Chapter 8

791 Words
Kabanata 8 "Shaina, pakibigay naman sa Kuya mo tas yung isa kay Austin. Sabihin mo goodluck sa game bukas!" "Ito para kay Warren tas Rhys, yung nakabox naman kay Gabb!" "Ito rin, Shaina. Ingatan mo medyo babasagin!" "Bigay mo kay Austin toh ah! Baka kunin mo." Napasimangot na lamang ako habang tinitignan ang sandamakmak na kahon sa aking desk. Yung ibang kaklase kong babae at taga ibacg section kasi ay nagbigay ng mga regalo, dahil siguro'y malapit na ang University cup namin which is naglalaban laban lahat mula High school hanggang college. Goodluck gifts ba talaga ito? Kinuha ko ang isang chocolate at walang pasabing kinain ko Ito. Nagugutom ako pero hindi parin matapos tapos ang klase. Papakuha ko nalang sa driver ang mga regalo. Tinignan ko si Nelly, isa sa mga kaklase ko. Nakangiti siya habang nagbabasa ng Kung anong storya sa libro. "Ano yan?" Naramdaman ko na halos mapatalon ito sa gulat. Ngumiti ito at di inaasahan ang pagtanong ko. "N-nag babasa lang. Gusto mo hiramin?" Napaisip ako bago tanggapin ang libro. Wala talaga akong magawa sa buhay ko ngayon kaya mabuting napapawala ko ang stress ko sa mga ganitong bagay. Ngumiti ako at tinanggap ang librong kanyang binabasa. Hindi ako nakinig sa klase at buong araw binasa kolang Ito. Nakakatuwa at nakakaaliw ang istorya. Binalik korin kaagad ang libro dahil mabilis ko itong natapos para ngang gulat pa si Nelly dito. "Tapos mona?" Tumango ako. "Oo e." "Ambilis mo naman magbasa!" "Hindi korin napansin kasi masyado kong naenjoy, salamat.." Ngumiti na lamang ito sa akin. Tumawa lamang ako at kinuha ang aking bag. Break naman kaya lumabas muna ako ng room sa hallway ay nakasalubong ko sila Dani at France. "Shaina!" Parehas nila akong niyakap na para bang antagal naming hindi nagkita. Kumunot ang nuo ko at tinaggal ang yakap nila. "Nag alala kami! Bakit nawala ka sa bar non! Alam mobang halos tumawag na kami ng pulis!" Si Dani. "We are so worried that time, Shaina! Kung di lang nagsabi yung isang bouncer na napaaway ka at si Au-" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni France at pinandilatan siya dahil sa sobrang lakas ng boses nito. "Can you shut up? Maraming tao sa hallway!" Mahinang singhal ko. Tumango si France na parang natauhan at hinawakan ang braso ko. Hinatak nila akong dalawa at nagtungo sa cafeteria. Kapwa pa silang naeexcite. "Can you tell us what happened that night?" Curious na sabi ni Dani. I rolled my eyes. Kwinenento ko sa kanila ang bawat detalye ng nangyari nung nakaraan. Kapwa silang nagulat dahil sa kwinento ko. Nakwento korin ang pagdating ni Austin at ang deal namin. Medyo nakita kopa ang pagkatakot nito ng sabihin kong pag nalaman Ito ni kuya ay baka di na sila papuntahinn sa bahay. May mga ilang di ako sinabi dahil sa kahihiyan. Naalala ko tuloy ang pagiging seryoso ni Austin non. Hindi ko alam pero may kung anong bumabagabag sa akin. Ngumiti ako ng maalala iyon. Hindi ko alam pero bakit ganito nalang ang nararamdaman ko? •••• Kumaway ako parehas kay Dani at France dahil sabay itong umuwi. Kakatext kolang sa driver ko na bago pumunta rito sa parking lot at kunin muna ang mga gamit at regalo sa classroom pero sa ngayon ay di parin siya nagrereply. "Tagal naman." Angal ko. Tumingin ako sa aking relos at pasimpleng pinagpag ang aking palda. Medyo nilalamig na ang aking legs pero dahil mahaba naman ang medyas ko ay nababawasan ito. Pasalamat rin ako dahil coat itong pantaas namin. Napatigil ako dahil may biglang humintong itim na sasakyan sa aking harapan. Bumaba ang bintana nito at nanlumo sa aking nakita. Autimatikong umirap ang aking mata at ngising tumingin siya sa akin. "Sakay na." Ngisi nyang sabi. "No thanks. I'm waiting for my driver." "Ako ang magsusundo sayo. Wag ka ng makulit, okay?" Iritable naman nyang sabi ngayon. "I don't think so. Hindi ka katiwa tiwala." Nakita ko ang pag ka inis sa kanyang mukha at mas lalo itong naging madilim. Bigla akong napaatras dahil sa pagkalas nya ng seatbelt at paglabas nito sa kotse. Halatang pauwi narin siya galing klase dahil naka college uniform pa Ito. "Hoy bata. Pumasok kana kung ayaw mong ako pa mismo ang magpapasok sayo." Uminit ang aking tenga dahil duon. Matalim ko siyang tinignan. I bit my lowerlip bago dahan dahan siyang tinignan. "Bata? Ako? bata?" Liit mata kong sabi. "Ikaw lang naman ang kausap ko." Maikli at Walang pake nyang sabi. Nagpigil ako ng aking sarili bago humugot ng hininga at peke siyang nginitian pero naglaho rin at padabog akong tumungo sa kanyang kotse. "Fine." madiin kong sabi. Pumasok narin Ito sa driver seat. "Papayag rin pala pinatagal pa.." Bago iyon ay nakita ko ang kakaibang ngisi sa kanyang labi. Nagiwas na lamang ako at itinuon ang tingin sa mga naglalakihang gusali sa labas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD