ELOISA

1582 Words
Hating gabi na nang nakauwi ang heneral sa kanyang tahanan. Ang unang bagay na ginawa niya ay ang maligo at magbabad sa kanyang bath tub. Sa ganitong paraan ay nakakapag-isip at nagiging kalmado siya. Ito ay isang bagay na ginagawa niya bago matulog dahil ito lang paraan para sa kanya para makaramdam siya ng antok. Nakatitig siya sa puting ilaw at ginagawa niya ito madalas dahil para bang humihiwalay ang ang kanyag diwa sa kanyang katawan hanggang makirinig siya ng boses sa kanyang kahapon. Hindi lahat ng katotohanan ay nakikita sa liwanag. Bigla niyang naalala ang boses ng kanyang ama at hanggang ngayon ay hindi niya nakakalimutan ang aral na ito na itinuro niya sa kanya. Hanggang ngayon ay totoo pa rin ang ideyang ito sa buhay niya. Para sa kanya ang katotohanan ay hindi ang mga karanasan na nagpapasaya sa atin kundi ang mga bagay na ayaw nating tanggapin. Ayaw nating tanggapin dahil kapag ginawa natin ay ikakasira natin ito. Katulad ng pagtataksil at katulad ng kamatayan. Pumikit si Ralph at saka muli siya nagmulat. Mahigit isang oras na rin siyang nakababad sa tubig at naisip na niyang umahon. Agad siyang nagtuyo ng kanyang basa na katawan at lumabas siya sa pinto. Unang bumungad sa kanya ang kanyang asawa na si Eloisa. Mahimbing siyang natutulog ngayon pero hindi na ngayon dahil nandito na Ralph ngayon. Ito ang gabi ng kanilang tagumpay ngayon dahil sa Advent Season at kailangan nilang magdiwang. Kailangan niyang magdiwang. Agad lumapit si Ralph sa kanyang magandang asawa at hinila niya ito sa kanyang kamay upang makabangon. “Bumangon ka,” utos ni Ralph nang bumubulong. Maganda ang kanyang asawa na nasa edad trenta lang rin. May mahaba siyang buhok na palaging malambot  at tuwid. Medyo singkit ang mga mata niya na unang nagustuhan ng heneral sa kanya. Matangos ang ilong at may mapupulang mga labi. Kayumanggi ang kompleksiyon ni Eloisa at may maganda siyang hubog ng katawan. Katamtaman lang ang laki ng kanyang dibdib ngunit perpektong bilog at hindi pa lumalawlaw. Nakasuot siya ngayon ng isang kulay pulang pantulog. Nang makabangon si Eloisa ay agad siyang nakatanggap ng isang suntok sa tiyan muli kay Ralph. Napaupo siya sa kama. Namilipit si Eloisa dahil sa sakit niyang naramdaman. Gusto niyang sumigaw pero kapag ginawa niya ito ay mas masahol pa rito ang kanyang aabutin. “Ralph. Please,” nagsusumamong sambit ni Eloisa pero alam niyang hindi ito eepekto sa kanya ngayon. Hindi sa ngayon. Pagkatapos ay nakatanggap naman siya ng isang malakas na sampal sa kanyang kaliwang pisngi. Tumumba siya hanggang mapahiga muli siya sa kanyang kama. Hanggang dumugo ang kanyang mga labi. Pinunit ni Ralph ang damit na suot ni Eloisa hanggang makita niya ang hubad niyang katawan. Dito na pumatong ang heneral sa kanyang asawa. Sinampal niya muli si Eloisa at saka niya hinalikan ito sa mga labi kahit na nagdurugo ang labi nito. Tumigil sa paghalik si Ralph at tinititigan niya ang kanyang asawa. Ngumiti siya. “Bakit mo ako binigyan ng isang anak na demonyo ha?” tanong ni Ralph. Alam niya na hindi rin alam ni Eloisa ang isasagot niya tungkol dito pero gusto pa rin niyang itanong ito ng paulit-ulit. Hindi siya magsasawa hanggang malaman niya ang katotohanan na nakatago rito. “Hindi ko alam Ralph. Hindi ko alam,” umiiyak na sambit ni Eloisa. “Bigyan mo ko ng lalaking anak!” sigaw ng heneral. Sinampal niya muli si Eloisa hanggang dito na siya pumasok sa kanya. Sa gabing iyon ay hindi nakikita ni Ralph ang kanyang asawa. Nakikita niya ang babaeng pinatay niya kanina at meron pang isa. Nakikita niya sa mukha ni Eloisa ang nurse na si Mara Gonzales. Madaling araw na nang nagising si Eloisa na masakit ang kanyang katawan. Katabi niya pa rin niya ngayon ang kanyang asawa na naka-hubad. Mahimbing siyang natutulog habang humihilik. Kahit ilang oras na siyang nakatulog ay nararamdaman pa rin niya ang kirot sa suntok at mga sampal na ginawa sa kanya ni Ralph. Dahan-dahan siyang bumabangon sa pangambang baka magising niya ang kanyang asawa. Asawa pa ba talaga niya ang kasama niya ngayon? Hindi niya alam kung may natitira pa ba siyang pagmamahal sa kanyang asawa. Kung may isang bagay na pinanghahawakan niya kung bakit niya pinipili na manatili sa piling ni Ralph ay dahil ito sa pangako niya bilang asawa. Sa katunayan naman ay kahit gustuhin man niyang maging malaya sa piling niya ay hindi niya magagawa. Wala siyang kakayanan na iwanan siya. Tanging kamatayan lang ang magpapahiwalay sa kanya kay Ralph. Pinaulit-ulit siyang binantaan ng heneral na sa oras na mag desisiyon siya na makipaghiwalay ay kamatayan ang ibig sabihin nito para kay Eloisa. Walang makikinabang sa kanya kundi si Ralph lamang. Habang iniisip niya lahat ito ay agad na umagos ang luha sa kanyang mga mata. Tumayo siya ngayon upang kumuha ng tubig na maiinom. Paika-ika siyang naglalakad dahil sumasakit ang kanyang sikmura kada apak niya sa sahig. Hindi ganitong lalaki ang minahal niya labing dalawang taon na ang nakakaraan. Isang mapagmahal at mabait na lalaki si Ralph. Isang marangal siyang sundalo, asawa at maging isang anak. Alam na niya dating may matindi siyang galit sa mga subhuman, at sino ba naman ang hindi? Naiitindihan niya ang lahat nang galit na mayroon ang asawa niya sa mga subhuman. Dalawampung taon na ang nakakalipas ay namatay ang kanyang mga magulang dahil sa mga terorista na umatake sa siyudad. Tinatawag nila ang grupo nila na Zion. Ang kanilang pinuno ay isang Akuma at marami siyang napatay nang araw na iyon kasama na ang mga magulang ng kanyang asawa. Ito ang dahilan kung bakit niya piniling magtrabaho sa militar hanggang makarating siya sa kinatatayuan niya ngayon. Parehong dahilan rin dahil isang doktor naman si Eloisa. Nagtatrabaho siya noon sa gobyerno sa Test Center kung saan parte siya sa mga experiment na ginagawa sa mga subhuman upang mabilis silang mapuksa. Dahil sa iisang layunin ay nagkaroona sila ng malalim na interes para sa isa’t-isa. Hanggang ang interes na iyon ay nauwi sa pagmamahalan. Para kay Eloisa ay ito ang pinaka masayang parte nang buhay niya, ang makilala ang isang taong mamahalin niya ng lubusan at mamahalin rin siya pabalik. Pero bakit ba tila’y ang pagmamahal ay laging may katapusan? Halos labing dalawang taon na ang nakakalipas nang magbago ang lahat sa mga buhay nila nang magkaroon sila ng anak na isang subhuman. Hindi nila sinasadya na manganak siya sa panahon ng Advent Season dahil nagkaroon siya ng premature birth na sumakto sa mismong ikadalawampu’t lima ng Agosto. Alam niya at isinumpa niya na ginawa niya ang lahat upang pigilan ang kanyang panganganak sa araw na iyon. Pero para bang sinasadya ng tadhana na mangyari ito sa buhay niya. Nangyari ang lahat nang nangyari at lumabas ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan bilang isang Akuma. Ang pinaka-delikado sa dalawang klase ng subhuman. Hindi matanggap ni Ralph ang nangyari at ganito rin ang sitwasiyon para kay Eloisa. Ang malala pa sa kanilang sitwasiyon ay hindi nila mahanap ang Jinzo ng kanilang anak. Walang ipinanganak na Jinzo nang araw na iyon na nasa puder ng gobyerno ng Magwayen. Hindi rin nila ito mahanap sa kahit na anong parte ng siyudad. Kung kaya hindi nila mapatay ang kanilang anak kahit na anong gawin nila hangga’t hindi nila nahahanap ang Jinzo nito. Kaya napilitan sila na ikulong ang kanilang anak kasama pa ng ibang mga Akuma na mga bilanggo sa Test Center. Tila’y unti-unting bumabagsak ang kanilang mundo habang tumatagal ang bawat panahon na nabubuhay ang kanilang Akuma. Sa loob ng isang dekada ay dito na lahat nangyari lahat ng pagbabago kay Ralph. Pinili ni Eloisa na magretiro sa kanyang propesiyon dahil hindi niya makakayang gawin ng maayos ang trabahao niya. Ito na rin ang simula sa pagbabago sa kanilang relasiyon. Nagsimula ang lahat sa paninisi niya kay Eloisa na tinatanggap niya sa araw-araw mula ng ipinangak ang kanilag anak. Hanggang madagdagan ito ng pagmumura. Hanggang ang pagmumura ay madagdagan ng mga sampal. Hanggang ang mga sampal ay naging mga suntok. Magkagayunman ay naniniwala pa rin siya na balang araw ay magbabago muli si Ralph sa kung sino siya dati noon. Dahil naniniwala siya na mahal pa rin niya ang kanyang asawa hanggang ngayon at mahal pa rin siya nito kahit papaano. Naniniwala siya na may pagasa pa na maisalba ang kanyang asawa at dahil ito sa kanyang pagmamahal. Kahit na pakiramdam niya ngayon ay unti-unti na siyang nauubos dahil sa pagasa na iyon katulad ng isang kandila. Naiitindihan ni Eloisa ang lahat ng parte ng pinagdaanan ng kanyang asawa. Hindi matanggap ni Ralph na bilang isang sundalo sa gobyerno ay darating ang ganitong trahedya sa kanya. Ang kanyang nagiisang minahal na tadhana na sugpuin ang mga subhuman sa bansa at ang pagkakaroon niya ng dignidad dahil dito. Ang hindi lang niya maitindihan ay kung bakit siya palagi ang sinisisi ni Ralph sa pagkakaroona nila ng anak na isang Akuma. Hindi rin naman niya ginusto ang lahat ng nangyari. Sa kabilang banda ay hindi pa rin niya maiwasang tanungin niya ang sarili niya sa mga bagay-bagay. Bakit  nga ba naman sila pa ang binigyan ng isang anak na isang Akuma? Tila’y mapaglaro nga ang tadhana sa kanilang dalawa. Umupo si Eloisa sa upuan kaharap ng lamesa habang may hawak siyang isang baso ng tubig. Hindi pa rin tumitigil ang mga luha niya. Napansin niyang unti-unti ng sumisikat ang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD