IT'S BEEN TWO WEEKS since Katrina started working at Palma Real Estate Company. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na sa sobrang daming nag-apply ay siya ang nakuha. "Ang swerte ko naman talaga," naisip niya.
Nang sabihin ni Mr. Algin Palma na siya ang napili bilang secretary, hindi maipaliwanag ang tuwa niya. Ngunit kung tatanungin kung kumusta ang trabaho niya sa dalawang linggong iyon, iisa lang ang masasabi niya: "WHAT THE HELL!"
Oo, literal na impiyerno ang nararanasan niya dahil sa sobrang daming utos ng boss niya. Bukod sa marami itong pinapagawa, masungit pa. Siguro nasa menopausal stage na, isip ni Katrina.
Kung noong unang araw ay mabait pa si Algin sa kanya, ngayon ay sobrang sungit na nito. Tama nga ang kasabihan na "don't judge a book by its cover." Isa ngang halimbawa si Algin ng kasabihang ito. Mukha itong anghel na hindi makabasag-pinggan, pero sa totoo lang, para itong anak ng demonyo kapag nakilala mo na. Utos dito, utos doon; galit dito, galit diyan. Nakaka-stress!
Sa loob ng dalawang linggo, pakiramdam ni Katrina ay tumanda siya ng dalawang taon. Pero wala siyang magagawa; secretary lang siya, at siya ang boss.
Isa pang bagay na hinding-hindi niya makakalimutan ay ang linya ni Mr. Palma: "DON'T BE SO STUPID OR ELSE I'LL FIRE YOU." Paulit-ulit itong sinasabi ng boss niya tuwing may nagagawa siyang pagkakamali.
Kung ang company naman ang usapan, ayos naman sa kanya. Sa loob ng dalawang linggo, nakabuo siya ng mga kaibigan sa mga empleyado. Pero siyempre, hindi mawawala ang mga plastikan sa trabaho.
Napatingin siya sa orasan. It's 8:30 AM, at late na naman siya ng 30 minutes dahil sa traffic. Mabilis siyang tumakbo, nagmamadaling makarating sa kumpanya. Bakit kasi ngayon pa siya naipit sa traffic? Alam niyang siguradong mapapagalitan siya ng boss niya.
Aligaga siyang pumasok sa elevator, kinakabahan at kinakagat-kagat ang kuko sa sobrang kaba. Paglabas niya sa elevator, mabilis siyang naglakad papasok sa Palma Real Estate Company. Dalawang linggo pa lang ang nakalilipas simula nang matanggap siya rito bilang sekretarya ng CEO, pero parang taon na sa bigat ng trabaho.
Pagpasok pa lang niya, agad siyang hinarang ng guard na mukhang hindi pa alam na siya ang bagong secretary. "Hello po, ma'am, may I.D. ho ba kayo?" tanong nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
"Ah, wala pa po akong I.D. bago pa lang po kasi ako rito. Ako po 'yong bagong sekretarya ng boss," paliwanag ni Katrina habang nahihiya pang kinamot ang ulo.
Tinitigan muna siya ng guard bago tumango. "Sige po, ma'am, nandoon po ang front desk." Sabay turo sa babae na nakaupo sa front desk.
Nagpasalamat si Katrina at lumapit sa front desk. "Hello, miss? Ako 'yong bagong secretary," sabi niya para magpapansin sa babae.
Ngumiti ang babae bago sumagot. "So, you're Miss Baltazar? Buti naman at nandito ka na, kanina ka pa hinihintay ni Sir. Umakyat ka na lang sa top floor; nandoon ang office niya. And Miss Baltazar, gusto ko lang sabihin na ayaw ni boss na laging late kaya sana hindi na ito maulit," sabi nito.
Hindi maiwasang kabahan si Katrina sa sinabi nito. Sa tono pa lang ng boses, halatang strikto ang CEO.
"S-sige, salamat. Una na ako, ha?" paalam niya bago tuluyang naglakad papunta sa elevator.
Habang nasa loob ng elevator, kabado siya at namamawis ang mga kamay. Late na siya—ano kaya ang sasabihin ni Mr. Palma? Baka masisante siya nang wala pang ilang linggo! Lord, sana naman hindi.
Pagdating niya sa top floor, mabilis siyang lumabas ng elevator. Patuloy pa rin ang pagpintig ng puso niya sa kaba. "Lord, help me," bulong niya sa sarili habang papalapit sa opisina ng boss niya.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin si Katrina sa harapan ng pinto kung saan may nakalagay na "Chief Executive Officer" sa itaas. Para siyang ewan na nakatitig lang sa pinto at hindi alam kung papasok ba o hindi.
Huminga muna siya nang malalim bago naglakas-loob na kumatok.
"Come in," sabi ng isang baritonong boses mula sa loob.
Nako! Mukhang totoo nga ang sinabi ng babae sa front desk na ayaw ni Mr. Algin Palma ng mga late!
"Kaya mo 'yan, Katrina! First two weeks mo pa lang kaya dapat magpakitang gilas ka sa boss mo," bulong niya sa sarili, pilit pinapalakas ang loob.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Katrina, sinalubong agad siya ng malamig na boses ng kanyang boss, "You're 30 minutes late na naman, Miss Baltazar." Napalunok siya nang masilayan ang nagbabagang tingin ni Mr. Palma. Hindi niya maiwasang hindi mapalunok at mag-iwas ng tingin dahil sa kaba.
Marami siyang naririnig na tsismis tungkol kay Mr. Palma—sobrang sungit daw nito. Sa dalawang linggo ng pananatili niya sa kompanya, mukhang totoo nga ang mga balitang iyon.
"S-sorry po, Sir. H-hindi ko po sinasadya. T-traffic po kasi, may naaksidente po sa daan. A-at hinarang po ako ng guard sa labas d-dahil wala pa po akong I.D.," pautal-utal niyang paliwanag habang nakayuko.
Dahan-dahan siyang tumunghay upang tingnan ang mukha ng kanyang boss at halos matulala siya nang makita ang mukha nito. Grabe, bakit naman ang extra pogi nito today?
"Alright, I will forgive you just today. However, keep in mind, Ms. Baltazar, that I do not want this incident to happen again. Understood?" seryosong sambit ni Mr. Palma bago siya tinitigan ng mabuti. Mabilis naman siyang napatango dahil sa kaba at pagkataranta.
"Good. Your table is outside. I will just call you when I need you," paliwanag ni Algin.
"Okay po, sir," ang nasabi na lang ni Katrina. Hindi siya makapag-isip nang maayos dahil sa halo-halong kaba at inis sa pagiging gwapo—este sungit ng kanyang boss.
"Then, do arrange this until today. I need this tomorrow morning," utos ni Algin sabay abot ng mga papel.
Nanlaki ang mga mata ni Katrina sa dami ng trabahong kailangang tapusin! Nako naman, kararating niya lang, pero deadline agad?
Napasimangot na lang siya habang mabilis na lumabas at umupo sa kanyang pwesto. Hindi niya napansin ang mesa roon kanina dahil sa sobrang kaba. Maigi pa at simulan na lang niya ang utos ng kanyang boss para matapos agad. "Kainis! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina—hindi pala siya gwapo, pangit siya! Pangit ang ugali, hindi ang mukha—" bumulong siya sa sarili, ngunit agad ding napatigil. "Okay, tama na, masyado na akong OA," dagdag niya.
"Miss Baltazar, come inside and do your work here. I need to monitor you today para makita kung may progress ka ba or gano'n pa rin," biglang sabi ni Algin sa intercom, dahilan upang mapatalon si Katrina sa gulat.
Mabilis siyang pumasok at naupo sa itinuro nitong sofa. "Kaya mo 'yan, Katrina! Para sa trabaho!" pagpapalakas-loob niya sa sarili.
Sinimulan na agad ni Katrina ang kanyang trabaho. Nakailang balik siya sa labas dahil nando'n ang computer na ginagamit niya, at ang proseso ay tila nakakapagod.
Tinignan niya ang oras at nagulat na isang oras na pala siyang nagtatrabaho ngunit hindi pa rin siya tapos. Nakakapagod nga talaga! Marami pang naiwang gawain ang dating sekretarya ni Mr. Palma kaya siguro nagmamadali itong maghanap ng kapalit.
Napamasahe na lang si Katrina sa balikat niya dahil sa ngalay. Idagdag pa ang boss niya na kanina pa nakatitig sa kanya, hindi siya makapag-concentrate!
"By the way, Ms. Baltazar, make sure that you read our rules and regulations," biglang sambit ni Algin.
"Noted, sir!" sagot ni Katrina habang ngumiti. Boss pogi na lang ang itatawag ko sa kanya, dahil ang gwapo-gwapo naman kasi niya.
"I think I have a crush on him," bulong ni Katrina sa sarili.
"Good. You can now take your break," sabi ni Algin.
Hmm, p’wede na raw siya mag-lunch, pero ang dami pa niyang kailangan tapusin. Baka hindi pa niya ito matapos, mamaya na lang siya kakain.
"Nako! Hindi na, Boss, marami pa po akong gagawin at baka hindi ko pa matapos kung kakain pa ako," paliwanag ni Katrina. Nagulat siya nang bigla siyang irapan ni Algin.
"Tsk," sagot nito bago ibinaling ang tingin sa kanyang ginagawa.
Napailing na lang si Katrina at itinuloy ang kanyang ginagawa.
At sa hindi malamang dahilan, bigla siyang napatitig sa gwapo nitong mukha. Sino ba naman ang hindi mapapatitig? Ang gwapo talaga ni Algin! Ang tangos ng ilong, at mukha pa niyang parang Koreano.
"Done staring at me, Ms. Baltazar?" biglang sambit ni Algin, at nagulat si Katrina nang mapansin niyang nakatingin na pala ito sa kanya. Masyado siyang na-amaze sa perpektong mukha ni Algin!
"I-I’m not, Boss," namumulang saad niya habang iniwas ang tingin.
Nakakahiya! Paniguradong iisipin ni Algin na may gusto siya sa kanya!
Nakita niya mula sa peripheral vision ang pagngisi ni Algin. OMG! Ang pogi! Baka wala pang isang buwan, mas lalo pa siyang ma-fall sa kanya.
Mabilis na namula si Katrina dahil sa hiya, kaya naman napakagat siya sa labi niya. Mannerism niya na kasi na kapag nahihiya, kinakagat ang labi.
Bigla siyang napaigtad nang magsalita si Algin nang malakas. Medyo pasigaw kasi ito.
Napakamot na lang si Katrina sa batok at ipinagpatuloy ang ginagawa. Dahil nagugutom na siya, kinagat-kagat niya na lang ang labi niya para maibsan ang kagutuman.
"What the heck? Stop doing that!" singhal ni Algin sa kanya. Halos malaglag si Katrina sa upuan dahil sa gulat. Ano ba ang problema nito? May nagawa ba siya?
"A-ah, B-boss? Ano pong p-problema?" kinakabahang tanong ni Katrina.
"Stop. Doing. That," gigil na sabi ni Algin, may diin ang bawat salita.
"Stop doing what? Wala naman akong ginagawa na makakagalit sa kanya?"
"Yung alin po, sir?" nagtatakang tanong ni Katrina.
"Stop biting your f*cking lips! Nakakadistract!" sigaw ni Algin, kaya napakagat na naman si Katrina sa labi dahil sa gulat.
Iyon na lamang ang tanging narinig ni Katrina bago mabilis na lumabas ng office si Algin. Anong nangyari sa kanya?