Kabanata 3
Halos di ako makahinga ng maayos nang iwan ako ni Austin magisa sa kusina. Sobrang init parin at tingin ko'y lahat ng dugo sa aking katawan ay napunto sa ulo. Nakakainis siya yung mukha nya gustong gusto ko masuka habang sinasabi nya yon. Di parin ako makakalma dahil habang sobrang lapit ng kanyang mukha ay di ako makagalaw at sobrang napapako ako.
Hindi dahil sa nahihiya o may ano kong nararamdaman ay kung hindi dahil sa galit at pagkamuhi ko sa kanya.
"Did he just said that I'm cute?"
Should I be glad if that's a compliment or way nya lang ng pangaasar yon?
Niyukom ko ang aking kamao at padabog na lumabas ng kusina.
"Nakakainis talaga siya!" Ginulo ko ang aking buhok at pumadyak.
••••
Binabantayan ang bawat galaw ni Austin at napapansin ko na sobrang napapalapit ito sa grupo mas lalo ay kay Kuya Uno. Habang nag tatawanan sila ngayon ay parang gusto kona lamang siyang hablutin at ihiwalay sa kapatid ko.
Humalukipkip ako at sumandal sa isang tabi habang nakakunot ang nuo. Sumusulyap sulyap siya sa aking banda at palaging ngumingisi at syempre napapainit niya ang ulo ko dahil duon.
Kinalabit ako ni France.
"Huy Shai! Kinakabahan ako sayo para mong sinusunog sa paningin mo sa Austin."
"Ako? Sinusunog siya? Hindi ah!" Pagtatanggi ko.
"Sama kasi ng tingin mo!"
Nagsimula na muli siyang umakyat at tumugtog. Sinundan ko siya ng tingin.
"Hindi kolang siya sinusunog, pinapatay ko pa siya.." bulong ko.
"What did you say?" Ani ni France.
Umiling ako. "Nothing."
Habang nasa gitna ng panunuod ay biglang tumunog ang aking cellphone. Rumehistro dito ang pangalan ni William, Isa sa makukulit na lalakeng ayaw tumigil sa akin. Agad akong napairap at walang ganang sinagot ito.
"What?" Walang ganang sabi ko.
"Are you free tonight? Let's meet."
I sighed. "No.
"Hindi pwede. Hindi ako papayagan ni Kuya."
Biglang sumulyap sa aking gawi si Austin tumaas ang kilay ko sa kanya at tumingin sa ibang banda kung saan ay iwas dito.
"I'll pick you up. Please just this once, Honey. I miss you.."
"Can you stop, William? Wala ka ring mapapala. Hindi kita gusto."
Agad ko siyang pinatayan at itinago ang phone ko. Huminga ako ng malalim bago muling humarap at laking gulat ko dahil nagtagpo ang tingin namin ni Austin bakas na dito ang pagiging seryoso niya. Nagiwas ako ng tingin at bumalik sa aking inuupuan.
Hindi ko maistorbo si Dani at France dahil parang lumulutang sila sa ere habang nanunuod.
Panget ng boses ni Austin.
Paulit ulit kong binabanggit sa utak ko para maiwasan ang pakikinig. Kaya finocus ko nalang ang tingin ko kay kuya, rhys, gabb at warren. They're amazing and suddenly namimiss kona ulit si Oliver. Feeling ko without him sobrang incomplete ng The Trivalz.
I feel bad about him, i mean singing is his passion and bigla nalang naglaho lahat dahil sa business. Kahit naman sila mommy and daddy ay medyo nahihirapan dahil si Kuya Uno lang ang nagiisang lalake sa pamilya at masyado pakong bata para ipasa ang business sa akin.
Bukod kay Kuya ay si Ate Stacey lang ang kasama ko palagi. She's my favorite cousin.
Her passion is modeling at sobrang inaadmire ko si Ate Stacey dahil duon.
Napapangiti ako sa aking iniisip at nawala lahat ng negativity.
Tuwing naiisip ko ang mga taong mahalaga at importante sa akin ay parang nawawala lahat ng problems ko, ganun nalang sila kaimportante. Without them i feel lost.
••••
Hindi kona tinapos ang practice at hinatak ako ng antok kaya pumunta ako sa kwarto ang akala ko'y magigising ako pero sa sobrang pagod ko ay hindi nako nagising. Kinabukasan ay sobrang gaan ng pakiramdam ko at huli na ng malaman na umaga na pala. Nadatnan ko si Kuya sa counter na umiinom ng kape habang harap ang Mac book.
"Hindi moko ginising! anong oras kayo natapos kahapon? Anong oras umalis sila Dani and France? Sinong naghatid sa kahila? God!" Napahilamos ako sa aking mukha.
"Pagod ka kaya di na kita pina istorbo." Maikli niyang tugon.
Umiling na lamang ako at naupo sa kanyang tabi. Kumuha ako ng tubig.
"Are you doing good?" Ani ni kuya.
Tumango ako."Why?"
"Nothing, I'm just thinking if you're doing good this past few months. Hindi na kita masyadong nakakausap. Were both busy.."
"Okay lang naman, kuya. busy lang ako sa school."
Humarap sa akin si kuya at kumunot ang kanyang nuo.
"Can i ask a question?"
"You're already asking a question, Ortega."
Tumingin sa akin si kuya na parang nagbabanta.
"Joke lang kuya! So ano nga yon?"
Huminga siya ng malalim bago inumin ang beer na kanyang hawak. Umagang umaga ay beer na agad ang kaharap niya.
"Kamusta naman si Austin para sayo?"
Napahinto ako sa kanyang tanong. Umagang umaga nga pero ang una ko namang pangalan na maririnig ay kay Austin at siya pa ang topic.
"H-he's good."
"Really?" Tanong nya.
"Fine." I give up. "I hate him kuya! Ibalik mona si Oliver! He's better and best! Ayaw ko dyan sa Austin na yan!"
Huminga siya ng malalim bago ako muling tignan na parang seryoso pero natatawa. Bigla nyang ginulo ang aking buhok at binatukan.
"Magaling si Austin at may potensyal. Maganda ang boses nya at tingin ko matutuwa rin si Oliver kung andirito pa siya. He even said that you're cute and funny." He chuckled. "Pero syempre pinagbantaan ko."
Tinignan nya ako. "Kaya ikaw tigilan mo nayan."