OBP 3-Pinakbet

2280 Words
OBP3 Jemimah's POV Napaka-control-freak ni Ate JM. Ang mga magulang ko naman sunod nang sunod sa bawat sa sabihin niya. Like, siya na lang kaya ang maging nanay ko?! Tapos heto pa? Kailangan kong tumira sa maliit na bahay na 'to. I should have stayed in my condo! Hooh! Nakakainis. Someone knocks at the door. "Sino yan?" "JM..." Hay! Hindi pa ba tapos? Pinagbuksan ko siya ng pinto saka bumalik sa pagbabasa ko. For sure sasabihin na naman niya para sa akin ito. Para sa future ko. "Don't give me that face Mimah. Para rin sa'yo to. You're the heiress of your family. Nag-aalala sina tita na magaya ka sa amin. We got into lots of troubles. Alam mo 'yon 'di ba?" Tiningnan ko siya. "But that doesn't mean kokontrolin nyo ang buhay ko. You took down my social media accounts. 'Yon na nga lang ang kasiyahan ko." "Anong epekto sa'yo ng kasiyahan na 'yan? Muntik ka na namang ma-kidnap. Bakit lahat ng ginagawa mo pinagpo-post mo? Hindi ka lang basta teenager Mimah. Sana naintindihan mo 'yon." I sighed in frustration. I do have the money but I can't enjoy my life! God! Nakakainis na 'to! "Pakisamahan mo nang maayos si Dana. But know your limits." "Know your limits means?" "Means don't drag her into trouble. Do you get me? Nanahimik si Dana sa probinsya. Bakit sinulsulan mo pa ang coach na i-scout siya." Dahil maldita ang captain at vice-captain ng team. Mas deserve namin ni Dana ang mga posisyon na 'yon. Pareho kaming protégé ni Ate Zai. --- Namamahay ako! Nakailang baling na ako sa higaan hindi pa rin ako makatulog. Idagdag pa ang lakas ng sounds nina Gabb at Coleen. God! Hindi na ako makatiis. Kinatok ko ang kwarto nila. Seriously? Nagsasayaw sa ganitong oras? "Yes, Young Lady?" that's Gabb. "Dance tayo pampatulog." "Aware naman siguro kayo na hindi sound proof ang mga rooms natin dito? Maging sensitive naman Gabb." "Hininaan naman na namin. Alam mo ikaw lang ang sensitive ang pandinig. Hindi naman reklamo sina Abby." "Malamang hindi magrereklamo kasi masandal tulog 'yon. Si Dana hindi ri yan magrereklamo kasi hindi naman kayo close. Kung gusto niyong magsounds mag-headseat kayo." "Okay dokey. Go na. Mahimbing na tulog sa'yo Young Lady." Yumuko pa siya tulad ng mga kasambahay namin kapag nagbibigay-galang. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nandito pala si Dana. Nakatitig lang siya sa laptop. "What are you doing?" "huh? Pray over." Na-confuse ako sa sagot niya. She waved her hands as if erasing something in the air. "Ano. Wala 'yon. Sinara niya ang laptop. "Sige ha. Matutulog na ko." Weird? She's weird din pala. Akala ko plain boring lang. Wala kaming kasambahay. How are we going to cook? Pare-pareho kaming hindi marunong! God! Puro gulay ang laman ng ref! Ate JM naman! May ilang frozen goods din naman. Ito na lang siguro. Or should I order breakfast na lang? "Pinoproblema mo rin ba ang kakainin bukas?" Nagulat ako nang may nagsalita. Si Abby pala. "Buti napatahimik mo 'yong dalawa." Sinara ko ang ref. "Umorder na lang tayo ng food bukas. Then we'll think of plans na lang. Grabe sina ate JM." Nagpangalumbaba siya sa mesa. "Wala pa tayong isang araw dito nai-stress na ako. Kausap ko si mommy kanina. It's like wala akong magagawa. I'll stay here or itutuloy nila ang fixed marriage. Nakakainis diba?" Natawa ako sa problema niya. It's really a part of our not so great destiny.Either igo-groom ka ng parents mo para maging tagapagmana ng kompanya and work your ass out for the rest of your life or be in a fixed marriage bilang pambayad utang or kapalit ng busines deals. Shitty life huh? "Sanaol tulad nina ate Mika." Bumuntong-hininga si Abby. "Swerte mo Mimah. Open minded ang clan mo." "Huh? Over protective kamo." "Hindi naman siguro over protective 'yon." Kontra niya sa akin. "Imagine ha? Ilang beses nakunan ang mama mo bago ka nabuo? Lima 'di ba? Dapat ka lang talaga nilang ingatan 'no." "Nakakasakal." "Tiisin mo na lang. Unless gusto mong makidnap na talaga nang tuluyan." This kidnapan and hatred towards our families has a long history to speak with. Basta ayon sa mga magulang ko ay kailangang triple ingat pa lagi. Hay! --- "God! Napakaingay!" Naibato ko sa pinto ang libro. 'Yon ang una kong nadampot e. Kakakuha ko lang ng antok ko e. "Miss Mimah, gising na. Morning jog na." Boses ni Dana 'yon. Patuloy siya sa pagkatok. "Miss! Gising na! Hanap na tayo ni Coach!" Chineck ko ang phone ko. s**t! 5:00 ang jogging. I only have thirty minutes na lang. "Saglit lang!" Narinig ko siyang tinatawag na rin sina Gabb at Coleen. "Mga Miss! Gising na kayo! Morning jog na!" Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Hihikab-hikab pa sina Coleen at Gabb pero nakabilis na sila. "Anggara ng alarm natin Mimah, kaylakas ng boses 'no?" tukoy niya kay Dana. Lumabas na rin ng kwarto niya si Abby. "Pasalamant kayo si Dana ang gumising sa inyo. Kung ako? Baka pinagbubuhusan ko na kayo ng tubig. Tara na." Patungo na kami sa university oval. Dana has weights on her legs. Mabilis siyang maglakad parang sanay na sa bigat na nakakabit sa kanya. "Ironman yata siya," said Gabb. "I think I needed that too." Turo niya sa weights. "Tingin mo?" "Sipag ang kailangan mo, Gabb. Sipag." Nasa oval na kami. Kasama na ni Abby ang volleyball team. Siya ang captain. Sigurado namang kantyaw ang abot ni Gabb dahil ngayon lang siya nakaabot sa morning jog. Si Coleen naman ay nakikijogging lang. Magsosolo na 'yan maya-maya. Kasama na namin ni Dana ang team. 12 players kami sa badminton. Pero sa ngayon ay 11 lang ang nandito. Tatlong sub-units. Team A kung saan ako kabilang. Kasama ko dito sina Captain Sherie, Vice Captain Amapola at si Heather. Kami ang isinasabak kapag may mga national o international tourns. Team B at C ang mga stand-by players. Sila ang sinasabak sa ibang regional competions, mga inter-collegiate or mga tourns na sponsored by private sectors. Sila ang papalit sa amin kung sakaling may pumalpak. Or kapag nagkaroon ng challenge system sa team. So far sa challenge na ginanap twice na e wala pang nakakatalo sa aming apat. Nasa team C si Dana. Rookie pa kasi siya kung tutuusin dahil unang taon pa lang niya sa team kahit second year college na siya. "Heather, igihan mo ang training." Sabi ni Amapola. "May mayabang na probinsyana o." Akala siguro ng mga 'to hindi ko sila naririnig. Hindi rin nila alam na ako ang nagsabi kay coach na mayroong player sa palarong pambansa na halos kapareho ng kalibre ni ate Zai. Haha! Oh well! I'm a Reyes and I do some under the radar things too if it benefits me. Siyempre! "Jemimah, Lead niyo ni Heather ang warm up." Said Sherie. "Huh? Ile-lead ko ang team C," sagot ko. Saka ako pumunta sa hanay nina Dana. Tatlo lang ang sila dahil wala pa dito ang ka-doubles niya na si Gia. And yes! Kasama siya sa deal. Power house team ang gusto niya kaya dapat kasama si Gia. "No pressure guys, take this as a motivation." Baling ko sa dalawang nagulat na ako ang magli-lead sa kanila. Hindi ako pinapakialaman ni coach sa pinapagawa kong warm up routine. Routine into ni Ate Zai. Ka-batch niya si ate Zai dito kaya very familiar siya sa traditional routine na ginagawa namin. For sure, tumataas ang kilay nina Sherie. Haha! Well, they should be pressured. Pinag-weights ko rin sina Aiko at Lyka for the jogging. "Hindi yata kami makakalimang rounds nito Miss Mimah." Natatawa si Dana sa dalawa. "Ganyan din ako noon. Pero masasanay din kayo. Tara na. Lakad lang kayo kung pagod na kayo. Ah sorry ikaw dapat mag-encourage sa kanila." "Okay lang. Sigurado ganyan ang motivating words mo sa team mo dati. Lesgo Guys. Jog then walk. Fifteen rounds." Sabay-sabay kaming apat. Jogging, lakad, Jogging, lakad kami para makasabay sina Aiko at Lyka. "Mauna na kayo Miss. Tatapusin naman namin e." hingal na sabi ni Lyka. "Hindi nag-iiwanan ang team 'di ba?" said Dana. "naka-8 na tayo. 7 na lang." Napansin kong magaling siyang magmotivate. Minsan paatras pa siyang naglalakad. Kinakausap-kausap niya ang dalawa. Nadaanan na namin si Coach. Nag-okay sign siya nang mapatingin ako sa kanya. Insulting talaga ang ngiti niya minsan. It's because I don't usually do team work dahil hindi ko naman gusto ang team A. Masyadong kasing self-centered sina Sherie at Amapola. It pisses me off. We're down to our last round! "Jog na tayo!" said Dana. "Lesgo!" Hindi ko mai-explain yung tuwa nina Aiko at Lyka. Nakaakbay sila pareho kay Dana. "Masakit ba?" tanong niya sa mga ito. "Konti. Pero kaya." "Miss Mimah paki-alalayan naman sila." Ginawa ko naman. Siya ang nagtanggal ng weights ng dalawa sa binti. "Masasanay din kayo tapos tataas din ang talon niyo. Next time sa wrist naman." Hindi lang 'yon ang ginawa niya. Minasahe pa niya ang binti ni Aiko. Ginaya ko na rin siya kay Lyka. Alam ko naman ang recovery massage. "Halla Dana hindi namin alam mag-massage. Paano kayo ni Miss Mimah?" nag-aalalang tanong ni Aiko. "No need." Sagot ko. "I'm good." --- 6:30 na kami at pabalik na kami sa bahay. Kanina pa nagrereklamo si Gabb na masakit ang katawan niya. Akala mo rookie! Yan napapala ng hindi sanay maki-early jog. "Guys anong breakfast natin?" tanong ni Coleen. "Hindi tayo marunong magluto guys. Order na tayo sa fastfood. Gutom na gutom na ako." "Tatawag na ako sa Jollibee?" said Gabb. "Chicken sa akin. Sa'yo Mimah?" "Same. Kayo Abby and Dana?" "Pass ako diyan." Sagot ni Dana. "Nagtitipid ako e. Mauna na ako ha? Baka ma-late na ako sa work e." Tumakbo na siya patungo sa bahay. Kumain na muna kami bago umuwi. Napatigil kami pagkabukas ng pinto dahil sumalubong sa amin ang napakabangong amoy! Napahawak si Gabb sa balikat ko. "Mimah! Lutong bahay! Mimah!" napisil pa niya ang balikat ko. "s**t! Angbango!" Nag-unahan sila ni Coleen papuntang kusina e. "Dana babe!" Giliw na giliw si Gabb na inamoy amoy ang usok galing sa kaserola. "Halla! Marunong kang magluto! Angbango! 'Yan ba 'yong pinakbet?" "Ah? Oo. Bakit?" "Gosh! Mimah!"baling niya sa akin. "Ganito specialty ni ate Zai 'di ba? 'di ba? Gusto kong tikman!" "Ako rin!" kumuha na ng plate at bowl si Coleen. "Miss ko luto ni ate Zai. Baka magkalasa." Kumuha na rin si Gabb ng plato. She set up the table. Para tuloy kaming mga bata na naghihintay ng pagkain. Si Abby tahimik lang pero halata namang excited. Siya kasi ang mahilig mag-request ng ganitong luto kay ate Zai kapag may gatherings sa kanila. "Kaso konti lang 'tong niluto ko. Akala ko kasi umorder kayo ng almusal niyo." "De share-share!" si Gabb yan. Napapapalakpak pa. "Dali na Dana. Natatakam na ako." Nilagyan ni Dana ang mga bowl namin. Hating-kapatid talaga dahil konti lang ang niluto niya. Nag-agawan pa sina Coleen at Gabb sa kamote. Sobra! Sobrang isip-bata! Angsarap! Mas masarap sa luto ni ate Zai! Gusto ko pa kaso wala na sa kaserola. Napabuntong-hininga ako. "Gusto mo pa Miss Mimah?" nabuhayan ako ng loob Dana! Kung alam mo lang. "Naku! Favoritism!" reklamo ni Gabb. "Gusto rin namin e." "Magluto na lang ulit ako mamaya para sa inyong dalawa. E wala kayong ginawa sa jogging e. nakikita ko kay lakad-lakad lang. Si Miss Mimah pagod 'yan." Evil smile in my mind! Akala niyong dalawa ha? Tumikhim si Abby. "Pagod din ako." God! Makikihati ka pa Abby?! Napakamot sa noo si Dana. "Share na lang kayo diyan." Seriously Abby? Inisa-isa niya yung gulat na nilagay sa mga plato namin. Ayaw palamang! I know pinipigil ni Dana ang tawa niya. "Thank you for the pinakbet Dana babe!" Cheered Gabb. "Mamayang gabi ulit ha?!" --- 9:30. Nasa McCafee na ako. Safe haven ko ang lugar na 'to even before Dana started working here. I'm in the same spot again. Today I ordered carrot cake and cappuccino. And as usual, Dana is sitting infront of me. Gaya kahapon, hindi kami ulit nag-uusapan. Nagbabasa lang ako ng libro. This is better kaysa 'yung pinalitan niya. That girl was so madaldal. She's over complimenting me. She talks a lot about my vlogs. Hindi ako makapag-focus sa binabasa ko. "Hindi mo ba gagalawin ang food mo? Konti lang ang nakain mo kanina dahil sa amin." "Huh? Okay lang. hindi ako malakas kumain naman sa umaga." "Ok." Nabalot ulit kami ng katahimikan. She seems so bored. Nakakailang buntong-hininga na kasi siya. "You okay?" She nodded. "Ano. Medyo. Ewan?" "Huh?" "No offense Miss Mimah ha?" "Jem, Mimah, Jemimah. Drop the Miss. As if hindi tayo magkasama sa team." "Okay, Jem. Nandito kasi ako para magwork. Nakakahiya naman sa mga kasama ko kung nakaupo lang ako dito pero may sweldo ako. Kung gusto mo naman ng kakwentuhan pwede sa bahay na lang. Magkasama naman tayo." "But I'm paying your time. Stay ka lang diyan hangga't nandito ako." "Kaya ka hinahanapan ng magiging kaibigan e." Medyo nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. "What did you just say?" "Sabi ko kaya ka hinahanapan ng pinsan mo ng magiging kaibigan kasi pareho naman kayo ng mindset. Pera. Sa tingin mo mabibili ng pera mo 'yong oras ng mga tao sa paligid mo." How can she say that to me? I'm a Reyes for God's Sake! "Kilala mo ba ang nasa harapan mo ngayon?" hindi ko na napigil ang sarili ko. Naiinis na ako e. "Magtatrabaho ako o walang pinakbet mamayang dinner?" Potek yan! Black mailer! She smiled like saying wala akong choice. Walang pinakbet means mangungulit sina Gabb, Coleen at Abby! All the blames would be on me. God! I sighed in defeat. "Fine. Go."# --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD