Kabanata 33 Nanlulumo akong tinignan si France palabas ng bahay. Umiiyak siya at alam ko iyon. Tumingin ako kay Austin na ngayo'y nakatingin lang sa kawalan at parang wala sa wisyo. "I-im sorry.." bulong ko. Dahan dahan siyang napatingin sa akin. Lumbay at sakit lang ang dumadaan sa mata niya at parang sinasaksak ako sa tinginan nyang iyon. "T-tama siya. Dapat di nalang ako bumalik at baka masira kita.." Nakatingin parin siya sa akin at parang walang balak sabihin na kung ano. Gumuguhit parin ang sakit sa dibdib ko at walang tigil Ito. Humakbang ako papaatras at hinang hina lang siyang tumingin sa akin. "Mahal na mahal kita eh.." I bit my lower lip. "K-kaso baka hindi talaga.." Yumuko ako at tuluyan nang tumalikod para umalis pero isang hakbang palang ang nagagawa ko ay may

