CHAPTER 11

2770 Words
Note: This was the time when Xiana needs to go back in the Philippines. TW: Self-harm After Ahren proposed to me, we went to Le Fouquet's to eat dinner. Tahimik kaming kumakain nang mapansin kong hindi mapakali si Delancy. "Del, are you okay?," I tried to caught her attention but I couldn't. "Delancy, you look pale. Del? Are you okay?," Nagkatinginan kami ni Ahren dahil mukhang hindi ako naririnig ni Delancy at kanina pa siya hindi mapakali! Nagulat ako nung bigla na lamang siyang tumayo at nagmadaling lumabas. "Delancy! Where are you going?," I tried to call her pero hindi niya ata ako narinig I'm starting to be scared, hindi naman ganiyan si Delancy. Nakakatakot na dahil baka bigla siyang may gawin, masaya dapat kami ngayon pero parang hindi ko madama ang saya lalo na't nakikita kong ganon ang kaibigan ko. Itinuloy ko na lang kumain dahil sayang naman ang inorder namin. Nagbayad na agad si Ahren kaninang naka order na kami para less hassle daw. "What the fck," Takang tiningnan ko ang fiancé ko nang marinig ko siyang magmura. "Why? Is there something wrong?," "Yes! There is," aniya My brows furrowed. "Sa pagkain mo ba? I can call- "No! I think I know the reason why Delancy's acting weird," he said but my jaw literally dropped by what he said again. "Mason is here," What the hell? Is that so? Kaya ba hindi mapakali si Delancy kanina? Tumingin ako sa kabilang table na medyo malapit sa akin and he really is here... Mason is here. But with whom? And why is he here? Saktong nakita ko na si Delancy kaya naman tumayo na ako at pinuntahan siya. As much as I want to ask her if Mason was the reason why she left, I respect her privacy. "Del, saan ka galing? Ayos ka lang ba?," "Hmm? Ayos lang ako, may tinawagan lang ako saglit," tipid siyang ngumiti "Tara na ba?," tanong ko at tumango naman agad ito. "Ahren! Let's go na," Tumayo rin naman agad si Ahren papunta sa amin. May bahay siya dito sa Paris kaya naman duon na lang kami mag i-stay and of course he has a car here. Mas mayaman pa siya kaysa sa akin, I wonder if we'll have a pre-nup baka kasi gusto ng parents niya na sa kaniya lang talaga ang kayamanan niya. Well, I don't care about his money or what because I have my own. Gusto ko na talagang tanungin si Delancy kung bakit hindi siya mapakali kanina pero pinili ko na lamang manahimik. Ahren and I are talking about the wedding soon while Delancy is just quiet and looking outside the car. "I want it to be a garden wedding, love," I told Ahren. "If it's okay with you?," "What ever you want, babe, as long as you're happy," he intertwined our fingers and I smiled with that. I was about to say something again when my phone rang. I immediately answered it. "Hello?," "Is this Ms. Gonzaga?," "Yes, this is Ms. Gonzaga," I said "I'm sorry to inform you Miss pero may gustong bumili ng lupa ng farm niyo since it is not bought by you or your parents," I am dumb founded with that Anong hindi naman binili ng magulang ko? My dad bought that for me! "What? N-no! My father bought that place," I gritted my teeth "Ma'am, I am really sorry- "Can you please give me some time? Kahit isang linggo lang," I asked the woman "Okay, but it will be better if you can buy it as soon as possible," and she ended the call I wanted to cry but I can't. "Is there something wrong?," "I-i need to go back n-now, yung f-farm ko. Pinaghirapan ko yon," I was shaking upon saying those words "I'll go with you, no buts," mariing sabi ni Ahren I need to ask Delancy if she wants to go back with us. "Delancy, we need to go back to the Philippines. Gusto mo na bang bumalik o dito ka na lang muna?," Nilingon ko si Delancy na nasa back seat Mabilis niya akong nilingon. "Dito na muna siguro ako, magiging ayos din ako, Xiana. Ayusin mo muna ang kailangan mong ayusin at aayusin ko na din ang sarili ko," Wala akong masabi kaya tumango na lang ako. Maybe it's for the best. After we drop Delancy, Ahren immediately book a flight. Inayos na din agad namin ang mga gamit namin para wala na kaming maiwan dito kung sakali dahil mahirap na o kung may maiwan naman kami dito, andito naman si Delancy. "Is she really sure about her decision?," "Of course, this is the right time for her," Hindi na nagsalita pa si Ahren at itinuloy na lang ang pag-aayos sa gamit namin. It was hard for me to go back to Philippines knowing Delancy's situation. But I know that it's for her own good. ***** "Dad, can I talk to you?," I am very furious right now, ayaw kong magsalita dahil baka may masabi akong hindi kanais nais na mga salita pero kailangan kong makausap ang daddy ko. "Y-yes?," He is stuttering, siguro alam niya na ang pag-uusapan namin. "Is it true? Is it... true that you didn't bought that place?," He was caught off guard by my question. "Of course n-not! I bought it!," "Eh bakit may tumawag sa akin nung nasa Paris kami na hindi mo binili ang lupa? And someone wants to buy that land!," I am already shouting "Xiana! Do not talk to your father like that," my mom showed up I laughed sarcastically, so she knows? Ito ba ang pinag-aawayan nila noong picnic? "Wow! Just wow! Alam mo ang tungkol dito, mommy, hindi ba? At yan yung pinag-aawayan niyo ni dad nung picnic," "Hindi- "Don't lie to me! N-narinig ko kayo na nag-aaway noon, now tell me the t-truth," my voice is starting to crack now. "Anak, I-i'm sorry, hindi ko sinasadyang itago sayo ang katotohanan. Natatakot ako na baka magalit ka sa akin- "Dad, ganon ba kababaw ang tingin mo sa akin? Sa tingin mo ba ay hindi ko maiintindihan?," my tears begin to fall. "Bakit naman kayo pa? Sa lahat ng taong magsisinungaling sa akin, bakit ikaw pa? Kayo," My mom started crying and my dad is about to cry but he continued speaking. "Anak, nalulugi na ang business namin ng mommy mo kaya ibinenta ko ang lupa kung saan nakatayo ang f-farm mo. That night when your mom and I are arguing is because of that property, anak I'm sorry," "I-i don't want to talk to y-you," my voice cracked. Tumakbo ako papunta sa kwarto and I heard them calling my name but I didn't look back. I locked my door and started crying. Kasabay ng pag-iyak ko ay biglang bumuhos ang malakas na ulan, ang ulan na nagiging kasama ko sa tuwing nasasaktan ako. Malapit ako sa may bintana at binuksan ko 'yon habang umiiyak. "Why?! Out of all the people, bakit kayo?!," I shouted from the bottom of my lungs. Pagod na pagod na ako sa nangyayari sa buhay ko, I thought I'll be happy after Ahren proposed to me but I... I was wrong. Totoo nga talaga na kapag sobrang saya mo ay hindi maganda dahil magaling bumawi ang lungkot. I am sobbing hard when my phone rang. "H-hello?," "Good evening, Ms. Gonzaga. This is Ms. Enriquez and I want to inform you that someone already bought- "What? Who?," "I'm sorry ma'am but I can't tell you who bought it because he wants it to be a secret," And after that... the call has ended. I don't want to doubt him but I know that he's the one who bought it. "No matter what happen, do not buy that land. I will buy that land because it is mine. Ayaw kong iasa sayo ang problema ko," I told Ahren and he agreed with that. I immediately called Ahren. "Hi love," "Did you bought it?," iyan ang bungad kong tanong sa kaniya. I laughed mentally when he didn't answer immediately. "I told you not- "I just wanted to help you- "Thank you, I appreciate it pero sana hindi mo na binili dahil kaya kong bilhin yon gamit ang sarili kong pera- "Babe, hindi sa lahat ng oras- "Bullshit, Ahren! Akala ko ba napag-usapan natin ang tungkol don? Bakit mo hindi sinunod?," my tears fell down again "I'm sorry- I ended the call. Ayaw kong makausap siya. My parents are knocking on my door but I didn't bother to open it. Ayoko na, pagod na pagod na ako. Gladly, I have a knife here. Mabuti na lamang at hindi ko pa iyon naibabalik sa kitchen. I stood up and went to my bed side table and opened to get my knife. I smiled. I'm sorry. I slide the knife to my wrist where the pulse can be felt then I felt a liquid flowing down. As I continued doing it I felt dizzy and my vision started to be blurry. Third Person's View "Ignacio! Kunin mo ang susi ng kwarto ng anak mo!," sigaw ng ginang dahil kinakabahan na siya. Kanina niya pa sinusubukang buksan ang pintuan ng kwarto ni Xiana ngunit hindi niya ito mabuksan dahil naka lock ang pinto. Dali-dali namang kinuha ni Ignacio ang susi ng kwarto at tumakbo paakyat. Kinuha naman agad ni Xienna ang susi sa asawa upang mabuksan na agad ang pintuan nang bigla ring dumating si Ahren. Humahangos siya nang makarating sa may kwarto ni Xiana. "Tito, tita, where's Xiana?," "Nasa loob ng kwarto... hindi niya binubuksan ang pintuan ng kwarto niya," sagot ni Ignacio Pumalikod muna ang dalawa nang mabuksan na ni Xienna ang pintuan... Ito ang unang beses na may ganitong nangyari sa pamilya Gonzaga. Pagkabukas ni Xienna ng pintuan ay ang pagguho naman ng mundo niya sa nakita. "Xiana!," Agad na na-alarma ang dalawang lalaki sa pagsigaw ng ginang. "Ivelisse/Xiana!," sabay na sigaw ng dalawang lalaki ng makita ang walang malay na Xiana na nakahandusay sa sahig at may mga tulo ng dugo sa sahig. Agad na binuhat ni Ahren ang fiancé para maisugod na sa hospital habang ang ina ni Xiana ay nakasunod at tahimik na umiiyak. Pagkarating nila sa hospital ay agad naman itong inasikaso ng mga doctor, isa na duon si Dr. Ashford na doctor din ng pamilya Buenaventura. She was being check by the doctors while her parents and her fiancé are silently praying for her safety. And after they finished praying, Dr. Ashford suddenly shows up. "Doc, how's my daughter?," Xiana's mother is crying "She's stable now, just wait for her to wake up and stay for awhile here so we can check her vitals. Madami ring nawalang dugo sa kaniya at mabuti nadala niyo agad siya dahil baka mas dumami pa ang dugong nawala sa kaniya," paliwanag ng doktor "Thank you, Dr. Ashford," They're all inside Xiana's private room and waiting for her to wake up when the door opened and it was Delancy who opened it. "Tito, tita, how's Xiana?," "She's okay now, kailangan niya lang muna mag stay dito para ma-monitor siya," Xiana's father answered "Ano po bang nangyari?," umupo na rin si Delancy sa vacant seat Ignacio was hesitant at first but he tells Delancy the reason. Duon na lamang napaisip si Delancy na hindi talaga biro ang pinagdaanan ng kaibigan niya dahil nagawa niyang saktan ang sarili niya. At higit sa lahat, ngayon pa sila nag-away ni Ahren kung kailan engaged na ang dalawa. Hindi naman sa nag o-overthink si Delancy pero paano kung biglang umatras ang kaibigan niya sa alok na kasal ni Ahren? Ipinilig ni Delancy ang ulo niya para hindi na muli siya makapag-isip ng mga ganong sitwasyon. Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin nagigising si Xiana at nakatulog na rin ang mga kasama niya nang biglang dumating si Ahren na may dalang paper bag na naglalaman ng mga pagkain. Inilapag niya ang paper bag sa lamesa at inilabas isa-isa ang mga laman nito. There was different kinds of fruits just like apples, oranges, grapes and bananas. Bigla namang kumunot ang noo ni Delancy at unti-unting nagmulat ng mga mata. Nanlaki ang mga mata nito ng bumungad si Ahren na nag-aayos ng mga pagkain sa lamesa pero hindi lang dahil duon, nakita niya rin ang taong nais niyang taguan. Nang maramdaman niyang lilingon ang tao ay agad niyang ipinikit ang mga mata niya. At tahimik siyang nakikinig sa pinag-uusapan nung dalawa. "Did you talk... already?," rinig niyang tanong ni Ahren sa kasama nito Matagal bago nakasagot ang kasama ni Ahren, muntik nang bumuntong hininga si Delancy mabuti na lang at napigilan niya dahil baka matigil ang pagiging marites niya. "N-not yet... but I saw her in Paris," "And now you just admitted it, ikaw talaga 'yong nakita namin at kaya siguro hindi siya mapakali ay dahil nakita ka niya," Ahren scoffed Delancy wanted to laugh but she couldn't. "Bro, I was with her cousin- "Cousin? What are you planning, Mr. Rodriguez?," Nanlaki ang mga mata ni Mason dahil sa tanong ng kaibigan niya. "What? I'm n-not planning a-anything!," Natawa ng malakas si Ahren bago niya napagtantong may mga kasama pala siya sa loob ng kwarto. Agad niyang tinakpan ang bibig niya. He cleared his throat. "Really? You look pale, stupid! Do you ever think that I can't read what you're planning to do?," "Okay fine! Gusto ko lang naman na makapag-usap kami ng maayos ni Del, so I talked to her cousin since I saw him in Paris," ani Mason. "And yes, I was following her," "You stupid stalker!," "I'm not a stalker, bro, I just want to know how is she," "You can just ask her friend or you can just ask me, pwede ko namang tanungin kay Ivelisse kung kumusta na si Delancy," Ahren told his friend Slowly, Delancy's tears falls down. "Hindi ko alam kung paano ko tatanungin si Xiana, baka galit siya sa akin dahil nasaktan ko ang kaibigan niya. Xiana treasures her so much. Noong nakita ko kung paano nagalit si Xiana kay Demetrius ay dumaloy ang takot sa buong sistema ko. Ayaw ko namang magalit din si Xiana sa akin pero ngayon, kaya kong tanggapin ang galit nilang dalawa sakain lalo na at ako naman ang may kasalanan at nasaktan ko si Delancy," mahabang paliwanag ni Mason at mas lalong gustong umiyak ni Delancy dahil sa mga narinig niya. "Ang gago ko sa parteng 'yon na hinayaan ko ang sarili kong makasakit ng babae. Hindi ganoon ang itinuro ng mga magulang ko sa akin, ang sabi ng mga magulang ko lalo na ang daddy ko ay huwag na huwag akong mananakit ng kapwa ko, mapa babae man o lalaki dahil parehas lang naman kaming tao," Tahimik lamang na nakikinig si Ahren sa mga sinasabi ng kaibigan niya dahil ito ang unang beses na ganito kahaba ang sinasabi niya. "Bro, I don't know what to do anymore. Nag book agad ako ng flight pabalik dito nang malaman ko sa pinsan niya na bumalik ulit siya dito dahil nabalitaan niya ang nangyari kay Xiana, hindi niya din naman daw inakala na magagawa 'yon ng kaibigan niya," Ahren looked away because he knows that he has a fault too. "May kasalanan din naman ako kung bakit ginawa niya 'yon, we talked about her problem about the land. She told me not to buy that land because she wanted to buy it with her own money, pero ako 'tong makulit, binili ko pa rin at nalaman niya 'yon. Hindi ko naman inakalang magagawa niya 'yon, sinubukan ko siyang tawagan ng tawagan nung binaba niya ang tawag pero hindi ko na siya matawagan kaya agad akong pumunta sa bahay nila dahil kinakabahan na ako... and I was right with what I thought," Parehas silang natahimik samantalang ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Delancy na tumulo galing sa mga mata niya ay tuluyan nang tumulo. Mason noticed it. "She's c-crying," unti-unting lumapit si Mason kay Delancy bago haplusin ang buhok nito. "I'm sorry, love, if you can't forgive me... I'll accept that because I know that it is my fault. I need to go now, babalik na ako ng Paris. Andun lang ako at babantayan kita kahit saan ka man magpunta, kung kailangan kitang sundan ay gagawin ko din basta alam kong ayos ka lang at walang masamang nangyayari sayo. Kung magkasakit ka man, kung kailangan kitang alagaan ng patago ay gagawin ko. I love you... sa muling pagkikita ulit natin, sana sa muling pagkikita natin ay sumang-ayon na ang tadhana at oras sa atin," aniya at hinalikan ang noo nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD