gia?" Tumango ako. "Nag-aayos lang siya ng clearance niya kaya nauna na ako. Tita, payag ka na ha? Please?" Tinaas ko ang kanang kamay ko. "Promise, magbe-behave ako. No manliligaw." Pinaningkitan niya ako. "Teka. Bakit pala nandito ka sa Royalty Room?" "Si Miss Mimah." Kinwento ko sa kanya ang nangyari mula sa café. "Tita, ganun ba kasungit 'yon?" Napabuntong-hininga si Tita. "Habaan mo na lang ang pasensya mo. Nga pala Dana, no manliligaw, no boyfriend, no girlfriend." "Girlfriend?! Tita naman. Hindi ako tomboy." Natawa siya. Tinapik-tapik niya ang pisngi ko. "Ganyan din akala ko noon sa sarili ko pamangkin. Maraming maldita sa univ na 'to. I'm giving you a warning. Don't trust anyone except sila Mimah. Naintindihan mo?" Tumango ako. "Okay po." --- Afternoon training. Hindi ako makapaniwala! Makikipaglaro sina Tita Zai at Tita Jai sa team. Excited ang teammates ako. After ng stint nila sa MZU nakapaglaro pa sila internationally kaya medyo famous sila. Nakakainggit naman si Miss Mimah naka-line up siyang makipaglaro. Tapos ako buro dito sa bench. Tinitingnan ko ang mga main players. Apat sila. Sino kaya diyan ang sisipain ko para makapasok ako sa team! Haha! Joke lang. Kaso may team B pa. Tsk! Paano na Evans? Paano ka makakalaro?! "Swerte natin. Makakalaro natin ang legend,"sabi ng kapwa ko rookie. Hindi yata siya aware na para lang sa mga main players yang practice game. Kawawa naman to. "Angganda ni Miss Zai no?" Uhhh. Nasa lahi yan. Sabihin ko sana. Haha! Nakapangalumbaba ako. Boring naman maglaro nina Tita. Masyadong mapagbigay. Wala man lang katunog-tunog ang mga smash hits nila. Nakakaantok! Naiiyak na ako sa kakahikab. Ito na naman. "Tsk! Aray naman!" napaharak ako sa noo ko. Angsakit nun ha! Parang pinitik ng goma. Dinampot ko ang shuttlecock. Napatingin ako kena tita. Tinira ko ng raketa ang shuttlecock pabalik. "Galingan naman! Nakakaantok e!" haha! Hinila ako paupo ng katabi ko. Hindi ko pa natatanong ang pangalan niya. Basta alam ko ay teammates kami. Haha! Lakompake sa pangalan e. Tinuro ako ni Tita Zai gamit ang raketa niya. Alryt! After almost a year, makalaro ko ulit siya. Nangangati na akong pumalo e. Namalik-mata ba ako o parang inirapan ako nung vice captain? Huh. Never mind. Ang importante makakalaro ko si Tita. Haha. Nagwarm-up na ako habang on-going ang game nila. Nagche-cheer sina Miss Gabb. "Lesgo Protégé! Lesgo! Lesgo Protégé! Lesgo! "Mimah warm up," sabi ni Coach. "Po?!" halla! Hindi ko pa nakitang maglaro si Miss Mimah paano ko matatantiya ang kilos ko sa court?! Walang ekspresyon si Miss Mimah habang nagwa-warm up. Ayokong matalo kay Tita. Mapapahiya ako. Bale kanina pa naman siya naglalaro. Baka pagod na. Mashonda na e. haha! "Miss Mimah, hindi ko alam paano ka maglaro. Baka matalo tayo." "Sinong nagsabing magkakampi tayo? Knowing coach Zai? That's impossible." Halla! Totoo nga! Ka-doubles ko si Tita Jai. Unfair ha! Kung personal coach niya si Tita de olats na olats na kami ni Tita? "Kinakabahan ka?" natatawang tanong ni Tita Jai. "Sa front ka lang lagi. Abangan mo ang smash ni Mimah. Mataas tumalon yan." Tumango-tango lang ako. "Olats tayo nito Tita." "Haha! Okay lang. Gabb!" kinawayan niya sina Miss Gabb. "Dito kayo magcheer dali!" Takbo naman si Miss Gabb sa side namin. Kinausap siya ni Tita Jai. Ako e nagdarasal. Pero may pakiramdam talaga ako na mayroon nakatingin sa akin nang masama. Haha! Ano ba naman to. Kinikilabutan ako. Grrr! Winisik-wisik ko ang mga kamay ko. Ang teammates namin kena Miss Mimah nagche-cheer. Cheerleader si Vice Captain. Ah parang alam ko na 'yung tingin niya kanina. Dikit naman ang score 15-15. Ako ang magse-serve. "Labyu Dana Babe!" Sigaw ni Miss Gabb. Kanina pa yan e. "Galingan mo Baby Dana!" Nagserve na ako. Sa palitan namin ng rally parang kinakapos ng takbo si Miss Mimah. Sakto masyadong mataas ang pag-hit niya. Chance ko na! Ini-smash ko ang shuttlecock. Angsarap ng tunog sa hangin! Point! Lamang na kami ng isa. "Baby Dana ko 'yan!" cheer na naman ni Miss Gabb. Angsarap din niyang paluin ng raketa sa mukha. Napakaingay. "Dana focus. Mananalo tayo dito." Nagpalit na position sina Tita Zai at Miss Mimah. Patay na! "'Di ba gusto mong makalaro ang tita mo nang seryoso siya? Be alerts." Paanong alert ba ang nais ni Tita Jai? Nagpalit rin kami ng position. Angbilis ng rally nilang dalawa. Teka! Biglang si Miss Mimah ang nag-smash. Opps! Covered! Haha. Naibalik ko ang shuttlecock at dumapo sa malapit lang sa net. Haha! "Anggaling ng bebeko! Ng bebeko!" May kasama bang dance 'yung pagcheer ni Miss Gabb. Siya lang talaga ang kampi sa amin. Nasa bench lang mga friends nila nakikipalakpak. Match point na! Lamang kami ng isa. Isang-isa na lang! Akala mo malaking premyo ang nakasalalay e practice game lang naman to. "Go Bebe! Go Bebe ko!" matapos lang to makakatikim ng kurot sa akin si Miss Gabb. Sa dami ng matang nakatitig sa akin parang sinasabi na sa kanila lang siya e gusto ko na siyang paluin ng raketa kaninang-kanina pa! Kami ni Miss Mimah ang nagbabalikan ng rally. Angbilis ng reflexes niya. Bigla akong nadulas buti si Tita Jai na-hit niya ang shuttle c**k. Gapang ako papunta sa gilid e. Angbilis kasi ng palitan niya. Oh my God! Parang may pakpak si Tita Jai nang ini-smash niya ang shuttlecock! "Hooohh!" tinaas niya ang raketa niya bago ako nilapitan. "Okay ka lang?" Oo naman kaso na-starstruck ako sa galing nilang tatlo. Haha! Tinulungan ako ni Tita na tumayo. Pinagpagan ko ang shorts ko. Tumalon-talon ako. Testing lang kung masakit ang paa ko. Wala namang kirot. Nice! "Bebe!" Si Miss Gabb yan. Iniharang ni Tita Jai ang raketa niya. "Tita naman! Ico-congrats lang e!" "Tapos na nag trabaho mo. Balik ka na sa mga barkada mo." Kamot-ulo si Miss Gabb. Haha! Bumalik na siya sa bench. Anong problema ni Miss Mimah? Natalo lang masama na ang tingin sa 'kin. Pikon pala 'to e! --- Kaya pala focus na focus si Tita Jai kanina kasi may pustahan sila ng Tita ko. At touch na touch ako sa pustahan! Haha! Pag nanalo pala sina Tita Zai sa kanila ako titira. Kapag kami ang nanalo tuloy ako sa boarding house. I'm so very happy! 'Kaso lang lilipat ako ng boarding house. Hindi pasado kay Tita 'tong current bhaws ko e. Kelan lilipat? ORA MISMO! Kaloka! Angbilis! Kausap na nga ni Tita ang Landlady. Sumasakit ang ulo ko. Feeling ko mas strikto pa siya sa mama ko. Grrr! "Tara na." Naunang lumabas si Tita Zai. Badtrip yata kasi talo. Haha! Tinulungan ako ni Tita Jai sa mga gamit ko. "Dala mo yata buong bahay niyo." "Hehe. Hindi naman po. Si mama kasi ayaw na makihiram ako ng gamit. Ah Tita paano si Gia pagdating niya? Sabi ko naman magkasama kami sa boarding house." "Settled na 'yon. Dun din siya tutuloy." Wow! Bet na bet ko 'yon! Hihi. Saka ko na kwento kay Gia pag nandito na siya para surprise! --- Boarding house ba talaga 'to?! Two story house na kasya ang dalawang kotse sa garahe. "Tita parang hindi boarding house to." Mahinang sabi ko kay Tita Jai. "Prank lang ba 'to?" Natawa siya. "Pinagawa ni Rhyck to para sa pinsan niya. E nasa Bacolod na sila kaya ipapagamit na muna sa inyo." "Sa amin? So hindi talaga to boarding house no? Para klaro." Tumango si Tita Jai. "Tuturuan lang namin ng leksyon ang mga pinsan namin kaya dito kayo titira." Pinsan? Teka loading! Nagsidatingan ang ilang kotse. Anak ng mahabaging Diyos! Angpopogi ng mga kotse! Gusto ko 'yong black! Sina Miss Mimah and friends! Parang pare-pareho silang hindi bukal sa loob ang pagsama dito. Haha! Binagsakan ng langit at lupa ang peg nila. Ay wow! Kasama ang parents din! May absent! Si Miss Ella at Miss Sela. Siguro mababait sila walang parusa. Haha! In-inspect lang ng mga magulang nila ang bahay tapos umalis na rin. Grabe siguro sa pagpapasaway ang mga 'to kaya may pa-independent thing pa silang nalalaman. Masaya kaya ang independent bakit sila sad. Hindi sanay? Hehe. Tsk tsk. Rich Kids problem. Sa living room na kami. Parang orientation pa ang dating. Mukhang may closing remarks ang panenermon! Haha! Angbabait nina Miss Mimah tingnan! "Gabb lagi kang late sa training." Said Miss Rhyck. "Napakalapit na nitong bahay. Iniexpect ko na hindi ka na mali-late lalo sa acads mo. And no other girls allowed dito. May cctv sa labas. Makikita namin kung may ibang bisita." Oh My God! Parang Big brother House may pa-cctv! "Mimah, Kahit nahuli niyo si Professor Roldan ay hindi pa rin kayo abswelto. Okay? You spied on him. Paano pag nahuli kayo? Coleen huwag na itong mauulit. Kapag may nakita kayong kahina-hinala sabihin niyo sa amin. Naintindihan?" "Pero sinabi namin. Hindi kayo naniwala. Kasi you trust professor Roldan so much." Pagrarason ni Miss Mimah. "Hindi kasi kayo makahintay." Mataas na ang tono ng pananalita ni Miss JM. Nakakatakot. "Ayaw na naming maulit ang mga pagkakamali namin noon so please. Maging low profile naman kayo. Lalo ka na, Mimah." "You won't have the special schedules." Pagpapatuloy ni Miss JM. "Like the other student athletes hindi kayo makakapaglaro kung may bagsak kayo." "Naku patay." Rinig kong sabi ni Miss Gabb. "Minor subject lang 'yon ate. Counted ba 'yon?" Tumango si Miss Rhyck. "Loko-loko ako noon Gabb pero wala akong bagsak." Napahilamos si Miss Gabb. Okay? Acads is struggle siguro siya. "I really don't know bakit ako nandito e wala akong kapalpakang nagawa." Frustrated na sabi ni Miss Abby. "Let me guess referee ako dito?" "Exactly." Sagot ni Miss JM. "Since ikaw ang panganay." "Kulungan 'to. This is unfair." Tumayo na si Miss Mimah saka pumasok sa unang kwarto sa ibaba. Ganun din si Miss Gabb. "Alryt. Tara na Coleen. Roommates tayo. Tapos na ang maliligayang araw natin. My God! No more chikababes." "Teka. Wala ba kaming chef dito?" said Miss Abby. "Like paano ang foods namin? Ate, We don't know how to cook." "Then aralin niyo. Sabihin mo kay Ate Mae 'yan. Panigurado makakarinig ka ng sampung oras na sermon." Natatawang sagot ni Miss JM. "God! This is frustrating. Mai-stress ako dito!" walk out na rin siya. Parang angdami nilang problema sa simpleng pagtira dito. "Baka may problema ka din Dana?" tanong ni Tita Zai. "Dramahan mo din ang pag-walk out mo." "Huh? Basta hindi ako sa inyo titira, masaya na ako Tita." Biro ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD