Dumako ang tatlong heneral pabalik sa kapitlyo upang ipakilala si Heneral Quintana sa ibang opisyales at doon na rin magalmusal. Ngayon ay nasa isang parehong silid sila kung saan nagkaroon sila ng pagpupulong ng kanilang Hari kagabi. Pare-pareho silang nakaupo sa eleganteng mga silya na pinagigitnaan ng isang bilog na lamesa. Maraming pagkain ang nakapatong rito katulad ng pancakes, bacon, strawberries, gatas, tsaa, at nilabong itlong. “Kailan ko makakausap ang Hari?” tanong ni Heneral Quintana habang ngumunguya. "Ipapatawag ka niya mamaya sa kanyang palasyo,” sagot naman ni Heneral Naga. Isang masayahing tao si Heneral Quintana para kay Eli. Kampante ang lalaking ito sa buhay na mayroon siya at sa kung ano man ang ginagawa niya. Hindi siya katulad ni Heneral Naga na may iisang prinsi

