Inalalayan akong pumasok ni sir sa luob ng kainan sabi ni sir restaurant daw ang tawag dito. Ang daming mesa sa luob at madami ding tao halata na mga mayayaman ang mga nandito. Napansin ko naman si sir na laging nakakunot ang kanyang noo. Pati ang suot kung dyaket ay lagi niyang inaayos. Naupo kaming apat sa mesa at magkatabi kami ni sir. Lumapit ang isang lalaki sa amin at nakangiti. What’s your order sir ma’am, nakangiti nitong sabi sa amin, yumuko naman ako dahil nahihiya ako sa kanya. May kinuha namang papel si sir at may mga litrato ito ng mga pagkain, napatingin si sir sa akin at ngumiti. What do you like to eat, tanong ni sir habang pinapakita sa akin ang papel. Tumitig naman ako dito at tumingin uli kay sir. Ikaw nalang po ang pumili sir, sabi k okay sir at ngumiti naman si

