Chapter 7

803 Words
Kabanata 7 Sobrang banas parin ako kay Austin matapos niya akong lokohin. Di pala totoong may girlfriend ito at paraan lang para asarin ako dahil duon ay halos takbuhin ko Ito sa buong mansyon para lang mahabol dahil sa sobrang kahihiyan kung ano ano pa naman yung sinabi ko na puro kadramahan. Akala ko talaga ay seryoso Ito sa mga sinabi niya dahil bawat salita nito ay tagos sa puso. Kaya naiinis talaga ako sa kanya dahil sa pangaasar nito sa akin. Napahawak ako sa aking pisngi sobrang init parin nito. I bit my lower lip habang finofocus ang pag vivideo sa kanila. Hindi ko maifocus ang video dahil laging tumitingin si Austin sa camera at ang malala ay parang tagos pa Ito at dumederetso sa akin. Nanginginig pa ang hawak ko rito. Bakit ba kasi ako pa ang inutusan nila kuya para mag video? "Lil' sis! Mag film ka sa ibang side wag puro kay Austin!" Ani ni kuya. Duon kolang narealize na kay Austin lang pala nakatungo ang camera at ilang oras nayon. Nakita ko ang ngisi nya habang inaayos ang mic. "Ulitin nalang." Seryosong sabi ni Rhys. Bumagsak ang balikat ko at pwumesto naman sa gilid para mag vid duon ako pwumesto sa harap ni Rhys. Sumulyap siya sa akin kaya napangiti ako, ganun din ang ganyang ginawa habang nag dadrums. Habang patagal nang patagal ay nangangalay ako kaya hindi ko maiwasang manginig. Ilang kanta rin Yung finilm ko! Nagpalakpakan si Gabb at Warren matapos ang kanta. Silang dalawa lang talaga ang pumalakpak at agad na bumaba ng stage para lantakan ang pizza. Pinunasan ko ang aking pawis at binaba ang camera. "Tired?" Nasa aking harapan ni Rhys habang inaabot ang mineral water sa akin. Kinuha ko iyon at agad na ininom tumawa lang siya at tumingin sa akin. Medyo nahiya tuloy ako kaya pinunasan ko ang pawis ko. "Haggard naba ko?" Mahina kong tanong. Umiling siya at tumawa. Hindi ko narinig ang huli nyang sinabi pero natitiyak ko na meron itong nabanggit hindi ko na lamang pinansin at napatingin sa banda nila Austin. Halos mapatalon ako sa gulat ng makitang nakatingin rin siya sa aming gawi, seryoso at nakakunot ang mga nuo pero agad rin nyang binawi Ito at tumingin kay kuya. Problema na naman nya? Diba dapat ay ako ang nanaray sa kanya? Dahil nabanas ako ay padabog akong tumayo at lumabas sa rehearsal room. Narinig ko ang pag tawag sa akin ni Rhys pero di na ako lumingon. Pumasok ako sa aking kwarto at binuksan ang iPhone ko. Nakita ko ang iilang messages ni Dani at France mula kanina na nag aalala parin dahil ang huli kong message ay 'Good Night' hindi ko muna sila  nireplyan at pinatay ang aking phone. Tumingin ako sa ceiling at nagisip kung anong magandang gawin ngayon. Minsan talaga ay di ko maisip kung ano ba talagang ugali meron si Austin na iyon, i mean kakakilala lang namin pero sobrang bipolar niya. "And i hate bipolar guys.." Ipipikit ko na sana ang aking mata nang biglang nag beep ang aking phone. Tamad ko iyong kinuha at binasa kung sinong nagtext. Unknown Number: Nasan ka? Kumunot ang nuo ko nang hindi naka register ang number na iyon pero meron sa aking luob na nagtutulak sa akin para replyan Ito. Ako: Who's this? Pano mo nalaman number ko? Are you a stalker? Hindi ito nakapag reply agad kaya naisip ko na baka na wrong send lang pero duon ako nag kakamali dahil tumunog muli ang phone ko. Unknown Number: Austin. Napatayo ako. Ako: Austin? How did you know my number? Unknown Number: Sa Kuya mo hiningi ko. Ako: At binigay naman nya? Unknown Number: For a purpose, Shaina. Ako: Hell i care! It's my privacy. Burahin mo number ko, swear di moko magugustuhan magalit. Unknown Number: You're brother won't like it either. Mas lalong naginit ang ulo ko dahil sa pinupunto nya. Naalala ko ang deal na hindi konga pala siya pwedeng awayin kundi ay sasabihin nya ang nangyari kagabi kay kuya. Binalibag ko ang phone ko sa kama at ginulo ang aking buhok. Nakakainis talaga. Ilang sandali lang ay tumunog ulit ang phone ko at makitang siya na naman ang nag text. Unknown Number: Just joking, baka magwala ka dyan sa itaas haha. Pumikit ako ng mariin at pinigilan ang pagsigaw. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago tuluyang patayin ang phone at buksan ang Mac book ko. Gusto kong magsulat sulat muna pero bago iyon ay nag browse muna ako sa mga social media ko para active ren dahil this past days ay di na ako nakakapag open ng mga accounts ko dahil medyo busy sa school at kay kuya. Biglang nag pop out ang isang notification kaya agad ko siyang binuksan. Napatigil ako sa nakita. Austin Del Mitario added you as a friend. oh come on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD