It's been 3 months since my boyfriend left me. It's so hard to move on but blessing in this guys ang break up namin atleast I'm loving my self now. I'm doing fine with my life and he's also doing fine with his new girlfriend what a jerk.
" Anne bilisan mo!" sigaw ni Arvin sakin habang paakyat na sila ni Ace ng bus
Dali dali ako umakyat at umupo sa tabi ng bintana papunta kami ngayon sa isa sa mga school na gusto namin pasukan next school year. March na ngayon at malapit na matapos ang school year namin that's why we need to find new school for our Senior High.
Kasama ko si Arvin and Ace they our the 2 among my 4 best friends. Since grade 9 ay kaibigan ko na sila and nung nag Grade 10 magkakahiwalay kami ng section kaya minsan lang kami magsama sama . Si Joriel and Angel lang ang magkaklase that's why sila palagi ang wala. Madalas ako nasasabihan ng malandi at tomboy pag kasama ko silang apat dahil ikaw ba naman isang babae lang tapos apat na lalakeng may itsura ang laging kasama but I just don't mind them .
Simula ng makilala ko sila parang kapatid na ang turingan naming lima kahit na ako ang mas matanda sa kanila paranf prinsesa ang turing nila sa akin . Nandyan sila pag may kailangan ako willing to help. I don't feel any romatic between us but just pure friendship. Since nag umpisa ang klase this January lang kami nabuo muli maybe because they also gain friends in their new section ganun rin naman ako at naging busy ako sa boyfriend ko he also demand me to stay away from them dahil nagseselos siya I was blind that time and willing to do anything for him kaya iniwasan ko sila pero nang mapansin nila yun ay hindi nila ko hinayaan lumayo , palagi nila ko inaabangan sa ground floor ng building namin kaya dumating sa point na sa fire exit ako dumadaan para makaiwas sa kanila dahil hindi ko rin maeexplaine sa kanila kung bakit dahil hindi nila alam na may boyfriend ako kaya noong nag break kami ng boyfriend ko nakipag ayos ako sa kanila at sinabing family problem lang. Naniwala naman sila sakin dahil totoo naman may family problem ako pero hindi lang nila alam na meron rin ako dinadala na problema sa pag ibig .
Napag kasunduan namin magkakaibigan na sa iisang school lang kami mag aaral since libre naman kahit sa private school kami mag aral dahil sa Voucher ng gobyerno.
" Nandito na tayo " pagdedeklara ni Ace
Si Ace ang medyo seryoso or mysterious type at matalino pero siya ang pinaka playboy sa apat . He's gentleman as f**k at mabait kaya siguro lapitin siya sa mga babae at tuwang tuwa naman siyang pag laruan ang mga ito pero minsan kahit wala naman siyang ginagawa namimis understood siya sa sobrang kagentlemanan niya . Hindi naman siya ganun katangkad at balbunin pero hindi ko maakila na malakas ang dating niya with his curly hair, broad eyebrow , jet black eyes and stunning look .
" Dito ba tayo unang mag iinquire?" tanong ko nang nakababa na kami sa mismong gusali ng SEA University School.
Isang gusali lang ito pero makikita mo sa labas palang na medyo maraming rooms sa itaas at tingin ko ay halos lahat ay may aircin. Katapan lang rin ito ng mismong mall.
" Tara na akyatin na natin" masayang pag aya ni Arvin
Si Arvin naman ay jolly at torpe. Mahilig to sa magagandang babae pero never naman nanligaw sa personal. Medyo pilyo to at mahilig sa malalaking pakwan I don't know to this boy pero pag nakakita ng ganun nabibighani hahaha kidding. Marami rin nagkakagusto dito dahil may itsura maputi, mapungay ang mata bukod pa dun sweet ito at palakaibigan. Siya ang pinaka close ko sa apat kaya madalas napapagkamalan na pinatulan niya ang panget na tulad ko char . Minsan na rin to nag ka gf noong 2 months after ng pasukan . Kaso nag break sila ng gf niya nagseselos rin kase sakin tuwing hinihintay ako nito at ni Ace tuwing uwian pag may usapan kami kakain kami sa bahay nila at bukod pa dito may nalaman rin siya na hindi maganda doon sa babae something na may kababalaghan yung babae kaya nakipag break siya .
" Okay this is our brochure you may check it " sabi ng isang may third gender na nag accommodate samin
Tinignan ko lang ang nakalagay sa brochure mukhang mas ok nga rito bukod sa may aircon na ang mga rooms may libreng uniform pa. No hidden top up fees rin sila. They uniform quiet the same sa uniform ng mga sales lady sa mall but it looks good naman at lalo na sa boys.
Abala kaming tatlo sa pag tingin sa broucher habang nagdidiscuss ang nag accommodate samin. He said that wala pang court or gymnasium ang school nila dahil bago pa lang naman daw ito pero mas dumarami daw ang buildings nila na malapit rin sa kung saan kami ngayon.
Nang matapos siya mag discuss ay itinour naman kami ng isang students maybe isa sa mga Student Officer. Tahimik lang kami habang nagsasalita ito at isa isa binubuksan ang mga rooms . Maayos naman medyo ok rin dahil nga aircon may library and lab rin sila .
" So ano doon na tayo?" tanong ni Arvin sabay subo ng french fries
Dumiretso na kase kami dito sa mall after namin mag inquired sa ibang school na malapit dito kaso hindi naman pasok samin. Yung isa wala yung course na gusto namin ay yung iba naman may top up pa.
" Siguro tanungin rin natin sila Joriel and Angel kung gusto nila dun" sagot ko naman
" Sus baka hindi sumama satin yun sabi nila sa Ulfo sila " singit ni Ace habang nakatingin sa labas ng kinakainan namin
" Malay mo . Di ka sure dyan masyadong malaki kase gastos sa Ulfo eh need bumili ng books tapos kung gusto mo pa may aircon ang room mo need mo magbayad parang wala rin Voucher mo" saad ko habang nagmamasid rin sa paligid
" Kaya nga eh dun sana ako maraming chickzz " natatawang sabi ni Ace
" We? madami? dun nalang Anne " gatol naman ni Arvin habang tumatawa rin
" Ewan ko sa inyo bahala kayo dyan na lang ako mag enroll sa tapat nitong mall" bored kong sagot
" Ano pancit canton na lang lutuin natin? Ambagan !" masayang tanong samin ni Arvin habang naglalakad kami pauwi . Napagkasunduan kase namin kaninang uwian na didiretso kami aa bahay nila para kumain . Kumpleto kami ngayon si Angel at Joriel ay kasama namin.
" Sikwenta na ko " sagot naman ni Angel
Si Angel ang tingin kong pinaka strong sa aming apat. Siya yung tipo ng tao na straight forward at siya rin yung palaging nababasted sa mga nililigawan niya. Ilang babae na rin ang niligawan niya kaso palaging hindi siya sinasagot kahit mabait naman siya at handang ibigay ang lahat. Siya ang pinaka matalino sa math sa tropa ngunit hirao siya sa english. May itsura rin si Angel may mapupungay na mata at magandang pangangatawan dahil na rin siguro sa pag tatrabaho niya ng maaga. Bata pa lang kase workung student na siya . Minsan akala mo wala siyang pake pero maasahan mo siya kung may kailangan ka mukha lang barumbado pero pag nakilala mo siya ay mabait at maunawain.
" Uyy! Bente lang akin wala na ako pera " natatawang sagot rin ni Joriel
Si Joriel naman ang pinaka slow sa tropa yung tipong tapos na kami tumawa sa isang joke ay patawa pa lang siya. Medyo matinik rin sa babae si Joriel dahil na rin sa physical appearance nito. Mapayat na matangkad moreno rin ito . Isa pa ay may ngiti itong nakakamatay. Medyo hirap lang siya minsan pero mabait rin ito .
" Oo na ako na magluluto!" pagalit na sabi ni Arvin dahil walang gusto magluto
" Oy Arvin ! Arvin ! Palaro dito!" sabi ni Joriel habang nakatingin kay Arvin at nakaturo sa dvd
Inayos naman ito ni Arvin. Masasabi ko na hindi pa tapos ayusin itong bahay nila Arvin dahil walang pintura ang dingding at hindi pa ito naka finishing . Ngunit makikita mo na maayos at malinis ang mga wire sa ng kuryente dahil nga isang magaling na electricial ang papa niya ngunit nasa abroad na ito.
" Oy ito na yung lancheon meat lutuin mo ng maayos ah " bungad ni Ace pag akyat
Magkalapit lang kase sila ng bahay . Maganda ang bahay nila Ace pero hindi rin ganun kalakihan tiles ang sahig . Maayos lahat dahil ang tatay niya ay isang seaman samantala ang mama naman niya ang nag aalaga sa kanila tatlong magkakapatid.
" Ang duga ni Angel amp!"
" Luh talo ka lang eh!"
" Oy ako naman kanina pa kayo!"
Nandito ako sa mahabang upuan nila Arvin habang pinapanuod ko sila sa harap ko na nag aaway dahil sa isang laro . Nasa sahig sila medyo malayo ng ilang metro sa akin may mesa dun at nasa harap nila ang tv at dvd player. Nakakatuwang tignan sila dahil hindi ko ineexpect na magiging kaibigan ko silang apat .
" Mamaya na yan kumain na tayo ! Tapos na ba yan Arvin ? Napakatagal naman ng yaya natin magluto " pang aasar ko kay Arvin
" Hoy! Ang kapal mo kung ikaw kaya mag luto dito ikaw naman babae dyan!" sagot niya sakin na naiinis
Kahit ganyan sila ay halos hindi nila ko pinapakilos sa tuwing kakain kami sa bahay nila o bahay man ni Ace . Ganyan sila ka gentle man kaya siguro marami silang nauutong babae hahaha samahan pa ng mga salita nilang pambobola . Kahit hindi ako ganoong kagandang babae dahil sa kanila ay feeling ko napaka ganda ko hahaha lagi nila pinapalakas ang loob ko at pinapakita na may tiwala sila sakin at proud lalo na sa mga achievements ko.
" Graduate na tayo baka naman pag Senior High na tayo may mauna na sa inyong mag abot ng card na may nakalgay na Happy Christening " natatawang biro ko sa kanila habang kumakain kami
" Gago si Arvin yun matik na " pang aalaska ni Ace kay Arvin
" Ulol ikaw maraming babae " pikon na sagot ni Arvin
" Baka magulat tayo si Joriel patahimik tahimik lang tas biglang mag abot" pag aalaska ko naman kay Joriel
" Ulol Anne matino ako kahit ganto ako hahaha"
" Tanga si Angel yata kase wala pa nagiging girlfriend pag nag ka roon yan wala na palag palag na " si Arvin na inaasar na ngayon si Angel
" Gago hahaha unang araw pa lang namin gg agad " pag sang ayon naman nito
Sanay na ko sa ganto nilang usapan dahil nga lalake sila saka hindi naman nila ako binabastos kahit na ako lang ang babae sa tropa. Madalas nga pag nagagalit ako sinusuyo pa nila ko mga baliw eh.
Masaya ako dahil naging kaibigan ko sila dahil sila lang nakakaintindi sakin . Sila lang naging tunay sa akin kahit na ang daming panget sakin wala silang pake. Hindi man nila alam dahil sa kanila ay hindi ko na naalala ang mga problema ko. Alam nila may family problem ako dahil minsan naoopen ko sa kanila iyon ngunit hindi nila alam na may bf ako and halos 1 year and 2 months rin kami . It's been 3 months but I feel I'm already fine . I also realized na ok yung desisyon niya.
Iniwan niya ko dahil nagseselos siya sa mga kaibigan ko noong nakita niya ang pic ko sa kanila noong Christmas Party.
It's hurts at first but I already indured the pain and I'm happy now. Not totally healed but I'm already fine and not crying every day because of a man who doesn't have anything and always hurting me. I never open this to someone kase natatakot ako mahusgahan na ang isang honor student na tulad ko ay umiiyak sa isang lalakeng tambay.