Lumabas si sir sa kanyang opisina at naiwan ako, sabi niya kasi kailangan daw niyang pumunta sa meeting at babalik kaagad. Sabi din naman ni sir sa akin na wag daw ako lumabas. Sinunod ko naman si sir para hindi siya magalit sa akin. Tumitingin lang ako sa may salaaming bentana ni sir. Ang ganda pagmasdan sa labas kita dito ang naglalakihang building. Napalingon ako ng biglang bumukas ang pinto ngumiti ako dahil akala ko si sir ang pumasok pero iba pala. Yumuko lang ako habang papalapit ang isang magandang babae sa akin. Who are you? What are you doing here? Bigla niyang tanong sa akin. a-ako p-po s-si Carla ma’am, nauutal kung sagot sa kanya habang nakayuko. Then? What are you doing here? Tanong niya uli sa akin. Iniwan pa po ako ni s-sir Dom po ma’am m-may meeting pa po kasi siya, na

