bc

Captivated

book_age12+
6
FOLLOW
1K
READ
sweet
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

posible nga bang musika ang magdadala sa ating tadhana?

Spencer Tolentino, Batang lalaki mula sa pamilya ng mga musikero na handang isugal ang lahat, para lamang sa pangarap.

Rajah marie Buendia, Lumaki sa maayos na pamilya ngunit kulang ang suporta sa mga bagay na hilig niya.

Dalawang tao na pareho ng hilig sa musika at mga banda. Madaming hadlang sa kanilang pagmamahalan, ngunit musika nga ba ang magtatali sa kanilang tadhana?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
2015 "What the hell rajj?! Papatayin mo 'yan o ikaw yung papatayin ko? Nakakarindi." pang sampung sigaw na ni ate reyah. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi nila nagugustuhan 'tong mga kantang 'to, haynako. "Ate, kung ayaw mong makinig, tanggalin mo nalang 'yang tenga mo, okay?" pabalang na sagot ko sabay alis SA SARILI KONG KWARTO. Oo, Sa sarili kong kwarto. May sarili naman siyang kwarto eh, mas malaki pa nga, 'di ko alam sa impaktang 'to kung bakit mas gustong tumambay sa kwarto ko. "Hi mama," bati ko sa napakagandang mama ko, lagi nga lang galit. 'Di pa kase ako nag aalmusal, alas nuebe na nang magising ako. Naglakad ako at umupo sa lamesa namin sa may kusina. "oh, gising ka na pala, kumain ka na muna diyan at pagkatapos mo, ayusin mo na yung mga gamit mo para bukas, senior highschool ka na rajah, ayusin mo," Oh diba, ang ganda ng umaga. "haynako ma, ako pa ba?" Pagmamalaki ko pa."Madami po akong pangarap, gusto ko pa po pumunta sa madaming concert ng iba't ibang banda!" Nag iimagine kong sabi habang naka halumbaba pa sa lamesa. "Wala kang mapapala diyan rajah, nagyon palang tigilan mo na," Malamig na sabi ni mama. "Liligo lang ako. Pupunta ako sa batanggas, bibisitahin ko lang ang branch doon." Malamig paring sabi ni mama sabay talikod at umakyat na sa kwarto niya. Hiwalay na si mama at papa. Bata palang ako ay hindi ko na sila nakitang nagsama. Si papa ay may ibang asawa na, pero walang anak. Madalas akong pumupunta sa kanila noon, pero dahil narin sa hindi ako komportable kasama yung asawa niya, masyado nang busy si papa sa trabaho niya. Nabuhay naman nang masaya si mama, hindi na siya nag asawa pa ulit, ang sabi niya kase ay mas itutuon niya nalang ang oras sa amin nila ate at kuya, pati narin sa hilig niyang pagluluto. Mayroon na kaming anim na branch ng restaurant, isa dito sa laguna, meron rin sa batanggas, dalawa sa Quezon City, sa Caloocan at ang pinaka malayo, sa cagayan de oro. Madaming pinagkakatiwalaan na kaibigan si mama sa iba't ibang lugar, kaya't maganda ang takbo ng bawat resto namin. Kahit na lumaki akong si mama ang kasama, parang hindi ko parin ramdam na andiyan sya. Laging wala si mama, habang lumalaki ako, halos isang beses sa isang linggo ko lang siya nakakasama, at halos 'yung araw na 'yun, itutulog niya nalang dahil narin sa pagod niya. Laking pasasalamat ko dahil habang lumalaki din ako, may isang bagay na nagpapasaya sa akin, Ang musika. Nagkaroon ako ng interes makinig sa mga banda noong elementary palang ako. *FLASCHBACKKKKKKKKKK* 2007 Naglalakad lang ako papasok dati sa school, ilang hakbang lang naman ang layo niyon sa bahay namin. Noong grade 3 ako ay naglalakad na ako mag isa papuntang school, subdi naman kase dito sa amin kaya alam nilang safe ako. Isang beses noon maaga kaming pinauwi dahil may meeting daw sabi ng teacher ko, dahil maaga pa at gusto ko maglaro, pumunta muna ako sa park, malapit lang naman 'yun sa bahay namin, nadadaanan lang din papuntang school. Habang nasa swing ako ay may nakita akong bilihan ng gitara, hindi ko alam pero bata palang ako sobrang naaastigan na ako pag may nag gigitara. Naglakad ako papunta doon. Ang ganda ng lugar kahit nasa labas ka palang. May mga naka sabit na electric guitar at bass at may mga drums din. salamin lang naman ang harang kaya kita mo na ang nasa loob. Pumasok ako nang walang halong alinlangan dahil narin sa kakaibang saya na naidudulot ng lugar na 'yon sa akin. "Hello, marunong ka tumugtog?" Sabi ng medyo matandang lalaki, 'di naman medyo, parang mga nasa 40 lang ganon. "h-hindi p-po, s-sorry po kung g-ginalaw ko," naiiyak na paghingi ko ng paumanhin, natatakot ako kase baka magalit siya. "sorry po t-tagala," isang sorry pa. "Oh, wag ka umiyak, tinatanong lang kita, ano ka ba naman, ayos lang jusko, wag ka umiyak," Natatawa na nag-aalalang sabi ni kuya. "Ako si kuya rico, ikaw? Anong pangalan mo?," Pagpapakilala niya. "Ako p-po si rajah, sorry p-po ulit ah," pagpapakilala ko din. "kakatapos ko lang po kase mag ischool eh, sabi ni teacher pwede na po kami umuwi, tapos po naglaro nalang ako dyan sa may park, tapos po nakita ko may gitara dito na nakasabit, tapos po nagandahan ako, tapos po bigla nalang po ako pumasok, tapos po--,". "Hinay-hinay lang rajah, kalma ka lang hahaha," natatawang saad niya sa walang tigil kong kwento. "Akala mo siguro tindahan 'to ng gitara, ano?," tanong niya at tumango naman ako. "studio namin ito ng mga kabanda ko, ito nalang kase yung available na space na malapit sa mga lugar na kailangan namin puntahan eh," Mahumanay na sabi niya. wala talaga akong naintindihan sa mga sinabi niya kaya tumango tango nalang ako. "Ang ganda ganda po dito! Mas gusto ko na po dito kaysa sa playground! pwede po ba ako dito?" Tuwang tuwa na sabi ko habang pinapasyal ng patingin ang buong lugar. May mga litrato ng iba't ibang grupo, may mga hawak na gitara yung iba, yung iba naman wala. May mga picture din na madaming tao tapos may stage tapos may umuusok dun sa may stage. "Mga banda ang tawag diyan," kuya rico. "Ano po ang banda kuya? diba 'yun po 'yung mga namamartya sa school tapos po may saypolown sila tapos may stick po, ano nga bang tawag 'dun? basta, 'yun po 'yung banda, hindi ba po?" enosenteng sunod-sunod na tanong ko. "Oo, tama ka, banda din ang tawag dun," nakangiting sabi ni kuya at pinaupo ako sa parang speaker na malaki. "Ang banda rajah ay para siyang grupo. Parang kayo ng mga classmates mo. Kaso lang, ang banda ay mga kumakanta na may gitara tapos kagaya niyang mga 'yan," turo niya sa mga intument na katabi ko. "Kagaya nung mga pictures na 'yun oh, kita mo ba 'yon?" turo niya pa sa mga picture na tinitignan ko kanina, tumango naman ako. "Ano pong kanta nila? Parang yung kinakanta po ba namin sa school? yung parang if you're happy and you know it clap your hands. Ganon po ba?" Kanta ko na may halong palakpak pa kagaya ng ginawa namin kanina nung flag ceremony. "hahaha, loko ka. Gan'to, ipaparinig ko nalang sa'yo, gusto mo ba?" natatawang tanong ni kuya rico. tumango naman ako nang 'di nagdadalawang isip. "Anong gusto mo, english o tagalog?" "Tagalog po!!! Magaling po kase ako sa english, pero pag sa kanta na hindi ko na po maintindihan," Malungkot na sabi ko. "hahaha, ang cute mo talagang bata ka. Sandali lang, kunin lang ko lang yung earphones ko ah?" Nakangiting sabi niya at tinanguan ko nalang siya nang naka ngiti din. Umakyat si kuya sa may hagdanan, ang ganda talaga ng lugar, sana gan'to nalang din ang bahay namin. "'Yan, rinig mo na?" Pang apat na tanong ni kuya rico nang sa wakas, rinig ko na. Tumango nalang ako at pinakinggan 'yung tugtog. **now playing // magasin by eheads** ** END OF THE FLASHBACKKKKKK ** At dun nagsimula ang kaligayahan ko. Simula nung araw na pumunta ako dun at pinarinig ni kuya rico ang mga kanta ng iba't ibang banda ay hindi na ako natinag pa sa pag daan tuwing uuwi ako galing school. Kakaiba sa pakiramdam tuwing kasama ko sila kuya rico at iba niya pang kabanda. Tinuruan nila ako ng iba't ibang instrumento kaya mas lalo akong sumaya. Pakiramdam ko ako'y lumilipad at nasa langit na tuwing ginagawa ko ang pagtugtog at pag kanta. Hindi ko alam na maganda din pala ang boses ko kung hindi pa ako pinilit na mag record ni ate selestiya, babaeng vocalist ng banda nila kuya rico. Hanggang ngayon ay pumupunta parin ako sa kanila, kahit na pinagbabawalan ako ni mama. Wala akong pake sa kahit na anong sinasabi, basta't masaya ako sa ginagawa ko at wala akong inaapakan na tao, ipagpapatuloy ko. Kakatapos ko lang kumain at naligo na din ako, kailangan ko pa kase ihanda yung gamit ko para bukas. haaayyy buhay, grade 11 na ako, parang ang bilis ng oras. Umakyat na ako sa kwarto ko at buti nama'y wala na ang impakta. Binuksan ko na yung speaker at nilock ang pinto para walang istorbo. ** now playing // sweet child of mine ** Nakakagana talaga pag may tugtog... Unang hinanda ko ay ang bag ko, nilagay ko lang ang mga subject notebook ba para bukas lang, para 'di na ako mabigatan. Hinanda ko na din yung schedule board ko para alam ko ang pagkakasunod. Alam ko naman na kung saan ang classroom ko kaya 'di na ako maliligaw. Sunod kong hinanda ay ang Uniform ko. Kulay grey siya na fit lang sa akin, kakaiba ang itsura, masyadong maiksi pero komportable naman, basta hindi nakikita legs ko, ayos na. Nag-ayos lang ako ng gamit ko at kumain na din ng tanghalian. Kasabay ko kumain si ate kaya nakakawalang gana. "Anong track ba kinuha mo?" ngumunguyang tanong ng impakta. "TVL," Tipid na sagot ko para 'di na humaba ang usapan, baka maputol pa ang pagkain ko. "Feeling matalino ka naman eh, kaya mo 'yan. Siguradong diyan makakapasa ka pa, pero sa pagtugtog? itigil mo na." Nakangising sabi nya habang deretsong nakatingin sa akin. Nginisian ko nalang din siya at padabog na pumuntang kwarto. Baka kung ano pang masabi ko sa kanya, ate ko parin naman siya kaya gagalangin ko parin siya kahit papaano. **kenaabookkaaasaannnnnnnn** Bumaba na ako pagkatapos ko maligo at paghanda ng mga gamit ko, dinalian ko nalang din para 'di masyadong madami ang tao sa school pag dating ko. "Goodmorning hijah, maaga umalis ang ate mo at sa isang araw pa naman ang uwi ng mama mo." sabi ni nanay lydia, kasambahay namin. "Goodmorning nanay, kain lang po ako tapos alis na din po ako agad." pagbati ko din. "Sige na, maglalaba pa ako. Mag ingat ka sa pagmamaneho mo ha. Goodluck hijah," nakangiting saad ni nanay. Nginitian ko nalang 'din siya pabalik. Kumain na ako at nagamadali nang pumasok, masyado pang maaga pero kailangan ko pumasok nang maaga para wala pa masyadong tao. 'Di ko kase kaya pag sobrang daming tao. Nagmotor na ako papasok, 'di naman ako pinagbabawalan dahil may lisensya ako pang estudyante. Pagkapark ko sa parking lot ng campus ay dumeretso na ako sa paborito kong lugar... ang forest. Meron kase ditong garden na madaming puno at sobrang payapa. Dito na ako tumatambay junior palang ako, wala masyadong nagpupuntang tao dito kaya mas gusto kong tumambay dito. nagpatugtog nalang ako sa cellphone ko, 'di na ako nag earphones kase ako lang naman mag isa dito. Umupo ako sa ilalim ng puno, bermuda grass naman dito kaya malinis. **now playing // antukin by rico blanco ** Rivermaya is one of the best opm bands, kaya ko din 'to nagustuhan dahil kaibigan nila si kuya rico at mga kabanda niya. Madaming sikat na banda ang connected sa kanila, pero dahil narin 'di sila sabay-sabay umangat, nasa iba't ibang antas sila ngayon. Tahimik na nakikinig lang ako sa kanta. 7:30am pa ang pasok ko, 6:53am palang ngayon, Nag alarm nalang ako ng 7:20am para 'di nalang ako malate. //Kukupkupin na lang kita Sorry, wala ka nang magagawa Mahalin mo na lang ako nang sobra-sobra Para patas naman tayo, 'di ba? Sarap sa tenga...... "Sasalubungin natin ang kinabukasan Nang walang takot at walang pangamba Tadhana'y mayro'ng trip na makapangyarihan Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan Hoo-hoo-ooh..." Biglang mulat ko nang biglang may sumabay sa chorus ng kanta. Deretsong nakatayo siya at nakasandal sa punong sinisilungan ko, nakapamulsa habang sinasabayan ang kanta. Mistiso at matangos ang ilong, medyo mahaba ang buhok, matangkad at malinis. Halos mapatalon na ako sa pagkakaupo nang bigla niya akong lingunin. "Nice music taste, miss antukin...." puso ko......

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
17.3K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.6K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
551.7K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
783.6K
bc

The Lone Alpha

read
122.9K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook