MAS MATIMBANG ANG PANGHIHINAYANG KAYSA SA KAMATAYAN

1097 Words

Gumising si Cyran at agad siyang nakaramdam ng gutom. Sa kanyang paggising ay agad niyang nakita si Eli na nakaupo malapit sa pinto habang nagbabantay sa kanya. Nakasuot na ng kanyang uniporme ang heneral at hawak-hawak niya ngayon ang kanyang tungkod. “Kamusta pakiramdama mo?” tanong ng Heneral sa kanya. “Ayos lang naman ako,” malumanay na sagot ng binata dahil iyon talaga ang nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam ba niya ngayon ay para bang bangungot lang ang nangyari sa kanya kahapon. Pero kahit papaano ay naibsan ang kanyang dinadalang pangamba at kalituhan. Ngayon ay para bang may munting liwanag na tumagpo sa kanyang kaluluwa na dahilan upang siya ay maging kalmado. Kahit papaano pala ay ang pagtulog ay nakakatulong upang maibsan ang desperasiyon. Totoo nga ang kasabihan na an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD